reviewer sa AP10 POWERPOINT PRESENTATION

MichellePlata4 7 views 21 slides Sep 23, 2025
Slide 1
Slide 1 of 21
Slide 1
1
Slide 2
2
Slide 3
3
Slide 4
4
Slide 5
5
Slide 6
6
Slide 7
7
Slide 8
8
Slide 9
9
Slide 10
10
Slide 11
11
Slide 12
12
Slide 13
13
Slide 14
14
Slide 15
15
Slide 16
16
Slide 17
17
Slide 18
18
Slide 19
19
Slide 20
20
Slide 21
21

About This Presentation

PPT


Slide Content

1. Hindi na natin mapipigilan pa ang mga natural na kalamidad na nararanasan ng ating bansa. Alin sa mga sumusunod ang pinakamahalagang katangian ang dapat taglayin ng mga mamamayan sa panahon ng kalamidad? A. disiplina at kooperasyon B. Karunungan at kahandaan C. pag-iingat at pagkakaisa D. kalungkutan at dalamhati

2. Malaki ang epekto ng mga sakuna o kalamidad sa pamumuhay ng tao. Bakit may nasasaktan at nawawalan ng buhay sa tuwing nagkakaroon ng kalamidad? I.Hindi pagsunod ng mga tao sa tagubilin ng mga awtoridad kapag may kalamidad II. Pakikinig sa radyo o panonood ng tv upang malaman ang pinakahuling balita III. Pagtangging lumikas ng mga tao mula sa mga mapanganib na lugar A.I, II, III B. I, II C. I, III D. II, III

3. Malaki ang bahaging ginagampanan ng pamahalaan sa paglutas ng mga suliraning pangkapaligiran na kinakaharap ng ating pamayanan. Tuwing may kalamidad, abala ang iba’t ibang ahensiya nito sa pagtugon sa kanilang mga tungkulin. Alin sa mga sumusunod ang maaaring ipagkaloob na tulong ng pamahalaan sa tuwing may suliraning pangkapaligiran? A. Pagbibigay benepisyo sa mga manggagagawa B. Pagpapatupad ng programa ng pagpapautang C. Pagbibigay ng libreng edukasyon sa mga mag-aaral D. Pagbibigay ng babala at rehabililitasyon ng mga nasira ng kalamidad

4. Ang Pilipinas ay madalas makaranas ng iba’t ibang kalamidad gaya ng bagyo na nagiging dahilan ng pagkawasak ng mga ari-arian at pagkasawi ng maraming tao. Alin sa mga pangunahing ahensya ng pamahalaan ang nagbibigay ng real time na update ng mga babala ukol sa panahon at bagyo? A.DOST B. NDRRMC C. PAGASA D. PHIVOLCS

5. Ang mga pamayanang may banta ng hazard at kalamidad ay aktibong nakikilahok sa pagtukoy, pagsuri, pagtugon, pagsubaybay, at pagtataya ng mga risk na maaari nilang maranasan. Ano ang tawag sa pamamaraang ito na may kinalaman sa Disaster Management? A. Bottom-Up Approach B. CBDRM C. NDRRMC D. Top-Down Approach

6. Dahil sa mga suliraning pangkapaligiran na narararanasan ng mamamayan sa San Jose, Batangas, nagsagawa si Mayor Ben Patron ng isang pagpupulong kasama ang mga Punong Barangay at mga kasapi nito. Layunin nito na magkaroon sila ng sapat na kaalaman upang maging handa bago, sa panahon, at pagkatapos ng sakuna o kalamidad. Alin sa mga sumusunod na konsepto ng disaster management nakapaloob ito? A.Anthropogenic Hazard B. Disaster C. Resilience D. Vulnerabilty

7. Ang Hazard ay tumutukoy sa mga banta na maaaring dulot ng kalikasan o ng gawa ng tao. Kung hindi maiiwasan, maaari itong magdulot ng pinsala sa buhay, ari-arian, at kalikasan. Aling pangyayari ang halimbawa ng Anthropogenic Hazard? A. Pagbaha sa Cagayan Valley dulot ng bagyong Ulysses B. Pagkakaroon ng volcanic smog dulot ng pagputok ng Bulkang Taal C. Paglindol sa Bohol at iba pang bahagi ng Kabisayaan D. Polusyon sa hangin dulot ng usok mula sa mga sasakyan at usok ng pabrika

