Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino
I. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag. Tukuyin ang mga sumusunod na sitwasyon ng wika.Piliin ang tamang letra ng inyong sagot.Gawin ito sa isang buong papel. _____1. Isang mahalagang kasangkapan na ginagamit upang maiparating ang mga nasa saloob na ideya at damdamin ng isang tao. A. salita B. ugali C. Wika D. prinsipyo _____2. May pinakamalaking parte sa pagbabago ng iba’t ibang bagay katulad ng wika dahil sila ay nabibilang sa henerasyon na may malawak na kapasidad sa pagtuklas. sangkatauhan C. mamamayan B. kabataan D. dalubhasa
_____3. Ang pinakauso sa panahon ngayon pinakamababang antas ng wika nakaraniwang ginagamit ng mga kabataan. A. hugot C. balbal B. pick up lines B. makabago _____4.. Ito ay isang aplikasyon na kung saan maaari kang magpahayag ng iyong nararamdaman, katanungan at nais mong malaman at ipost. A. Facebook C. Instagram B. Messenger D. Blogs
_____5. Ito ay parang pagtetext lamang ang tanging kaibahan lamang ito ay konektado sa internet at Facebook. Maaari mong padalhan ng mensahe ang sinumang nais mo kung siya ay mayroong Facebook account. A. Facebook C. Instagram B. Messenger D. Blogs _____ 6. Isang sistema na nilikha para komunikasyon ng mga tao. Nagbibigay daan ito sa paglikha ng at pakikipagpalitan ng kaisipan at kaalaman sa bawat mamamayan. A. Facebook C. Vlogs B. Messenger D. Social Media
_____7. Ang itinuturing na pinakamakapangyarihang media sa kasalukuyan dahil sa dami ng mga mamamayang naabot nito A. Facebook C. Messenger B. Telebisyon D. Instagram _____8. Ang tawag sa mga taong gumagamit ng mga makabagong teknolohiya at karaniwang may code switching sa paggamit ng wika. A. Kabataan C. Netizens B. Makabago D. Moderno
_____9. Isa sa mga nagsisilbing daluyan ng wika at madalas gumagamit ng wikang Filipino (lingua franca), wikang Ingles o Taglish, upang mailahad ang mga balitang nakapaloob dito sa iba’t-ibang tao sa iba’t-ibang sulok ng bansang Pilipinas. A. Pahayagan C. Aklat B. Magasin D.Tabloid _____10. Mas binibili ng masa o karaniwang tao sapagkat mas naiintindihan nila ang wikang ginagamit dito. A. Pahayagan C. Aklat B. Magasin D.Tabloid
Mga Sitwasyong Pangwika at Kakayahang Pangkomunikatibo Aralin 1
Isulat Mo Panuto: Gamitin mo ngayon ang iyong kaalaman sa modernong teknolohiya.Bumuo ka ng isang makabuluhang Facebook post na tatangkilik sa iba Aralin 1 Mga Sitwasyong Pangwika at Kakayahang Pangkomunikatibo 3 lalo na sa mga kapwa mo kabataan upang gamitin , ipagmalaki , at mahalin ang ating Wikang Pambansa.Maaari mo itong lagyan ng naaangkop o kaugnay na larawan upang higit na makakuha sa atensyon ng iyong Facebook friends. Isulat ito sa isang buong papel.
Ang pinakadiwa ng wika ay panlipunan. Marami ang mga gamit o tungkulin ang wika sa lipunan. Ang wika din ay isang sistema ng pakikipag-ugnayan na nagbubuklod sa mga tao. Hindi matatawaran ang mahalagang gamit nito sa lipunan. Ang isang tao na gumagamit ng Wikang Filipino ibig sabihin isa siyang Pilipino pero bakit ang ibang Pilipino ay ikinakahiya ang sariling wika?
Ito ba ang sinasabing mahalaga at mahal raw ng mga mamamayan ang sariling wika ngunit kahit gamitin man lamang ito ay di magawa dahil sa mga masasamang ideya, at kuro-kuro na nabuo sa isipan ng ibang tao o mga banyaga tungkol sa Pilipino na dahilan na ikahiya ang sariling wika. Kung mahalaga talaga sa mga Pilipino ang Wikang Pambansa ay gagamitin ito kahit kailan at saanman magpunta. Malinaw na ang wika ay isang mahalagang kasangkapan na ginagamit upang maiparating ang mga nasa saloob na ideya at damdamin ng isang tao.
