Address: Roxas St., Pag-asa District, Talavera, Nueva Ecija 3114
Tel. No.: (044) 985-7495/0917-839-4408 (Office of the Principal)
e-mail Address:
[email protected]
TALAVERA NATIONAL HIGH SCHOOL
PARENT’S CONSENT FORM
(ARAL-Reading Program)
Date: ___________________
Mahal na Magulang/Tagapag-alaga,
Ang inyong anak na si _____________________________ ay nakitaan sa pamamagitan
ng pagsusuri at obserbasyon ng guro ng pangangailangan para sa karagdagang
tulong sa pagpapaunlad ng kasanayan sa pagbasa. Ang Kagawaran ng Edukasyon,
sa pamamagitan ng ARAL-Reading Program (DepEd Memorandum No. 064, s.
2025), ay nag-aalok ng libre at nakatutok na interbensyon upang matulungan ang
mga mag-aaral na makamit ang kaangkupan sa kanilang antas ng baitang.
Ang interbensyon ay:
Gaganapin nang hindi hihigit sa 45 minuto araw-araw tuwing may pasok.
Nakatuon sa pagpapabuti ng pagiging matatas sa pagbasa, talasalitaan, at
kasanayan sa pag-unawa.
Pangungunahan ng mga sinanay na ARAL Tutors (mga guro, para-teachers, pre-
service teachers, o mga kwalipikadong boluntaryo).
Pananagutan ng Magulang/Tagapag-alaga
Sa pamamagitan ng paglagda sa form na ito, ako ay:
Pumapayag sa paglahok ng aking anak sa ARAL-Reading Program.
Nangangako na patuloy na susubaybayan ang pag-unlad ng aking anak sa
programa.
Sumasang-ayon na dadalo sa mga programa, pagpupulong, at aktibidad na
may kaugnayan sa ARAL, tulad ng mga oryentasyon, parent-teacher
conferences, pag-uulat sa pag-unlad, mga pagsasanay sa pagpapaunlad, at
iba pang mga inisyatibo ng paaralan na susuporta sa pag-unlad ng pagbasa
ng aking anak.
Sisiguraduhin ang regular na pagdalo ng aking anak sa lahat ng
nakatakdang ARAL sessions at magbibigay ng kinakailangang suporta sa
bahay.
☐ Pumapayag ako sa paglahok ng aking anak sa ARAL-Reading Program.
☐ Hindi ako pumapayag sa paglahok ng aking anak sa ARAL-Reading Program.
Pangalan ng Magulang/Tagapag-alaga: ____________________________
Lagda: ____________________________