A slide topic about Pagpapahayag ng Sariling Opinyon o Reaksiyon sa Isang Napakinggang Balita, Isyu o Usapan
Size: 221.31 KB
Language: none
Added: Sep 17, 2025
Slides: 8 pages
Slide Content
PAGPAPAHAYAG NG SARILING OPINYON O REAKSIYON SA ISANG NAPAKINGGANG BALITA, ISYU O USAPAN
Panuto : Magbigay ng limang pangungusap na may magagalang na pananalita . 1. 2. 3. 4. 5.
Sa iyong paggamit ng mga social media applications tulad ng Facebook at Messenger, kailan mo ginagamit ang mga iba’t ibang reaksyon ?
Ang pagpapahayag ng sariling opinyon ay nagbibigay daan sa pagpapaunlad ng kritikal na pag-iisip . Sa pamamagitan ng pag-aanalisa ng mga impormasyon at pagpapalitan ng mga ideya , tayo ay nagiging mas mapanuri at mapanagot sa ating mga saloobin ukol sa mga napakinggang balita o isyu . Ito ay mahalaga upang maging aktibong bahagi ng lipunan at demokratikong proseso . Ang pagbibigay ng boses sa sariling opinyon ay nagpapalakas sa kolektibong diskurso at pagtatalakay ng mga usapin , na nagbubunga ng mas mainam na pagpapasya at polisiya para sa buong komunidad .
Alam mo ba na ang opinyon o reaksiyon ay pagpapahayag batay sa makatotohanang pangyayari . Masasabi rin natin na ito ay sariling opiyon ng isang tao tungkol sa isang isyu o usapin . Ito rin ay bunga ng nararamdaman lang niya kung paano niya naintindihan ang isang bagay ? Basahin sa ibaba ang kahulugan ng mga imahe o larawan . Ito ay mga angkop na opinyon o reaksiyon na posibleng iyong naramdaman matapos mong marinig ang balita , isyu o usapan .
Panuto : Basahin ang balita . Baitang 6 na Mag- aaral , Pinarangalan Ni Heloise N. Fangco Pinarangalan ang isang mag- aaral ng Baitang 6 ng Sta. Elena Elementary School, matapos nitong sagipin ang dalawang batang nalulunod sa Bayan ng Santa Elena. Kinilala ang mag- aaral na si Rodolfo Rubio, 12 taong gulang at nakatira sa Badiang , Sta. Elena, Quezon at nag- iisang anak nina G. at Gng . Mario Rubio. Ayon kay Rubio, naliligo siya sa ilog nang biglang lumakas ang agos at nakita niya ang mga biktima na nahirapang lumangoy kaya tinulungan niya .
Ano ang reaksyon mo sa balitang iyong binasa ? Bakit ito ang iyong reaksyon ?
Paano naiimpluwensyahan ng sariling karanasan at pananaw ang iyong reaksyon sa isang balita o isyu ? Bakit mahalaga ang pagpapahayag ng sariling opinyon sa isang napakinggang balita ?