Hindi lamang ito isang paraan ng pakikipag-usap sa kapwa kundi ginagamit din ito upang makipagkaibigan, makipagtalakayan at maibahagi ang iba’t ibang opinyon at kaisipan. Sa buong kasaysayan, maraming mga bagay, sitwasyon at pangyayari natumutukoy sa kahalagahan ng wika sa mga tao, sa kapaligiran at higit lalo na sa bansa.
Kasimbilis ng mga pagbabago sa buhay ang bilis ng pagbabago sa wika. Walang tigil ang pagbabago sa wika dahil walang tigil ang pagbabago ng kinalalagyan at kinikilusan ng taong gumagamit nito. Dahil may talino at galing na humanap ng paraan ang tao, naibabagay niya ang kanyang wika sa pagbabago sa kanyang kapaligiran at pangangailangan.
Ang mabilis na pagsulong at pag-unlad ng science at teknolohiya ay sagot sa pangangailangan na gumaan ang buhay ng tao. Kaagad itong nasasalamin sa wika. Isipin na lang ang pagsulong ng teknolohiya sa isang aspekto ng buhay, ang paglalakbay. Maraming bagong salita ang maililista tungkol dito tulad ng bisikleta, awto, jet, magjet, flayt, istuwardes, erport, pambot, jip, motor, pasport, visa, at marami pang iba.
Sa sitwasyon na kinasasadlakan ng mundo ngayon, makikita ang sarisaring pagbabago at pag-unlad ng iba’t ibang bagay mula sa pananamit, pagkain, mga pelikula hanggang sa wika at mga salitang ginagamit sa araw-araw. Ilan sa mga sanhi nito ay ang mabilis na pagbabago lalong lalo na sa teknolohiya, ang pakikisabay sa uso ng karamihan at ang pag-abuso sa karapatang kalayaan sa pagpapahayag.
Dahil sa impluwensya ng social media, hindi na bago sa tenga ang mga salitang Selfie, Hashtag at Emoji dahil ang mga ito ang karaniwang ginagamit ng mga Pilipino sa panahon ngayon. Dahil maraming Pilipino ang nakagagamit ng internet, nagkaroon ng malawakang kalayaan sa pagpapahayag ng damdamin at kaisipan, kasabay nito ay umusbong na rin ang mga salitang bago sa ilan at tanging naiintindihan lamang ng mga aktibo sa social media.
Ang mga kabataan ng modernong panahon ay saksi sa mga pangyayari kung saan unti-unting naibaon ang wika na ginagamit noong nakalipas na mga dekada. Ang mga kabataan ang may pinakamalaking parte sa pagbabago ng iba’t ibang bagay katulad ng wika dahil sila ay nabibilang sa henerasyon na may malawak na kapasidad sa pagtuklas.
Dahil dito, malinaw nilang nasusubaybayan ang mga pagbabagong nagaganap sa paligidpartikular na ang wika sa social media. Ang mga kabataan din ang nagpapauso ng mga salitang hindi na angkop sa wikang Filipino pero ang mga kabataan din ang may kapasidad na pausbungin muli ang ating wikang pambansa kung gagamitin sa tama ang social media.
Ang wika ang ginagamit ng mga tao sa pang-araw-araw na pamumuhay upang magkaunawaan ang bawat isa. Isa na rito ang paaralan kung saan ay dito nahuhubog ang kaalaman at pag-uugali ng mga mag-aaral at ito ang itinuturing na pangalawang tahanan. Sa pormal na diskusyon ng mga aralin gumagamit ang mga guro ng pormal na wika.
Gumagamit din ang mga guro ng di-pormal upang higit na maipaliwanag ang aralin at higit na maunawaan ng mga mag-aaral ang aralin. Ang mga mag-aaral ay gumagamit ng pormal ng wika sa paggawa ng mga takdang-aralin at mga proyekto. Nagkakaroon din ng di-pormal na paggamit ng wika ang mag-aaral kung sila ay nasa labas ng silid-aralan at tapos na ang klase at nakikipagkwentuhan sa kapwa mag-aaral.
Sa panahon ngayon marami nang bagong salita ang lumalabas at nadadala ng mga mag-aaral sa paaralan tulad ng “pak ganern”,”boom panes” at marami pang iba na maaring makaapekto at magamit sa paggawa ng mga takdang-aralin o mga proyekto. Isa rin sa nakakaapekto sa paggamit ng wika ay ang pagtetext kung saan nagkakaroon ng pagdadaglat ng mga letra ng salita dahil maaring ang nakasanayan sa pagtetext ang maisagawa sa mga akademikong sulatin.
