THIS POWERPOINT PRESENTATION IS FOR THE GRADE 9 STUDENTS TOPICS ESPECIALLY IN FILIPINO.
Size: 484.04 KB
Language: none
Added: Aug 30, 2025
Slides: 25 pages
Slide Content
Karunungang Bayan
KARUNUNGANG BAYAN KARUNUNGANG-BAYAN - ay isang sangay ng panitikan na nagpapahayag ng mga kaisipan at paniniwala , sumasalamin sa ibat ibang karanasan ng mga tao . Ginagamitan ito ng malalalim at matatalinghagang salita upang mapatalas ang kaisipan . Hango rin sa karanasan ng mga matatanda at nagbibigay ng payo tungkol sa kagandahang asal at mga paalala .
Ibat-ibang uri ng karunungang bayan . Salawikain o kasabihan ay isang maikli ngunit makabuluhang pahayag na karaniwang may matuling katangian . Halimbawa : Kung walang tiyaga , walang nilaga Aanhin ang bahay na bato kung ang nakatira ay kuwago , buti pa ang kubo na ang nakatira ay tao .
Kasabihan o kawikain Ang kasabihan o kawikain ay iba sa salawikain dahil hind ito gumagamit ng mga talinghaga . Payak ang kahulugan ng kasabihan kaya madaling maunawaan . Halimbawa : Nasa Diyos ang awa , nasaa tao ang gawa Ang katamaran ay kapatid ng kagutuman Ang kapalaran hindi man hanapin , dudulog , lalapit kung talagang akin.
Sawikain Ang sawikain ay mga salitang patayutay o idyomatiko na ginagamit upang maging maganda ang paraan ng pagpapahayag . Halimbawa : Kapilas ng buhay - asawa Ilaw ng tahanan - ina Makapal ang palad - masipag Matalas ang ulo - matalino Bukal sa loob – taos puso / tapat
Bugtong Ang bugtong ay isang uri ng palaisipang nasa anyong patula . Ito ay kadalasang kaisipang patungkol sa pag uugali , pang araw-araw na buhay at katutubong paligid ng mga Pilipino. Halimbawa : Isang butil ng palay , sakot ang buong buhay ( Ilaw ) Ako ay may kaibigan , kasama ko kahit saan ( Anino ) Isang bundok , hindi Makita ang tuktok ( noo )
Matatalinghagang Pahayag Ang matatalinghagang pahayag ay mga pahayag na gumagamit ng mga salita na hindi tuwirang inihahayag ang tunay na kahulugan nito . Magdilang Angel – ang Diyos ay nagsugo ng anghel upang maghatid ng mensahe sa kanyang mga propeta o alagad . Magdilang anghel , magkatotoo ang kanyang winika .
Di- mag- aso ang Kalan Kung magluluto sa kalan , na noon ay ginagamitan ng kahoy , ang kalan ay nag aaso o umuusok . Kung mahirap ang buhay ng isang tao , walang mailulutong pagkain .
Buwaya sa Katihan Isang Malaki at mapanganib na hayop na maaring kumain ng tao o hayop . Ginagamit upang ilarawan ang isang tao . Nangangahulagang siya’y sakim , atakaw sa salapi .
EUPEMISTIKONG PAGPAPAHAYAG Ito ay tumutukoy sa paggamit ng mga salitang nagpapagaan sa bigat ng realidad upang hindi ito lubos na makasakit ng damdamin . Halimbawa : 1. Gutom na gutom na ako Hindi ba kayo,nagugutom ? 2. Kumain na ba kayo ng almusal ? Kumain muna tayo
EUPEMISMO Ang eupemismo o badyang pangpalubagloob ay ang pagpapalit ng salitang mas magandang pakinggan kaysa sa salitang masyadong matalim , bulgar , o bastos na tuwirang nakapananakit ng damdamin o hindi maganda sa pandinig .
Pagpapalawak ng P aksa Higit na maging mabisa at maliwanag ang pagsusulat o paglalahad .
1. Pagbibigay katuturan o Depinasyon Kinakailangang bigyan ng katuturan o depinasyon ang mga salitang hindi agad maintindahan . HALIMBAWA: Ano ang corona virus?
Paghahawig o Pagtutulad May mga bagay na nasa kategorayang iisa at halos magkapareho . Halimbawa MERS- CoV at SARS- CoV MERS- CoV – Middle East Respiratory Syndrome Coronavirus SARS- CoV – Severe Acute Respiratory Syndrome Coronavirus
Pagsusuri Ipinapaliwanag nito hindi lang ang kabuoan ng isang bagay kundi pati na rin ang kaugnayan ng mga bahagi nito sa isa’t - isa. Halimbawa : Nakakahawa ba ang corona virus?
Pagsulat ng Talata Ang talata ay binubuo ng mga pangungusap na magkakaugnay upang makabuo ng ideya , isang sanaysay , kuwento , nobela at iba pa.
Pagsulat ng Talata Ang talata ay isang maikling kathang binuo ng mga pangungusap na magkaugnay , may balangkas , may layunin at may pag-unlad .
Bahagi ng Talata ayon sa kinalalagya sa Komposisyon . 1 . Panimula – nasa unahan ng komposisyon . 2. Gitna – ito naman ang nasa gitnang bahagi ng isang komposisyon . Iba’t ibang praan o teknik sa pagpalawak ng paksa Pagbibigay katuturan o Drpinasyon – may iba’t ibang salita na hindi kaagad maintindihan Paghahawig o pagtutulad – may mga salitang halos magkapreho Pagsusuri - Ipinapaliwanag nito hindi lang ang kabuoan ng isang bagay .
3. Wakas Nakasaad dito ang mahalagang kaisipang nabanggit sa gitnang talata .
IDEYA MO ILAHAD MO! PANUTO: Bumuo ng isang talataan tungkol sa Makabagong Technolohiya . Huwang kalimutang gamitin ang mga paraang nabanggit sa talakayan .
Mga Hudyat ng Sanhi at Bunga ng mga Pangyayari Sanhi – pinagmulan ng isang pangyayari Halimbawa : Papunta sa nayon si Inay dahil bibili siya ng pagkain Bunga – kinalabasan , resulta Halimbawa : Magdamag na umiyak ang sanggol sa loob ng bahay lung kaya hindi nakatulog nang maayos si AlinG Mercedes.
Opinyon o Pananaw Iba’t ibang palagay or kuro-kuro na maaring totoo pero puwede rin pasubali lamang .
Mga Hakbang sa Paggawa ng Pananaliksik 1. Pagpili ng mabuting paksa – pinakasentro ng pananaliksik na ayon sa iyong interes . 2. Paglalahad ng Layunin – naipapakita ang mga dahilan kung bakit nais isagawa ang pananaliksik . 3. Paghahanda ng pansamantalang talasanggunian o Bibliography – talaan ng mga aklat
4.Paghahanda ng tentatibong balangkas – nagbibigay direksyon at gabay sa pananaliksik 5. Pangangalap tala o note taking – parte ng teksto na kinuha sa ibang akda 6. Paghahanda ng iwinastong balangkas o Final Outline 7. Pagsusulat ng burador o Rough Draft – handa ng magsulat kung kumpleto na ang mga datos at mga materyales .
8. Pagwasto at Pagprebisa ng burador 9. Pagsulat ng pangwakas ng pananaliksik .