Week 4_Matatag(Resilience)_2.pptx VALUES EDUCATION 7 VALUES EDUCATION 7

KayeMarieCoronelCaet 3 views 79 slides Sep 07, 2025
Slide 1
Slide 1 of 105
Slide 1
1
Slide 2
2
Slide 3
3
Slide 4
4
Slide 5
5
Slide 6
6
Slide 7
7
Slide 8
8
Slide 9
9
Slide 10
10
Slide 11
11
Slide 12
12
Slide 13
13
Slide 14
14
Slide 15
15
Slide 16
16
Slide 17
17
Slide 18
18
Slide 19
19
Slide 20
20
Slide 21
21
Slide 22
22
Slide 23
23
Slide 24
24
Slide 25
25
Slide 26
26
Slide 27
27
Slide 28
28
Slide 29
29
Slide 30
30
Slide 31
31
Slide 32
32
Slide 33
33
Slide 34
34
Slide 35
35
Slide 36
36
Slide 37
37
Slide 38
38
Slide 39
39
Slide 40
40
Slide 41
41
Slide 42
42
Slide 43
43
Slide 44
44
Slide 45
45
Slide 46
46
Slide 47
47
Slide 48
48
Slide 49
49
Slide 50
50
Slide 51
51
Slide 52
52
Slide 53
53
Slide 54
54
Slide 55
55
Slide 56
56
Slide 57
57
Slide 58
58
Slide 59
59
Slide 60
60
Slide 61
61
Slide 62
62
Slide 63
63
Slide 64
64
Slide 65
65
Slide 66
66
Slide 67
67
Slide 68
68
Slide 69
69
Slide 70
70
Slide 71
71
Slide 72
72
Slide 73
73
Slide 74
74
Slide 75
75
Slide 76
76
Slide 77
77
Slide 78
78
Slide 79
79
Slide 80
80
Slide 81
81
Slide 82
82
Slide 83
83
Slide 84
84
Slide 85
85
Slide 86
86
Slide 87
87
Slide 88
88
Slide 89
89
Slide 90
90
Slide 91
91
Slide 92
92
Slide 93
93
Slide 94
94
Slide 95
95
Slide 96
96
Slide 97
97
Slide 98
98
Slide 99
99
Slide 100
100
Slide 101
101
Slide 102
102
Slide 103
103
Slide 104
104
Slide 105
105

About This Presentation

VAL ED 7


Slide Content

Values IKAAPAT NA LINGGO | UNANG ARAW EDUCATION 7

Diyos ama, maraming salamat po sa inyong biyaya na panibagong pagkakataon upang kamiay matuto . Gabayan niyo po kaming mga mag- aaral upang malinang ang aming isipan at maunawaan ng lubos ang anuman ituturo sa amin. Gawaran niyo po ang aming mga guro ng bukas na isip upang magkaroon sila ng sapat na kalakasan at karunungan upang maihatid sa aming mga estudyante ang mga aral na dapat naming matutunan . Amen. PANALANGIN

Sa pagtatapos ng leksyon , kayo ay inaasahan na : Nakapagsasanay sa pagiging matatag sa pamamagitan ng palagiang paninindigan sa mga taglay na pagpapahalaga at virtue. A. Nakakikilala ng mga paraan ng paggamit ng pagpapahalaga at virtue bilang batayan ng sariling pagpapasya .

Sa pagtatapos ng leksyon , kayo ay inaasahan na : B. Naipaliliwanag na ang pagpapahalaga at virtue bilang batayan ng sariling pagpapasya , pagkilos , at pakikipagkapuwa ay gabay na magtitiyak na patungo sa katotohanan at kabutihan ang bawat pagtugon lalo na sa mga situwasyon na sinusubok ang kanilang pagkatao .

Sa pagtatapos ng leksyon , kayo ay inaasahan na : C. Nailalapat nang wasto ang pagpapahalaga at virtue sa mga gagawing pagpapasya , pagkilos , at pakikipagkapuwa .

Matatag (Resilience) Kaugnay na Pagpapahalaga

Unang “ Itanong Mo Sa Akin”

“ Itanong Mo Sa Akin” Ang mag- aaral na tatawagin / mabubunot ng guro ay tutungo sa harapan upang bumunot ng katanungan na kanyang sasagutin .

