Ang bansang Hapon na matatagpuan sa Silangang Asya ay nasa Pacific Ring of Fire, kung saan natatala ang pinakamaraming lindol at pagputok ng bulkan .
Nihonggo ang kanilang wika at ang kanilang mga relihiyon ay Shintoismo at Buddhismo . Ang buhay ng mga Hapones ay naimpluwensiyahang mabuti ng Shintoismo at ng Kodigo ng Bushido.
HAIKU AT TANKA Tanka at Haiku ay ilang anyo ng tula na pinahahalagahan ng panitikang Hapon . Ginawa ang Tanka noong ikawalong siglo at ang Haiku noong ika-15 siglo . Sa mga tulang ito layong pagsama-samahin ang mga ideya at imahe sa pamamagitan ng kakaunting salita lamang .
TANKA Ang Tanka ay isang uri ng tula mula sa Japan na may 31 pantig , nahahati sa limang linya na may sukat na 5-7-5-7-7. Isa itong anyo ng waka o tradisyunal na tula ng Hapon na ginagamit upang ipahayag ang malalim na damdamin at pagmumuni-muni .
Ang tankang ito ay isunulat ni Empress Iwa no Hime, na siyang Empress-consort of the 16th sovereign, emperor nintoku . Sinasabing ang tula ay isunulat ng empress dahil sa kabiguan niyang masolo ang pag-ibig ng emperor. Araw na mulat Sa may gintong palayan Ngayong taglagas Di ko alam kung kelan Puso ay titigil na
Ang sususnod na tanka ay isinulat noong ikapitong siglo ni Princess Nukata . Isinulat niya ito noong dumalo siya ng ceremonial gathering of the berbs noong May 5, 668 na inorganisa ni Emperor Tenji . Isa si Princess Nukata sa mga consorts na naturang emperor. Ngunit ang tankang iyong mababasa ay inalay ng prinsesa sa kanyang dating asawa na si Prince Oama . Sa Murasaki Ang bukid ng palasyo Pag pumunta ka Wag ka sanang makita Na kumakaway sa'kin
HAIKU Ang Haiku ay isang tradisyunal na anyo ng tula mula sa Japan na binubuo ng tatlong taludtod na may kabuuang 17 pantig , na nahahati sa sukat na 5-7-5. Karaniwang tumatalakay ito sa kalikasan , mga pagbabago sa panahon , at mga simpleng karanasan sa buhay . Bagamat ang Haiku ay walang tugma , ang mga salita nito ay may malalim na kahulugan at layuning magbigay ng masusing pagmumuni-muni .
Ang Haiku na ito ay isinulat ni Matsuo Basho ang tinaguriang master ng Haiku. Mundong ‘sang kulay Nag- iisa sa lamig Huni ng hangin
Ito ang huling Haikung isinulat ni Basho sa banig ng kamatayan . Alam na niyang malubha na ang kanyang karamdaman ngunit ang pagsulat pa rin ang kanyang sandigan . Lakbay ng hirap Pangarap na naglalayag Tuyong Lupain
Ano- ano ang mga bansang kabilang sa Silangang Asya?
Ano naman ang dalawang pangunahing akdang pampanitikan ng bansang Hapon ?
Ano ang natutunan mo sa Tanka at Haiku?
Paano ipinapakita ng mga tulang ito ang pagmamahal ng mga Hapon sa kalikasan at damdamin ?
Panuto : Gamitin ang concept map, ilagay sa kaliwa ang impormasyon tungkol sa Tanka at sa kanan naman ang impormasyon tungkol sa Haiku.
Pagtataya Panuto : Sagutin ang mga sumusunod na tanong . 1. Ano ang haiku at tanka? Ipaliwanag sa dalawang pangungusap lamang . 2. Ano ang pagkakapareho ng Haiku at Tanka sa kanilang nilalaman o paksa ? 3. Ano ang napansin mo sa apat na tulang binasa ? Tungkol saan ang pinapaksa ng bawat isa? 4. Naipahayag ba ng mga sumulat ang kanilang nararamdaman noong oras na isinulat nila ang tula ? Patunayan . 5. Sa panahon ngayon , saan mo maikokompara ang ganitong klase ng pagpapahayag ng damdamin ?
TAKDANG ARALIN Panuto : Gumawa ng isang venn diagram na nagpapakita ng pagkakatulad at pagkakaiba ng Haiku at Tanka.