Mahalagang mapangalagaan ang wastong estado ng wikang Filipino sa mga paaralan dahil ang itinuturo sa paaralan ay maaaring dalhin ng mag-aaral sa kanyang pagtanda
Ang wika ay hindi lamang kumakatawan sa isang tao. Ito ay hindi lamang isang paraan para sa pagpapahayag ng mga sariling saloobin, opinion , obserbasyon at halaga ng kanyang mga katangian ay isang sisidlan na siyang nagpapahayag ng mga aspeto ng isang komunidad o bansa. Ang wika ay kumakatawan din sa pangunahing pagpaparating sa iba ng panlipunang pagkakakilanlan.
Sa maikling salita, ang wika ay tumutulong na mapanatili ang mga damdamin ng kultura, sining at pagkabansa ng isang bayan, mga personal na obserbasyon at halaga ng kanyang mga katangian ay isang sisidlan na siyang nagpapahayag ng mga aspeto ng isang komunidad o bansa.
Sa araw-araw na gawain ng tao, lumilitaw ang pakikipagtalastasan o pakikipagugnayan sa kanyang kapwa. Halimbawa, sa loob ng klasrum ang pagpapaliwanag ng guro ng mga leksyun habang nakikinig ang mga estudyante at pagkatapos ay magkaroon ng interaksyon batay sa paksa na kung saan ang guro ay magtatanong at ang mag-aaral ay sasagot. Ito’y isang pakikipagtalastasan.
Gayundin naman sa lansangan o sa palengke, ang transaksyon na nagaganap sa mga mamimili o samga nagtatanong upang magkaroon ng ugnayan, ito ay isang paraan ng pakikipagtalastasan.Sa tanggapan o sa opisina ng mga empleyado at kung may mga kliyente silang kakausapin,ito ay isang pakikipagtalastasan. Ito ang nagpapatunay na ang pakikipagtalastasan ay isang gawaing pang-araw-araw kasabay ng modernisasyon at paglunsad sa mga makabagong teknolohiya" ay patuloy din ang pag-unlad at pagbabago ng Wikang Filipino.
Halimbawa na lang ay ang paggamit ng ibat-ibang paraan upang mas mapaikli ang pagbigkas at ang baybay ng wikang Filipino" ilang halimbawa ng pagpapalawak ng bokabularyo ay ang paggamit ng akronim o ang paggamit ng mga letra na sumasagisag sa isang salita o tumatayo bilang kahalili ng isang salita upang mas madaling maintindihan. Sumunod na halimbawa ay ang pagpapalit ng mga salita na ginagamit noong unang panahon upang mas magandang bigkasin at pakinggan.
At ang pinakauso sa panahon ngayon ay ang paggamit ng mga balbal na salita" ang pinakamababang antas ng wika nakaraniwang ginagamit ng mga kabataan. Ang mga mag-aaral sa urban ay gumagamit ng ibat-ibang pagpapalawak ng bokabularyo na nakakaapekto din sa kanilang pamumuhay maging salipunan at ekonomiya.
Ayon kay Jomar I. Empaynado , isang propesor at manunulat , isa sa sitwasyong panwika ay anumang panlipunang phenomenal sa paggamit at paghulma ng wika .
Ayon kay Ryan Atezora , isang akademiko sa Wikang Filipino ito na ang sitwasyon ng wika ay kung gaanong wika ang goinagamit sa iba’t ibang sektor ng lipunan at ang status ng pagkagamit nito.Samakatuwid ang sitwasyong pangwika ay mga pangyayaring nagaganap sa lipunan namay kinalaman sa patalaran sa Wika at Kultura.
Gamit ng Wika Ang wika ang nagsisilbing tulay sa mabisang komunikasyon, mas epektibong pakikipagtalastasan at mas epektibong pakikipag- ugnayan. Sa pamamagitan ng paggamit ng wika malaya nating naipapahayag ang ating saloobin at kaisipan hinggil sa mga bagay- bagay. Ang wika ay isa ring napakahalagang instrumento sapagkat ito ang nagiging tulay sa pagkakabuklod buklod ng mga mamamayan ng isang bansa.
