Q2 PPT WEEK 4 - GMRC 4.pptxgsgsdgsgsgdsgdsgdg

PatrickMatibag 0 views 79 slides Oct 06, 2025
Slide 1
Slide 1 of 81
Slide 1
1
Slide 2
2
Slide 3
3
Slide 4
4
Slide 5
5
Slide 6
6
Slide 7
7
Slide 8
8
Slide 9
9
Slide 10
10
Slide 11
11
Slide 12
12
Slide 13
13
Slide 14
14
Slide 15
15
Slide 16
16
Slide 17
17
Slide 18
18
Slide 19
19
Slide 20
20
Slide 21
21
Slide 22
22
Slide 23
23
Slide 24
24
Slide 25
25
Slide 26
26
Slide 27
27
Slide 28
28
Slide 29
29
Slide 30
30
Slide 31
31
Slide 32
32
Slide 33
33
Slide 34
34
Slide 35
35
Slide 36
36
Slide 37
37
Slide 38
38
Slide 39
39
Slide 40
40
Slide 41
41
Slide 42
42
Slide 43
43
Slide 44
44
Slide 45
45
Slide 46
46
Slide 47
47
Slide 48
48
Slide 49
49
Slide 50
50
Slide 51
51
Slide 52
52
Slide 53
53
Slide 54
54
Slide 55
55
Slide 56
56
Slide 57
57
Slide 58
58
Slide 59
59
Slide 60
60
Slide 61
61
Slide 62
62
Slide 63
63
Slide 64
64
Slide 65
65
Slide 66
66
Slide 67
67
Slide 68
68
Slide 69
69
Slide 70
70
Slide 71
71
Slide 72
72
Slide 73
73
Slide 74
74
Slide 75
75
Slide 76
76
Slide 77
77
Slide 78
78
Slide 79
79
Slide 80
80
Slide 81
81

About This Presentation

fsdgsgsgdgds


Slide Content

GMRC 4 Day 1 Quarter 2, Week 4

Pagbibigay-halaga sa Pamilya Bilang Paglalapat ng mga Aral ng Pananampalataya

Sagutin at buuin ang talahanayan. Balik-aral

Hindi sapat na tayo'y nagpapahayag lamang ng ating paniniwala sa mga salita; dapat itong maipakita sa ating mga gawa at kilos. Ang pagsasabuhay ng pananampalataya lalo na sa ating pamilya ay nagbubunga ng masaganang pagpapala mula sa Diyos. Kapag tayo ay tapat na sumusunod sa mga utos ng Diyos at ipinapakita ang pagmamahal sa Kanya at sa ating pamilya, nagiging instrumento tayo ng Kanyang pagpapala at biyaya sa isa’t isa. Paglalahad

Paglalahad Sa pamayanan naman, ang pagsasabuhay ng mga aral ng pananampalataya ay nagbibigay-daan sa atin upang maging instrumento ng pagbabago. Sa pamamagitan ng pagiging mabuting mamamayan, pagtulong sa mga nangangailangan, at pagiging mapanagot sa ating mga tungkulin, nagiging bahagi tayo ng pag-unlad at pagpapabuti sa ating kapaligiran. Sa pamamagitan ng tapat t masigasig na pagsunod sa aral ng pananampalataya, nagiging daan tayo ng pagasa, pag-asa, at pag-ibig sa ating pamilya at pamayanan.

Humanap ng kapareha mo sa paggawa nito. Maaring ang iyong katabi. Piliin at lagyan ng Tsek (/) ang mabubuting bunga ng pananampalataya sa buhay ng isang tao at sa pamilya at Ekisan (X) ang hindi mabubuting bunga nito. Gawain 1

Mga Mabubuting Bunga ng Pananampalataya 1.___ Nagiging mapagmalaki tayo dahil sa alam na ang tama. 2.___ Nagiging mapagpakumbaba dahil nalalaman ang mga kahinaan. 3.___ Nagkakaroon ng pag-asa dahil sa katiyakang may sumusubaybay at nagmamahal. 4.___ Mas natutuhan na maging magpatawad Gawain 1

5.___ May lakas ng loob dahil may nasasandigan at mahihingian ng tulong. 6.___ Walang mapanindigan at mapagbatayan sa pagdedesisyon kung ano ang tama. 7.___ Malaya gumawa sa gusto dahil walang pumipigil kahit ano ang gawin Gawain 1

Gawain 1 8.___ Nahihikayat na magmuni-muni sa sariling gawa. 9.___ May nagpapaalala ng mabubuting aral na dapat gawin. 10___ Nagsusumikap na mahalin ang kapuwa kagaya ng pagmamahal sa sarili.