8. Sa pag-aaral ng disaster management, mahalagang maunawaan ang pagkakaiba ng mga ginagamit na termino o konsepto na nakapaloob dito. Alin sa sumusunod na konsepto ang tumutukoy sa lugar, tao, at imprastruktura na may mataas na posibilidad na maapektuhan ng mga hazard? A.Disaster B. Hazard C. Resilience D. Vulnerability

9. Ang pagiging ligtas ng isang komunidad sa mga sakuna ay nakasalalay sa pagkakaroon ng isang mahusay na disaster management. Alin sa mga sumusunod ang kahulugan ng disaster management? A. Ito ay ang pagpaplano ng disaster management ay nakasalalay sa pamahalaan B. Ito ay kinabibilangan ng iba’t ibang organisasyon ay kalahok sa pagpaplano ng disaster management C. Ito ay kinabibilangan din ng mga mamamayan, pampribado at pampublikong sektor D. Ito ay isang dinamikong proseso na sumasakop sa pamamahala ng pagpaplano, pag-oorganisa, pagtukoy ng mga kasapi, pamumuno at pagkontrol.

10. May mahahalagang gampanin ang ahensya ng pamahalaan sa pahanon ng kalamidad. Anong ahensya ng pamahalaan na ang pangunahing layunin ay makapagbigay ng update sa mga epekto at hakbang para paghandaan ang mga kalamidad tulad ng lindol, bagyo, at iba pa? A.PAGASA B. NDRRMC C. PHILVOLCS D. DepEd

11. May mga suporta na nanggagaling sa mga Non-Government Organization (NGO) upang mabawasan ang suliranin sa solid waste sa Pilipinas. Anong programa ang tumutulong sa pagtatayo ng Material Recovery Facility (MRF) sa mga barangay? A.Bantay Kalikasan B. Clean and Green Foundation C. Greenpeace D. Mother Earth Foundation

12. Sa kasalukuyan, humaharap ang Pilipinas sa napakalaking problema kaugnay ng solid waste. Bilang mag-aaral, paano ka makatutulong upang mabawasan ang suliranin sa solid waste? I.Isabuhay ang 3 Rs o Reduce, Reuse at Recycle II. Ibulsa pansamantala ang mga maliliit na basura III.Ipagsawalang bahala ang mga anunsyo patungkol sa wastong pagtatapon ng basura IV.Makibahagi sa mga seminar at symposium na nagbibigay kaalaman tungkol sa solid waste A.I, II at IV B. I, III, at IV C. I, II at III D. II, III at IV

13. Halos 25% ng mga basura sa Pilipinas ay nanggagaling sa Metro Manila kung saan ang isang tao ay nakalilikha ng 0.7 kilong basura araw-araw. Ano ang kongklusyon na mabubuo sa pahayag na “Ang Pilipinas ay nakalikha ng 39,422 tonelada ng basura kada araw noong taong 2015?. A. Napakaraming solid waste ang nilikha ng mga Pilipino B. Ang Pilipinas ay nahaharap sa malaking suliranin kaugnay ng solid waste C. Walang maidudulot na mabuti ang pagkakataon ng napakaraming solid waste D. Nagdudulot ng masasamang implikasyon ang solid waste sa pamumuhay ng mga Pilipino

14. Ang pangkalahatang epekto ng deforestation ay nararanasan ng mga mamamayan lalo na yaong mga mahihirap na umaasa lamang sa kagubatan. Bakit sinasabing sila ang pangunahing naaapektuhan ng nagaganap na deforestation? A. Sila ay napeperwisyo sa mga illegal na gawain ng mga tao B. Karamihan sa kanila ay nakatira malapit sa mga kagubatan C. Wala silang magawa kung hindi makipagtulungan sa mga illegal loggers D. Ang patuloy na pagliit ng kagubatan ay nangangahulugan din ng pagliit ng kanilang pinagkukunan ng pangangailangan

