PAGSULAT NG LARAWANG SANAYSAY (PICTORIAL ESSAY) FILIPINO SA PILING LARANGAN Presented by: Charles James Bais Marianito Yangao Ronniel Sabañao
“A picture is worth a thousand words.” Albert Einstein
KAHULUGAN AT KALIKASAN NG LARAWANG SANAYSAY Ito ay tinatawag din bilang photo essay . Isa itong kamangha-manghang anyo ng sining na nagpapahayag ng kahulugan sa pamamagitan ng paghahanay ng mga larawang sinusundan ng maiikling deskripsyon o kapsyon kada larawan . Larawan at teksto ang dalawang pangkalahatang sangkap nito . Kombinasyon ito ng potograpiya at wika . Kaiba ito sa picture story na nakaayos ayon sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari at ang layunin ay magsalaysay o magkwento .
KATANGIAN NG MAHUSAY NA PICTORIAL ESSAY
1. Malinaw na Paksa – Kailangang pumili ng paksang mahalaga sa iyo at alam na alam mo. Maraming maliliit na bagay ang maaaring paksain ng isang mahusay na pictorial essay. 2. Pokus - Huwag lumihis sa paksa . Ang iyong malalim na pag-unawa , pagpapahalaga , at matamang obserbasyon sa paksa ay mahahalagang sangkap tungo sa matagumpay na pictorial essay.
3. Orihinalidad - Higit na mainam kung ikaw mismo ang kukuha ng larawan . Maaari ring gumamit ng mga software ng kompyuter tulad ng photoshop . Kung hindi ito magagawa , maaari namang gumamit ng larawang kuha ng iba mula sa lumang album o magasin bilang panimula . Gupit-gupitin ang mga iyon at gumawa ng mga collage upang makalikha ng bagong larawan . Kailangang ang pangkalahatang kahulugang ipinahahayag ng nalikhang larawan ay orihinal sa iyo .
4. Lohikal na Estruktura - Isasaayos ang mga larawan ayon sa lohikal na pagkakasunod-sunod . Tulad ng iba pang teksto , kailangang may kawili -wiling simula , maayos na paglalahad ng katawan at kawili -wiling wakas . 5. Kawilihan - Ipahayag ang iyong kawilihan at interes sa iyong paksa . Gumamit ng mga pahayag na nagpapahiwatig na kinawiwilihan mo ang iyong paksa , nang kawilihan din ito ng iyong mambabasa .
6. Komposisyon - Piliin ang mga larawang kalidad ang komposisyon . Iyong mga artistik na kuha . Ikonsidera ang kulay , ilaw , at balanse ng komposisyon . Iwasan ang paggamit ng malabo at madidilim na larawan . 7. Mahusay na Paggamit ng Wika – I-organisa nang maayos ang teksto . Tiyaking ang teksto ay tumatalakay sa larawan . Sikapin din ang kawastuhang gramatikal sa pagsulat . Ang mga pagkakamali sa baybay , bantas , gamit ng salita at iba pang tuntuning pangwika ay kabawasansa husay ng pictorial essay.
MGA HAKBANG SA PAGGAWA NG PICTORIAL ESSAY
1. Pumili ng paksang tumutugon sa pamantayang itinakda o ibinigay inyong guro .
2. Isaalang-alang ang iyong awdiyens .
3. Tiyakin ang iyong layunin sa pagsulat at gamitin ang iyong mga larawan sa pagkakamit ng iyong layunin .
4. Kumuha ng maraming larawan upang maraming mapagpilian .
5. Piliin at ayusin ang mga larawan sa lohikal na pagkakasunod-sunod .
6. Isulat ang iyong teksto sa ilalim o sa tabi ng bawat larawan .
MGA URI NG PICTORIAL ESSAY
1. Dokumentaryong Photo Essay – Layunin nitong ipakita ang dokumentaryo ng isang pangyayari , lugar , o grupo ng mga tao gamit ang mga larawan . Ang mga larawan ay naglalaman ng kwento at impormasyon upang maipakita ang realidad ng isang sitwasyon . 2. Portrait Photo Essay - Binubuo ito ng serye ng mga portreyt na larawan ng isang tao o grupo ng mga tao . Ang layunin nito ay ipakita ang mga detalye ng personalidad , karanasan , o buhay ng mga nasa larawan .
Dokumentaryong Photo Essay Portrait Photo Essay
3. Travel Photo Essay - Ipinapakita rito ang mga karanasan sa paglalakbay sa iba’t ibang lugar . Ang mga larawan ay naglalarawan ng mga tanawin , kultura , at mga pagkakataon na makakakita ng mga bagong bagay . 4. Conceptual Photo Essay - Gumagamit ito ng mga larawan upang ipakita ang isang ideya , konsepto , o tema . Ang bawat larawan ay may koneksyon sa pangkalahatang mensahe na nais iparating .
Travel Photo Essay Conceptual Photo Essay
5. Environmental Photo Essay - Isinasalaysay nito ang mga isyu kaugnay sa kalikasan at kapaligiran . Ang layunin ay magbigay ng kamalayan hinggil sa pangangalaga sa kalikasan at ang mga isyu tulad ng pagbabago ng klima . 6. Personal Photo Essay - Ito ay naglalaman ng mga larawan na naglalarawan ng personal na buhay ng isang tao . Maaaring ito ay tungkol sa pang- araw - araw na karanasan , damdamin , o paglalakbay ng isang indibidwal .
Environmental Photo Essay Personal Photo Essay
7. Historical Photo Essay - Naglalaman ng mga larawan na nagpapakita ng kasaysayan ng isang lugar o pangyayari . Ito ay maaaring magtakda ng konteksto at naglalaman ng mahahalagang yugto sa kasaysayan . 8. Cultural Photo Essay - Layunin nitong ipakita ang kultura ng isang grupo ng mga tao . Ang mga larawan ay naglalarawan ng mga tradisyon , ritwal , at iba’t ibang aspeto ng kultura ng isang komunidad .
Historical Photo Essay Cultural Photo Essay
HALIMBAWA NG PICTORIAL ESSAY
Talino o Kabiguan : Hakbang Patungo sa Tagumpay Kiara Nicole Belda Medalya , sertipiko , at diploma nga ba ang batayan upang masabing matagumpay ang isang tao ? O baka isa ito sa dahilan upang makatanggap ng pagpupuri at ika’y maturingang modelo ? Sinasabi pa na kapag mayroon kang ganito ay makikita na ang magaaral ay matalino , idagdag mo pa па ikaw ау may karapatang mangarap upang makapagaral sa mga kilalang unibersidad at kolehiyo .