Punan ang organizer. Gawain 2

Sumulat ng mga tiyak na hakbang kung paano mo : Mapaunlad ang pansariling-gawi sa pag-aaral . Matitiyak na makagagawa ng mga mabuting pagpapasiya Mahuhubog o mapauunlad ang pananampalataya Gawain 3

Paano napapahalagahan ang pananampalataya sa pagbibigay halaga sa pamilya? Paglalahat

Pagtataya Basahin at unawain ang mga pahayag. Lagyan ng tsek ang patlang kung sang-ayon ka sa ito at ekis naman kung hindi. ___ 1. Mahalaga ang pamilya para sa isang indibidwal. ___ 2. Kailan bumuo ng magandang ugnayan sa pamilya.

___ 3. Hindi nakapapatibay ng isang pamilya ang kasal. ___ 4. Itinuturing ang pamilya ng pundasyon ng Lipunan. ___ 5. Mahalaga ang pananampalataya sa pagbibigay halaga sa pamilya. Pagtataya

GMRC 4 Day 2 Quarter 2, Week 4

Pagbibigay-halaga sa Pamilya Bilang Paglalapat ng mga Aral ng Pananampalataya

Sagutin ang mga tanong. 1. Natatandaan mo pa ba ang huli mong pagsamba? Kailan yon? 2. Bakit tayo nagsasamba? Ano ang ginagawa natin kung nagsasamba? 3. Ano naman ang mabubuting epekto sa atin ng pagsamba? Pangganyak

Ang pagsamba ay isang kilos sa pagbibigay puri sa Diyos. Ginagawa natin ito, sa pamamagitan ng panalangin, pag-awit, at pag-aalala ng mga aral at gaw ng Panginoon. Sa pamamagitan ng sama-samang pagsamba, ang mga mananampalataya ay nagkakaisa sa kanilang pananampalataya at nagpapalakas sa bawat isa. Paglalahad

Ang pagsamba ay naglalayong magbigay ng panahon sa paghamumuni-muni ng buhay ayon sa kalooban ng Diyos na kasa-kasama ang iba pang mananampalataya. Ito ay nagbibigay-daan sa mga mananampalataya na maging mas mabuting tao at maging instrumento ng pagpapala at kabutihan sa kapuwa. Ano ang panalangin o dasal? Ano ang kahalagahan nito? Paglalahad

Ang panalangin o dasal ay pakikibahagi at pakikipag-usap sa ating Panginoon. Isang pamaraan na rin ito ng pagsamba sa Diyos pero personal. Sa panalangin, pinaparating natin sa Diyos ang ating pagpuri, pagpapasamalat sa mga pagpapala, ting mga damdamin at hinaing. Humingi tayo ng Kaniyang tulong at gabay. Ito ay isang pagpapahalaga sa pakikipag-usap sa Panginoon. Paglalahad

Ang pagkamapasalamatin ay dadamin o saloobing pagkilala ng ating utang na loob sa Diyos at sa mga taong nakapaligid sa atin. Galing ang pagpapasalamat sa pagkilala ng kabutihan at kagandahang loob ng Diyos man o ng mga tao sa ating paligid. Paglalahad

Nararamdaman at nakikita natin ang kabutihan ng Diyos sa kalikasan at sa mabubuting gawa para sa atin. Sa pagkilala natin ng mga ito, nag-uumapaw ang pasasalamat at kagustohang maiparamdam ang ating ganti sa kabutihang ating natatamo. Ang pagnanais at saloobin natin ang nagtutulak sa atin na gumawa ng mabuti sa iba bilang ganti. Paglalahad

