PowerPoint presentation on Grade 3 Filipino week 8.

mylene718600 0 views 79 slides Oct 22, 2025
Slide 1
Slide 1 of 80
Slide 1
1
Slide 2
2
Slide 3
3
Slide 4
4
Slide 5
5
Slide 6
6
Slide 7
7
Slide 8
8
Slide 9
9
Slide 10
10
Slide 11
11
Slide 12
12
Slide 13
13
Slide 14
14
Slide 15
15
Slide 16
16
Slide 17
17
Slide 18
18
Slide 19
19
Slide 20
20
Slide 21
21
Slide 22
22
Slide 23
23
Slide 24
24
Slide 25
25
Slide 26
26
Slide 27
27
Slide 28
28
Slide 29
29
Slide 30
30
Slide 31
31
Slide 32
32
Slide 33
33
Slide 34
34
Slide 35
35
Slide 36
36
Slide 37
37
Slide 38
38
Slide 39
39
Slide 40
40
Slide 41
41
Slide 42
42
Slide 43
43
Slide 44
44
Slide 45
45
Slide 46
46
Slide 47
47
Slide 48
48
Slide 49
49
Slide 50
50
Slide 51
51
Slide 52
52
Slide 53
53
Slide 54
54
Slide 55
55
Slide 56
56
Slide 57
57
Slide 58
58
Slide 59
59
Slide 60
60
Slide 61
61
Slide 62
62
Slide 63
63
Slide 64
64
Slide 65
65
Slide 66
66
Slide 67
67
Slide 68
68
Slide 69
69
Slide 70
70
Slide 71
71
Slide 72
72
Slide 73
73
Slide 74
74
Slide 75
75
Slide 76
76
Slide 77
77
Slide 78
78
Slide 79
79
Slide 80
80

About This Presentation

Ppt in Filpino grade 3 week 8


Slide Content

Tekstong ImpormatiboBabala / Pag-iisa-isa Paglalarawan

Unang Araw Magandang araw ! Kumusta ang bawat isa ? Noong nakaraang linggo ay tinalakay natin ang ukol sa __________. Ngayon naman ay dumako tayo sa bagong aralin . Tukuyin ang ipinapakita ng bawat larawan . ( Maaaring gumamit ang guro ng wordwall app o iba pang app upang maging kahikahikayat ang gawain ).

1. Ano ang ipinakikita ng bawat larawan ? 2 . Saan ito karaniwang matatagpuan ? 3 . Ano ang pangunahing layunin ng paggamit nito ? 4 . Ano ang tawag sa mga ito ?

Layunin ng Aralin Panuto . Tukuyin ang mga salita o katagang may kaugnayan sa “babala”. Isulat ito sa post it at idikit sa pisara . Sabihin . Mahusay ! Mamaya ay higit nating palalawakin ang inyong kaalaman tungkol dito . Ilalahad ng guro ang layunin ng aralin .

Susing Salita Basahin ang mga susing salita mula sa babasahing teksto. Piliin sa kahon ang mga kasingkahulugan nito . ( Hinihikayat ang guro na gumamit ng interaktibong estratehiya ). Tapat-Dapat ! Panuto . Basahin ang mga pangungusap . Ilagay sa kahon ang kasingkahulugan ng mga salitang initiman .

1. Sumunod sa tamang paraan ng paggamit ng mga laruan upang maiwasan ang pinsala . 2 . Maraming sasakyan ang mabilis na dumaraan , kaya delikadong maglaro sa lansangan . 3 . Mas mabuting maglaro sa lupa upang maiwasan ang panganib .

Basahin nang sabay-sabay ang babala . Mga Dapat Tandaan sa Ligtas na Paglalaro sa Paligid ng Paaralan Huwag tumakbo sa basang palapag – Ang madulas na sahig ay maaaring maging sanhi ng pagkadapa at pagkasugat . Laging maglakad nang maingat , lalo na kung umuulan o may tubig sa daanan . Pagbasa sa Mahalagang Pag-unawa

Gayundin , iwasang maglaro malapit sa kalsada – Maraming sasakyan ang mabilis na dumaraan , kaya delikadong maglaro sa lansangan . Palaging manatili sa loob ng bakuran ng paaralan o sa ligtas na lugar para sa paglalaro . Bukod dito , huwag ding akyatin ang matataas na bakod o puno – Ang pagakyat sa mataas na lugar ay maaaring magdulot ng aksidente tulad ng pagkahulog . Mas mabuting maglaro sa lupa upang maiwasan ang panganib .

