Agham at Teknolohiya : Komunikasyon Para sa Trabaho Pangkat 4
Mga Nilalaman Epekto ng Agham at Teknolohiya sa Wikang Filipino GAMIT NG agham at TEKNOLOHIYA SA PARAAN NG PAGTATRABAHO Suliranin sa Komunikasyon sa Makabagong Teknolohiya
Sa mundo ng trabaho , ang komunikasyon ay isang pundamental na aspeto . Ito ay nagbibigay-daan sa pagpapalitan ng impormasyon , ideya , at kahalagahan sa pagitan ng mga indibidwal , grupo , at organisasyon . Sa modernong panahon , ang agham at teknolohiya ay naglalaro ng mahalagang papel sa pagpapabuti ng komunikasyon sa trabaho .
I. Epekto ng Agham at Teknolohiya sa Wikang Filipino
1. Pag-aaral ng Wikang Pambansa Dahil sa teknolohiya , minsan ay nawawalan ng halaga ang pag-aaral ng Filipino. Ang mga tao ay mas nagfo -focus sa global na wika .
2. Jargon at teknolohiya Sa paggamit ng teknolohiya , lumalaganap ang mga salitang jargon na nanggagaling sa mga terminolohiyang nauugnay sa teknolohiya . Ito ay maaaring makaapekto sa kung paano natin ipinalalabas ang ating mga mensahe sa media.
3. Internasyonalisasyon at Wika Sa layunin ng internasyonalisasyon , ang Ingles ay itinuturing na “non-exclusive language of science and technology” ( hindi eksklusibong wika para sa agham at teknolohiya ). Ito ay nagiging dahilan para ang wikang Filipino ay naisasantabi bilang isang lengguwahe para sa agham . Gayunpaman , ang paggamit ng Filipino sa pagtuturo ay hinihikayat na maging bilingual upang magkaroon ng mainam na kakayahan ang mga estudyante sa parehong Ingles at Filipino.
4. Kompetisyon at Pag-unlad Ang malayang pagpapahayag , pakikipagtalastasan , at pagpapalitan ng mga ideya sa wika ay nagdudulot ng kompetisyon . Halimbawa nito ay ang pagtatalo sa pagitan nina Nikola Tesla at Thomas Edison, na nagresulta sa mabilisang pag-angat ng teknolohiya (technological revolution).
5. Pagtuturo ng Siyensya Ang pagtuturo ng siyensya sa natural na wika ng mga estudyante ay mahalaga . Ito ay nagbibigay daan sa mas maayos na pag-unawa sa mga konsepto . Isang pagsasaliksik ay nagpapakita ng bisa ng pagtuturo ng siyensya gamit ang natural na wika bago ito dagdagan ng mas komplikadong termino .
II. MGA GAMIT NG agham at TEKNOLOHIYA SA PARAAN NG PAGTATRABAHO
1. Birtuwal na Pakikipag-ugnayan Marami sa atin ay umaasa sa modernong teknolohiya para sa pang- araw - araw na komunikasyon . Ang mga smartphone, internet connection, at iba pang gadgets ay naging bahagi na ng ating buhay . Ito ay nagbibigay daan sa mas mabilis at mas madaling pagpapalitan ng mensahe sa trabaho .
Paggamit ng email , instant messaging , at social media platforms ay nagpapabilis sa komunikasyon at nagbibigay-daan sa mas malawak na network ng propesyonal na koneksyon .
2. Telecommuting at Remote Work Dahil sa teknolohiya , posible na ngayon ang telecommuting o ang pagtatrabaho mula sa bahay o anumang lokasyon . Ito ay nagbibigay ng kakayahang magtrabaho nang may fleksibilidad at nagpapabawas sa pangangailangan ng pisikal na opisina .
