Alam mo bang magkaugnay ang panitikan at kasaysayan ? Isinasaad ng kasaysayan ang mga naganap na pangyayari at tinutukoy ang tiyak na panahon . Inilalarawan naman ng panitikan ang kultura , pamumuhay , hanapbuhay , paniniwala , kaugalian at karanasan ng mga tao . Ipinahahayag ng panitikan ang iba’t ibang mukha ng buhay at damdamin ng bawat nilalang katulad ng pag-ibig , kaligayahan , kalungkutan , tagumpay , kabiguan , poot at iba pang damdaming naipahahayag sa pamamagitan ng panitik .
Ang mga sumusunod ang mga pangkat ng mga taong dumating sa Pilipinas bago dumating ang mga Kastila .
ANG MGA ITA O MGA NEGRITO Ayon sa kasaysayan , sila ang mga unang nanirahan sa Pilipinas. Tinatawag silang Negrito, Ita , Aetas o Baluga. Wala silang sariling kultura at wala rin silang nalalaman sa agham , sining , paghahanapbuhay , pagsulat at pamumuhay . Sila'y walang palagiang tirahan . May 25,000 taon na ang nakalilipas , sila'y nakarating sa mga pulong sakop ng Pilipinas dahil sa ugali nilang maglakbay . Sinasabi sa kasaysayan na ang mga pulo sa Pilipinas at ang mga pulo sa Asya ay dating magkakadugtong .
ANG MGA INDONESYO Nakarating sa Pilipinas ang mga Indonesyo may 8,000 na ang nakaraan . May sarili na silang sistema ng pamahalaan . N agsusuot ng damit . M arunong gumawa ng apoy sa pamamagitan ng pagkikiskis ng dalawang patpat ng tuyong kahoy . M ay mga alamat , pamahiin at mga epiko . May higit silang kabihasnan kaysa mga Ita .
ANG MGA MALAY Tatlong pangkat ng mga Malay ang dumayo sa Pilipinas. Ang unang pangkat ang mga Anuno ng lahing Igorot, Tinggiyanes at Bontoc . Ang ikalawang pangkat ay ang mga ninuno ng mga Tagalog, Kapampangan, Bicolano, Bisaya, Ilokano, Pangasinense , Ibanag at iba pa. May dala silang alpabeto na nakilala sa tawag na Alibata , mga karunungang bayan, alamat at kuwentong bayan. Nagdala sila sa Plipinas ng sistema ng pamahalaan na tinawag na Balangay na hinango sa sinakyan nilang balsa.
ANG MGA INSTIK NA MANGGUGUSI Nakarating dito ang mga Intsik mula sa taong 30 o hanggang 800 A.D. Tinawag silang manggugusi sapagkat inilalagay nila sa gusi ang namatay na kaanak at ibinabaon sa kanilang bakuran . Nanggaling sa kanila ang mga salitang gusi , susi , kawali , talyasi , kawa, kuya , diko , sangko , ate, ditse at iba pa.
ANG MGA BUMBAY Nakarating sa Pilipinas ang unang pangkat ng mga Bumbay noong mga ikalabindalawang dantaon , A.D. Sila'y may pananampalatayang Beda at sinasamba nila ang Araw at ang Kalikasan . Ang ikalawang pangkat ay dumating noong ikalabintatlong dantaon . Sila'y may pananamnpalatayang Bramin .
ANG MGA ARABE AT PERSIYANO Sila'y mga biyaherong dumayo at nanirahan sa katimugan ng Pilipinas mula nang taong 890 A.D. hanggang ikalabindalawang dantaon . Ang mga misyonerong Arabe at Persiyanong nagsiparito upang ikalat ang Mahometanismo sa Malaysia at Pilipinas. N andayuhan noong ikalabinlimang dantaon na. Sa Mindanao at Sulu sila nagsipanirahan
Mga Salawikain Ang mga salawikain ay mga butil ng karunungang hango sa karanasan ng matatanda , nagbibigay ng mabubuting payo tungkol sa kagandahang-asal at mga paalala tungkol sa batas ng mga kaugalian . Patalinghaga ang mga nilalaman ng mga ito at pasalinsalin sa bibig ng tao .
HALIMBAWA NG SALAWIKAIN Ilokano Salin Habang basit iti kumot Agururay mga agbaluktot . Habang maigsi ang kumot , Magtiis kang mamaluktot .