Gamitin din nang tama ang mga laruan at palaruan – Huwag itulak o hilahin ang kaklase habang nasa swing o slide. Sumunod sa tamang paraan ng paggamit ng mga laruan upang maiwasan ang pinsala . Sa huli , huwag makipagusap o sumama sa hindi kilalang tao – Kapag may lumapit na hindi kilala , agad na ipagbigay-alam sa guro o magulang . Laging manatili kasama ang mga kaibigan o kaklase sa loob ng paaralan . Paalala : Ang pagsunod sa mga babalang ito ay makatutulong sa iyong kaligtasan at sa kaligtasan ng iyong mga kaklase . Laging mag- ingat at maging responsable sa iyong mga kilos!

1. Tungkol saan ang babalang binasa ? 2 . Ano-ano ang mga dapat at hindi dapat gawin upang manatiling ligtas sa paglalaro ?

Tandaan ! Ang babala ay isang uri ng tekstong impormatibo na naglalayong magbigay ng paalala upang makaiwas sa anomang sakuna o pinsala . Ito ay maaaring ipaskil sa iba't ibang anyo , tulad ng mga pandiwang pahayag , nakasulat na abiso , palatandaan , alarma , o senyales . Karaniwan itong makikita sa mga pampublikong lugar tulad ng kalsada , parke , paaralan at iba pa. Maaari itong gamitan ng mga panandang naghuhudyat ng pag-iisa-isa sa paglalarawan . Pagpapaunlad Kaalaman

Ano-ano ang mga hudyat ng pag-iisa-isa paglalarawan ? Balikan natin ang binasang babala . Ano - ano ang mga panandang naghuhudyat ng pag - iisa - isa at pagla larawan na ginamit sa babala ? ( Magbibigay ng halimbawa ang guro . Tatawag din ng mag - aaral na magbibigay ng sariling halimbawa ng babala na ginamitan ng hudyat ng pag - iisa - isa paglalarawan ).

Pangkatang Gawain Hatiin ang klase sa tatlong grupo . Bawat pangkat ay bubunot ng papel na naglalaman ng paksa na gagawan nila ng babala . Ang babala ay nararapat gamitan ng mga hudyat ng pag-iisaisa at paglalarawan ). Pag-iingat sa Kalusugan Pag-iingat sa Kalikasan Pag-iingat sa Karapatan Pagpapalalim ng Kaalaman

Paglalapat at Paglalahat Bakit mahalaga ang pag-unawa at pagsunod sa mga babala ? Ngayon ay punan ang Panata sa Sarili upang magamit ang mga natutuhan sa pang- araw - araw na buhay . Panata sa Sarili! Punan ang patlang.

Ako si _____ ( pangalan ) _____ ng _____ ( seksyon ) _____ ay nangangako sa aking sarili na _____ upang matiyak ko ang kaligtasan ng aking sarili at ng aking kapuwa .

Panuto . Tukuyin ang mga panandang naghuhudyat ng pag-iisa-isa paglalarawan na bubuo sa babala . Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno . Pagtataya ng Natutuhan Mag- ingat ngayong Tag- init ! Ibayong pag-iingat ang kailangan ngayong tag- init. ______ sa mga paraan ay ang manatili sa isang lugar na maaliwalas at may sapat na bentilasyon .

Kung maaari , iwasan ang paglabas at pag-eehersisyo lalo na sa oras na pinakamainit ang araw . Iwasan ang direktang sikat ng araw . _____ ang paginom ng tubig ayon sa pangangailangan ng katawan . Panatilihing hydrated ang katawan at iwasan ang mga inuming magdudulot ng dehydration tulad ng kape at alak .

Makakatulong din ang pagsusuot ng mga light color na damit ______ puti . Makabubuti rin kung ang tela ay manipis o magaan lamang upang maging maaliwas ang pakiramdam . Gumamit ng payong o sombrero upang maprotektahan ang ulo at balat mula sa matinding sikat ng araw . ____, kailangan ding alamin ang mga heat advisory. Pakinggan ang mga abiso tungkol sa heat warnings upang malaman kung kailan higit na kailangan ang pag-iingat laban sa matinding init.

