Teacher’s Script (Talakayan) Paksa: Karapatan at Tungkulin Batayan: “With great power comes great responsibility.” – Spiderman Antas: Grade 9 Tagal: 10–15 minuto
Simula ng Talakayan (Drill at Motivation) Guro: Magandang araw, klase! May ipapakita akong larawan. Tanong: Kilala niyo ba kung sino ito? Mag-aaral: Spiderman po! Guro: Tama! Sagutin natin ang mga tanong: 1. Anong pananagutan ang tinutukoy sa pahayag? 2. Saan nakaangkla ang kapangyarihang ito? Paglilinaw: Kapangyarihan = may kaakibat na responsibilidad.
Pag-uugnay sa Aralin Guro: Sa nakaraang aralin, tinalakay natin ang Panatang Makabayan. Tanong: - Anong batas o tungkulin ang nakapaloob dito? - Anong karapatan naman ang napapaloob dito? Paglilinaw: Lahat ay may kapangyarihang magpasya at makaapekto sa iba.
Pagpapalalim ng Talakayan Guro: Isulat ang anim na karapatang mahalaga at iranggo ito. Pag-usapan sa pangkat: - Ano ang pinakamahalagang karapatan? - Ano ang batayan ng pagranggo? - Ano ang sinasabi nito sa pagkaunawa ninyo? Paglilinaw: Lahat ng karapatan ay may katapat na tungkulin.
Paglalagom (Generalization) Guro: Paano nauugnay ang kasabihan ni Spiderman sa ating karapatan at tungkulin bilang mamamayan at estudyante? Pagpapatibay: Bawat karapatan ay may kaakibat na tungkulin. Tunay na kapangyarihan = pagiging responsable.