Ano ang mahalagang konseptong iyong natutunan mula sa nakaraang aralin?
Gabay na mga tanong: 1. Naranasan mo rin ba ang mga karapatang ito? Ipaliwanag. 2. May nasaksihan ka bang paglabag sa mga karapatang nabanggit? 3. Ano ang iyong naging damdamin ukol dito?
ESP-9 QUARTER 2 PAGLABAG SA KARAPATAN PANTAO
LAYUNIN: Natutukoy ang mga karapatan at tungklin ng tao (EsP9TT-lla-5.1); 1.Nailarawan ang kahulugan ng tungkulin 2.Nakaguguhit ng isang lawaran batay sa gagawaing aktibidad na may kaugnayan sa pagbibigay halaga at pagkilala sa karapatan. 3.Napahahalagahan ang sariling karapatan at naigagalang ang karapatan ng ibang tao.
Magbigay ng tatlong salita na iyong naiisip mula sa salitang: KARAPATAN RESPONSIBILIDAD 1. 1. 2. 2. 3. 3. TUN G KUL I N 1. 2 . 3.
Ang karapatan ay ang mga bagay na dapat mong maranasan bilang isang mamamayan ng isang bansa. Ito ang kakayahan ng isang mamamayan ng isang bansa na gumawa ng isang bagay na malaya.
Kapangyarihang Moral ng Karapatan Hindi maaaring puwersahin ng tao ang kanyang kapwa na ibigay sa kanya ng sapilitan ang mga bagay na kailangan niya sa buhay
Anim na Uri ng Karapatang Hindi Maaalis Ayon kay Santo Tomas de Aquino : 1. Karapatan sa buhay 2. Karapatan sa ari-arian 3. Karapatang magpakasal 4. Karapatang pumunta sa ibang lugar ( migrasyon ) 5. Karapatan sa pananampalataya ( relihiyon ) 6. Karapatang maghanapbuhay
Mga Karapatang Halaw sa encyclical ni Papa Juan XXIII na “Kapayapaan sa Katotohanan ( Pacem in Terris ).: 1) Karapatang mabuhay at kalayaan sa pangkatawang panganib 2) Karapatan sa batayang pangangailangan upang magkaroon ng maayos na pamumuhay 3) Karapatan sa malayang pagpapahayag ng opinyon at impormasyon 4) Karapatan sa malayang pagpili ng relihiyon at pagsunod sa konsensiya 5) Karapatan sa pagpili ng propesyon 6) Karapatan sa malayang paglipat sa ibang lugar upang manirahan 7) Karapatan sa aktibong pakikilahok sa mga pampublikong gawain o proyekto 8) Karapatan sa patas na proteksiyon ng batas laban sa mga paglabag ng mga karapatang ito
Isang moral na pangako o “commitment” sa isang tao. Ang tungkulin natin bilang mamamayan ay tugunan ng makabuluhang gampanin ang ating mga karapatan.
Epekto ng Hindi Pagtupad sa Tungkulin Kawalan ng katarungan Kawalan ng kapanatagan Pagsisisi Kaguluhan ng kaisipan Sirang pangako at uganayan sa kapwa
Obligasyon ng tao na tagumpay na magawa ang iniatas na gawain sa kanya. Pagbibigay sa kahulugan sa kakayahan o abilidad ng tao sa paggawa ng kilos ng walang tumitinging tagapangasiwa.
Ang KATARUNGAN o hustisya ay tumutukoy sa katuwiran , katumpakan , at pagkakapantay-pantay ng mga tao sa harapan ng batas o sa harap ng isang hukuman.
Ang pagmamahal sa bayan ay naipamamalas sa pamamagitan ng pagmamahal at pagmamalasakit sa kapwa at sa kahandaan sa paglilingkod.
Buuin ang pangungusap. Kaakibat sa _____________ ng isang tao ang obligasyon ng kaniyang kapwa na ____________ ito. Kapag nilabag ang karapatang ito, magkakaroon siya ng damdamin ng ___________. Bawat karapatan ay may kaakibat na tungkulin. Ang karapatang pantao na kaloob ay hindi pansarili lamang. Ang kaganapan nito ay nasa pakipagkapwa-tao sa lipunan. Kapag ang isang tao ang mabuting nakikipag-ugnayan sa kapwa, magdudulot ito ng kaligayahan, kapayapaan at pagkakaisa. Ang pagpapasya sa kung ano ang nararapat gampanan sa mga tungkulin ay dala ng kaloob na karapatang pantao. Ngunit tandaan na may mga batas na kinakailangang sundin sa lipunan.
