Isalaysay Mo! Panuto : Balikan ang “ Epiko ni Gilgamesh”, ibuod ito sa pamamagitan ng pagsasalaysay gamit ang mga hudyat o panandang pandiskurso sa pagkasunod-sunod na pangyayari . Gamitin ang mga angkop na mga salita na makikita sa baba: Sa huli Pagkatapos Sumunod Sa kabilang banda Una
Itiktok Mo! Panuto : Sundin ang bawat hakbang na ipinapakita sa bidyo upang makabuo ng isang sayaw .
Nagagamit ang mga angkop na mga hudyat sa pagsunod-sunod ng mga pangyayari . F10PB-Ie-f-65
Mga Tiyak na Layunin : Natutukoy ang mga panandang pandiskurso bilang hudyat sa pagsusunod-sunod ng mga pangyayari at pagkabuo ng diskurso ; Nakabubuo ng salaysay na naglalahad ng pagkasunod-sunod ng mga pangayayari gamit ang iba’t ibang panandang pandiskurso ; Naipahahayag ang kahalagahan ng wastong pagkasunod-sunod ng mga pangyayari
Panuto : Ayusin ang pagkasunod-sunod na hakbang o proseso sa pagluto ng Arroz Caldo sa pamamagitan ng pagbibigay ng bilang 1 hanggang 6 ang mga kahon upang maayos ang mga hakbang . Idugtong Mo!
Panandang Pandiskurso ang tawag sa mga salita o lipon ng mga salitang nag uugnay sa mga pangungusap o bahagi ng teksto . Ito ay nagbibigay-linaw at nag uugnay ng mga kaisipang inilahad sa isang teksto o diskurso .
Ito ay maaaring maghudyat ng pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari o maghimaton tungkol sa pagkakabuo ng diskurso . Karaniwang ito ay kinakatawan ng mga pang- ugnay , panghalip at iba pang bahagi ng pananalita .
Uri ng Panandang Pandiskurso 1. Mga Panandang Naghuhudyat ng Pagkakasunod-sunod ng mga Pangyayari 2. Mga Panandang Naghuhudyat ng Paraan ng Pagkabuo ng Diskurso
Mga Halimbawa : a. Sa pagsisimula - Una, sa umpisa , noong una , unang-una b. Sa gitna - ikalawa , ikatlo ..., sumunod , pagkatapos c. Sa pagwawakas - sa dakong huli , sa huli , sa wakas, sa bandang huli 1.Mga Panandang Naghuhudyat ng Pagkakasunod-sunod ng mga Pangyayari
2. Mga Panandang Naghuhudyat ng Paraan ng Pagkabuo ng Diskurso a. Pagbabagong-lahad - sa ibang salita , sa kabilang dako , sa madaling sabi , sa ibang pagpapahayag , kung iisipin Halimbawa : Sa kabilang dako , pinatay nila si Humbaba, pinatag nila ang kagubatan pati ang pagtangkang siraan ang diyosang si Ishtar ay kanilang ginawa .
b. Pagtitivak o Pagpapasidhi - siyang tunay , tulad ng, sumusunod , sa kanila , walang duda Halimbawa : Walang dudang naging matalik na magkaibigan sina Gilgamesh at Enkido . 2. Mga Panandang Naghuhudyat ng Paraan ng Pagkabuo ng Diskurso
c. Paghahalimbawa - halimbawa , nailalarawan ito sa pamamagitan ng, isang magandang halimbawa nito ay gaya ng , tulad ng. Halimbawa : Iba't ibang pakikipagsapalaran an ginawa nina Gilgamesh at Enkido gaya ng pagpatag si kagubatan , pagpaslang sa halimaw at paggapi sa toro ng divosa . 2. Mga Panandang Naghuhudyat ng Paraan ng Pagkabuo ng Diskurso
d. Paglalahat - bilang paglalahat , bilang pagtatapos , sa kabuoan , sa lahat ng mga ito . Halimbawa : Sa kabuoan , lubos na naghinagpis si Gilgamesh sa sinapit ng buhay ni Enkido kaya naman ipinagluksa niya ito nang husto . 2. Mga Panandang Naghuhudyat ng Paraan ng Pagkabuo ng Diskurso
e. Pagbibigay-pokus - bigyang-pansin ang, pansinin ang, tungkol sa Halimbawa : Hindi sana siya maparurusahan kung hindi niya inako ang tungkol sa kasalanang hindi naman niya ginawa . 2. Mga Panandang Naghuhudyat ng Paraan ng Pagkabuo ng Diskurso
f. Pagpupuno o Pagdaragdag - muli , kasunod , din/ rin , at , saka , pati Halimbawa : Sina Gilgamesh at Enkido ay magkaibigan . 2. Mga Panandang Naghuhudyat ng Paraan ng Pagkabuo ng Diskurso
