Ano ang kahulugan ng pang- uri ? Mula sa larawan ay bumuo ng makabuluhang pangungusap na ginagamitan ng pang- uring panlarawan PiIKSURI : Suriin ang sumusunod na larawan .
Panoorin ang sumusunod na balita ‘’ Tatlong bagyo , sabay-sabay na binabantayan ngayon sa bansa ’’ ng Frontline Pilipinas . Matapos mapanood ay sagutin ang sumusunod na gabay na tanong :
Mga tanong : 1. Tungkol saan ang balitang napanood ? 2. Paano ginamit ang mga pamilang / bilang sa pagbibigay ng impormasyon sa napanood na balita ?
Pang- uring Pamilang Ito ay mga salitang nagsasaad ng bilang o dami ng pangngalan . Ito ay tumutukoy sa kung gaano kadami o kakaunti ang pangngalang inilalarawan . May iba’t ibang uri ang pang- uring pamilang .
Patakaran – tumutukoy sa batayang bilang . Halimbawa : isa , dalawa , tatlo Panunuran – tumutukoy sa pagkakasunod-sunod ng mga pangngalan . Halimbawa : una, ikalawa , ikatlo Pamahagi – tumutukoy sa isang bahagi ng kabuuan . Halimbawa : kalahati , ikatlo , ikaapat Palansak – tumutukoy sa pangkatan , maramihan , o minsanan ng mga pangngalan . Halimbawa : dalawahan , tatluhan , apatan
"Guessing Game" May dalawang aklat ako sa bag. Siya ay unang dumating sa paaralan . Tig- isa kayong lapis.
PANGKATANG GAWAIN Panuto : Bawat pangkat ay may iaatang na sitwasyon na may iba’t ibang gawain . Kailangang magamit ng bawat pangkat ang pang- uring pamilang . (Differentiated Instruction) Pangkat 1: Patakaran ( Matematika ) Sitwasyon : Sa klase ng Matematika , nagbilang ang mga bata ng mga punong itinanim sa kanilang paaralan bilang bahagi ng tree-planting activity. Gumawa ng isang comic strip na naglalaman ng usapan na may kabuuang bilang ng mga punong naitanim gamit ang pamilang patakaran
Pangkat 2: Panunuran ( Araling Panlipunan ) Sitwasyon : Sa isang barangay assembly, tinalakay ang mga hakbang laban sa pagbaha . Ipinakita ang pagkakasunod-sunod ng plano . Gumawa ng isang brochure kung paano ipinamamahagi ang mga materyales gamit ang pamilang panunuran . Pangkat 3: Pamahagi (Science) Sa proyekto sa Science, ipinamamahagi ang mga recycled materials para sa paggawa ng eco-bag. Gumawa ng maikling dula-dulaan kung paano ipinamamahagi ang mga materyales gamit ang pamilang pamahagi .
Pangkat 4: Palansak (GMRC) May fund-raising activity ang paaralan para sa mga nasalanta ng bagyo . Napansin na maraming nag- ambag . Gumawa ng ulat tungkol sa halaga ng pagtutulungan at wastong paggamit ng nakalap na pondo gamit ang pamilang palansak .
Pagsagot sa Gabay na Tanong Isa- isahin ang mga uri ng pang- uring pamilang Bakit kinakailangang pag-aralan ang mga pang- uring pamilang at magamit o maiugnay ito sa pagpapahayag ng mga damdamin ?
Exit Ticket ( Estratehiyang 3-2-1) 1. Bagay na natutunan ko tungkol sa pang- uring pamilang 2. Halimbawa ng pang- uring pamilang na kaya kong gamitin sa pangungusap 3. Tanong na nais ko pang mabigyang linaw tungkol sa paksa
Maikling Pagsusulit Panuto : Tukuyin ang uri ng pang- uring pamilang na ginamit sa bawat pangungusap . Isulat ang P kung patakaran , PN kung panunuran , PM kung pamahagi , at PL kung palansak . Bumili si nanay ng sampung itlog . Ang ikalimang palapag ang kinalalagyan ng opisina . Nagbigay sila ng tig- iisang kendi sa mga bata . Siya ang pangalawa sa klase .
5. Mayroon siyang limang daan piso sa bulsa . 6. Nakakita kami ng libo-libong isda sa ilog . 7. Si Maria ang una sa pila. 8. Si Kuya ay may dalawampu't lapis. 9. Daan-daang tao ang dumalo sa pagdiriwang . 10. Tig- anim sila ng mansanas .
Gabay na Tanong Paano nakatutulong ang paggamit ng pang- uring pamilang upang maging mas malinaw at tiyak ang ating pagpapahayag ? Sa anong mga sitwasyon sa iyong pang- araw araw na buhay mo madalas nagagamit ang pang- uring pamilang ?