Huwag isawalang bahala ang nararamdam lalo na ang mga sintomas ng heatstroke tulad ng pagkahilo , pagsusuka , o pamumula ng balat , magpatingin agad sa doktor o humingi ng tulong . ____________, ang pag-iingat ay mahalaga para maging ligtas ngayong tag- init !

Humanap ng isang halimbawa ng babala at bilugan ang mga panandang naghuhudyat ng pag-iisa-isa at paglararawan na ginamit dito . Idikit ito sa iyong kuwaderno . Karagdagang Gawain

Tekstong ImpormatiboUlat Panahon / Pag-iisa-isa Paglalarawan

Ikalawang Araw Magandang araw . Bago tayo magtungo sa ating aralin ay balikan muna natin ang paksang tinalakay kahapon sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong . Ano ang layunin ng babala bilang isang tekstong impormatibo ? 2. Ano-ano ang mga hudyat ng pag-iisa-isa at paglalarawan ang maaaring gamitin dito ?

Ngayon naman ay simulan natin ang bagong aralin sa pamamagitan ng pakikinig sa awiting pinamagatang “ Ang Panahon ”. https://www.youtube.com/ watch?v =wjpauA-Hw8w 1. Ano-ano ang mga panahong binanggit sa awitin ? 2 . Tuwing anong buwan natin karaniwang nararanasan ang tagulan ? Kailan naman ang tag- araw ? 3. Ano-anong kasuotan ang angkop suotin tuwing tag- ulan ? tagaraw ?

Layunin ng Aralin Subukin naman nating kilalanin ang iba’t ibang simbolo na ginagamit sa pagtukoy ng panahon na umiiral sa isang lugar . ( Ang mga larawan ay ilalagay ng guro sa flashcard at tatawag ng mag- aaral na magbibigay-turing dito ).

Alin sa mga sumusunod na kalagayan ng panahon ang iyong pinakagusto ? Ipaliwanag . Bilang isang mag- aaral , paano mo masusubaybayan o malalaman ang kalagayan ng panahon ? Iproseso ang kasagutan ng mga mag- aaral . Pagkatapos ay ilahad ang layunin ng aralin .

Susing Salita Bago natin basahin ang isang halimbawa ng ulat-panahon ay bigyan muna natin ng kahulugan ang mga piling salita mula sa teksto . Sipat-Kahulugan ! Panuto . Piliin sa kahon ang kasingkahulugan ng mga salita .

1. Ang Metro Manila, La Union, Pangasinan , CALABARZON, kabilang ang nalalabing bahagi ng Gitnang Luzon at ng MIMAROPA, Kabikulan , Kabisayaan at gayundin ang Zamboanga Peninsula ay magkakaroon ng maulap na kalangitan mahinahon magaganap natitirang

2. Katamtaman hanggang sa malakas na hangin mula sa timogkanluran hanggang kanluran ang iiral sa Gitna 3. Sa ibang dako , ang hangin ay magiging mahina hanggang sa katamtaman mula sa timog-kanluran na may banayad hanggang sa katamtamang pag-alon ng karagatan . mahinahon magaganap natitirang

Basahin nang sabay-sabay ang ulat panahon . ( Maaaring tumawag ang guro ng mga piling mag- aaral ng babasa nito sa paraang paulat ). Ang mga lalawigan ng Zambales , Bataan at Mindoro ay makararanas ng maulap na papawirin na dagdag pa ang katamtaman hanggang sa kung minsan ay malakas na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog na maaaring magdulot ng mga pagbaha at pagguho ng lupa . Pagbasa sa Mahalagang Pag-unawa

Ang Metro Manila, La Union, Pangasinan , CALABARZON, kabilang ang nalalabing bahagi ng Gitnang Luzon at ng MIMAROPA, Kabikulan , Kabisayaan at gayundin ang Zamboanga Peninsula ay magkakaroon ng maulap na kalangitan na may mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan at pagkidlat-pagkulog . Ang nalalabing bahagi ng bansa ay magiging bahagyang maulap hanggang sa maulap na may pulu-pulong pag-ulan o pagkidlat-pagkulog .