Pinagtitibay nito ang diwa ng pagkakaisa at pakakintindihan ng mga mamamayang nasasakupan. Bukod dito, ang pagkakaroon din ng sariling wika ay nakakatulong sa pag-angat ng ekonomiya ng isang bansa. Kung kaya, bilang isang kabataan ng bagong henerasyon dapat nating pangalagaan at tangkilikin ang wikang sariling atin.
Social Media at Wikang Filipino sa Akademikong Pag-aaral Ano-ano ba ang iba’t ibang uri ng social media at paano ito nakatutulong sa akademikong pag-aaral?
Isa sa pinakakilala at pianakamaraming gumagamit na social media ay ang Facebook. Ito ay isang application na ung saan maari kang magpahayag ng iyong nararamdaman, katanungan at nais mong malaman at ipost. Maaari itong makita ng mga friends o kaibigan mo sa app din na ito, maaari silang magreact base sa kanilang nais hingil sa paksa na iyong ipinahayag.
Maaari din silang magkumento rito at maaari nila itong ibahagi sa iba. Ito ay nakatutulong sa paraang maaari kang magpost ng mga katanungang na nais mong alamin at maaari itong sagutin ng iyong mga kaibigan. Dahil na rin sa maaari namang ibahagi ang post ng iba mabilis na kumakalat ang isang impormasyon na at nagiging dahilan ng pagkakabasa ng mga estudyante na maaaring magdulot ng pagkatuto ng mga bata.
Isa pa ay ang Messenger, ito naman ay parang pagtetext lamang ang tanging kaibahan lamang ito ay konektado sa internet at Facebook. Maaari mong padalhan ng mensahe ang sinumang nais mo kung siya ay mayroong Facebook account. Maaari ring gumawa ng grupo na bawat mensaheng inilalagay roon ay makikita ng lahat ng miyembro ng grupong ito.
Dito ay maaari kang magtanong at mabilis ka ring masasagot ng iyong kaibigan.Marami pang ibang uri ng social media na maaaring makatulong sa akademikong pagaaral. Isa itong magandang senyales na ang mga app na ito ay nagagamit ng tama. Ngunit laging tatandaan ang lahat ng sobra ay maaaring makasama.
Sa makabagong henerasyon mababatid natin ang mga epekto ng makabagong teknolohiya sa ating wika at kultura. At dahil sa malikhaing pag-iisip at pananaliksik nakakatuklas ang ang mga tao ng mga bagong kaalaman tungkol sa teknolohiya katulad na lamang ng mga “social media”. Ang social media ay isang sistema na nilikha para komunikasyon ng mga tao. Nagbibigay daan ito sa paglikha ng at pakikipagpalitan ng kaisipa kaalaman sa bawat mamamayan.
Sa pamamagitan din nito malayang nakakapagpaskil at nakakapagbahagi ng kaalaman at mga larawan ang isang indibidwal. Hindi na rin lingid sa ating kaalaman na ang paggamit ng social media ay may malaking ambag sa pag unlad ng pagkatao ng isang mamamayan.Sa kasalukuyan maraming kabataan ang 7 gumugugol ng oras sa paggamit ng iba’t ibang uri ng “social media”. Isang halimbawa nito ay ang “facebook”. Ang “facebook”. Ay isang uri ng aplikasyon na kung saan maaring magbahgi ng mga ideya o karanasan ang isang indididwal ng gumagamit nito.
Hindi rin natin maikakaila marami sa kabataan ngayon ang gumagamit ng “facebook” sa pakikipagtalastasan. Sa paggamit ng sistemang ito malayang nilang naipapahayag ang mga kumentong nais nilang iparating hinggil sa mga pahayag na nakapaskil sa “facebook” ng isang kaibigan o kakilala. Nagsislibi itong tulay sa malayang pakikipagkomunikasyon. Nakakatulong ito upang mapaunlad ng isang indibidwal ang kakayahan sa pakikipagkomunikasyon.
Dito naipapahayag nila ang positibo at negatibong opinion hinggil sa isang paksa. Natatalakay din at nabibigyang linaw ang mga isyung napapanahon. Sa kabuuan ang paggamit ng social media ay isang mainam na paraan upang mapalawak ang pansariling kakayahan upang makapagpahayag gamit ang sariling wika.
Sa panahon ngayon, mahalagang ding malaman ng mga kabataan ang tamang paggamit ng social media upang lalong mapalawak ang kaalaman atkakayahang magpamalas ng saloobin hinggil gamit ang wikang Filipino.