Pananampalataya sa Puso at Gawa 1. Si Anna at kanyang kapatid na si Marco ay parating nag-aaway. Makulit kasi si Marko at parating iniinis si Anna. Ano ang gagawin mo kung ikaw si Anna: Sagot ko: _____ Sagot Mo: _____ Gawain 1

2. Nawalan ng trabahao ang Tatay mo at halos wala kayong mapagkunan ng pangangailangan sa araw-araw. Ano ang pwede mong gawin batay sa aral ng pananampalataya sa ganitong sitwasyon? Sagot ko: _____ Sagot Mo: _____ Gawain 1

3. Nagkasakit ang Nanay mo at walang naglilinis wala ring nagluluto lalo na sa Nanay mong may sakit. Ano ang gagawin mo? Sagot ko: _____ Sagot Mo: _____ Gawain 1

Itala ang mga mabubuting bunga ng pananampalataya na natukoy sa ating talakayan. Piliin dito ang mga katangiang sa palagay mo ay kailangan talaga natin. Gumuhit ng basket o tray ng mga prutas at pangalanan ang mga bunga ng mga bunga ng pananampalataya na kailangan natin sa buhay. Gawain 2

Gawain 2

Paano niyo naisasabuhay ang pananampalataya sa pagbibigay halaga sa pamilya? Paglalahat

Piliin ang letra ng tamang sagot. 1. Bakit mahalagang maturuan ang mga anak na mamuhay nang simple? A. Upang maisabuhay nila ang pagiging mapagkumbaba. B. Upang masanay sila na maging maaya at kuntento sa mga munting biyaya. C. Upang hindi sila lumaking marunong magpahalaga sa perang kanilang pinaghirapan D. Upang maisapuso ng mga ng mga anak na mas mahalaga ang tao sa kung ano siya at hindi sa kung ano ang mayroon siya Pagtataya

2. Ang pagtuturo ng simpleng pamumuhay sa mga anak ay maaaring magbunga ng sumusunod na pagpapahalaga maliban sda: A. pagtanggap B. pagmamahal C. katanungan D. pagtitimpi Pagtataya

3. Ang sumusunod ay makatutulong sa isang bata upang matuto ng mabuting pagpapasiya maliban sa: A. pagtitiwala B. pagtataglay ng karunungan C. pagkakaroon ng ganap na Kalayaan D. pagtuturo ng magulang ng mga pagpapahalaga Pagtataya

4. Ang mga sumusunod ay mga paraan upang mahubog sa mga anak ang pagpapahalaga sda mga gawaing ispititwal maliban sa: A. ilagay ang Diyos sa sentro ng pamilya B. iparanas ang tunay na mensahe ng mga aral ng pananampalataya C. maglaan ng tiyak na panahon upang making at matuto sa mga aral ng pananampalaya D. ituon ang pansin sa ganap na pang-unawa sa nilalaman ng mga aklat tungkol sa pananampalataya Pagtataya

5. Sa paanong paraan magagawang possible ang pagsasakatuparan ng mga misyon ng pamilya? A. Pagsasagawa nito nang may pagmamahal at malalim na pananampalataya B. Pagtiyak ng pagsasagawa ng mga ito nang kolektibo at may bahagi ang lahat ng kasapi ng pamilya C. Paghingi ng tulong sa ibang mga magulang na may mas malalim na karanasan D. Pagtiyak na malinaw sa mga anak ang hirap sa paghahanap sa hamon at pagtulong ng mga ito upang ito ay maisakatuparan. Pagtataya

GMRC 4 Day 3 Quarter 2, Week 4

Pagbibigay-halaga sa Pamilya Bilang Paglalapat ng mga Aral ng Pananampalataya

Ano ang tungkol sa pananampalataya. Pangganyak

Basahin ang kwento . Biyaya si Bless Kuwento ni Lily F. Apura Masayang nakikipaglaro ng taguan si Bless sa mga batang kapitbahay . Tuwangtuwa sila ng kaibigan niyang si Karen na batang muslim , dahil hindi pa sila naging taya . Tahimik na nagtago si Bless malapit sa taguan ni Karen. Linggo ng hapon noon at walang pasok . Paglalahad

