Third Quarter Asessment in FILIPINO 7.docx

romelynbaulita 5 views 7 slides Feb 16, 2025
Slide 1
Slide 1 of 7
Slide 1
1
Slide 2
2
Slide 3
3
Slide 4
4
Slide 5
5
Slide 6
6
Slide 7
7

About This Presentation

Pagsusulit


Slide Content

Republic of the Philippines
Department of Education
Region VI – Western Visayas
Schools Division of Sagay City
HIMOGA-AN BAYBAY INTEGRATED SCHOOL
IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT
FILIPINO 7
PANUTO: Suriin ang tanong at isulat ang titik ng tamang sagot.
1.Sa panahon ng mga Espanyol, kadalasang paksa ng mga akda ay tungkol sa santo at
santa at laging nagsisimula sa panalangin. Ito ay patunay lamang na _____________.
A.ibinabahagi ng mga Espanyol ang kanilang pananampalataya
B.likas na madasalin ang mga Pilipino noon
C.iniangkop sa panitikan ang relihiyon
D.sadyang relihiyo ang mga Pilipino
2.Anong paksa ang lumutang sa panitikan sa panahon ng Espanyol?
A.paghihimagsik at pag-ibig C. pananampalataya at paghihimagsik
B.pag-ibig at pananampalataya D. wala sa nabanggit
3.Anong paraan ang ginamit ng mga Kastila upang madaling sakupin ang Pilipinas?
A.edukasyon at kaalaman C. pagmamalasakit sa mga Pilipino
B.karangyaan at katalinuhan D. pagpapalaganap ng Kristiyanismo
4.Ang akdang Ang Mahal na Passion ni Jesu Christong Panginoon Natin ay nagpapakita ng
lubos na _____________.
A.Kapighatian B. Pagmamahal C. Pagmamalaki D. Pasasalamat
5.Ang akdang Pasyon ay nasa anyong __________ ng panitikan.
A.Dula B. tula C. awit D. korido
6.Kailan naisulat ni Gaspar Aquino de Belen ang akdang Pasyon?
A.1704 B. 1814 C. 1856 D. 1750
7.Ang Pasyon ay may sukat na __________ at binubuo ng __________ na pantig.
A.5 at 8 B. 6 at 8 C. 8 at 5 D. 5 at 5
8.Bakit sinasabing karamihan ng mga akda noong panahon ng pananakop ng Espanyol ay
may tunggalian sa pagitan ng Kasamaan at Kabutihan?
A.Ayon sa mga Espanyol bago sila dumating ay puro kasamaan ang bansa at sa
kanilang panahon ay ang panahon ng kabutihan.
B.Walang diyos ang mga Pilipino bago dumating ang mga Espanyol.
C.Mangmang ang mga Pilipino noon.
D.Lahat ng nabanggit.
9.Ano ang malaking ambag ng mga Espanyol sa bansang Pilipinas?
A.Panitikan B. relihiyon C. edukasyon D.alpabetong Alibata o Baybayin
10.Ang Pasyon ay isang naratibong tula tungkol sa buhay ni _______________.
A.Maria B. Kristo C. Rizal D. Maria at Kristo
11.Ano ang pangunahing layunin ng akdang "Urbana at Felisa"?
A.Magturo ng sining ng pagsusulat
B.Magbigay ng aliw sa mambabasa
C.Magturo ng kagandahang-asal at wastong pamumuhay
D.Manghikayat ng pagbabago sa pulitika
12.Sino ang mga pangunahing tauhan sa "Urbana at Felisa"?
A.Magkapatid na nagtatalakay ng wastong asal

