100002807070232
14,741 views
11 slides
Oct 04, 2015
Slide 1 of 11
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
About This Presentation
Class Presentation
Size: 662.21 KB
Language: none
Added: Oct 04, 2015
Slides: 11 pages
Slide Content
PANUKATAN SA PAGBASA Jamar , Hajerma M .
Mga mungkahing makatutulong sa pagpapaunlad at pagpapalawak ng pang- unawa ng mga mag- aaral : UNANG SUKAT O DIMENSYON : Pag-unawang Literal
Ang mga tanong sa dimensiyong ito ay humihingi ng : Kaalaman at detalyeng maliwanag na inilalahad sa binasa Pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari Pagkilala sa mga tauhan Paglalagom sa binasa Paggawa ng balangkas ng binasa Pagsunod ng tumpak sa mga panuto Paghanap ng sagot sa mga tiyak na tanong Pag-unawa ng mga tiyak na salita ayon sa iba’t ibang gamit .
IKALAWANG DIMENSYON : Ganap na pagkakaunawa sa mga kaisipan ng may- akda lakip ang mga karagdagang kahulugan (interpretation)
Ang mga tanong sa dimensiyong ito ay humihingi ng : Pag-unawa sa mga patalinghagang pananalita Paghinuha sa mga katuturan at kahulugan Pagbibigay ng mga kuro-kuro Paghula sa kalalabasan Paghinuha sa mga sinundang pangyayari Pagbibigay ng mga kalutasan Pagkuha ng pangkalahatang kabuluhan ng isang binasa Pagbibigay ng pamagat
IKATLONG DIMENSYON : Pagkilatis sa kahalagahan ng mga kaisipan at bisa ng paglalahad .
Mga kakayahan na kailangan sa dimensiyong ito : Pagbibigay ng mga ganting-galaw o reaksiyon Masaklaw na pag-iisip Paghahambing at pagpapalitaw ng kaibahan Pagdama ng pananaw ng may akda Pagpapahalaga sa binasa Pag-unawa sa mga kakintalang nadarama Pagdama sa kawalan ng kaisahan ng mga pangungusap Pagdama sa pagkakaugnay-ugnay ng mga pangungusap sa isang talaan Pag-unawa tungkol sa mga kanais-nais na katangian ng isang kwento
IKAAPAT NA DIMENSYON : Pagsasanib ng mga kaisipang nabasa at mga karanasan upang magbunga ng mga bagong pagkakilala sa mga katangian , pag-unawa at iba pa.
Sumasaklaw ang dimensiyong ito sa : Pagbibigay ng mga kuro-kuro at reaksiyon Paglalapat sa sarili at sa buhay Patuloy na pagtalakay ng aralin sa pamamagitan ng mga kaugnay na karanasan Pag-aalaala sa mga kaugnay na kabatiran Pagbibigay ng mga katotohanan upang dagdagan ang nalalaman na Pagpapaliwanag ng kahulugan ng binasa batay sa sandigang karanasan
MGA KAKAYAHAN SA PAGBASA NA KAUGNAY NG MGA DIMENSYONG NABANGGIT: Pag-unawa sa binasa Pagpapakahulugan sa binasa Pagpapahalaga sa binasa Paggamit ng mga himaton ayon sa gamit sa akda Paggamit ng mga ideya sa binasa