Ang teknolohiya ay nagbibigay-daan sa mga virtual meetings. Sa pamamagitan ng video conferencing apps tulad ng Zoom, Microsoft Teams, o Google Meet, maaari tayong magkaroon ng produktibong pagpupulong kahit na magkakaiba ang ating lokasyon .
3. Sustainable Practices Sa pamamagitan ng teknolohiya , maaaring isulong ang sustainable practices sa trabaho , tulad ng pagbawas sa paggamit ng papel sa pamamagitan ng digitalization ng mga dokumento at pagkakaroon ng virtual meetings na nagbabawas sa pangangailangan ng pagbiyahe .
Ang digitalization ay ang proseso ng pag -convert ng impormasyon mula sa pisikal na format patungo sa digital format. Ang digitalization ay nagpapahintulot sa impormasyon na maging mas madaling ma-access, ma-store, at ma-share sa pamamagitan ng digital na teknolohiya .
4. Edukasyon at Pagsasanay Ang teknolohiya ay nagpapahintulot din sa mas madaling pag -access sa edukasyon at pagsasanay . Maraming mga online course at webinar ang available na maaaring makatulong sa pagpapalawak ng kaalaman at kasanayan sa trabaho .
5. Pagprotekta sa Privacy at Seguridad Sa pagdami ng online na komunikasyon , lumalaki rin ang pangangailangan para sa seguridad ng data at privacy. Ang teknolohiya ay nagbibigay ng mga paraan para protektahan ang sensitibong impormasyon at personal na datos .
6. Pagsasalin ng Teknikal na Impormasyon Sa mga sektor tulad ng engineering, medicine, at information technology, mahalaga ang tamang pagsasalin ng teknikal na impormasyon . Ang mga manuals, research papers, at technical reports ay dapat maipahayag nang malinaw at tama sa iba’t-ibang stakeholders.
7. Propesyon sa Medisina Ang mga doktor at nars ay gumagamit ng agham sa pagdiagnose ng sakit . May mga advanced na medical equipment tulad ng MRI, CT scan, at X-ray na nagbibigay-daan sa mas maagang pag -identify ng mga karamdaman .
Ang mga electronic health records (HER) at telemedicine ay nagpapadali sa pag -monitor ng kalusugan ng pasyente at sa pagkonsulta sa mga doktor kahit na sila’y malayo sa isa’t isa.
Sa pamamagitan ng science at makabagong teknolohiya , mayroon nang mga medical equipments na ginagamit upang mas mapabilis ang komunikasyon at paglalahad ng impormasyon .
8. Propesyon sa Edukasyon Ang mga guro ay gumagamit ng mga prinsipyong pang- edukasyon para sa pagtuturo . Ito ay nagbibigay-daan sa mas epektibong pagtuturo at pagkatuto ng mga mag- aaral .
Ang mga projector, interactive whiteboards, at online learning platforms ay nagpapadali sa paghahatid ng mga aralin sa mga mag- aaral .
Karaniwan itong ginagamitan ng mga online applications and platforms na maaaring gumagamit ng internet para sa virtual access sa mga kausap o mga digital e-books at mga websites na naglalaman ng Mahahalagang impormasyon na maaaring magamit sa pag-aaral .
9. Propesyon sa Komunikasyon at Media Ang mga journalist at media practitioners ay gumagamit ng prinsipyong pang- komunikasyon sa pagbuo ng balita at impormasyon .
Ang internet, social media, at broadcast equipment ay nagpapadali sa pagpapalaganap ng balita at pagkakaroon ng mas malawakang audience.
Radyo Ang radyo ( mula sa Espanyol na radio) ay isang teknolohiya na pinapahintulutan ang pagpapadala ng mga hudyat (signals) sa pamamagitan ng modulation ng electromagnetic waves na may mga frequency na mas mababa kaysa liwanag . Ito ay isang mahalagang midyum para sa komunikasyon at impormasyon .