B.Magkaibigang nagpapalitan ng liham tungkol sa relihiyon
C.Mag-asawa na nagtuturo ng tamang asal
D.Magkakapitbahay na nag-uusap tungkol sa buhay
13.Anong anyo ng panitikan ang "Urbana at Felisa"?
A.Epiko B. Nobela C. Liham-sulat D. Tula
14.Ayon sa akdang "Urbana at Felisa", bakit mahalaga ang pagiging magalang sa
pakikitungo sa kapwa?
A.Nakakatulong ito upang makuha ang tiwala at respeto ng iba.
B.Nagpapakita ito ng lakas ng loob sa pagdedesisyon.
C.Isa itong paraan upang makilala sa lipunan.
D.Isang susi ito sa tagumpay sa negosyo.
15.Anong aral ang makukuha mula sa akdang ito na maaaring gamitin sa makabagong
panahon?
A.Ang kagandahang-asal ay lumilipas kasabay ng panahon.
B.Ang pagiging mabuti sa kapwa ay isang mahalagang birtud na dapat panatilihin.
C.Ang wasto at magalang na asal ay mahirap isabuhay sa modernong panahon.
D.Ang pakikitungo sa kapwa ay hindi na mahalaga sa digital na mundo.
16.Ano ang layunin ng mga akdang pangkagandahang-asal noong panahon ng Espanya?
A.Magturo ng mga tamang asal at moralidad.
B.Magbigay-aliw sa mga tao.
C.Magturo ng mga kasaysayan tungkol sa mga bayani.
D.Magbigay ng mga kasanayan sa agrikultura.
17.Anong pangunahing layunin ng panitikan noong panahon ng pananakop ng Espanyol
A.Palaganapin ang edukasyon sa agham
B.Hikayatin ang mga Pilipino na maghimagsik
C.Palaganapin ang Kristiyanismo
D.Turuan ang mga Pilipino ng sining ng digmaan
18.Ano ang pamagat ng aklat na itinuturing na unang panitikang panrelihiyon noong
panahon ng Espanyol?
A.Florante at Laura C. Doctrina Christiana
B.Noli Me Tangere D. Kartilya ng Katipunan
19.Ano ang pangunahing tema ng mga dasal at pasyon na isinulat noong panahon ng
Espanyol?
A.Pagtitiis at pananampalataya sa DiyosC. Pagpapalaganap ng kalayaan
B.Paggalang sa kalikasan D. Pagpupuri sa mga bayani
20.Ano ang pangunahing layunin ng mga Espanyol sa pagpapalaganap ng mga panitikang
panrelihiyon?
A.Upang baguhin ang panitikang Pilipino.
B.Upang palaganapin ang relihiyong Kristiyanismo
C.Upang turuan ang mga Pilipino ng kulturang Europeo
D.Upang maibahagi ang kanilang wika
21.Alin sa mga sumusunod ang isang halimbawa ng akdang panrelihiyon na ipinakalat ng
mga Espanyol?
A.PasyonB. Noli Me Tangere C. Florante at Laura D. Kartilya ng
Katipunan
22.Ano ang naging pangunahing layunin ng pagsulat ng "Pasyon"?
A.Hikayatin ang mga Pilipino na magrebolusyon
B.Palaganapin ang pananampalataya sa Diyos
C.Ituro ang agham at matematika sa mga Pilipino
D.Bigyan ng parangal ang mga bayani ng Espanya
23.Ano ang layunin ng mga akdang pangkagandahang-asal noong panahon ng pananakop
ng Espanyol?"
A.Itaguyod ang tamang pag-uugali at moralidad sa Lipunan

B.Ipagpatuloy ang mga tradisyon ng mga Pilipino
C.Magturo ng mga kasaysayan ng mga bayani
D.Magbigay ng libangan sa mga mambabasa
24.Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng akdang pangkagandahang-asal sa panahon
ng pananakop ng Espanyol?
A.Pasyon B. Doctrina ChristianaC. La SolidaridadD. Urbano y Bucang
25.Ano ang layunin ng mga akda tulad ng "Doctrina Christiana" na isinulat noong panahon
ng Espanyol?
A.Upang itaguyod ang mga pananaw na liberal
B.Upang turuan ang mga Pilipino ng relihiyong Kristiyanismo at tamang asal
C.Upang magturo ng kasaysayan ng mga Pilipinong bayani
D.Upang palaganapin ang mga tula at epiko ng Pilipino

26.Ano ang pangunahing layunin ng mga dula tulad ng Senakulo at Moro-moro noong
panahon ng pananakop ng Espanyol?
A.Upang magbigay aliw sa mga tao sa pamamagitan ng komedya
B.Upang itaguyod ang Kristiyanismo at ipakita ang mga laban sa mga Muslim
C.Upang ipakita ang kultura ng mga katutubo
D.Upang turuan ang mga Pilipino ng wika ng mga Kastila
27.Ano ang pangunahing pagkakaiba ng awit at korido sa panitikan ng Pilipinas noong
panahon ng Espanyol?"
A.Ang awit ay mas mahahabang tula na may temang moral, habang ang korido ay
tungkol sa kasaysayan at kabayanihan
B.Ang awit ay may kasamang sayaw, habang ang korido ay tinutugtog lamang
C.Ang awit ay mga tula ng pag-ibig, at ang korido ay mga tula ng pakikidigma
D.Wala silang pagkakaiba, pareho silang nagpapakita ng kasaysayan ng mga bayani
28.Bakit mahalaga ang mga awit ng rebolusyon laban sa mga Kastila sa kasaysayan ng
Pilipinas?
A.Ipinakita nila ang mga pakikidigma ng mga Pilipino laban sa mga banyaga
B.Pinapakita nila ang pagmamahal ng mga Pilipino sa kanilang kultura at relihiyon
C.Nagbigay sila ng inspirasyon sa mga Pilipino na magkaisa laban sa pamumuno ng
mga Kastila
D.Lahat ng nabanggit
29.Paano nauugnay ang mga tema ng mga akda mula sa pananakop ng Espanyol sa mga
karanasan at moral ng tao?
A.Ang mga tema ng mga akda ay hindi na tumutugma sa kasalukuyang panahon
B.Ang mga tema ay nagpapaalala ng mga aral at moralidad na mahalaga pa rin sa
kasalukuyan
C.Ang mga tema ay tanging umiikot lamang sa relihiyon at hindi sa moralidad
D.Ang mga tema ay nakatuon lamang sa politika at pamumuno ng mga Kastila
30.Ano ang kahalagahan ng mga Aral ng Katipunan sa kasalukuyang panahon?
A.Itinuturo nito ang pagmamahal sa sariling bayan at ang kahalagahan ng Kalayaan
B.Nagbibigay ito ng mga paraan kung paano magsimula ng Negosyo
C.Tumutok ito sa pag-aaral ng agham at teknolohiya
D.Nagbibigay ito ng mga ideya kung paano mapabuti ang edukasyon sa bansa
31.Ano ang layunin ng Moro-moro at Senakulo sa panahon ng pananakop ng Espanya?
A.Upang ipakita ang mga kasaysayan ng buhay ni Jose Rizal
B.Upang itanghal ang mga laban ng mga katutubo laban sa mga Kastila
C.Upang ipakita ang mga kwento ng Kristiyanismo at ang pag-iwas ng mga Muslim sa
relihiyon
D.Upang itanghal ang mga kwento ng buhay ng mga santo at laban ng Kristiyanismo
laban sa kasamaan

