MGA PAGSUBOK SA PAMILYA Ang materyal na ito ay inilaan para sa paggamit ng mga guro na kalahok sa pilot implementation ng MATATAG K to 10 Curriculum sa Taong-Panunurang 2024-2025. Layunin nito na tumulong sa paghahatid ng mga nilalaman, pamantayan, at mga kasanayang pampagkatuto ng kurikulum.
Mga Banta sa Pamilyang Pilipino Pagbabago sa Pagpapahalaga Lumaki ang kawilihan sa teknolohiya, nabawasan ang panahon sa pisikal na aktibidad, at praktikal na pag-iisip tungkol sa pag-aaral at trabaho sa ibang bansa. Liberal na Oryentasyon Parami nang parami ang pagnanais na magsama na lamang ng walang kasal o pananagutan ng pag-aasawa o ang tinatawag na live-in . Isang Magulang Lamang Dahil sa paghihiwalay, pagabandona, pag-aanak sa labas, pag-aasawa nang maaga, at pagtatrabaho sa ibang bansa.
Karagdagang Mga Banta sa Pamilya Watak na Pamilya Ang kawalan ng mga pagpapahalaga tulad ng pagsasakripisyo, pagpaparaya, malalim na pag-unawa, at pagpapatawad ay nagtutulak sa mga mag-asawa na maghiwalay. Karalitaan Ito ang pangunahing ugat ng mga suliraning kinakaharap ng pamilya. Dahilan ng pagkakaroon ng child labor, prostitusyon, at pagtutulak ng ipinagbabawal na gamot. Ang karalitaan ay isa sa mga pangunahing dahilan ng pagkawasak ng pamilya sa Pilipinas.
Impluwensya ng Media at Teknolohiya Malaya at madali ang paggamit ng media at teknolohiya sa tahanan, ngunit marami sa mga nakikita rito ay may temang: Karahasan Mga palabas at laro na nagpapakita ng karahasan na nakakaapekto sa pag-uugali ng mga kabataan. Kalaswaan Madaling access sa hindi angkop na nilalaman na nakaaapekto sa moral na pagpapahalaga. Pagkamateryoso Nagdudulot ng maling pagpapahalaga at pananaw sa buhay.
Mga Hakbang sa Pagtagumpayan ang Mga Suliranin Pagtibayin ang Buhay Pampamilya Batay sa diwa ng pananampalataya sa Diyos. Paglaanan ang Pangangailangan Materyal, pangkabuhayan, biyolohikal, kultural, at espiritwal na mga pangangailangang pampamilya. Pagtibayin ang Paninindigan Na ang asal ay mahalaga para sa isang sagradong pagsasama.
Mga Hakbang sa Pagtagumpayan ang Mga Suliranin Tamang Paghahanda sa Pag-aasawa Upang magampanan ang mga tungkulin at pananagutan tungo sa responsableng pagmamagulang. Tahanan bilang Bukal ng Kaligayahan Masiguro na ang tahanan ay itinuturing na mahalaga at bukal na pinagmumulan ng kaligayahan ng bawat kasapi ng pamilya. Pagsalungat sa Imoral na Media Magkaroon ng matibay at malakas na pagsalungat sa mga imoral na pelikula o palabas gayundin sa lahat ng uri ng pornograpiya.