Sa kabila ng lahat ng pagbabago at paglaganap ng iba’t ibang teknolohiya sa mundo, hindi pa rin tuluyang mapalitan ang telebisyon bilang isang pangunahing paraan ng telekomunikasyon. Ito’y sistema para sa pagpapahayag at pagtanggap ng mga gumagalaw na mga larawan at tunog sa kalayuan.
Ito’y pangmasang panghatid ng libangan, edukasyon, o mga balita. Ngunit ano ang nagagawa o tulong ng telebisyon sa pag-unlad ng Wikang Filipino? May masama ba itong dulot sa mga kabataan lalo’t higit sa maling paraan ng pag-gamit nito? Sa Wika Filipino?
Telebisyon sa pagpapaunlad ng Wikang Filipino
Sa paggamit ng telebisyon ay nakakapagbigay ito ng impormasyong pormal at di-pormal na mayroong malaking epekto sa ating mga manonood. Hindi katakatakang nagagawa nitong maipluwensiyahan ang paraan ng pamumuhay ng masa, lalo na ang wika. Nagdudulot ito ng madaling pagkakatuto at madaling pagbigkas ng mga salita lalo na sa mga kabataan ngayon.
Ngunit sa kabilang banda nito ay nagdudulot pa rin ito ng masama o mga salitang hindi na-aangkop sa pagkakaroon ng magandang lipunan, tulad ng pag-papaikli ng mga salita at, ang mga binabanggit o naririnig sa telebisyon na mga salitang hindi na masyadong makahulugan. Ngunit nakakatulong pa rin ang telebisyon sa pag-unlad ng wika, na mababakas sa pang-araw-araw nating pakikipag-ugnayan sa ating kapwa. Sapagkat sa pagtangkilik sa telebisyon ay syang pag-unlad rin ng Wikang Filipino..
Isang halimbawa, ay ang iba kulturang napapanood sa telebisyon, na sa tulong nito’y madaling maintindihan dahil sa mga larawan at sa pagbigkas nito. Nakakapagbigay rin ito ng mga bagong salita na maaari nating gamitin sa pangaraw-araw. Ngunit minsa’y may hindi ring magandang kinakalabasan ang panonood ng telebisyon patungkol sa pag-unlad ng Wikang Filipino, katulad ng mga mga salita, parirala o kataga na pinasikat ng mga personalidad sa telebisyon na naging bahagi na ng ating berbal na komunikasyon.
At maging dahilan ng kakulangan ng kaalaman natin sa wikang Filipino o sa hindi tamang pag-gamit nito. Datapuwa’t ang telebisyon ay nakakatulong rin sa magandang pagkaka-unawaan, dahil sa ibang mga salitang ating naririnig. At mas napapalawak ang ating kaalaman sa tulong ng mga larawang ating nakikita.
Wika sa Pahayagan
Ang mga pahayagan ang isa sa mga nagsisilbing daluyan ng wika. Ang mga pahayagan ay madalas gumagamit ng wikang Filipino (lingua franca), wikang Ingles o Taglish, upang mailahad ang mga balitang nakapaloob dito sa iba’t-ibang tao sa iba’t-ibang sulok ng bansang Pilipinas. Mula pa sa mga sinaunang panahon ay malimit nang ginagamit ng mga pahayagan upang magbigay-balita ukol sa mga isyung naganap, nagaganap, o gaganapin.
Ngunit, ano ba ang mayroon sa wikang ginagamit sa mga pahayagan na nakakaakit ng mga mambabasa upang makapagbigay-balita?Kung ating papansinin, ay napakakomersyal rin ang paraan ng pagbabalita sa mga pahayagan kaya ang madalas na nakapaloob dito ay ang mga interesanteng salita. Hindi kumbensyunal ang paggamit ng salitang pormal sa isang pahayagan. Samakatuwid, isang malamang na dahilan ng pagusbong ng mga pahayagan ay ang paggamit ng mga aggresibo at mararahas na salita dito.
Nakakapukaw ng pansin para sa ibang mga Filipino ang pagbabasa ng mga salita tulad ng “dedo”, “Niletson”,”inambus”,”winalwal”,atbp. Ang paggamit ng mga salitang aggresibo ay isang malaking sangkap sa pagiging marahas at kapansin-pansin ang isang krimen lalo na sa headlines ng pahayagan.