g. Pagbubukod o Paghihiwalay - maliban , bukod kay, huwag lang, bukod sa Halimbawa : Lahat na yata ng katangian ay taglay ni Gilgamesh maliban sa pagiging abusado sa kapangyarihan . 2. Mga Panandang Naghuhudyat ng Paraan ng Pagkabuo ng Diskurso
h. Nagsasaad ng Kinalabasan o Kinahinatnan - tuloy , bunga nito , kaya naman,kung kaya, kaya nga . Halimbawa : Hindi kasi siya nag- ingat , tuloy nahuli siya . 2. Mga Panandang Naghuhudyat ng Paraan ng Pagkabuo ng Diskurso
i . Nagsasaad ng Kondisyon o Pasubali - kapag , sakali , kung Halimbawa : Sasang-ayon ako sa pakiusap niya kapag napatunayan kong tapat siya . 2. Mga Panandang Naghuhudyat ng Paraan ng Pagkabuo ng Diskurso
Panuto : Suriin ang mga panandang pandiskursong ginamit sa pangungusap at tukuyin kung anong uri ito . (A) Mga Panandang Naghuhudyat ng pagkakasunod-sunod ng mga Pangyayari o (B) Mga Panandang Naghuhudyat ng Paraan ng Pagkabuo ng Diskurso
1. Sa kabila ng malalang pag-ulan , patuloy parin ang operasyon ng mga volunteer para makatulong . 2. Sa umpisa palang , masasabi kong masuniring bata is Paul dahil sa kanyang ipinapakitang katangian . 3. Sa wakas, makakamit natin ang tunay na tagumpay kung magtutulungan tayo para sa kalikasan . 4. Bilang pagtatapos ng kanyang pag-aaral , siya ay nakakuha n isang parangal mula sa kanyang guro . 5. Bigyang-pansin sana ng pamahalaan ang mga naghihirap ngayong mamayan sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Bukod sa Kung Dahil Saka Kapag sa madaling sabi Panuto : Punan ng angkop na salitang hudyat ang bawat patlang upang mabuo ang diwa ng talata . Piliin ang mga salitang hudyat o panandang pandiskurso sa loob ng kahon .
(1)________ isang babae , kumikilos siya bilang isang ina . (2)_______ kaya lumaki ang kanilang mga anak na mulat ang kamalayan sa nangyayar sa lipunan . (3)_______ dito'y sumali sa kilusang makakaliwa ang kanilang panganay na si Jules. (4)_______ naging makata at manunulat naman si Emman at nahilig sa musikang rock 'n roll si Jason .(5)_______, nanatiling matatag ang pamilya Bartolome sa kabila ng napakaraming pagsubok ng panahon .
Pangkatang Gawain Ang Pag- usbong ng Teknolohiya : Makakabuti o Makakasama sa ating Kabataan (Debate) Pandemya COVid 19 ( Balita ) Pagluluto ng Paboritong Pagkain Pagbuo ng Sayaw Pagsulat ng Sanaysay tungkol Paglaganap ng Fake News .
Panuto : Suriin ang mga panandang pandiskursong ginamit sa pangungusap at tukuyin kung anong uri ito . ( A) Mga Panandang Naghuhudyat ng pagkakasunod-sunod ng mga Pangyayari o (B) Mga Panandang Naghuhudyat ng Paraan ng Pagkabuo ng Diskurso .
1. Sa kabila ng malalang pag-ulan , patuloy parin ang operasyon ng mga volunteer para makatulong .
1. Sa kabila ng malalang pag-ulan , patuloy parin ang operasyon ng mga volunteer para makatulong . 2. Sa umpisa palang , masasabi kong masuniring bata is Paul dahil sa kanyang ipinapakitang katangian . 3. Sa wakas, makakamit natin ang tunay na tagumpay kung magtutulungan tayo para sa kalikasan . 4. Bilang pagtatapos ng kanyang pag-aaral , siya ay nakakuha ng isang parangal mula sa kanyang guro . 5. Bigyang-pansin sana ng pamahalaan ang mga naghihirap ngayong mamayan sa gitna ng COVID-19 pandemic.
PANUTO: Ibigay ang mga dalawang uri ng panandang pandiskurso at mga halibawa nito , sundin ang format ng graphic organizer na makikita sa baba.
Takdang Aralin Pangkatang Gawain: Bumuo ng isang vlog na nagpapakita ng angkop na pagkasunod-sunod ng mga pangyayari . Pumili ng isang pakas na tutugon sa iyong sariling interest.