Nakapagsamba na ang pamilya ni Bless. Natatandaan pa nga ni Bless ang pangaral, “Maging masunurin sa magulang at magmahalan sa pamilya. Utos yan ng Diyos.” Magaan ang kanyang pakiramdam matapos silang magsimba. Laking pasasalamat niya at kumain pa sila sa Jollibee pagkagaling sa simbahan. “Bless, Bless!” Medyo nagulat si Bless. Boses yoon ng nanay niya. Sasagot na sana siya, ngunit sinenyasan siya ni Karen sa huwag maingay. Paglalahad

“Mamaya ka na umuwi.” Pabulong na sabi ni Karen. Pero hindi mapakali si Bless. “Baka kailangan ni Nanay ang tulong ko?” Bulong ni Bless. Naisip ni Bless, ‘Bibihirang mag-utos si nanay. Baka hindi kayang mag-isa ni Nanay ang ginagawa niya. Nagbilin pa naman ang tatay na tulungan ko si Nanay sa gawaing bahay.’ “Baka mag alala si Nanay.” Sabi niya kay Karen. “Uuwi na ako.” Nagmamadaling lumabas si Bless sa kanyang pinagtataguan at umuwi. Paglalahad

“Narito na po ako nay,” ang sabi niya. Kailangan pala ng kanyang Nanay nang hahawak sa upuan na tatayoan nito para maglagay ng kurtina. “Ay salamat anak at nandito ka. Talagang biyaya ka ng Diyos sa amin. Ang iyong buhay ay nagpapakita ng pagmamahal sa Diyos.” Ang sabi ng kaniyang Nanay. Paglalahad

Ngumiti si Bless. Masaya siyang bumalik pagkatapos mailagay ang kurtina, at nakilahok uli sa laro ng mga kapuwa bata. Naisip niya, “Maganda pala ang pakiramdam kung unahin mo ang paggawa ng mabuti kaysa sa sariling gusto.” Paglalahat

Sagutin: 1. Ano anong mga aral ang nasa isip ni Bless na nakikita natin sa kanyang gawa? 2. Ano ang mga palatandaan na naisapuso ni Bless ang mga aral na ito? 3. Ano anong mga gawa ni Bless ang nagpapakita ng nasa puso o saloobin ni Bless? 4.Ano kaya ang puwedeng mangyari kung hindi umuwi si Bless? Paglalahad

Panuto : Pumili sa talaan sa ibaba , ng pwedeng gawin mo , para maiparamdam mo ang iyong pagmamahal sa iyong mga magulang o kasapi sa pamilya . Kumuha ng litrato na nagpapakita ng reaksyon nila ng mabasa , o patunay ng ginawa mo. Pwede ding magsalaysay ng kanilang reaksyon at karanasan mo sa paggawa ng Gawaing Aralin . Gawain 1

1. Susulat ako ng pasasalamat sa paghahanap buhay ni Tatay para sa aming pamilya. 2. Gagawa ako ng maikling sulat na ilalagay ko sa lugar na makikita ni nanay habang siya ay nagluluto. 3. Paliligoan ko ang aking alagang aso. Gawain 1

4. Bibigyan ko si Ate ng munting regalo, pagpapasalamat sa pagtulong niya sa aking mga bahay aralin. 5. Tutulong ako kay Mama sa paghugas ng pinggan. 6. Mamasahehin ko ang likod/ulo/paa ni Daddy at/o Mommy. Gawain 1

7. Tatanungin at pakikinggan ko kung ano ang payo sa akin ng aking kuya bilang nakababatang kapatid na lalaki. 8. Idagdag ang na-isip mong gawin:____________ Bakit mo ito napili paano ito nauugnay sa sitwasyon ng pamilya Mo? Gawain 1

Gagawin itong gawain ng dalawahan. Sagutin ang unang tanong at isaad ang aral na naaalala ukol sa pananampalataya. Isulat sa ibaba ang isaktong sasabihin mo na may pagmamahal at respeto sa pamilya mo. Halimbawa: “Nanay, Tatay, kailang po yata nating magsimba ng samsama para makapagmuni at mapalalahanan na magmahalan. ….” Gawain 2