Sa kabilang dako, ang kapalit ng paggamit ng mga mararahas na salita sa paggawa ng pahayagan ay ang pagiging “sensationalized” ng mga balita dito. Dahil dito ay marapat lang na isaisip natin na ang pahayagan ay isang negosyo, kung kaya’t hindi maiiwasan na maging “exaggerated” ang mga balitang nakapaloob dito. Mula dito, mahihinuha ko na ang wikang Filipino ang isa sa mga natatanging wika na nagtataglay ng mga agresibo at mararahas na salita na nakakapukaw ng pansin ng mga masa.
Kahit impormal at marahas ang tono ng wikang ginagamit sa mga pahayagan, ay napakalas ng dating nito sa iba’t-ibang mga Filipino. Ngunit, marapat lang na isaalaala natin na hindi lahat ng balita na naisulat sa paggamit ng agresibong mga salita ay kapani-paniwala.
Wika sa Teknolohiya
Sa pag-usbong ng teknolohiya, sa paggamit nito ng wika hindi natin maitatanggi na malaki ang epekto nito sa ating sariling wika. Sa modernong panahon mas madali na ang kumunikasyon kaya’t, mas madaling maipapasa ang mga wikang dipormal. Nakakatawang isipin na kahit tayo ay mga Pilipino may iilang tao parin ang hindi ganoon ka bihasa gamitin ang wikang Tagalog.
Ang mga Pilipino ay lulong na lulong na sa social media. Ayon sa aming pananaliksik mayroong 30 milliong tao ang gumagamit ng facebook, 4.9 million naman sa twetter 25 million sa youtube noong 2014. Dahil nga ba sa teknolohiya ay mas umosbong ang di-pormal na mga salita? Heto ang mga halimbawa ng mga di-pormal na salita o mga balbal:
Ang telebisyon ang itinuturing na pinakamakapangyarihang media sa kasalukuyan dahil sa dami ng mga mamamayang naabot nito. Ang mabuting epekto ng paglaganap ng cable o satellite connection para marating ang malalayong pulo at ibang bansa. Wikang Filipino ang nangungunang midyum sa telebisyon sa bansa na ginagamit ng mga lokal na channel.
Mga halimbawa ng mga programang pantelebisyon na gumagamit ng wikang Filipino ay mga teleserye, mga pantanghaliang palabas, mga magazine show, news and public affairs, reality show at iba pang programang pantelebisyon. Ang pagdami ng mga palabas sa telebisyon partikular ang mga teleserye o pantanghaling programa na sinusubaybayan ng halos lahat ng milyon-milyong manununood ang dahilan kung bakit halos lahat ng mamamayan sa bansa ay nakakaunawa at nakakapagsalita ng wikang Filipino.
Sitwasyong Pangwika sa Radyo at pahayagan.
Wikang Filipino ang nangungunang wika saradyo sa AM man o sa FM. Ang mga estasyon sa probinsya ay gumagamit ng rehiyonal na wika ngunit kung may kapanayam sila ay karaniwan sa wikang Filipino sila nakikipagusap. Sa dyaryo ay wikang Ingles ang ginagamit sa broadsheet at Wikang Filipino naman sa tabloid. Tabloid ang mas binibili ng masa o karaniwang tao sapagkat mas naiintindihan nila ang wikang ginagamit dito. Ito ang mga katangian ng isang tabloid: – Nagtataglay ng malalaki at nagsusumigaw na headline na naglalayong maakit agad ang mambabasa. Ang nilalaman ay karaniwang senseysyonal na naglalabas ng impormalidad. Hindi pormal ang mga salita.
Sitwasyong Pangwika sa Pelikula
Ingles ang kadalasang pamagat ng mga pelikulang Pilipino. Filipino ang lingua franca o pangunahing wika ang ginagamit. Ang pangunahing layunin ay makaakit ng mas maraming manunuod na malilibang sa kanilangmga palabas at programa upang kumita ng malaki. Malawak ang naging impluwensya dahil satulong nito mas marami ng ng mamayan ng bansa ang nakauunawa at nakapagsasalita ng wikang Filipino. Ang nananaig na tono ay impormal at waring hindi gaanong istrikto sa pamantayan ng propesyonalismo.
