power point presentation sa Replektibong-Sanaysay.pptx
ArleneGache2
27 views
29 slides
Sep 09, 2025
Slide 1 of 29
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
About This Presentation
power point presentation sa replektibong sanaysay
Size: 1.8 MB
Language: none
Added: Sep 09, 2025
Slides: 29 pages
Slide Content
Replektibong Sanaysay
Ano ang Replektibong Sanaysay? Isa itong uri ng panitikan na nakapasailalim sa isang anyong tuluyan o prosa . Ito ay nangangailangan ng sariling perspektibo , opinyon , at pananaliksik sa paksa . Isang masining na pagsulat na may kaugnayan sa pansariling pananaw at damdamin sa isang partikular na pangyayari .
Ang Sarap Balikan …
Ano ang Replektibong Sanaysay? Iparating ang pansariling karanasan at natuklasan sa pananaliksik . Naglalayon din ito na maipabatid ang mga nakalap na mga impormasyon at mailahad ang mga pilosopiya at karanasan ukol dito at kung maaari ay ilalagay ang mga batayan o talasanggunian .
Ayon kay Michael Stratford ang replektibong sanaysay ay: Kinapapalooban ng mga bagay na naiisip,nararamdaman,pananaw , at damdamin hinggil sa isang paksa at kung paano ito nakalikha ng epekto sa taong sumulat nito . Maihahalintulad ito sa pagsulat ng journal kung saan nangangailangan ito ng pagtala ng mga kaisipin at nararamdaman tungkol sa isang tiyak na paksa o pangyayari .
Ayon kay Michael Stratford ang replektibong sanaysay ay: Kadalasang nakabatay sa karanasan , kaya mula sa nilalaman nito ay masasalamin ang pagkatao ng sumulat .
Ayon naman kay Kori Morgan ang replektibong sanaysay ay: Nagpapakita ng personal na paglago ng isang tao mula sa isang mahalagang karanasan o pangyayari . Ibinabahagi ng sumulat ang kanyang mga natutuhan at kung paano ito gagamitin sa buhay sa hinaharap .
M agpahayag ng mga pananaw o nararamdaman ng manunulat tungkol sa isang bagay . Ipahiwatig ang perspektibo o opinyon ng manunulat . M agsalaysay ng mga repleksyon at natutunan mula sa sariling karanasan ng manunulat . Layunin ng Replektibong Sanaysay
KAHALAGAHAN Ang kahalagahan nito ay ang sumusunod : Kalayaan- ang iyong layang magpahayag ng sariling opinyon at ideyang maaaring ibahagi sa iba .
KAHALAGAHAN Kaalaman - higit na lumalawak ang isang pag-iisip kung ito ay nababahagian ng ibang ideya na nagmula sa ibang tao na hindi lamang dumidipende sa sariling kaalaman .
KAHALAGAHAN Mapanghikayat - ang ating kanya kanyang perspektibo na nakakaimpluwensya sa iba , dahilan upang sila ay mapasang-ayon sa iyong pinupunto .
Mga Bahagi ng Replektibong Sanaysay Simula Katawan Wakas o Konklusyon
Sa pagsulat ng simula , maaaring mag- umpisa sa pagsagot sa mga sumusunod na tanong : Ano ang aking nararamdaman o pananaw tungkol sa paksa ? Paano ito makakaapekto sa aking buhay ? Bakit hindi ito makakaapekto sa aking pagkatao ?
Dapat makapukaw sa atensiyon ng mambabasa. Maaaring gumamit ng quotion, tanong, anekdota, karanasan, at iba pa. Sundan agad ito ng pagpapakilala ng paksa at layunin ng pagsulat ng sanaysay na magsisilbing preview ng sanaysay. SIMULA
Isulat sa loob ng isang talata .
KATAWAN Dito inilalahad ang mga pantulong o kaugnay na kaisipan tungkol sa paksa o tesis . Maglagay ng obhetibong datos batay sa na obserbahan o naranasan .
KATAWAN Gumamit ng mapagkakatiwalaang mga sanggunian bilang karagdagang datos . Magbigay din ng patotoo kung paano nakatulong ang mga karanasang ito sa iyo .
KATAWAN Isulat dito ang iyong mga napagnilay-nilayan o mga natutuhan,pati kung paano umunlad ang iyong pagkatao mula sa mga karanasan o mga gintong aral na napulot .
WAKAS O KONGKLUSYON Muling banggitin ang tesis o ang pangunahing paksa ng sanaysay . Lagumin ito sa pamamagitan ng pagbanggit kung paano mo magagamit ang iyong natutuhan sa buhay sa hinaharap .
WAKAS O KONGKLUSYON Magbigay ng hamon sa mga mambabasa na maging sila man ay magnilay sa kanilang buhay hinggil sa iyong natutuhan o kaya ay mag- iwan ng tanong sa maaari nilang pag-isipan .
Magkaroon ng isang tiyak na paksa o tesis . I sulat gamit ang UNANG PANAUHANG Panghalip (ako, ko, akin) Mahalagang magtaglay ito ng patunay o patotoo. Gumamit ng pormal na salita. Mga Dapat Isaalang-alang sa Pagsulat ng Replektibong Sanaysay
Gumamit ng tekstong naglalahad sa pagsulat nito . Gawing lohikal at organisado. Sundin ang tamang estruktura (Introduksiyon,katawan, konklusyon). Mga Dapat Isaalang-alang sa Pagsulat ng Replektibong Sanaysay
Gabay sa pagsulat ng Replektibong Sanaysay Bigyan ng pansin ang panahong saklaw ng repleksyon. Isa hanggang dalawang pahina lamang ang repleksyon. Inaasahang hindi na magpapaliguy-ligoy pa. Maaaring gumamit ng wikang pormal, o kumbensyonal .
Gabay sa pagsulat ng Replektibong Sanaysay Magbigay ng mga halimbawa o aplikasyong natutuhan sa klase . Laging isaisip na ito ay gagraduhan batay sa talas ng inyong pagmumuni -muni.
Gabay sa pagsulat ng Replektibong Sanaysay Huwag balewalain ang mga mahalagang tuntunin bagamat ito ay isang personal na gawain . Maaaring maglagay ng pamagat .
Ipaloob ang sarili sa micro at macro na lebel ng pagtingin sa mga konseptong tinalakay . Banggitin ang mga sangguniang galing sa iba’t ibang sanggunian . Gabay sa pagsulat ng Replektibong Sanaysay
Ikonsidera ang pagkalap ng mga datos at mga bagay na kailangang gamitin . Pagandahin ang panimulang bahagi . Pagtalakay ng iba’t ibang aspekto ng karanasan . Ang konklusyon ay dapat magkaroon ng repleksyon sa lahat ng tinalakay . Mga Konsiderasyon sa pagsulat ng Replektibong Sanaysay
5.Kinakailangang malinaw na nailalahad ng manunulat ang kaniyang punto upang lubusang maunawaan ng mga mambabasa . 6.Rebyuhin ng ilang ulit ang repleksyon .