Pokus ng Pandiwa.pptx

glendaponan 29,495 views 11 slides Sep 24, 2022
Slide 1
Slide 1 of 11
Slide 1
1
Slide 2
2
Slide 3
3
Slide 4
4
Slide 5
5
Slide 6
6
Slide 7
7
Slide 8
8
Slide 9
9
Slide 10
10
Slide 11
11

About This Presentation

Pagpapaliwanag sa Pokus ng Pandiwa


Slide Content

Filipino 10 Unang Markahan Sariling Linangan Kit 2 Pokus ng Pandiwa

Layunin : nagagamit nang wasto ang pokus ng pandiwa ( tagaganap , layon , pinaglalaanan at kagamitan ) ➢ sa pagsasaad ng aksiyon , pangyayari , at karanasan ; ➢ sa pagsulat ng paghahambing ; ➢ sa pagsulat ng saloobin ; ➢ sa paghahambing sa sariling kultura at ng ibang bansa .

A. Panuto : Tukuyin ang mga salitang nagsasaad ng kilos na ginamit sa pangungusap . 1. Sumayaw ng macarena ang mga kalahok sa Munting Mutya sa programang Eat Bulaga . 2. Bumili si Mang Ador ng sako-sakong bigas para ipamigay sa mga nawalan ng bahay . 3. Ibinenta na nina nanay ang iba niyang mga gamit sa bahay . 4. Ang tuwalya ni Tonyo ay ipinampunas ni ate sa basang sahig . 5. Dahil madalas na wala siya sa klase , bumagsak sa asignaturang Filipino si Benjamin.

PANDIWA-VERB Ito ay ang bahagi ng pananalita na nagsasaad ng kilos o galaw . Paksa o Simuno (Subject)- Ang pinag-uusapan o binibigyang tuon sa loob ng pangungusap .

Pokus ng Pandiwa Pokus - ang tawag sa relasyon o kaugnayang pansemantika ng pandiwa o salitang kilos sa simuno o paksa ng pangungusap . Makikita ito sa panlaping ginamit sa pandiwa . Halimbawang Pangungusap : 1. Sumayaw ng macarena ang mga kalahok sa Munting Mutya sa programang Eat Bulaga . 2 . Bumili si Mang Ador ng sako-sakong bigas para ipamigay sa mga nawalan ng bahay . 3. Ibinenta na nina nanay ang iba niyang mga gamit sa bahay . 4. Ang tuwalya ni Tonyo ay ipinampunas ni ate sa basang sahig . 5. Dahil madalas na wala siya sa klase , bumagsak sa asignaturang Filipino si Benjamin .

Iba’t ibang Pokus ng Pandiwa 1) Tagaganap o Aktor – ang pokus ng pandiwa kung ang paksa o simuno ng pangungusap ang tagaganap ng kilos ng pandiwa . - um-, mag-, mang -, maka -, at makapag - ang paksa sa tagaganap ay sumasagot sa tanong na “ sino ” Halimbawa : - Nagpasalamat nang lubos si Pygmalion kay Aphrodite. - Palaging umiiwas si Pygmalion sa mga babae sa kanilang nayon

2) Pokus sa Layon – ang pokus ng pandiwa kung ang layon ay siyang paksa o binibigyang-diin sa pangungusap . ginagamitan ito ng mga panlaping i -, in/ hin -, an-/ han , - ipa , ma-, paki -, at pa- - ang paksa sa layon ay sumasagot sa tanong na “ ano ” Halimbawa : Babantayan ng mga militar ang checkpoint ng bawat barangay. Ibinigay niya ang bulaklak sa maling tao .

3) Pokus sa Kagamitan – ang pokus ng pandiwa kung ang bagay na ginamit upang maisagawa ang kilos ay siyang paksa ng pangungusap . ipang - o maipang , ipinam o ipinang – ang kasangkapan o bagay na ginagamit ang gagawa ng kilos, sumasagot sa tanong na “ sa pamamagitan ng ano ” Halimbawa : Ang lubid ay ipantatali niya sa kaniyang duyan . Ipinangluto ni Aling Nena ang kawali ng isang masarap na putahe .

4) Pinaglalaanan o Tagatanggap – ang pokus ng pandiwa kung ang tao o bagay na nakinabang sa resulta ng kilos ng pandiwa ang paksa ng pangungusap . ang tagatanggap ng kilos ang siyang simuno o paksa ng pangungusap . Sumasagot sa tanong na “para kanino ”. ginagamitan ito ng mga panlaping i -, ipang -, ipag - Halimbawa : Kami ay i pinagluto ng Lola ng masarap na kakanin . Ibinili ni Tiyang Shela ng kendi ang kaniyang mga apo .

Halimbawang pangungusap : Kilalanin kung ang pandiwa ay nasa pukos Tagaganap o Actor, Layon , Tagatanggap o Pinaglalaanan at Kagamitan . 1. Sumayaw ng macarena ang mga kalahok sa Munting Mutya sa programang Eat Bulaga . ( tagaganap,layon,tagatanggap , kagamitan ) 2. Bumili si Mang Ador ng sako-sakong bigas para ipamigay sa mga nawalan ng bahay . ( tagaganap,layon,tagatanggap , kagamitan ) 3. Ibinenta na nina nanay ang iba niyang mga gamit sa bahay . ( tagaganap,layon,tagatanggap , kagamitan ) 4. Ang tuwalya ni Tonyo ay ipinampunas ni ate sa basang sahig . ( tagaganap,layon,tagatanggap , kagamitan 5. Dahil madalas na wala siya sa klase , bumagsak sa asignaturang Filipino si Benjamin . ( tagaganap,layon,tagatanggap , kagamitan )

Maraming Salamat !!!
Tags