Katamtaman hanggang sa malakas na hangin mula sa timog-kanluran hanggang kanluran ang iiral sa Gitna at Katimugang Luzon at mula naman sa hilagangsilangan hanggang hilagang-kanluran sa natitirang bahagi ng Luzon at ang baybaying dagat sa mga lugar na ito ay magiging katamtaman hanggang sa maalon . Sa ibang dako , ang hangin ay magiging mahina hanggang sa katamtaman mula sa timog-kanluran na may banayad hanggang sa katamtamang pag-alon ng karagatan . Ang araw ay sisikat 5:45 ng umaga at lulubog 5:54 ng gabi .

Ipagawa 1. Ilahad ang kalagayan ng panahon sa bansa batay sa binasa . 2 . Isa- isahin ang mga hakbang na maaari mong gawin bilang paghahanda sa inilahad na lagay ng panahon .

Tandaan ! Ang ulat panahon ay isang uri ng tekstong impormatibo na layuning ilarawan ang kalagayan ng panahon sa isang lugar . Ito ay maaaring makita sa balitang pampahayagan , pantelebisyon maging panradyo . Tulad ng babala , ang ulat panahon ay ginagamitan din ng mga panandang naghuhudyat ng pag-iisaisa sa paglalarawan . Balikan ang binasang ulat panahon . Ilista ang mga hudyat ng pag-iisa-isa paglalarawan na ginamit dito . Pagpapaunlad Kaalaman

Pangkatang Gawain: Bumuo ng ulat panahon batay sa ipinapakita ng larawan . Gumamit ng mga hudyat ng pag-iisa-isa at paglalarawan . Maghanda para sa pag-uulat . Gagabayan ng guro ang mga mag- aaral habang binubo nila ang presentasyon . Pagpapalalim ng Kaalaman Pangkat Luzon

Pangkat Visayas Pangkat Mindanao

Paglalapat at Paglalahat Bakit mahalagang basahin o pakinggan ang ulat ukol sa panahon ? Natuto Ako ! Ilahad ang antas ng pagkatuto gamit ang Fist of Five at ipaliwanag ito sa klase .

Panuto : Salungguhitan ang mga panandang naghuhudyat ng pag-iisaisa - paglalarawan na ginamit sa ulat-panahon . Patuloy na uulanin ang malaking bahagi ng bansa dahil sa pinalakas na southwest monsoon o habagat , ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Linggo . Pagtataya ng Natutuhan

Sa datos ng PAGASA kaninang madaling araw ay pinalakas ng dumaang bagyo ang habagat na magdudulot ng pag-ulan sa bansa tulad ng dadanasin sa kalakhang Maynila . Dahil sa pinalakas na habagat , uulanin ang malaking bahagi ng Zambales , kasama rito ang Bataan, Occidental Mindoro, kabilang din ang hilagang bahagi ng Palawan. Kalat-kalat na pag-ulan naman ang mararanasan sa Western Visayas , La Union, Pangasinan , Tarlac , Pampanga at Benguet . Gayundin naman ang mararanasan sa ilang bahagi ng Bulacan , Batangas , Cavite at mga natitirang bahagi ng MIMAROPA.

Posible rin ang pagbaha bukod pa ang pagguho ng lupa tuwing magkakaroon ng katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan . Samantala , magpapatuloy ang pagbuhos ng ulan bansa hanggang umiiral ang habagat .

Bumuo ng 5 pangungusap na ginamitan ng hudyat sa pag-iisa-isa paglalarawan . Karagdagang Gawain

Tekstong ImpormatiboPatalastas / Hudyat ng Pagsusunod-sunod

Ikatlong Araw Magandang araw ! Halina’t balikan ang ating tinalakay kahapon sa pamamagitan ng pagdurugtong ng pahayag na nasa pisara gamit ang inyong mga “Show Me Board”. ( Tatawag ng magaaral na magbabahagi ng isinulat ). Dugtungan ! Kahapon ay tinalakay natin ang ____________. Dito ay natutuhan ko na _________________________.

Upang simulan ang ating aralin sa araw na ito , nais kong bigyan ninyo ng pansin ang larawang nasa tv screen. Ano ang nakikita sa larawan ? Ano ang nais nitong ipabatid o ipaalam ? Sa iyong palagay , malinaw ba ang impormasyon na ipinababatid nito sa mga mambabasa o manonood ? Patunayan .