15. Nais ni Cardo Dalisay na maresolba ang isyu ng “The Lost Sabungeros” sa kanilang bayan. Alin sa mga sumusunod na primaryang batayan ang dapat niyang gawain? I.Magpunta sa presinto at tingnan ang mga datos ng nawawalang sabungero II.Magsagawa ng panayam sa mga kamag-anak o magulang ng mga nawawalang sabungero sa lugar. III.Magsagawa ng search and rescue operation sa pinaghihinalaang pinagtataguang mga nawawalng sabungero IV.Magsuri ng mga pahayagan na naglalaman ng ulat hinggil sa isyu ng nawawalang mga nawawalang sabungero sa kanilang luhar lugar A. II, III, IV B. I, II, III C. I, II, IV D. I, II, III, IV

16. Ang salitang “kontemporaryo” ay mga pangyayari sa daigdig mula sa ika-20 dantaon hanggang sa kasalukuyang panahon na nakakaapekto sa ating kasalukuyang henerasyon. Samantalang ang “isyu” naman ay mga paksa, tema, pangyayari, usapin o suliraning nakakaapekto sa tao at sa lipunan. Samakatuwid, alin sa mga sumusunod ang angkop na kahulugan ng kontemporaryong isyu? A.pag –aaral sa mga isyu at hamong panlipunan sa kasalukuyan B.anumang isyung nagaganap at pinag-uusapan sa ating lipunan C.pag-aaral ng pagbabalik tanaw sa nakaraang isyu na nais bigyan ng kahulugan sa kasalukuyan D.tumutukoy sa mga napapanahong pangyayari na maaaring gumagambala, nakakaapekto at maaaring makapagpabago sa kalagayan ng tao at sa lipunang kanyang ginagalawan.

17. Kasunod ng pagputok ng Bulkang Taal, nagsimulang lumaganap ang pandemyang COVID 19 sa iba’t ibang bahagi ng mundo. Malaki ang naging epekto nito sa pamumuhay ng mga batangenyo. Anong aspeto ng kontemporaryong isyu maiuugnay ang Covid 19 at pagputok ng bulkan? I. Isyung pang- kapaligiran III. Isyung pang- ekonomiya II. Isyung pang- edukasyon IV. Isyung pang- kalusugan A.I at II B. II at III C. I,II at III D. I, II, III, IV

18. May ilang kontemporaryong isyu na masama, ikapapahamak o itinuturing na hindi tama ng isang kultura subalit ating nagagawa ng hindi sinasadya dahilan sa kawalan ng kaalaman. Aling kahalagahan ng kontemporaryong isyu ang tinutukoy dito? A. Upang makatulong B. Upang maaksyunan ang dapat aksyunan C. Upang makaiwas sa masama o kapahamakan D. Upang makapagsimula o makabahagi sa makabuluhang diskusyon

19. Sa pagsusuri ng isang isyu, mahalagang malaman kung kailan, saan galing at kung paano nagsimula ang sinusuring isyu upang matiyak kung hindi ito kathang-isip lamang. Alin sa mga sumusunod ang mga kasanayang kinakailangan sa pag-aaral ng mga kontemporaryong isyu? I.ang paggamit ng mga primaryang sanggunian upang maunawaan ang mga pangyayari II.ang ng mga paksa na may kaugnayan sa agham panlipunan ay dapat na hindi bias III.ang magsusuri ng mga isyu ay nararapat na sumunod sa mga kasanayang kinakailangan sa pag-aaral IV.ang basihan ng mananaliksik sa pagbibigay ng konklusyon ay mula sa impormasyong sinuri at pinag-aralan. A. I, II, III at IV B. II, III at IV C. I, II at IV D. I, II at III

20. Maraming kaganapan sa bansa ang nakapagpapabago at nakakaapekto sa pamumuhay ng tao. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng kontemporaryong isyu? A. Mga nagdaang kalamidad sa bansa B. Kabuhayan ng isang maliit na komunidad C. Uri ng pamumuhay ng ating mga ninuno D. Kasalukuyang sitwasyong politikal sa bansa
Tags