Magtala ng tatlong Bunga ng Pananampalataya na gustong mong makita sa sarili mo at isalaysay kung paano mo ito palalagoin . Halimbawa : Mapagmahal - araw-araw gagawa ako ng ikakatuwa ng mga kasapi ko sa pamilya . 1. _____________ - ____________ 2. _____________ - ____________ 3. _____________ - ____________ Gawain 2

Bakit mahalagang malinang ng isang pamilya ang pagmamahal, pagtutulungan at pananampalataya sa Diyos? Paano mo mapauunlad a iyong saring pamilya ang pagpapahalaga sa pananampalataya? Paglalahat

Susuriin kung maganda o pangit ang impluwensya ng paniniwala mo sa iyong pakikitungo sa iba, lalo sa sa naiiba ang paniniwala sa yo. Magada (M) o Di Maganda (DM) ang pangungusap para sa iyo. ______1. Ang pagpapakumbaba ay mahalagang aral sa aking pananampalataya. ______2. Ang aking paniniwala ang nagtutulak sa akin na gumawa ng mabuti. Pagtataya

______3. Ang pgmamahal ay para lamang sa kasama mo sa pananampalataya. ______4. Ako dapat ang nasusunod at parating nagsasalita. ______5. Ang kanyang paniniwala ang nagbigay daan upang makita niya ang kanyang pagkakamali. Pagtataya

______6. Ang pagpapatawad ay aral sa aking pananampalataya ______7. Tagasunod lang kami kaya pananampalatya kaya bawal sa amin magtanong. ______8. Hindi ako dapat makinig sa hindi namin kasama sa kapanalig. Pagtataya

______9. Wala kahit anumang pagkakamali ang aming pag-una sa pananampalataya. ______10. Dapat igalang at mahalin kahit hindi kasama sa panamapalataya Pagtataya

GMRC 4 Day 4 Quarter 2, Week 4

Pagbibigay-halaga sa Pamilya Bilang Paglalapat ng mga Aral ng Pananampalataya

Pangganyak Ano ano mga aral ng pananampalataya na naibahagi mo saiyong pamilya?

Pagsasabuhay ng Pananampalataya sa Iba’t-ibang Situwasyon ng Pamilya Ang pananampalataya ay isang mahalagang bahagi ng buhay ng pamilya. Ito ay nagbibigay ng gabay, lakas, at pag-asa sa bawat miyembro ng pamilya sa bawat yugto ng kanilang buhay. Sa anumang sitwasyon, maaaring maging pagkakataon ang pananampalataya upang palakasin ang ugnayan ng bawat isa at magdulot ng kapayapaan at kagalakan sa puso ng bawat miyembro. Paglalahad

Sa mga masaya at magiliw na sandali, ang pagsasabuhay ng pananampalataya sa pamilya ay maaring ipakita sa pamamagitan ng pagpapasalamat sa Diyos para sa mga biyaya at tagumpay na natatanggap. Ito ay maaaring gawin pagpapasasalamat at pagdiriwang, kung saan ang bawat miyembro ay nagkakaisa sa pagpapahayag ng kanilang pananampalataya sa pamamagitan ng pagdarasal, pag-awit ng mga papuri, at palilingkod sa Diyos. Paglalahad

Sa mga masalimuot at mapanghamon na panahon naman, ang pananampalataya ay nagbibigay ng lakas at pag-asa sa pamilya upang harapin ang mga pagsubok. Sa panahong ito, ang pagsasabuhay ng pananampalataya ay maaaring ipakita sa pamamagitan ng pagtitiwala at pananalig sa Diyos, pagtutulungan at pagtitiis, at pagkakaisa sa pamamagitan ng panalangin. Paglalahad

Dahil kasa-kasama nating ang pamilya hinsi maiiwasan na may di pagkakaunawaan paminsa- minsan. Kailangan bawat isa ay matutong magpakumbaba, humingi ng tawad at magpatawad. Kung sa sitwasyon ng pagkakasakit, pagkamatay, o kawalan, ang pananampalataya ay maaaring maging tanglaw at gabay ng pamilya. Paglalahad