32.Ano ang kahalagahan ng mga awit at korido sa mga Pilipino noong panahon ng
Espanyol?
A.Ang mga ito ay mga tula na tumatalakay sa kasaysayan ng mga bayani at pakikidigma
ng mga Pilipino
B.Ginagamit ang mga ito upang magbigay ng aliw sa mga Pilipino sa tuwing may
okasyon
C.Ang mga ito ay tumatalakay sa mga mithiin ng mga Kastila at kanilang pamumuno sa
Pilipinas
D.Ginagamit ang mga ito upang ipakita ang mga kasaysayan ng mga ibon at hayop sa
bansa
33.Ano ang mensahe na nais iparating ng mga awit ng rebolusyon laban sa mga Kastila?
A.Ang pagpapakita ng galit at poot laban sa mga banyaga
B.Ang pagmamahal sa kalayaan at ang pagpapahalaga sa pagkakaisa laban sa mga
Kastila
C.Ang pagpapakita ng pagpapatawad sa mga Kastila
D.Ang pagpapahayag ng takot at panghihina ng loob laban sa pamumuno ng mga
Kastila
34.Ano ang kahulugan ng mga Aral ng Katipunan sa kasaysayan ng Pilipinas?
A.Tumutukoy ito sa mga turo ng mga Katipunero sa pagpapahalaga sa pamilya at
pagkakaisa
B.Tumutukoy ito sa mga patakaran ng mga Katipunero sa pamumuno ng bansa
C.Tumutukoy ito sa mga prinsipyo at kaisipan na nagtulak sa mga Pilipino upang mag-
rebolusyon laban sa mga Kastila
D.Tumutukoy ito sa mga tradisyon at kasanayan ng mga Katipunero sa sining at kultura
35.Sa pag-aaral ng sarsuwela, ano ang pangunahing layunin ng mga dula sa katulad na
anyo?
A.Umagpahayag ng mga pagnanasa at pananaw ng mga karakter sa isang makulay na
pagtatanghal
B.Upang ipakita ang kasaysayan ng pagdating ng mga Kastila sa bansa
C.Upang magsagawa ng mga pang-relihiyong seremonya
D.Upang ipakita ang kasaysayan ng pakikidigma ng mga Pilipino laban sa mga banyaga
TAMA O MALI (10 points)
PANUTO: Basahin ang mga sumusunod na pangungusap. Isulat sa patlang kung ito ay Tama o
Mali.
36.Ang akdang Pagsusulatan nang Dalauang Binibini na si Urbana at ni Feliza ay isinulat ni
Dr. Jose Rizal.
37. Ang "Urbana at Felisa" ay naglalaman ng makabuluhang mensahe hinggil sa lipunan at
kultura noong panahong isinulat ito.
38.Si Felisa ay isang dalagitang may mabuting asal at itinuturing na haligi ng kaniyang
pamilya.
39.Ang pagkakaroon ng mabuting edukasyon ay hindi isang mahalagang tema sa nobelang
ito.
40.Si Urbana ay naging biktima ng pang-aapi ng kaniyang pamilya.
41.Ang nobelang ito ay naglalaman ng mga aral ukol sa pagpapahalaga sa tradisyon at
kahalagahan ng pamilya.
42.Si Felisa ay nagkaroon ng masamang impluwensiya dahil sa kaniyang mga kaibigan.
43.Ito ay naglalahad ng mga hamon at pagsubok na kinakaharap ng mga pangunahing
tauhan sa kanilang buhay.

44.Sa simula ng nobela, ipinapakita ang pagiging mabait at masunurin ni Felisa, ngunit sa
bandang huli ay nagbago ito.
45.Ang pagbabasa ng nobelang ito ay nag-aambag sa pag-unlad ng kabatiran at pag-unawa
ng mga mambabasa hinggil sa kasaysayan at kultura ng Pilipinas
Para sa bilang 46-50. TITIK LANG ANG ISULAT.
Tags