PANUKALANG PROYEKTO 2025 Filipino sa Piling Larang
Mga Paksa ng Lektura Katuturan Katawan Balangkas Halimbawa Benepisyo Bahagi Simula
LAYUNIN 1. Nabibigyang kahulugan ang isang panukalang proyekto; 2. Maipaliwanag ang mga layunin, gamit, katangian at anyo ng panukalang; proyekto 3. Matukoy ang mga hakbang sa paghahanda at pagsulat ng panukalang proyekto; at 4. Nakakasulat ng panukalang proyekto batay sa mga umiiral na suliranin o problema sa lipunang kinabibilangan. 01
Kahulugan isang planong naglalaman ng mga batayang impormasyon tungkol sa binabalak na gawain. Nagbibigay ito ng pangkalahatang ideya tungkol sa binabalak na proyekto upang makapagpasiya ang isang responsableng ahensya kung pahihintulutan ang nasabing proyekto o kung pagkakalooban ito ng pondo. 02
Kahulugan Ayon kay Dr. Phil Bartle ng The Community Empowerment Collective, ang panukala ay isang proposal na naglalayong ilatag ang mga plano at adhikain para sa isang komunidad o samahan. Ayon naman kay Besim Nebiu, ang panukalang proyekto ay isang detalyadong deskripsyon ng mga inihahaing gawaing naglalayong lumutas ng isang problema o suliranin. 02
Kahulugan Mula pa rin kay Bartle (2011), kailangan nitong magbigay ng impormasyon at makahikayat ng positibong pagtugon mula sa pinag-uukulan nito. 02
Mga Dapat Gawin sa Pagsulat ng Panukalang Proyekto Ayon kina Jeremy Miner at Lynn Miner sa aklat na A Guide to Proposal Planning and Writing 02
Pagsulat ng panimula ng Panukalang Proyekto Pagsulat ng katawan ng Panukalang Proyekto Paglalahad ng Benepisyo ng Proyekto at mga makikinabang nito.
Pagsulat ng Panimula
Pagsulat ng Panimula Pagmamasid sa pamayanan o kompanya Ano- ano ang pangunahing suliranin na dapat lapatan ng agarang solusyon? Ano-ano ang pangangailangan ng pamayanan o samahang ito na nais mong gawan ng panukalang proyekto?
Pagsulat ng Panimula Pagtala ng mga kailangan solusyon upang malutas ang mga nasabing suliranin Tumuon lamang sa isang solusyon na iyong isusulat sa panukalang proyekto. Pagsulat ng “pagpapahayag ng suliranin
Pagsulat ng Katawan
SPECIFIC IMMEDIATE MEASURABLE PRACTICAL LOGICAL EVALUABLE
Planong Dapat Gawin Plan of action na naglalaman ng mga hakbang na isasagawa upang malutas ang suliranin Ito ay dapat maging makatotohanan o realistic Kailangan ikonsidera ang badyet sa pagsasagawa nito
Planong Dapat Gawin Isama ang petsa kung kalian matatapos ang bawat bahagi ng plano at kung ilang araw ito gagawin sa talatakdaan Gumamit ng tsart o kalendaryo
SAMPLE NG PLAN OF ACTION
Ito ang pinakamahalagang bahagi ng isang panukalang proyekto. Ito ang talaan ng mga gastusin na kakailanganin sa pagsasakatuparan ng layunin.
HAKBANG SA PAGHAHANDA NG ISANG BUDGET/BADYET
Gawing simple at malinaw ang badyet upang madali itong maunawaan ng ahensya Pangkatin ang mga gastusin ayon sa klasipikasyon ito upang madali ang pagsuma. Isama sa badyet maging ang huling sentimo. Siguraduhing wasto at tama ang ginawang pagkukuwenta ng mga gastusin. Iwasan ang mga bura o erasure sapagkat ito ang nangangahulugan ng integridad.
Paglalahad ng Benepisyo ng Proyekto at mga makikinabang nito
Mahalagang maging espisipiko sa tiyak na grupo ng tao o samahang makikinabang sa pagsasakatuparan ng layunin. Maaari na ring isama sa bahaging ito ang katapusan o konklusyon ng iyong panukala. Sa bahaging ito ay maaaring ilahad ang mga dahilan kung bakit dapat aprobahan ang ipinasang panukalang proyekto.
Balangkas ng Panukalang Proyekto (Tipikal na template ng isang panukalang proyekto
1. Pamagat ng Panukalang proyekto -kadalasan, ito ay hinango mismo sa inilahad na pangangailangan bilang tugon sa suliranin. 2. Nagpadala- tirahan ng sumulat ng panukalang proyekto. 3. Petsa o araw kung kailan ipinasa ang panukalang papel. Isasama rin sa bahaging ito ang tinatayang panahon kung gaano katagal gagawin ang proyekto. 4. Pagpapahayag ng Suliranin
5. Layunin 6. Plano ng dapat gawin 7. Badyet 8. Paano mapakikinabangan ng pamayanan/samahan ang panukalang proyekto
TATLONG MAHAHALAGANG BAHAGI NG PANUKALANG PROYEKTO Sa unang bahagi ng panukalang proyekto, inilalahad ang rasyonal o mga suliranin, layunin o motibasyon. Sa katawan nilalagay ang detalye ng mga kailangang gawain at ang iminumungkahing badyet para rito. Sa kongklusyon ilalahad ang benepisyong maaaring idulot nito.
PANIMULA: PAMAGAT- tiyaking malinaw at maikli ang pamagat. Hali: PANUKALA PARA SA TULAAN 2019 sa Pagdiriwang ng Buwan ng Wika. Proponent ng Proyekto : tumutukoy sa tao o organisasyon nagmumungkahi ng proyekto. Isinusulat dito ang address email, cellphone o telepono, at lagda o organisasyon. Kategorya ng proyekto: ano ang proyekto, seminar, kumperehensya, palihan, pananaliksik, patimpalak, konsyerto outreach program, Petsa: Gaano katagal ang inaasahang pagpapatupad nito? Mula anong petsa hanggang kalian ito isasakatuparan? Rasyonal- ipaliwanag ang konteksto ng proyekto. Anong pangyayari ang nagbunsod nito. Paano naisip?
KATAWAN: DESKRIPSYON NG PROYEKTO: Nagbibigay ng kompletong detalye sa mismong proyekto. BADYET: itatala dito ang mga gagastusin sa proyekto. KONGLUSYON: Benepisyo ng ginawang panukalang proyekt
Pagbuo ng Panukalang Proyekto Groupings ay groupings sa Final PT Pagbigkas ng Talumpati (Individual)