Iba Pang Mga Salawikian Sa Katagalugan Naghahangad ng kagitna , Isang salop ang Nawala. Ang hindi lumingon sa pinanggalingan ay hindi makararating sa paroroonan . Ang magtanim ng hangin , Bagyo ang aanihin . Ang walang hirap magtipon , w alang hinayang magtapon . Kung ano ang lakad ng alimangong matanda a y siyang lakad ng alimangong bata .
Mga Bugtong Inilalarawan sa bugtong ang bagay na pinahuhulaan , nangangailangan ito ng mabilisang pag-iisip .
Ilokano Salin Nakadumdumog iti reyna, Nakayukong-yuko ang reyna, Saan matitir mag iti korona. Di nalalaglag ang korona. (bayabas) Bikolano Salin Igwang bitis daw makalakaw , May paa’y hindi makalakad, Igwang pakpak dae makalayog . May pakpak, di makalipad. (aparador) Kapampangan Salin Ene man hari, ene man pari, hindi hari, hindi pari, Magmalan yang sarisari . Nagdadamit ng sarisari. (sampayan) Cebuano Salin Gilubag ang walang sala, Pinipilit ang walang sala, Nagpatulo ng daghang luha . Tumulo ang maraming luha . ( damit na nilabhan , pinipilit )
1. Binaltak ko ang bagting, 2. Ang manok kong pula nagkakarang ang matsing. umakyat sa puno ng sampaka, Sagot: Kampana nang umuwi ay gabi na. Sagot : araw
Napaligaw sa Pilipinas ang pangkat ni Magallanes noong 1521. Isang kamaliang maituturing ang pag-aangkin ng mga Kastila na sila ang nakatuklas sa Pilipinas. Ang Pilipinas ay sinakop ng mga Kastila sa pamamagitan ng sandata at relihiyon . Humigit-kumulang sa apatnapu’t apat na taon ang nakaraan nang mapaligaw sa ating bansa ang pangkat ni Magallanes bago opisyal na naitatag ni Legaspi ang kapangyarihan ng Espanya sa Pilipinas noon 1565. Tatlong ekspedisyon ang ipinadalang Espanya sa Pilipinas bago ang ekspedisyon ni Legaspi ngunit ang mga naturang ekspedisyon na pinamumunuan ng mga sumusunod : Laoisa (1525), Saavedra (1527) at Villalobos (1542) ay hindi nakarating ng Pilipinas sapagkat sinalakay sila ng mga Olandes na noong panahong iyon ay nasa Indonesya .
Nagkaroon ng pagbabago sa pamumuhay ng mga Pilipino gayundin sa kanilang panitikan . Ang mga layunin ng Espanya sa pananakop ay ang mga sumusunod : magpalaganap ng Kristiyanismo magpayaman at magpalawak at magpalakas ng kapangyarihan .
Naging makapangyarihan at mayamang bansa ang Espanya noong ika-15 at ika-16 na daang taon . Halos nasakop ang buong Amerika. Nasakop ng Espanya ang Timog Amerika liban sa Brazil. Ang Califomia at ang gitnang Amerika ay nasakop din nito . Naghari rin ang Espanya sa karagatan ngunit tinalo ito ng Inglatera . Mahigit sa tatlong daang taong lumaganap ang impluwensya ng mga Kastila sa panitikan ng mga Pilipino. Karaniwan nang mga Kastila ang sumulat ng mga akda , na ang karamihan ay mga prayle .
Doctrina Cristiana (1593) Ito ang kauna-unahang aklat na panrelihiyon na nalimbag sa Pilipinas. Ang mga sumulat ay sina Padre Juan de Plasencia at Padre Domingo de Nieva . Ito'y nasulat sa Tagalog at Kastila .
Nuestra Señora del Rosario Ang aklat na ito ang ikalawang nalimbag sa Pilipinas. Sinulat ito ni Padre Blanca de San Jose at tinulungan siya ni Juan de Vera, isang mestisong intsik sa pagpapalimbag ng aklat . Nilimbag ang aklat sa Limbagan ng Pamantasan ng Santo Tomas.
Barlaan at Josaphat Ito’y isang salaysay sa Bibliya na isinalin sa Tagalog ni Padre Antonio de Borja mula sa Griyego .
Pasyon Ang awit na ito ay tungkol sa buhay ng ating Panginoong Hesukristo . Ang pagpaparangal na ito ay ginaganap kung Mahal na Araw . Apat ang nagsisulat ng pasyon : Padre GasparAquino de Belen (1704), Don Luis Guian (1750), Padre Mariano Pilapil (1814) at Padre Aniceto dela Merced (1856). Ang lalong naging malaganap ay ang pasyong Pilapil na may walong pantig sa bawat taludtod at limang taludtod sa bawat saknong . Ang pasyon ay isinalin sa lahat ng malalaganap na wika sa Pilipinas gaya ng Ilokano, Bisaya, at Bikolano .
