ANO ANG ABSTRAK?
Ito ay ang buod ng isang sulatin. Maaari ito ay abstrak
ng isang tesis, disertasyon, o anomang uri ng
pananaliksik. Sa mga paaralan, hindi ito tinatawag na
abstrak ito ay tinatawag na buod.
Halimbawa: Buod ng pelikula, Buod ng Nobela
Pormal ang tono nito dahil nakapaloob dito ang
mahalagang punto ng pananaliksik.
Kahalagahan ng abstrak
Nakakatulong sa mga mananaliksik na mapa
unlad ang isang paksa
Nakakatulong upang mas mabilis na malaman
ng mambabasa ang nilalaman ng isang saliksik
Nakakatulong sa pag unawa ng binasa o
babasahin ng isang mananaliksik.
haba ng abstrak
Halos hanggang 500 salita
lang ang kabuuan ng abstrak
Kadalasan hindi ito lalagpas ng
isang pahina at doble-espasyo
Sa balangkas ng tesis, naroon ang
dahilan o rationale kung bakit
kailangang saliksikin o sulatin ang isang
akda; ano ang metodo kung paano
nakuha ang sagot sa pinoproblema ng
isang saliksik
Halimbawa ng abstrak
Ang abstrak na ipinakita ay hindi lumagpas sa 200
salita at nakasulat iyo sa ikatlong panauhan.
Walang opinyon na hindi nakabatay sa
pananaliksik na isinagawa. Sa pagbasa ng abstrak,
makapagdedesisyon ang mambabasa kung nais pa
niyang ituloy ang pagbasa ng kabuuan ng akda.
Halimbawa ng abstrak
mga dapat tandaan
Ang abstrak ay buod ng nilalaman ng isang saliksik o sulatin
Nakabatay ang pagsulat nito ayon sa pagkakasunod-sunod
ng saliksik
Nakasulat ito sa ikatlong panauhan at nakabatay sa
katotohanan at hindi opinyon lang ng may akda
Hindi lalagpas ng isang pahina at nakadoble-espasyo ang
abstrak
Higit na lumilinaw ang pagbabasa kapag may abstrak. Hindi
nararapat na ito ay puno ng mga salitang mahirap unawain
Gawain
Takdang
aralin
1.Sumulat ng isang abstrak ng isang aralin sa
paboritong asignatura.
2.Pumunta sa aklatan at magbasa ng mga abstrak ng
tesis. Isulat naman ang abstrak gamit ang sariling
salita at nang hindi gumagamit ng jargon.
3.Magbasa ng mga nailathalang pag-aaral sa mga
artikulo sa diyaryo o magasin. Sumulat ng abstrak
nito.
Bilang ng gagawing abstrak: 3