GAWAIN: Gumuhit ng isang larawan ng tao. Sa bahagi ng katawan tulad ng mata, bibig, kamay, paa at iba pa ay lagyan ng tungkuling nararapat mong gawin sa pamilya, paaralan at lipunan na nagbibigay halaga at pagkilala sa karapatan. Gawin ito sa isang coupon bond. RUBRIK SA PAGSASAGAWA NG GAWAIN Pamantayan Napakahusay 10 Mahusay 8 Katamtaman 5 Puntos Nilalaman/ Ideyang nailahad Lubos na maayos ang pagkakaguhit sa larawan ng tao. Nakapagtukoy ng limang bahagi ng katawan at napakahusay na nailahad ang tungkulin ng bawat bahagi na marapat na gawin upang magbigay ng halaga at paggalang sa karapatan. Maayos ang pagkakaguhit sa larawan ng tao. Nakapagtukoy ng lima bahagi ng katawan at mahusay na nailahad ang tungkulin ng bawat bahagi na marapat na gawin upang magbigay ng halaga at paggalang sa karapatan. Hindi masyadong maayos ang pagkakaguhit sa larawan ng tao. Nakapagtukoy ng 3 bahagi ng katawan at hindi masyadong nailahad ang tungkulin ng bawat bahagi na marapat na gawin upang magbigay ng halaga at paggalang sa karapatan.
MAIKLING PAGSUSULIT: Sabihin kung anong karapatan ang nalabag batay sa sumusunod na headlines ng balita. Piliin ang sagot sa loob ng kahon. 1. Fetus Natagpuan sa Tagiliran ng Simbahan 2. Gabinete, Ikinasa na ang Batas Laban sa “End of Contract”. 3. Demolition ng Squatters sa Novaliches, Nauwi sa Karahasan 4. Tigil Pasada Ikinasa ng mga Transport Group sa Kalakhang Maynila 5. 1 Patay, 5 Sugatan sa Salpukan ng Jeepney at Tricycle a. Karapatan sa Buhay d. Karapatan sa Pribadong Ari-arian b. Karapatan sa Pagpunta sa Ibang Lugar e.K arapatang Makapaghanapbuhay c. Karapatang Ipahayag ang Pananampalataya f. Karapatan sa Pagpapahayag
TAKDANG-ARALIN: Magsagawa panayam sa mga awtoridad (Pulis, Guro, Magulang o mga kawani ng pamahalaan na may mataas na posisyon sa ating lipunan/barangay na iyong kinabibilangan) tungkol sa mga karapatang nilalabag ng tao, at bilang tugon dito ano ang mga dapat na gawin upang maging maayos ang takbo ng buhay ng bawat mamamayang Pilipino?
a.Paggalang sa lahat ng miyembro ng pamilya b.Pagtulong sa gawaing-bahay c . P a g bi b ig a y ng o r a s sa pa m ilya tula d ng mga pangyayari sa sarili at pakikinig sayo d.Pagbibigay-halaga sa kasambahay e.Pagsunod bilang anak sa magulang f. Pakikiisa sa mga Gawain at mabuting layunin ng pamilya g.Pagdarasal kasama ng pamilya
a.Pag-aaral ng mabuti b.Pagsunod sa tuntunin ng paaralan c . P a k ikiisa s a mg a program a a t proy e kto ng paaralan d.Paggalang sa mga namamahala ng paaralan, sa mga guro, at sa lahat ng kasapi ng komunidad e.Pag-iwas sa away o gulo f. Pagkakaroon ng pansariling-disiplina na gawin ang nararapat
a.Paggalang sa mga pamumunuan ng simbahan b.Pakikiisa sa pagtulong sa proyekto ng simbahan lalo na ang pagtulong sa mga nangangailangan c . P a g pa p ak i t a ng pa g m a m a lasa k it sa mga miyembro ng simbahan d. Pagsali sa mga samahan ng simbahan
a.Pakikilahok sa mga programa para sa mga nangangailangang pinansyal, moral at espiritwal na kababayan b.Pagsunod sa batas at pununtunan ng lipunan c . P a k ikiisa sa ka l inisa n , ka a yusa n at kapayapaan d.Pag-iwas sa mga bisyo o anumang nakapagdudulot ng problema sa bayan