Mga Dalit Kay Maria Si Padre Mariano Sevilla, isang paring Pilipino ay sumulat ng mga dalit noong 1865. Humalaw siya sa mga awit na “Mese de Maggio” o buwan ng Mayo. Ang paksa ng mga awit ay pagpaparangal at pagpapapuri sa Mahal na Birhen .
Mga Awit at Kurido Ang mga awit at kurido ay mga salaysay tungkol sa kagitingan at pakikipagsapalaran ng mga hari , reyna , prinsepe’t prinsesa na ang layunin ay mapalaganap ang Kristiyanismo . Ang salitang “ Kurido ” ay nanggaling sa Mehikanong “corrido” na ang kahulugan ay kasalukuyang pangyayari (current event). Nanggaling naman ang Mehikanong “corrido” sa Kastilang “ occurido ”.
Pagkakatulad ng awit at kurido Kapwa nagsisimula sa panalangin Magkatulad ng paksa Kapwa batay sa “Metrical Tales” ng Europa Ang mga buod ay naaayon sa kakayahan at pananaw ng nagsisulat Pagkakaiba ng awit at kurido : Ang awit ay binubuo ng labindalawang pantig sa bawat taludtod , ang kurido ay binubuo ng walong pantig sa bawat taludtod . Kung aawitin ang awit ay mabagal , ang kurido ay mabilis .
MGA DULA Ang Karagatan Ang larong ito'y ipinalalabas bilang pang- aliw sa mga naulila . Ginaganap ito sa ika-30 araw na pagkamatay at unang taon ng kamatayan . Maaari rin itong ganapin sa buong panahon ng pagdarasal para sa kaluluwa ng namatay , mula sa una hanggang ika-9 na araw at sa unang taon ng kamatayan . Patula kung bigkasin ang mga pananalita .
Ang Duplo Katulad ng karagatan , ang duplo ay isang larong may kaugnayan sa kamatayan ng isang tao at ang layunin ay aliwin ang mga naulila . Ginaganap ito sa ika-9 ng gabi . Patula ang mga pananalita ngunit hindi nangangailangan ng palagiang sukat at tugma .
Ang Panunuluyan o Pananapatan Ang panunuluyan o pananapatan ay local na bersyon ng paghahanap ng matutuluyan ng mag- asawang San Jose at Birheng Maria sa bisperas ng Pasko .
Ang Tibag Ang layunin ng pagpapalabas ng Tibag ay malinang ang debosyon sa krus na kinamamatayan ni Hesus . Ito’y hinahanap nina Reyna Elena at Prinsipe Constantino kasama ang mga kawal . Ginaganap ang pagtatanghal na ito kung buwan ng Mayo sa mga lalawigan ng Bulacan, Nueva Ecija, Bataan at Rizal. Sina Reyna Elena at Prinsipe Constantino kasama ang mga sundalong Kristiyano ay magsisimulang humanap sa krus sa ganap na ika-3 ng hapon sa bisperas ng pista . Ang prusisyon ay karaniwang nagsisimula sa bahay ng gaganap na Reyna Elena at tutuloy-tuloy sa mga bunduk-bundukan . Ang mga tauhan sa dula ay magsisipaghukay pagsapit sa bawat bundok . Sa ikatlong bundok matatagpuan ang krus ni Kristo . Kapag nakuha na ang krus , ang mga gumaganap sa pagtatanghal pati ang mga nanonood ay magsisipagbunyi .
Ang Karilyo Ang dula-dulaang ito’y ginagamitan ng mga kartong ginupit katulad ng “puppet show”. Ang mga ito’y pinakikilos sa pamamagitan ng alambre, panali at iba upang mapalabas na katawa -tawa at nakalilibang sa mga manonood . May mga pangyayaring ang tauhan ay may dayalogong binibigkas . Ang mga bumibigkas ay mga taong nasa likuran ng tanghalan .
