ROMMELJOHNAQUINO2
28,157 views
37 slides
Nov 20, 2022
Slide 1 of 37
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
About This Presentation
Pang uri
Size: 134.44 KB
Language: none
Added: Nov 20, 2022
Slides: 37 pages
Slide Content
Pang- uri
Kahuluga n Ang pang- uri ay salitang nagsasaad ng katangian o uri ng tao , hayop , bagay , lunan atb ., na tinutukoy ng pangngalan o panghalip na kasama nito sa loob ng pangungusap .
Gamit ng mga Pang- uri Bilang panuring ng Pangngalan Mabuting tao ang aking ama . Bilang panuring ng Panghalip Kayo ng mabubuti ay pagpapalain ng Diyos . Bilang Pangngalan Ang mabubuti ay pagpapalain ng Diyos . Bilang Kaganapang Pansimuno Ang aking ama ay mabuti .
Kayarian ng Pang- uri
Kayarian ng Pang- uri Payak Maylapi Inuulit Tambalan
Payak b inubuo ng salitang walang panlapi o salitang likas ang pagiging pang- uri Halimbawa : p ayat na lalaki Itim na prutas Isa ng bandila
Maylapi b inubuo ng salitang-ugat na may panlapi ( panlaping makapang-uri ) Ang sumusunod ang pinakagamiting panlapi : ka -, kay -, ma-, maka - at mala- Halimbawa : k alahi ng Pilipino k ayganda ng tanawin m akakalikasan g mamamayan m aladiyosa ng kagandahan
Inuulit s alitang-ugat o salitang maylaping may pag-uulit Halimbawa : Pag-uulit na Ganap p uting-puti ng kasuotan m agandang-mandang sayaw Pag-uulit na Di- ganap m aliliit na puno Mabubuti ng kaibigan
Tambalan b inubuo ng dalawang salitang pinag-isa Halimbawa Karaniwan t aus-puso b ayad-utang Patalinghaga k alatog-pinggan
PAGSASANAY TUKUYIN ANG PANG-URI SA LOOB NG PANGUNGUSAP AT URIIN ITO AYON SA KAYARIAN.
Ang guro natin sa Filipino ay galit na. Ang bunso naming kapatid ay malaanghel . Bagong kahoy ang ginamit sa aming bahay . Atras- abante ang kanyang pagdedesisyon . Pati mga malalaking bahay ay sinira ng bagyo . Malalawak na lupain ang pagmamay-ari namin . Ang taong nakita ko sa Estados Unidos ay kabayan ko . Totoong mahusay mag-Filipino ang mga mag- aaral namin . Ang agwat ng bahay ninyo sa bahay namin ay malayong-malayo . Nakalulungkot na sa ating bansa ang mga magsasaka ay anakpawis .
KAILANAN NG PANG-URI
KAILANAN NG PANG-URI Isahan Dalawahan Maramihan
Isahan Iisa lamang ang inilalarawan . Ang anyong isahan ay naipakikita sa paggamit ng panlaping pang- isa ; tulad ng ma-, ka -, pang-, atb ., nang walng pag-uulit ng unang patinig o katinig-patinig ng salitang-ugat o walang pandang mga , o iba pang salitang nagsasaad ng bilang na higit sa isa. Halimbawa m agandang bulaklak Kaklaseng babae
Dalawahan Naipapakita ang anyong dalwahan sa paggamit ng panlaping magka -, m agkasing -, magsing -, o sa paggamit ng pamilang na dalawa o ng salitang kapwa . Halimbawa : Magkalahi kami. Magkasinglaki sina Anne at Anthony.
Maramihan Ang anyong maramihan ay naipakikita sa pamamgitan ng pantukoy na mga , sa pag-uulit ng unang patinig o katinig-patinig ng salitang-ugat , o sa pag-uulit ng pantig na ka sa mga panlaping magka - at magkasing -; o sa paggamit ng saling nagsasaad ng bilang na higit sa dalawa . Halimbawa : Magkakalahi ang mga Pilipino.