Tanong 1: 1. Bakit itinuturing na pinakamataas sa lahat ng antas ng mga pagpapahalaga ang Banal na Pagpapahalaga (Holy Values)?

Tanong 2: 2. Paano mo masasabi na naabot na ng kaisipan ng tao ang kaniyang kaganapan ?

Tanong 3: 3. Ipaliwanag , “Mas malalim ang kasiyahan na nadama sa pagkamit ng pagpapahalaga , mas mataas ang antas nito .”

Ikalawang Values and Virtues Charades

PANGKATANG-GAWAIN: Hahatiin ang mga mag- aaral sa limang pangkat . Bawat pangkat ay may nakatalagang pagpapahalaga at birtud na iaarte at pahuhulaan sa ibang pangkat . Ang pangkat na may pinakamaraming nahulaan ang mananalo . Values and Virtues Charades

Values and Virtues Charades

PAGHAWAN NG BOKABOLARYO

PAGHAWAN NG BOKABOLARYO PAGPAPAHALAGA _______________ _______________ BIRTUD _______________ _______________ HALIMBAWA 1. _______________ 2. _______________ 3. _______________ HALIMBAWA 1. _______________ 2. _______________ 3. _______________ KAUGNAYAN _______________ _______________

“Ang Kahalagahan ng Pagpapahalaga at Virtue sa Sariling Pagpapasya , Pagkilos , at Pakikipagkapuwa ”

Ang kahalagahan ng mga pagpapahalaga at birtud ay maaaring matukoy sa pamamagitan ng papel na ginagampanan nila sa buhay ng isang tao . Kinakatawan ang mga makatotohanang layunin na tumutulong sa isang tao na maglakbay sa kanilang buhay .

Higit pa rito , tinutulungan ng mga pagpapahalaga at birtud ang mga tao sa pagkilatis ng tama sa mali at gumawa ng mga moral na desisyon . Nagsisilbing gabay na ilaw sa ating paglalakbay sa buhay . Nagbibigay ang mga ito ng kalinawan sa mga oras ng kawalan ng katiyakan at tinutulungan magpasya sa mga kumplikadong desisyon .

Kapag ang ating mga kilos ay naaayon sa ating mga pagpapahalaga at birtud , nakakaranas tayo ng pakiramdam ng pagiging tunay at pagkakatugma . Ang pagkakahanay na ito ay nagbibigay sa atin ng kapangyarihan na gumawa ng mga pagpipilian na sumasalamin sa ating tunay na pagkatao .

Sa isang mundo na kung minsan ay maaaring makaramdam ng pagsubok at tukso , ang pamumuhay nang may integridad , mga pagpapahalaga , at mga birtud ay nagiging isang tanglaw ng liwanag . Ito ay isang kamalayan ng pagpili na mamuhay ng isang buhay na sumasalamin sa ating pinakamalalim na paniniwala at adhikain .

Ang pagbigay-pansin sa pagpapahalaga at birtud ay nagangahulugang hindi lamang manatiling tapat sa ating mga pinahahalagahan kundi maging inspirasyon din sa iba na gawin din ito .

Pamprosesong Tanong : Bakit mahalaga na pagsasabuhay natin sa ating mga birtud at pagpapahalaga sa pang- araw - araw na buhay ?

Pamprosesong Tanong : Sa anong bagay inihambing ng may akda ang pagsasabuhay ng pagpapahalaga at birtud ? Bakit?

Pamprosesong Tanong : 3. Batay sa iyong pagkakaunawa sa akda , paano mapagtatagumpayan ng tao na manatiling nakapanig sa kabutihan sa kabila ng mapanukso at puno ng pagsubok na mundo ?

Takdang – Aralin : Basahin ang kwentong ipapasa ng guro sa Group Chat. M aghanda para sa talakayan bukas .

Values IKAAPAT NA LINGGO | IKALAWANG ARAW EDUCATION 7

Diyos ama, maraming salamat po sa inyong biyaya na panibagong pagkakataon upang kamiay matuto . Gabayan niyo po kaming mga mag- aaral upang malinang ang aming isipan at maunawaan ng lubos ang anuman ituturo sa amin. Gawaran niyo po ang aming mga guro ng bukas na isip upang magkaroon sila ng sapat na kalakasan at karunungan upang maihatid sa aming mga estudyante ang mga aral na dapat naming matutunan . Amen. PANALANGIN

Balik -Aral Anu- ano ang mga naidudulot ng pagsasabuhay ng pagpapahalaga at birtud ?