Ang Senakulo Ang senakulo ay pandulaang bersyon ng pasyon . Ito’y ipinalalabas kung Mahal na Araw . Ang paksa ay buhay ng Panginoong Hesukristo mula sa kanyang pagsilang hanggang sa pagkabuhay na mag- uli . Itinatanghal sa entablado at may Korong umaawit sa pagbasa ng pasyon . Ang mga tauhan ay nagsusuot ng angkop na damit at ang mga kilos ng mga tauhan ay ibinibigay sa papel na kanilang ginagampanan . Dalawang uri ng senakulo : Cantada ( inaawit ) Hablada ( sinasalita )
Ang Moro- moro o Komedya Ang panimula ng moro-moro o komedya sa Pilipinas ay utang sa isang paring Kastila na nagngangalang Juan de Salazar. Diumano , ang pagbalik ni Heneral Corcuera noong kalagitnaan ng Hulyo 1637, mula sa isang matagumpay na pakikipaglaban sa mga moro sa Jolo ay nagbigay ng inspirasyon upang sumulat ng isang pagtatanghal na naiiba . Ang pagdaong ng pangkat ni Corcuera sa Cavite ay nasaksihan ng maraming tao . Sabihin pa, ang mga kabataang taga -Cavite ay naakit sa magilas na kasuotan at pagmamartsa ng mapanagumoay na mga kawal Kristiyano . At sa kanilang katuwaan ay naglaro ng dula-dulaang nagpakita ng kunwa’y paglusob ng mga sundalong Kastila at Tagalog sa isang kuta ng mga di- banyagan . Ang laro ay naging makatotohanan sapagkat labis na dinibdib ng mga kabataang “ magkakalaban ” ang kanikanilang papel. Ang gumanap na heneral ng mga moro ay nasaktan nang malubha . Napanood ni Padre Salazar ang dula-dulaan at kanyang natimbang ang kahalagahan ng pagtatanghal na ito na mabisang kasangkapan sa paghahasik ng diwa ng Kristiyanismo .
Ang Sarswela Ang sarswela ay masayang dula . Ito’y tigib ng tugtugin at awitin . Kung minsa’y may kalangkap ding sayaw , may lakip na pampatawa at may kaunting aksyon o tunggalian ang dulang ito na ipinalalabas sa tanghalan . Ang salitaan ay sa paraang tuluyan , patula o paawit . Ang pag-awit naman, maging pang- isahan , pandalawahan o pangmaramihan ay sinasaliwan ng rondalya o orchestra. Lahat ay pinapaksa ng mga manunulat ng dulang ito : pangkaugalian , panunudyo , pambayan , pangangalakal , pangkabuhayan at iba pa.
Isang halimbawa ng sarswela ay ang “ Walang Sugat ” ni Severino Reyes, ang dula ay naglalarawan ng kalupitan ng mga Kastila sa pagpaparusa sa mga mamamayang wala namang pagkakasala . Ipinakilala rin sa dula ang kagitingan ng mga kawal -Pilipino. Sa pamumukadkad at pagtaas ng popularidad ng sarswela ay unti-unti namang naglaho ang pagkahilig ng mga Pilipino sa moromoro .
Nagising ang damdaming Makabayan ng mga Pilipino noong 1872 . Naunawaan nila ang aping kalagayan sa ilalim ng mga Kastila . lumaganap ang damdaming Makabayan dahil sa pang- aalipin at paniniil ng mga dayuhan , labis na paghamak sa mga Pilipino na tinawag nilang mga Indiyo , suliranin sa sekulasyon at pagmamalabis ng mga taong umuugit sa pamahalaan . Nadagdag pa sa mga ito ang mga sumusunod na pangyayari : ang pagbubukas ng Suez Kanal , pagpasok ng diwang liberal ba Gobernador Heneral Carlos Ma. De la Torre, pag-aalsa sa arsenal Cavite, ang pagkakabuo ng gitnang uri (middle class) at ang pagkakagarote sa tatlong paring martir na sina Padre Gomez, Burgos at Zamora.
Ang mga sumusunod ang mga hangarin ng kilusang Propaganda na ang tanging layunin ay mga pagbabago sa mga batas at reporma . Hindi nilayon ng kilusan na humiwalay sa Espanya ni lumaban sa mga makapangyarihan . Pagiging pantay ng mga Kastila at Pilipino sa harap ng batas . Papanumbalikin ang pagkakaroon ng kinatawang Pilipino sa Kortes ng Espanya . Maging lalawigan ng Espanya ang Pilipinas. Maging mga Pilipino ang mga kura paroko . Kalayaan ng mga Pilipino sa pamamahyag , pagtitipon at pagpupulong at pagpapahayag ng kanilang karaingan .