Uri ng Pang- uri
Uri ng Pang- uri Panlarawan Pamilang Pantangi
Pang- uring Pamilang Pamilang na patakaran o Kardinal Ginagamit sa pagbilang o sa pagsasaad ng dami Pamilang na panunuran o Ordinal Ginagamit sa pagpapahayag ng pagkakasunud-sunod ( ikawalo , pang- una , pangwalo )
Iba pang uri ng pang- uring pamilang Pamilang na pamahagi Pamilang ng palansak Pamilang na pahalaga
Pamilang na Pamahagi (fraction) Isang bahagi ng kabuuan i kaisang bahagi Ikalawang bahagi Ikaapat na bahagi Kalahati (1/2) Katlo (1/3) Kapat (1/4) Kanim (1/6) Bahagdan (1/100) Mahigit sa isang bahagi ng kabuuan Dalawang-katlo (2/3) dalawang bahagdan (2/100) Tatlong-kapat (3/4) Apat na kalima (4/5) Pito at walong kasampu (7 8/10)
Pamilang na palansak o papangkat-pangkat Pagsasama-sama ng anumang bilang Halimbawa : ( Pag-uulit ng pamilang na patakaran ) isa-isa , dala-dalawa , pito-pito , walo-walo ( Paggamit ng panlaping -an, - han ) isahan , dalawahan , apatan , animan , l abing-isahan ( Pag-uulit ng uang patinig o katinig-patinig ng pamilang na patakaran ) iisa , dadalawa , tatatlo , lilima , aanim ( Paggamit ng tig -) tig-isa , tig-iisa o tigisa , tiglima , tiglilima , tig-apat , tigsampu
Pamilang na Pahalaga Ginagamit para sa pagsasaad ng halaga ng bagay o mga bagay Halimbawa : ( Paggamit ng panlaping mang -) mamiso ( mang -, isang piso ), mamiseta ( mang -, isang peseta) ( paggamit ng tig -) tigsampung piso
Tigsisiyam Tig-iisang daan Sasandaan Anim na kapito Dalawang-kalima Pito Pitong piso Ikaanim na bahagi Limampung bahagdan Kasiyam na bahagi tatlo-tatlo Waluhan
Lantay Ang tuon ng paglalarawan ay nakapokus sa isang bagay lamang . Halimbawa : Ang matalinong estudyante ay nilalapat ang kanyang natututuhan .
Katamtaman Napapakita ito sa paggamit ng medyo , nang bahagya , nang kaunti , atb ., o sa pag-uulit ng salitang-ugat o dalawang unang pantig nito . Halimbawa : Medyo hilaw ang pagkain . Labis nang bahagya ang pagkain . Masarap-sarap na rin ang pagkain .
Pahambing Ito ay naglalarawan ng dalawang tao , bagay , lugar , hayop , gawain o pangyayari . Magkatulad Di- magkatulad Palamang Pasahol
Pahambing na Magkatulad Gumagamit ng mga panlaping ka -, magka -, sing-, sim -, sin-, magsing -, magsim -, magsin - at salitang pareho , kapwa atb . Halimbawa : Kapwa mahusay ang magkapatid . Magsintaba ang mag- asawa . Sintanda ni Jenny si Jimmy.
Pahambing na Di- m agkatulad Palamang – nakahihigit sa katangian ang isa sa dalwang pinaghahambing . Gumagamit ng higit , lalo , mas, di- hamak Halimbawa : Higit na mabuti ang lumaya sa panloob na aspeto kaysa sa pisikal na aspeto .
Pahambing na Di- m agkatulad Pasahol – kulang sa katangian ang isa sa dalawang pinaghahambing . Gumagamit ng di- gaano , kaysa , di- tulad , di- gaya , di- hamak Halimbawa : Malayo ang Baguio kaysa Pangasinan . Sariwa ang simoy ng hangin dito , di- tulad ng hangin sa inyo .
Pasukdol Ang paglalarawan o paghahambing ay nakatuon sa higit sa dalawang bagay o tao . Ang paglalarawan o paghahambing ay maaaring pinakamababa o pinakamataas . Ang paglalarawan ay masidhi kung kaya maaaring gumamit ng mga katagang sobra , ubod , tunay , talaga , saksakan , hari ng __, at kung minsa’y pag-ulit ng pang- uri . ( pinaka -, walang kasing -) Halimbawa : Ubod ng tamis ang ngiti ng mga taong tunay na malaya . Pinakatanyag ang aming seksyon dito sa paaaralan .
Sanggunian Makabagong Balarilang Filipino ni Alfonso Santiago Pluma I ni Alma Dayag