Layunin ng Aralin Itala ang mga impormasyon na dapat matagpuan sa isang patalastas . Isulat ito sa makulay na papel at ibahagi sa kapareha . ( Pagkalipas ng 2 minuto , tatawag ang guro ng magbabahagi ng kasagutan ). Pares- Tayo Panuto . Itala ang mga impormasyon na dapat matagpuan sa isang patalastas . Isulat ito sa makulay na papel at ibahagi sa kapareha .

Susing Salita Basahin ang mga susing salita mula sa babasahing teksto . Ibigay ang kasalungat nito sa pamamagitan ng pagpupuno sa nawawalang letra . 1 . Ang ating paaralan ay magsusulong ng isang malinis na kapaligiran para sa mga mag- aaral , guro , mga empleyado , at komunidad . ( _ _ r _ m _ )

2. Upang matiyak ang wastong paghihiwa-hiwalay ng mga basura ay magtatakda ng utility na magsasala ng mga basura araw-araw o ayon sa pangangailangan . ( p _ _ s _ s _ _ a- s_ _ a) 3. Sama-sama tungo sa maayos at malinis na kapaligiran ! ( _ a g _ _ o)

Basahin nang sabay-sabay ang patalastas . Patalastas Ang ating paaralan ay magsusulong ng isang malinis na kapaligiran para sa mga mag- aaral , guro , mga empleyado , at komunidad . Kaya, hinihikayat ang kooperasyon ng bawat isa na isabuhay ang polisiya sa wastong segregasyon ng basura . Pagbasa sa Mahalagang Pag-unawa

Upang maisakatuparan ito , una , inaasahan na ang lahat ng silid ay magkaroon ng tatlong basurahan — nabubulok , di- nabubulok at mga bote . Bawat hallway ay magkakaroon din ng segregated bins. Sunod , inaatasan ang bawat isa na isagawa ang tamang segregasyon ng basura . Pagkatapos , bago umuwi ang mga basurang ito ay ibababa sa ating waste facility at itatapon nang naayon sa uri nito . Upang matiyak ang wastong paghihiwa-hiwalay ng mga basura ay magtatakda ng utility na magsasala ng mga basura araw-araw o ayon sa pangangailangan . Sama-sama tungo sa maayos at malinis na kapaligiran !

1. Tungkol saan ang patalastas ? 2 . Ano-ano ang mahahalagang impormasyon ang matatagpuan dito ? 3 . Sa iyong palagay , nararapat bang sundin ang patalastas na binasa ? Ipaliwanag .

Ano-ano ang mga salitang initiman sa binasa ? Ano kaya ang layon sa paggamit nito ? Sabihin . Tandaan ! Ang patalastas o anunsyo ay isang pormal at pampublikong pahayag na ginawa upang ihatid ang mahalagang impormasyon o balita sa grupo ng mga tao . Ito ay maaaring gamitin sa paaralan , mga lugar ng trabaho , mga pampublikong lugar , o sa media. Maaari din itong maging personal. Ang tono at istilo ng isang anunsyo ay maaaring magiba depende sa konteksto at sa target na madla . Pagpapaunlad Kaalaman

Gumagamit ito ng mga hudyat upang mas maging maayos ang paglalahad ng mga impormasyon . Isa na rito ang paggamit ng mga hudyat sa pagkakasunod - sunod katulad ng mga nakatalang salita sa ibaba . • isa , dalawa , tatlo , apat ,.. • una , pangalawa , pangatlo , pang - apat ,… • sumunod , pagkatapos • bilang panimula , bilang pangwakas

Halimbawa : Una , kunin ang kuwaderno at lapis. Ikalawa , isulat ang pangalan , bait ang at seksyon .

Pangkatang Gawain Bumuo ng patalastas o anunsyo ukol sa ibinigay na senaryo ng guro . Gamitan ito ng hudyat sa pagsusunod-sunod . ( Maaaring ipagawa ito gamit ang laptop at iba’t ibang application o di kaya ay ipagawa sa bondpaper o makulay na papel kung alinman ang angkop sa kakayahan ng mga bata ). Unang Senaryo . Pagdiriwang ng Family Day Ikalawang Senaryo Patimpalak sa Pagsulat Ikatlong Senaryo Pagpupulong ukol sa isasagawang Field trip Pagpapalalim ng Kaalaman

Paglalapat at Paglalahat Bakit mahalaga ang kalinawan ng isang anunsyo ? Paano mapatutunayan na totoo ang isang anunsyo ? Buoin Mo! Punan ang mga patlang iupang mabuo ang diwa ng talata . Ang patalastas ay isang impormatibong teksto na naglalayong _____. Ito ay naglalaman ng ______. Ang paggamit ng hudyat sa pagsusunod-sunod ay makatutulong upang _____.