Kumita ng unang liwanag sa Calamba, Laguna noong Hunyo 19, 1861 ang ating pambansang bayaning si Dr. Jose P. Rizal. Siya'y isang manggagamot , siyentipiko , makata , nobelista , pintor , eskultor , dalubwika , pilosopo , mananaliksik at mananalaysay . Sa kabuuan , siya'y isang henyo . Sa kabataan pa lamang ay kinamalasan na si Rizal ng katalinuhan . Ang kanyang ina ang kanyang unang guro . Sa gulang na tatlong taon ay natutuhan na niya ang alpabeto at sa gulang na limang taon ay marunong nang magsalita ng Kastila . Nakapagsasalita siya ng dalawamput dalawang wika. Gumamit siya ng mga sagisag na Laong Laan at Dimasalang . Ang kanyang malaking pagmamahal sa inang bayan ang nagbigay wakas sa kanyang buhay . Binaril siya sa Bagumbayan ( Luneta ) noong Disyembre 30, 1896 sa paratang na paghihimagsik laban sa mga Kastila . Si Rizal ay namatay upang mabuhay sa puso’t diwa ng mga Pilipino. Dr. Jose Rizal
Ang Ilan sa mga akda ni Dr. Jose Rizal __________________________________ 1. MI Ultimo Adios (Ang Huling Paalam ) Itinuturing na ito ang kanyang obra maestra . Kahuli-hulihang tulang sinulat niya na may salin sa iba't ibang wika sa daigdig , sa Ingles, Pranses , Aleman, Italyano , Ruso , Bahasa at iba pa. Ang kauna-unahang salin nito sa Tagalog ay sinulat ni Andres Bonifacio.
2. Noli Me Tangere (Berlin, 1887) Ang nobelang ito'y nangangahulugang " Huwag Mo Akong Salangin '". Inihandog niya ito sa Inang Bayan. Tinalakay rito ang mga kabulukan sa lipunan , Ang orihinal na manuskrito nito ay ipinagkaloob niya kay Maximo Viola na tumulong sa kanya sa pagtutustos ng salapi upang maipalimbag ang nobela .
3. El Flibusterismo (Ghent, 1891) Ang nobelang ito'y nangangahulugan ng "Ang Pagsusuwail ". Ito'y karugtong ng " Noli Me Tangere". Labing -isang taon pa lamang si Rizal nang patayin sa pamamagitan ng garote ang tatlong paring martir na sina Padre Gomez, Burgos at Zamora. Ang alaala ng tatlong pari ay hindi niya nalimot kailanman . Inihandog niya ang nobelang ito sa tatlong paring martir . Ang orihinal na manuskrito ay ipinagkaloob niya kay Valentin Ventura na siyang gumugol upang maipalimbag ang nobela .
4. Brindis Ito'y isang talumpating inihandog niya sa dalawang nanalong pintor na Pilipino sa Madrid. Binigkas niya ang talumpati sa isang tagayang ginanap na handog kina Juan Luna (Ang ipinanalo niya ay ang ipininta niyang " Spolarium ) at Felix Resurreccion Hidalgo (Ang ipininta niya ay may pamagat na "Mga Dalagang Kristiyanang Itinambad sa Nagkakagulong mga Tao".)
5. Awit ni Maria Clara Ito'y buhat sa isang kabanata ng " Noli Me Tangere" na may pamagat na "Ang Pangingisda ". Nagsisiwalat ito ng kanyang damdamin ng pagmamahal sa sariling bayan, ang pangungulila ng isang taong malayo sa sariling bayan.
6. Sa Aking mga Kabata Sinulat niya ang tulang ito sa gulang na walong taong gulang . Ipinakilala niya rito ang kanyang pagpapahalaga sa sariling wika. 7. Hinggil sa Katamaran ng mga Pilipino Napalathala ang sanaysay na ito sa "La Solidaridad " ang opisyal na pahayagan ng Propaganda. Ipinagtanggol ni Rizal ang mga Pilipino sa paninirang-puri ng mga Kastila na sila ay mga tamad . Hindi niya itinatwa na may mga Pilipinong tamad ngunit ibinigay niya ang mga kadahilanang pinagmumulan ng sinasabing katamaran ng mga Pilipino.
8. Sa Mga Kababaihang Taga - Malolos - Isang liham ito ni Rizal sa mga kababaihang taga -Malolos na bumabati sa kanila dahil sa paninindigan nilang matuto . 9. Ang Pilipinas sa Loob ng Sandaang Taon - Ito'y isang sanaysay na panghuhula sa maaaring maganap sa Pilipinas sa loob ng sandaang taon . 10. A La Juventud Filipina (Sa Kabataang Filipino) - Sinulat niya ito noong 1879 nang siya ay labingwalong taong gulang at nag- aaral pa siya sa U.S.T. Ang tulang ito ay nagtamo ng unang gantimpala sa isang timpalak panitikan . 11. El Consejo de los Dioses (Ang Kapulungan ng mga Bathala ) - Ito'y isangg dulang patalinghaga na sinulat niya noong 1880. Ang nasabing dula ay patalinghagang pagpapahayag niya ng paghanga kay Cervantes. 12. Kundiman - Ito'y isang tulang nagpapahayag na ang bayang inapi ay ililigtas sa darating na panahon dumanak man ang dugo .