Telebisyon Ang telebisyon ay isang sistema ng telekomunikasyon na ginagamit para sa pagpapahayag at pagtanggap ng mga gumagalaw na larawan at tunog sa malayong distansya . Ito ay naging mahalagang bahagi ng pang- araw - araw na buhay ng maraming tao sa buong mundo .
Pahayagan Ang Pahayagan o newspaper ay ay mga Digital at online news websites na nagbibigay ng impormasyon tungkol sa mga pangyayari sa loob at labas ng bansa . Ito ay isang digital na dokumento na naglalaman ng balita , artikulo , at iba’t ibang uri ng impormasyon .
Karaniwang inilalathala ito sa mababang halaga at maaaring pangkalahatan o may espesyal na interes . Ang pahayagan ay naglalaman ng mga pangyayari sa politika , kalakalan , kultura , palakasan , at mga opinyon ( kabilang ang mga editoryal , kolum , o guhit-larawang pampolitika ). Ito ay maaaring lumabas araw-araw o lingguhan .
Magasin Ang magasin ay isang peryodikong publikasyon na naglalaman ng maraming artikulo , kwento , larawan , at anunsyo . Ito ay kalimitang pinopondohan ng mga patalastas at nagbibigay ng impormasyon sa mga mambabasa .
III. Suliranin sa Komunikasyon sa Makabagong Teknolohiya
Dependensya sa Modernong Teknolohiya Marami sa atin ang umaasa sa smartphone, internet, at iba pang teknolohiya para sa araw-araw na komunikasyon . Subalit , ito rin ay nagdudulot ng pagkaasa sa teknolohiya .
Relasyon at Teknolohiya Ang modernong teknolohiya ay may impluwensya sa iba’t-ibang uri ng relasyon sa trabaho . Maaaring ito ay positibo o negatibo. Halimbawa, ang virtual meetings ay nagbibigay daan sa mas malawakang ugnayan sa iba’t-ibang lugar , ngunit maaari rin itong magdulot ng pagkawala ng personal na koneksyon .
Colonial Mentality Ang paggamit ng teknolohiya ay maaaring magdulot ng colonial mentality. Ito ay ang pagkakaroon ng mataas na pagtingin sa ibang wika o kultura , at pagbabalewala sa sariling wika o kultura . Sa konteksto ng trabaho , ito ay maaaring magdulot ng hindi pagpapahalaga sa wikang pambansa .
Mga Hamon sa Pagtuturo Ang siyensya at matematika ay itinuturo gamit ang wikang hindi ginagamit ng mga estudyante sa pangkaraniwan na sitwasyon . Karamihan ng mga libro at impormasyon mula sa internet at telebisyon ay nasa wikang Ingles. Ito ay nagdudulot ng “language barrier” na nagpapahirap sa mga guro na magbigay ng paliwanag sa natural nilang wika .
Kawalan ng Sapat na Kagamitan Maraming pampublikong paaralan ang kulang sa mga computer at iba pang mga tool sa kabila ng digital age. Ang mga guro at estudyante ay nahihirapang makasabay sa teknolohikal na pag-unlad .
Pagbabago ng Wika Ang pag-unlad ng teknolohiya ay nagdudulot ng pagbabago sa wika . Halimbawa, sa patuloy na pag-unlad ng makabagong panahon , ang paggamit ng pinaikling salita tulad ng “ ansave ” na pinaikling ng salitang “ Anong masasabi mo doon ?” ay nagiging popular upang mapadali ang pakikipag-ugnayan .
Ang bagong teknolohiya ng impormasyon … Internet at e-mail… ay halos nagtanggal ng pisikal na gastos ng komunikasyon . – Peter Drucker
That’s all Thank you!! 🎉🎉🎉🎉🎉🎉🎉🎉🎉🎉🎉🎉
Bumubuo ng pangkat 4 James Paul Araneta Marie Laurice Castillo Gloreen Garcia Ariane Mae Barcelon Jennelyn Labrador Mark Anthony Dimasupil