Ito ay nagbibigay ng kapayapaan at kapanatagan sa gitna ng lungkot at pagsubok. Ang pagsasabuhay ng pananampalataya sa mga ganitong panahon ay maaring ipakita sa pamamagitan ng pagkakaisa, pagdamay, at pagmamahalan sa bawat isa. Paglalahad

Paglalahad Ang Pagpapatawad Sa Pamilya at Magkakaibigan Ang pagpapatawad ay mahalaga sa buhay at kaligayahan ng ating pamilya . Kapag may pag-aaway at di pagba-batian , nasisira ang pagsasamahan sa pamilya . Nawawala ang pagkakasundo sundo at pagtutulungan . Ang nasaktang miyembro ng pamilya ay maaring mag hinanakit o mag kimkim ng galit .

Maaari itong maging away na talaga. Ang pagpapatawad ay nagpapa numbalik ng mabuting relasyon sa pagitan ng mga miyembro ng pamilya. Ang pagpapakumbaba at paghingi ng tawad ng nakagawa ng mali ay umaalis sa hinanakit at galit ng nasaktang miyembro ng pamilya. Sa paghingi ng tawad naipapakita natin ang pagpapahalaga sa damdamin ng nasaktan. Paglalahad

Mas makakabuti kung gagawa tayo ng bagay para maitama ang nagawang pagkakamali. Sa ganitong paraan mababawasan ang hirap o sakit sa dulot ng ating abala, o mabigat na damdamin ng miyembro ng ating pamilya. Ang paghingi ng tawad at pagpapatawad ay nagbabalik sa pagkakasundo sundo. Paglalahad

Maibabalik din ang magandang komunikasyon at magandang relasyon. Sa paghingi ng tawad at pagpatawad hindi naiipon ang galit at hindi magkakaroonng hinanakit sa isat-sat sa pamilya. Lahat tayo ay nagkakamali o nagkukulang sa ating mga mahal sa buhay at kaibigan. Ang paghingi ng tawad at pagpatawad ay nagpapatibay ng ating relasyon at pag-unawa sa isat-isa. Paglalahad

Paglalahad Ang Pagpapatawad Sa Pamilya at Magkakaibigan Ang pagpapatawad ay mahalaga sa buhay at kaligayahan ng ating pamilya . Kapag may pag-aaway at di pagba-batian , nasisira ang pagsasamahan sa pamilya . Nawawala ang pagkakasundo sundo at pagtutulungan . Ang nasaktang miyembro ng pamilya ay maaring mag hinanakit o mag kimkim ng galit .

Maaari itong maging away na talaga. Ang pagpapatawad ay nagpapa numbalik ng mabuting relasyon sa pagitan ng mga miyembro ng pamilya. Ang pagpapakumbaba at paghingi ng tawad ng nakagawa ng mali ay umaalis sa hinanakit at galit ng nasaktang miyembro ng pamilya. Sa paghingi ng tawad naipapakita natin ang pagpapahalaga sa damdamin ng nasaktan. Paglalahad

Nagbibigay daan ang paghingi ng tawad at pagpatawad sa pagbuti ng asal natin. Importante ang mga ito sa masaya at matibay na pagsasamahan ng isang pamilya. Mga tanong: 1. Ano ano ang mga hamon o problema sa buhya nanaranasan na ng inyong pamilya? Paglalahad

2. Paano ninyo ito hinarap? Bakit kailangan ang pag-unawa, pagkakaisa, at pagdadamayan sa pamilya? 3. Bakit kailangan ang paghingi ng patawad at pagpatawad? 4. Ano ano ang mga magagandang dulot ng paghingi ng patawad at pagpapatawad sa pamilya? Paglalahad

Gawain 1 Ang Matimatiko ng Pananampalataya Panuto : Lagyan ng simbulo ng bawas — (subtract o delete) kung sa palagay mo ay dapat bawasan o burahin ang asal /ugali na ito sa iyo , simbolo ng dagdag naman (addition) kung dapat itong dagdagan , at X (multiplication) naman kung dapat talaga itong gawin parati .