I tinuturing na " Predikador ng Masa" na kilala sa mga sagisag na Plaridel, Dolores Manapat , Piping Dilat at Pupdoh . I sinilang sa nayon ng Cupang , San Nicolas, Bulacan, noong Agosto 1850. Nagaral siya sa Colegio de San Jose at nagtapos ng deretso sa Unibersidad ng Santo Tomas. Ang kanyang ama ay tatlong ulit na naging gobemadorsilyo ng Bulacan kaya kilala ang kanilang angkan . Marcelo H. Del Pilar / w ik i / P i l
Itinatag niya ang pahayagang " Diariong Tagalog" noong 1882 na pinaglathalaan niya at ng kanyang mga kamanunulat ng mga karaingan ng mga naaapi at paghingi ng reporma sa pamahalaang Kastila . Siya'y naglakbay sa Espanya noong 1888 upang maiwasan ang mga paguusig sa kanya at upang makatulong sa mga propagandista . Sa Espanya ay hinalinhan niya si Graciano Lopez Jaena bilang patnugotng pahayagang "La Solidaridad ". Namatay siya sa Espanya sa sakit na tuberkulosis .
Ang Ilan sa mga akda ni DeL PILAR __________________________________ Caiigat Cayo - libritong nagtatanggol sa Noli Me Tangere" ni Rizal sa ginawang pagtuligsa rito ni Padre Jose Rodriguez. 2. Dasalan at Tocsohan - gumagagad sa mga nilalaman ng aklat dasalan sa paraang mapanudyo . 3. Ang Cadaquilaan nang Dios - isang sanaysay na tumutuligsa sa mga prayle at nagpapakilala ng matibay na pananalig ni Marcelo H. del Pilar sa Diyos , sa Kanyang kadakilaan dahil sa mga biyayang dulot ng kalikasan na ipinagkaloob Niya sa atin . Si Marcelo H. del Pilar ay isang Katoliko ngunit hindi panatiko .
4. Sagot ng España sa Hibik nang Plipinas - tulang sagot sa tula ng kanyang dating gurong si Heminigildo Flores na may pamagat na " Hibik ng Pilipinas sa Inang España ". Binubuo ito ng 82 taludtod , naglalayong humingi ng mga pagbabago sa Espanya ngunit ipinahayag na walang ano mang tulong na maipagkakaloob ito . 5. Isang Tula sa Bayan 6. Pasiong Dapat Ipag-alab Nang Puso Nang Taong Babasa Pag- ibig sa Tinubuang Lupa - salin ito sa Tagalog ng "Amor Patrio " ni Rizal na nalathala sa " Diariong Tagalog" at "La Solidaridad ". 8. Ang Kalayaan - bahagi ng kabanata ng aklat na hinangad niyang sulatin na sana'y magiging huli niyang habilin ngunit hindi na niya natapos sapagkat siya'y sumakabilang buhay na.
Graciano Lopez Jaena (1856-1896) Kumita ng unang liwanag sa Jaro , Iloilo noong ika-17 ng Disyembre , 1856, siya'y isa mga kilalang manunulat at mananalum pati sa " Gintong Panahon ng Panitikan at Pananalumpati " sa Pilipinas. Ang dakilang orador ay nakagawa ng isandaang (100) talumpati . May malaki siyang pagnmanais na maging lalawigan ng Espanya ang Pilipinas at hindi kolonya . Itinatag niya roon ang pahayagang "La Solidaridad " na naging opisyal na pahayagan ng " Asociacion HispanoFilipino ", isang samahang binubuo ng mga Kastila at Pilipino na lumalakad ng mga pagbabago at reporma sa Plipinas . Siya'y nanindigan sa paghihiwalay ng simbahan at pamahalaan .