Panuto : Tukuyin ang mga panandang naghuhudyat ng pagsusunod-sunod sa patalastas . Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno . Patalastas Lubos na pinagiingat ang bawat isa sa pagdating ng malakas na bagyo sa ating bansa mamayang ika-7 ng gabi . Dahil dito , hinihikayat na isagawa ang mga sumusunod : Pagtataya ng Natutuhan

Una , ihanda ang first aid kits at magimbak ng pagkain . Ikalawa , maging updated sa lagay ng panahon Ikatlo , maghanda ng plano para sa paglikas at isagawa ito kung kinakailangan

Sumulat ng isang patalastas na ginamitan ng hudyat sa pagsusunodsunod . Karagdagang Gawain

Tekstong ImpormatiboPangyayaring Pangkalikasan sa bansa / Hudyat ng Pagsusunodsunod

Ikaapat na Araw Magandang araw klase ! Kahapon ay pinagaralan natin ang pagtukoy sa patalastas at mga hudyat sa pagsusunodsunod . Maaari mo bang ibahagi _____ ang iyong kaalaman kaugnay nito ? Dumako naman tayo sa bagong aralin sa pamamagitan ng mga hawak nyong masaya at malungkot na mukha . ( Ipataas ang mga emoticon sa mga bata ).

Panuto . Masdan ang mga larawan . Itaas ang  kung ang larawan ay kanais-nais at  kung hindi . I- ugnay ang mga larawan sa kasalukuyang kalagayan ng ating kapaligiran .

Layunin ng Aralin Pakinggan ang awit at sagutin ang mga sumusunod na tanong . https://www.youtube.com/ watch?v =GSpZ4yE046E 1. Ano ang kalagayan ng kapaligiran ayon sa awit ? 2 . Sa iyong palagay , ano ang mensahe ang nais nitong iparating sa mga tagapakinig ?

Susing Salita Basahin ang mga salita sa pisara at isulat sa tapat ang kasalungat nito . Makahulugan ! Tukuyin ang kasalungat ng mga salita . Gamitin ito sa makabuluhang pangungusap . marumi mahina mataas

Basahin nang dugtungan ang balita hinggil sa kalikasan . ( Tatawag ng pangkat na magbabasa sa bawat bahagi ). Kalidad ng hangin sa Metro Manila, mataas level ng polusyon - DENR Matapos ang selebrasyon ng Bagong Taon , marumi , mahina ang kalidad at mataas ang level ng polusyon ng hanging sumalubong sa Metro Manila sa unang araw ng 2024. Pagbasa sa Mahalagang Pag-unawa

Ito ang ipinalabas na data ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) kung saan ang maruming usok na bumalot sa himpapawid ay sanhi ng mga fireworks at paputok na ginamit ng mga tao sa pagsalubong sa Bagong Taon na tradisyunal ng mga itong ginagawa . Maging ang kalidad ng hangin sa mga lungsod ng Pateros at Makati ay ‘unhealthy for sensitive groups‘ at ‘very unhealthy. Samantala katamtaman lamang umano sa Taguig City, San Juan, Pasig at Caloocan City.

Hindi naman naitala ang kalidad ng hangin sa iba pang lugar sa Metro Manila habang wala namang istasyon ng monitoring sa Quezon City at Valenzuela City. Base pa sa data sa website ng DENR, umabot sa AQI value ng 1,000 na may ‘emergency status’ ang kalidad ng hangin sa mga lungsod ng Makati, Pasig gayundin sa Pateros sa nakolektang 2.5 micrometers PM (Particles Monitoring) ng mga nakolektang particles sa kanilang monitoring stations . Samantalang marami pang lugar sa Metro Manila ang mahina rin ang kalidad ng hangin na nasa ‘acutely unhealthy’ sa level ng polusyon , ayon pa sa DENR.