____ pagmamalasakit ____ pagsisinungaling ____ inggit ____ maramot ____ mapanira ____ maalalahanin ____ masayahin ____ mapasalamatin ____ madasalin ____ reklamador ____ mapagbigay Ang natutuhan ko sa gawaing ito : ____. Gawain 1

Gagawin itong gawain ng dalawahan. Sagutin ang unang tanong at isaad ang aral na naaalala ukol sa pananampalataya na ipnangaral sainyong pamilya ng mga nakakatanda o ng inyong mga magulang. 1. Alin sa pitong aral ng pananampalataya ang hindi ninyo naririnig o napangaral sa inyo? O di kaya ay hindi nabanggit sa inyong pamilya? Gawain 2

2. Alalahanin ang aral ng pananampalataya/o ukol sa pananampalataya na madalas ipaalala sa inyong pamilya. Isulat bilang payo, slogan o kasabihan at kung sino ang nagpangaral nito. Gawain 2

Paglalahat Ang Pinakamahalagang Aral Para sa Akin Punan ang mga puwang sa talata sa ibaba : Sa ngayon ang aming pamilya ay _________. Ang Pinakamahalagang Aral Para sa Akin Punan ang mga puwang sa talata sa ibaba : Sa ngayon ang aming pamilya ay _________. Kaya, ako ay (Ano ang gagawin mo ugnay sa aral na sagot mo sa taas )? _________.

Kabilin-bilinan ni Ma’am Mga isang linggo o isang buwan mula ngayon , baka makalimutan mo na ang natutunan mo sa dalawang linggong nakalipas . Kaya isunulat na ang mga tagubilin para sa araling ito . Punan ang mga puwang sa sulat sa ibaba ayon sa ating natutunan sa natapos nakalipas na dalawang linggo . Pagtataya

Nobyembre 1, 2023 Mahal kong mag- aaral , Gusto mo ba ng maaasahang tulong at gabay sa iyong buhay at pamilya ? Kailangan mo ng pagpapahalaga sa (1.) P __ __ __ __ __ __ P __ __ __ __ __ __ A Ang pakikipag-ugnay sa Diyos ay nagpapalawak ng ating pananaw para hindi tayo nakatuon sa pansariling kapakanan lamang . Bagkos sa kapakanan ng nakararami lalo ng ng ating Pagtataya

(2.) P __ __ __ __ __ A. Ang pakikipag-ugnay sa Manlilikha ay may mga magagandang epekto sa ating buhay. Magsaad ng dalawang positibong epekto ng pananampalataya na natatandaan mo:(3.) M __ __ __ __ M __ __ __ L, (4.) M __ __ __ __ __ __ K __ M __ __ __ A. Pagsikapang isabuhay ang (5.) P __ __ __ __ M __ __ __ __ __ __ __ T. Pagpaparamdam ito ng ating pakikibahagi sa hirap o problema ng kasapi sa pamilya. Para hindi mabigatan sa mga gawaing bahay ang isang kasapi ng pamilya dapat tayong maging Pagtataya

Pagtataya (6.) M __ __ __ __ __ __ __ __ __ N. Kung may di pakakaunawaann sa pamilya at ikaw ang nasaktan maging (7.) M __ __ __ __ P __ __ __ __ __ D. Kapag ikaw naman ang nagkamali dapat matutong (8.) M __ __ __ __ __ __ M __ __ __ A. Para mapalago mo ang iyong pananampalataya importante ang palagiang (9.) P __ __ S __ __ __ __ at (10.) P __ __ D __ __ __ L . Subalit , laging ipaalala sa iyong sarili na dapat

(11.) I __ __ L __ __ G ang taong may ibang pananampalataya sa iyo . Kahit anong kasarian , lahi o kalagayan dapat mong isabuhay ang (12.) P __ __ M __ __ __ H __ __ L, lalo’t higit sa iyong (13.) K __ __ __ M __ __ __ A. Kahit bata ka pa, may malaki kang bahagi sa buhay iyong (14.) P __ __ __ __ __ A. Mahal kita ! Ang (15.) D __ __ __ S ay nagpapala sa batang sa Kaniya ay nagtitiwala . Ang iyong guro , Pagtataya

GMRC 4 Day 5 Quarter 2, Week 4

Quiz day, Summative Test and completion of all Tasks