Katulad nina Felipe Calderon, Antonio Maria Regidor at Tomas G. del Rosario, kinatigan din niya ang walang bayad na pag-aaral , mabuting pamamalakad ng edukasyon at pagtatatag ng malaya at nagsasariling pamantasan . Sa pagkakahidwaang naganap kina Jose Rizal at Marcelo H. del Pilar tungkol sa kung sino ang mamumuno sa " Asociacion HispanoFilipino " sa Madrid, pinanigan ni Graciano Lopez Jaena si Rizal. Ipinagbili niya kay Marcelo H. del Pilar ang "La Solidaridad " at bumalik na siya sa Pilipinas upang manghingi ng abuloy para matustusan ang bago niyang pahayagang "El Latigo Nacional" ( Pambansang Latigo). Nagkasakit siya ng tuberkulosis dahil sa kakulangan sa pamamahinga at masusustansiyang pagkain . Binawian siya ng buhay sa isang ospital na walang bayad sa Barcelona noong Enero 20, 1896.
Ang Ilan sa mga akda ni JAENA __________________________________ Fray Botod - inihalintulad ang mga prayle sa mga payat na lamok na nang dumaung sa Pilipinas ay tumaba sa kakakain ng mga papaya't saging . Ang akdang ito ay isang satire na tumutuligsa sa moralidad , kamangmangan , kayabangan at pagmamalabis ng mga prayle El Bandolerismo en Filipinas - binigyang-diin sa akdang ito na ang mga bandido sa Pilipinas sa panahong iyon ay ang mga prayle at ang mgataong nasa pamahalaan . 3. La Hija del Fraile - isang akdang nang- uuyam sa masasama at mahahalay na mga gawain ng mga prayle .
4. Mga Kahirapan sa Pilipinas - tinutuligsa ang maling pamamalakad gayundin ang edukasyon sa Pilipinas. 5. Sa mga Pilipino - isang talumpating ang layunin ay mapabuti ang kalagayan ng kanyang mga kababayan .
ANTONIO LUNA (1868-1899) I sang parmasiyutikong higit na kilala bilang heneral ng hukbo noong himagsikan laban sa mga Amenkano . Siya’y kapatid ng tanyag na pintor na si Juan Luna. Gumamit siya ng sagisag na Taga-ilog . Marami siyang naiambag na sinulat sa pahayagang La Solidaridad ". Ang kanyang kamatayan sa Cabanatuan ay kagagawan daw ng mga naging kawal niyang hindi nakasunod sa mahigpit niyang disiplina kaya't pinatay siya nang pataksil . Ang hiwaga ng kanyang kamatayan ay kailangang tuklasin pa hanggang sa ngayon ng mga manunulat ng kasaysayan .
Ang Ilan sa mga akda ni LUNA __________________________________ Impresiones - inilalarawan dito ang labis na kahirapang dinaranas ng isang pamilyang naulila sa ama na isang kawal . Gumamit siya ng sagisag na Taga-ilog sa akdang lo. La Maestra de mi Pueblo - pinipintasan ang sistema ng edukasyon ng mga kababaihan . Noche Buena - paglalarawan ng aktwal na buhay ng mga Pilipino. La Tertulia Pilipinas - (Ang Piging na Pilipino) - isinasaad nito na higit na mabuti ang mga kaugaliang Pilipino kaysa Kastila . Todo Por El Estomago - tinutuligsa nito ang mga patakaran sa pagbubuwis ng pamahalaang Kastila .
MARIANO PONCE (1863-1918) T ubong Baliwag , Bulacan I sang matibay na haligi ng Kilusang Propaganda. Gumamit siya ng mga sagisag na Tikbalang , Kalipulako at Naning . Binigyang diin niya sa kanyang mga sanaysay ang kahalagahan ng edukasyon ; Ipinagtanggol niya ang mga Pilipino sa paghamak ng mga Kastila at inilahad niya ang mga hinaing ng bayan.