1. Tungkol saan ang binasang balita ? 2 . Ano-ano ang mahahalagang impormasyon ang inilahad nito ? 3 . Bilang mag- aaral , paano ka makatutulong na mabigyan ito ng solusyon ?

May iba’t ibang paraan sa paggamit ng hudyat sa pagsusunod-sunod . Kapag pangngalan tao , bagay , hayop , lugar , at gawain , gumamit ng mga pang- uring pamilang na panunuran o ordinal . Halimbawa : Una si Marissa, pangalawa si Marlon, pangatlo si Mayet . Kapag proseso o paraan ng pagsasagawa ng isang bagay ay ginagamit ang mga sumusunod . Pagpapaunlad Kaalaman

• una , kasunod , panghuli , at iba pa. • Unang hakbang , Ikalawang hakbang Kapag pangyayari naman sa kuwento ay kailangang tukuyin muna ang bahaging paggagamitan . Pagpapakilala ng naunang pangyayari : sa simula , noon, dati , una , bago ito , mula noon Halimbawa : Sa simula ay masayang nanirahan ang pamilya nina Aling Ritsa sa tabing - dagat .

Pagpapakilala ng kasunod na pangyayari : sumunod , pagkatapos , pagkaraan , pagdaka , kalaunan , maya - maya pa, hanggang , ikalawa (at mga sumunod ) Halimbawa : Kalaunan ay napansin nila ang pagdami ng mga basura dito . Nangangamatay na rin ang mga isda at wala na silang mapagkunan ng ikabubuhay nila . Kaya napagpasyahan nila ang lumipat ng tirahan .

Pagpapakilala ng panghuling pangyayari : sa huli , sa dulo , sa wak as, sa ngayon katapos - tapusan , pagkatapos ng lahat Halimbawa : Sa huli ay natagpuan din nila ang payapang buhay na kanilang inaasam .

Pangkatang Gawain Bawat pangkat ay bubunot ng papel na naglalaman ng paksa na gagawin nila sa loob ng limang minuto . Tiyakin na magagamit ang mga hudyat sa pagsusunod-sunod . Pangkat 1 Bumuo ng isang patalastas na maglalahad ng hakbang upang mapanatiling malinis ang kapaligiran . Pagpapalalim ng Kaalaman

Pangkat 2: Gumawa ng isang balita hinggil sa epekto ng basura sa atin at sa bansa . Pangkat 3: Sumulat ng babala na magbibigay ng gabay sa pangangalaga ng kalikasan .

Paglalapat at Paglalahat Bakit mahalaga ang kaalaman sa mga pangyayaring pangkalikasan sa bansa ? Ilahad ang iyong pagkatuto sa pamamagitan ng estratehiyang 3-2-1 . Isulat ang tatlong natutuhan , dalawang nagustuhan at isang katanungan sa aralin .

3-2-1 Panuto . Punan ng angkop na pahayag ang bawat bilang . Tatlong Natutuhan Dalawang Nagustuhan Isang Katanungan

Panuto : Isulat sa kuwaderno ang mga panandang naghuhudyat ng pagsusunod-sunod na ginamit sa teksto ukol sa kalikasan . Kaalamang Pangkalikasan ! Ang Earth Day ay ipinagdiriwang natin tuwing ika-22 ng Abril upang ipaalala ang pangangailangan na protektahan ang ating kalikasan mula sa pagkasira . Narito ang ilan sa mga dahilan ng pagkasira ng ating kalikasan . Unang dahilan ng pagkasira ng kalikasan ay ang mga mapanirang aktibidad na nagdudulot ng polusyon . Pagtataya ng Natutuhan

Ikalawang dahilan ay ang patuloy na pagsasagawa ng mga ilegal na gawain tulad ng pagmimina at pagtotroso na nagiging sanhi ng pagkalbo ng mga kagubatan , pagbaha at lalong pag-init ng ating planeta . Kaya naman , mahalaga na magampanan natin ang ating tungkulin at matiyak ang pangangalaga sa kalikasan . Sa huli , kinakailangan natin magsagawa ng aksyon upang matiyak na makikinabang ang mga susunod na henerasyon mula sa kagandahan ng kalikasan .

Sumulat ng 5 pangungusap na ginamitan ng hudyat sa pagsusunod-sunod . Karagdagang Gawain

Salamat Po!
Tags