Posisyong Papel Ay isang sulatin na nagpapahayag ng tiyak na paninindigan ng isang indibidwal o grupo ukol sa isang makabuluhan at nagpapanahong isyu . Naglalaman ito ng mga katuwiran at karaniwang maikli lamang (isa- dalawang pahina ) upang mas madaling mabasa at makahikayat ng mambabasa .
KATANGIAN NG POSISYONG PAPEL
Pormal Organisado Patas May Ebidensya
KAHALAGAHAN NG POSISYONG PAPEL
1) May- akda - Nasusukat ang kredibilidad ng manunulat dahil nakabuo siya ng malinaw , lohikal at makabuluhang paninindigan hinggil sa paksa . 2) Lipunan/ Mambabasa - Tumutulong ito upang magbigay kamalayan at batayan ng mga tao para sa sariling pakikisangkot sa usapin nang makapagambag din para sa paglutas sa anumang suliraning panlipunan . KAHALAGAHAN:
LAYUNIN NG POSISYONG PAPEL
Makapagpahayag ng mga kuro-kuro o paniniwala at rekomendasyon gamit ang mga batayaang ebidensyang totoo . Mamulat ang mambabasa sa maargumentong isyu na inihain ng manunulat . Mahikayat Ang isang tao , grupo o kumunidad hinggil sa isang isyu . Upang maintindihan ang pinaninindigan ng isang tao o organisasyon . MGA LAYUNIN:
MGA MUNGKAHING HAKBANG SA PAGSULAT NG POSISYONG PAPEL
REAKSIYON SA ISYU Pagbibigay lamang ng reaksiyon higgil lamang sa isang paksa . TUGON SA ISYU Maglalahad ka nang iba't-ibang tugon o paraan para maresolba ang isyu . 1. Tiyakin Ang Paksa Dalawang Paraan Sa Pagbuo Ng Paksa
Magbasa-basa ng iba't-ibang sanggunian hinggil sa paksa upang maging bukas ang isip at makabuo ng matalino at makatuwirang posisyon . 2. Gumawa Ng Panimulang Saliksik
Maglista ng mga argumento o katuwiran ng magkabilang panig upang matimbang ang dalawang Posisyon . 3. Bumuo ng Posisyon / Paninindigan
Pagtuunan ng pansin ang mga katuwiran para sa isang panig na napiling panindigan . Gumamit ng mas matibay na impormasyon ( panayam , pagbabasa , at pakikibalita ). 4. Gumawa Ng Mas Malalim Na Saliksik
II. PAGLALAHAD NG COUNTERARGUMENT O ANG MGA IDEYANG KUMOKONTRA SA IYONG TESIS Ilahad ang argumentong tutol sa iyong tesis . Pasubalian ang binanggit na counterargument at patunayan . Magbigay ng mga patunay . GABAY SA PAGBUO NG BALANGKAS
III. PAGLALAHAD NG IYONG POSISYON O PANGANGATUWIRAN Ilahad ang iyong matalinong pananaw o posisyon tungkol sa una, ikalawa at ikatlong punto. GABAY SA PAGBUO NG BALANGKAS
IV. KONGKLUSYON Ilahad muli ang iyong argumento o tesis . Magbigay ng mga plano ng gawain o action plan na makatutulong sa pagpapabuti ng kaso o isyu . GABAY SA PAGBUO NG BALANGKAS
Dito inilalahad ang paksa . Magbigay ng maikling paunang paliwanag tungkol sa paksa . Ipakilala ang tesis o posisyon ng inyong papel . PANIMULA GABAY SA PAGBUO NG BALANGKAS 5. Bumuo ng Balangkas
Pagbuo ng isang pormal at akademikong sulatin na mayroong paninindigan at sapat na batayan na magpapatibay sa lahat ng argumento . 6. Sulatin Ang Posisyong Papel
Maaaring magparami ng kopya . Ipaskil at ipalathala sa pahayagan nang maipaabot sa mga tao . 7. Ibahagi Ang Posisyong Papel
MGA DAPAT TANDAAN SA PAGSULAT NG POSISYONG PAPEL
1. PAGPILI NG PAKSA BATAY SA INTERES Pumuli ng paksa ayon sa iyong interes upang mapadali ang pagpapatibay ng iyong paninindigan o posisyon . Kinakailangan ang ganito upang sa kabila ng pagiging mahirap ng pagsulat ay hindi ka mawawalan ng gana o panghihinaan ng loob dahil gusto mo ang iyong paksa .
2. MAGSAGAWA NG PAUNANG PANANALIKSIK Ang paunang pananaliksik ay kinakailangan upang matukoy kung ang katibayan ay magagamit upang suportahan ang iyong paninindigan . Maaaring gumamit ng mga datos mula sa internet, ngunit tiyaking magmumula ito sa mga mapagkakatiwalaang web site.
3. HAMUNIN ANG IYONG SARILING PAKSA Kailangang alamin at unawain ang kabaligtarang pananaw bukod pa sa nalalaman mo tungkol sa iyong paksa upang mapagtibay ang iyong kaalaman at paninindigan sa iyong isusulat na posisyong papel . Alamin ang lahat ng posisbleng hamon na maari mong makuha bilang suporta sa iyong mga pananaw .
Sa pagkakataong ito ay mayroon ka nang impormasyon at gayundin ay opinyong hinggil sa paksa ng iyong posisyong papel . Mas magiging mainam kung ipagpapatuloy mo ito sa pagkalap ng mga katibayan . Maaaring pumunta sa aklatan at maghanap ng mas maraming mapagkukunan ng datos . 4. MAGPATULOY UPANG MANGOLEKTA NG SUMUSUPORTANG KATIBAYAN
Ipakilala ang iyong paksa gamit ang maikling paglalahad me ng pangkaligirang impormasyon ( background information). Gumawa Ng pahayag ng tesis sa iginigiit sa iyong posisyon . Itala ang mga posisbleng kasalungat na pananaw ng iyong posisyon . 5. LUMIKHA NG BALANGKAS (OUTLINE)
c. Ipakita rin ang mga sumusuportang punto ng mga kasalungat na pananaw ng iyong posisyon . d. Pangatwiranang mahusay ang mga kasalungat na pananaw na makikita sa iyong posisyong papel . e. Ibuod ang iyong argumento at muling igiit ang iyong posisyon o opinyon .