Ang Ilan sa mga akda ni PO NCE __________________________________ Ang Pagpugot kay Longhino - Ang dulang ito ay itinanghal sa liwasan ng Malolos, Bulacan. Mga Alamat ng Bulakan - Ito'y katipunan ng mga alamat ng lalawigang kanyang sinilangan . The Literature of the Propaganda Movement - (Ang Panitikan ng Kilusang Propaganda). Ang mga Pilipino sa Indo Tsina
PASCUAL POBLETE Naging kasamahan siya ni Marcelo H. del Pilar sa pahayagang " Diariong Tagalog" Itinatag at pinamagatan niya ang pahayagang EI Kesumen nang sila ni Marcelo H. del Pilar ay maghiwalay na sa pagsusulat sa " Diariong Tagalog". Mapanuligsa ang kanyang panulat na naging dahilan ng pagpapatapon sa kanya sa Africa noong 1882 at panahon na ng mga Amerikano nang makabalik siya sa Pilipinas. Itinatag niya ang pahayagang El Grito del Pueblo" na may pangalang Tagalog na "Ang Tinig ng Bayan". Siya'y tinaguriang "Ama ng Pahayagan ". Siya ang kaunaunahang nagsalin ng Tagalog ng " Noli Me Tangere" ni Jose P. Rizal. https://en.wikipedia.or g/w i k i /Pascual_H._P ob l e t e
Ang Ilan sa mga akda ni POBLETE __________________________________ Salin ng nobelang "Ang Konde ng Monte Kristo " ni Alexander Dumas Salin ng " Buhay ni San Isidro Labrador" ni Francisco Butina Mga manunulat sa Wikang Tagalog
JOSE MA. PANGANIBAN (1865-1895) Gumamit ng sagisag na Jomapa N ag- ambag ng mga sanaysay at lathalain sa pahayagan ng propaganda. Siya'y tubong Camarines Sur. Nagtapos siya ng Batsilyer ng Siyensya sa Colegio de San Juan de Letran at nag- aral ng tatlong taon sa Unibersidad ng Santo Tomas sa kursong Medisina . Katulong siya ni Marcelo del Pilar sa pahayagang "La Solidaridad ". Siya'y magaling na mamamahayag at mananalumpati . Humanga maging si Rizal sa pagkakaroon niya ng "Memoria fotografica .
Ang Ilan sa mga akda ni PANGANIBAN __________________________________ Noche de Mambulao A Nuestro Obispo Lupang Tinubuan El Pensamiento La Universidad de Manila
PEDRO PATERNO (1857-1911) Isang tunay na manunulat , makata , nobelista at dramaturgo . Isang masigasig na tagapaglaganap ng damdaming makabayan at pagbabagong-isip ng mga Pilipino . Mga paksang p anrelihiyon at panlipunan ang mga tinalakay niya sa kanyang mga akda . Siya ang kauna-unahang manunulat na nakalaya sa se nsura sa panitikan sa panahon ng mga Kastila . https://en.wikipedia.org/ w ik i / P edro_Pate r n o
Ang Ilan sa mga akda ni PATERNO __________________________________ Ninay - nobelang nagpatanyag kay Pedro Paterno a t sinasabing kaunaunahang nobelang panlipunan sa Kastila na sinulat ng isang Pilipino. El Cristianismo y La Antigua Civilization Tagala - sinulat niya noong 1892, naglalaman ng isang pag-aaral sa bisa ng Kristiyanismo . Sampaguita y Poesias Varias - isang katipunan ng mga tulang kanyang nasulat . A mi Madre (Sa Aking Ina) - ipinahahayag nito ang kanyang pangungulila kung wala ang kanyang ina . La Civilization Tagala El Alma Filipino Los Itas A ng huling tatlong akda ay nagpapaliwanag na ang mga Pilipino ay may katutubong kultura .
ISABELO DELOS REYES N apabilang sa tatlong panahon ng panitikang Pilipino: Panahon ng Propaganda, Panahon ng Himagsikan at Panahon ng Amerikano . Siya'y isang manananggol , manunulat , mamamahayag at lider manggagawa . Itinatag niya ang " Iglesia Filipina Independiente".
Ang Ilan sa mga akda ni DELOS REYES __________________________________ El Folklore Filipino - nagtamo ito ng gantimpala sa Eksposisyon sa Madrid, Las Islas Visayas en la Epoca de la Conquista Historia de Ilocos La Sensacional Memoria Sobre La Revolucion Filipina
PEDRO SERRANO LAKTAW Itinatag niya ang " Lohiyang Nilad " na kaugnay ng Kilusang Propaganda na may layuning magkaroon ng mga sumusunod : Pilipinong kinatawan sa Korte ng Espaya , demokratikong pamunuan , kalayaan at karapatan ng bawat tao , magkaroon ng mga pagbabago at reporma at maging lalawigan ng Espanya ang Pilipinas. Isa siya sa mga pangunahing mason na kasamang umuwi sa Pilipinas ni Antonio Luna na may layuning bumuo ng Masonarya .
Ang Ilan sa mga akda ni LAKTAW __________________________________ Diccionario -Hispano Tagalo - nalathala ito noong 1889 Sobre La Lengua Tagala Estudios Gramaticales Ay mga akda ni Pedro Serrano Laktaw na pinagbatayan ni Lope K. Santos ng Balarila ng Wikang Pambansa.
MAGHANDA PARA SA MAIKLING PAGSUSULIT AT MAHABANG PAGSUSULIT