Sitwasyong Pangwika sa text
Ang pagpapadala ng sms (short messaging system) ay isang mahalagang bahagi ng komunikasyon sa bansa. Humigit kumulang 4 na bilyong text ang ipinapadala at natatangap ng ating bansa kaya ito ay kinilala bilang “Text Capital of the World”. Madalas ang paggamit ng code switching at madalas pinaiikli ang baybay ng mga salita. Walang sinusunod natuntunin o rule
Siwasyong Pangwika sa Social Media at Internet
Ang tawag sa mga taong gumagamit nito ay netizen. Karaniwang may code switching. Mas pinag-iisipang mabuti ang mga gagamiting salita bago ipost. Ingles ang pangunahing wika dito.
Sitwasyong Pangwika sa iba pang anyo ng Kulturang Popular
Isa sa katangian ng wika ang pagiging malikhain. Sa patuloy na paglago ng wika ay umuusbong ang ibàt ibang paraan ng malikhaing paggamit dito dala na rin sa impluwensya ng mga pagbabagong pinanalaganap ng media. Pagyabong ng paggamit ng social media sites kagaya ng Facebook, Twitter, Instagram, Pinterest, Tumblr atbp. Lahat ng uri ng tao ay umaarangkada ang social life at kabilang na rin sa mga netizen.
Daan sa pagpapadali ng komunikasyon sa pagitan ng magkakaibigan o mga mahal sa buhay. Madaling makabalita sa mga nangyayari sa buhay sa pamamagitan ng mga nakapost na impormasyon, larawan at pagpapadala ng pribadong mensahe (pm) gamit ang mga ito. Karaniwang code switching ang wikang ginagamit sa social media o pagpapalit palit ng Ingles at Filipino sa pagpapahayag.
Sa sitwasyon na kinasasadlakan ng mundo ngayon, makikita ang sarisaring pagbabago at pag-unlad ng iba’t ibang bagay mula sa pananamit, pagkain, mga pelikula hanggang sa wika at mga salitang ginagamit sa araw-araw. Ilan sa mga sanhi nito ay ang mabilis na pagbabago lalong lalo na sa teknolohiya, ang pakikisabay sa uso ng karamihan at ang pag-abuso sa karapatang kalayaan sa pagpapahayag.
Dahil sa impluwensya ng social media, hindi na bago sa tenga ang mga salitang Selfie, Hashtag at Emoji dahil ang mga ito ang karaniwang ginagamit ng mga Pilipino sa panahon ngayon. Dahil maraming Pilipino ang nakagagamit ng internet, nagkaroon ng malawakang kalayaan sa pagpapahayag ng damdamin at kaisipan, kasabay nito ay umusbong na rin ang mga salitang bago sa ilan at tanging naiintindihan lamang ng mga aktibo sa social media.
Alam mo ba? Isa pang mahalagang midyum sa larangan ng broadcast media at hindi maikakailang bahagi ng buhay ng bawat Pilipino ang telebisyon. Naging bahagi at sinasabing kasama nga sa daily routine ng mga Pilipino ang panonood ng mga palabas sa telebisyon simula sa paggising sa umaga sa mga morning show hanggang sa oras na bago matulog sa mga prime time na mga panoorin kabilang na ang mga teledrama, balita at mga dokumentaryong pantelebisyon
Buuin Natin Panuto : Sa isang buong bondpaper , gumawa ng isang blog ng napapanahong isyung panlipunan sa radyo at telebisyon, mga patok na linya sa mga pelikula at post sa social media na nagpapakita ng gamit ng wika.Gawing gabay ang halimbawa.Huwag kalimutang lagyan ng mga sanggunian o mga pinagkukunankaalaman
Magagawa Natin Panuto: Gawin ito sa isang buong papel. Iugnay ang mga natutuhang paggamit ng wika ayon sa iyong sariling kaalaman, pananaw at mga karanasan sa pamamagitan ng pagsasagawa nito.
Hindi na nga maikakaila ang lawak at dami ng naabot ng social media at ang papel nito sa pagpapadaloy ng impormasyon at balita sa panahon natin ngayon.Bilang isang kabataang Pilipino , Papaano mo gagamitin nang tama ang social media lalo na sa ating pang-araw – araw na gawain.Itala ang iyong mga saloobin kung papaano maging responsableng mamamayan sa pagtugon nga panawagan ni Senator Win Gatchalian na maging responsableng paggamit ng social media. 1._______________________________________________________________________ 2. _______________________________________________________________________ 3. _______________________________________________________________________ 4._______________________________________________________________________ 5. _______________________________________________________________________