Ang bawat salita ay may tiyak na kahulugan . Maaaring magbago ang kahulugan ng isang pahayag kung mali ang gamit na salita . Maraming salita sa Filipino ang nagkakapalitan ng gamit . Ito ay bunga ng kakulangan ng pag-unawa sa kahulugan ng salita at gamit nito sa pangungusap . At dahil dito , nagkakaroon tuloy ng kamalian at hindi malinaw na pagpapakahulugan sa mensahe o pahayag .
Ang SPEAKING ni Dell Hymes ay isang modela sa pagsusuri ng diskurso bilang isang serye ng sitwasyon at akto ng pagsasalita sa loob ng isang kontekstong kultura na kung saan kaugnay din ito ng kakayahang komunikatibo sapagkat ito ang abilidad na paggamit ng mga pangungusap ayon sa hinihinging interaksiyong sosyal .
Modelo mg Wika ayon kay Dell Hymes “S” Para sa Setting
( Saan nag- uusap ) – Kailangang malaman kung saa ang tagapagsalita para maiayon niya ang kanyang panananlita at paggamit ng wika sa kanyang kausap .
“P” Para sa Participants (Sino ang kausap ?) – Dito binabatay ng tagapagsalita ang kanyang tono ng pananalita at paggamit ng salita dahil ikinukunsidera nito ang panlipunang katayuan ng kanyang mga tagapakinig .
“E” Para sa End Binabatay dito ang patutunguhan ng gusting ihayag ng tagapagsalita sa kanyang mga tagapakinig .
“A”
Para sa Act Seqeunce ( Paano ang takbo ng usapan ?) – Dito tinutukoy ang takbo o ayos ng usapan .
“K” Para sa Keys( Pormal o Di- pormal na usapan ) – Tinutukoy dito an ang pagiging pormal o di- pormal ng pag-uusap . Itoy dumedepende sa gamit ng salita , ayos ng pananamit ng tao at sa kaniyang galaw . Dito rin malalaman kung anong salita ang dapat na gagamitan .
“I”
Para sa Instrumentalities
( midyum ng usapan ) – Kailangang alamin kung anong midyum (i.e. pasulat o pasalita ) ang gagamitin sa pakikipag – komunikasyon ; kung ito ba’y bumabagay sa sitwasyon .
“N”
Para sa Norms Dito inaalam kung tugma o alam ng tagapagsalita ang mga paksang kanyang ginagamit at kung ito’y ibinabatay sa sosyal na panuntunan at pamamahala ng mga aksyon at reaksyon .
“G”
Para sa Genre Sa component na ito isinasang - alang ang uri ng pagsasalita gawa o kaganapan para sa mga halimbawa at ang uri ng kwento na ginagamit .