“Iba Ka!”

Sa panahong ito na talamak ang korupsiyon sa maraming sangay ng pamahalaan at maging sa pribadong tanggapan , mahirap paniwalaang may mga tao pa ring matapat at mapagkakatiwalaan . Lalo pa ngayon na batbat ng kahirapan , ang taong matapat ay may kahirapan nang matagpuan . Mga taong matapat at mapagkakatiwalaan , iyan ang kulang sa lipunan .

Pero nangibabaw si Ma. Fe Sotelo, isang security guard na nagsauli ng Php 500,000 na naiwan ng isang Chinese sa comfort room ng isang mall. Sa katulad ni Ma. Fe na kakarampot lamang ang suweldo , ang Php 500, 000,00 ay malaki nang halaga para mabili ang mga pangunahing kailangan niya sa buhay . Maaaring hindi niya iyon isauli at angkinin na lamang .

Pero hindi ganyan ang ginawa ni Ma. Fe. Hindi raw niya maaatim na gastusin ang perang hindi naman niya pinagpaguran . Hindi kaya ng konsensiya niya . Napakaganda ng panuntunan ni Ma. Fe sa buhay . Sana ay ganyan din ang maging panuntunan ng mga opisyales sa pamahalaan na walang takot kung mangurakot sa pera ng bayan.

Ganyan sana ang maging ugali ng mga mayayamang negosyante na nandadaya sa pagbabayad ng buwis . Maraming hindi matapat at mapagkakatiwalaan sa Department of Public Works and Highways, Bureau of Internal Revenue, Bureau of Immigration, Bureau of Customs at Philippine National Police at marami pang departamento .

Nagsasagawa ng pagroronda si Ma. Fe sa Festival Mall sa Alabang, dalawang linggo na ang nakararaan , nang isang belt bag ang kaniyang natagpuan sa comfort room ng mga lalaki sa basement parking lot. Hindi nagsayang ng panahon si Ma. Fe, dinampot ang bag, tiningnan ang laman at nagimbal sa nakabalumbong pera .

Madali niyang dinala ang bag sa kaniyang hepe at makalipas lamang ang ilang oras , natunton ang may- ari ng bag – si Wang Chao Wei, isang negosyante mula sa Tiangxi , China. Nagtayo ng negosyo rito si Wei. Inalok ni Wei ng perang pabuya si Ma. Fe pero tinanggihan iyon ng dalagang sekyu .

Bihira na nga ang mga nilalang na katulad ni Ma. Fe. Maaaring wala na nga siyang katulad sa mga opisyal at empleyado sa DPWH, Customs, Immigration, at BIR. Kung matutuloy ang pangarap niyang maging miyembro ng PNP madadagdagan ang bilang ng matapat na pulis . Kapos sa taas si Ma. Fe kaya hindi siya matanggap bilang pulis subalit nagbigay ng pag-asa si PNP Chief Hermogenes Ebdane na maaari siyang mapabilang sa police force

Talakayan 1. Ano ang kahanga-hangang ginawa ni Ma. Fe?

Talakayan 2. Paano naiiba ang mga aksyon ni Ma. Fe sa mga karaniwang ginagawa ng mga tao sa kaniyang katayuan ? Ano ang mga posibleng kadahilanan ng kaniyang mga aksyon ?

Talakayan 3. Sa tingin mo , sa kabila ng kahirapan bakit hindi nagpatukso si Ma. Fe na kunin ang pera ?

Talakayan 4. Ano ang mga pagpapahalaga at birtud na ipinamalas ni Ma. Fe?

Talakayan 5. Ano ang mga hakbang na maaaring gawin ng lipunan upang hikayatin ang iba pang mga tao na maging katulad ni Ma. Fe?

Talakayan 6. Kung ikaw ang nasa posisyon ng mga opisyal ng pamahalaan , ano ang iyong gagawin upang tiyakin na ang mga empleyado ay magtataguyod ng mga pagpapahalaga at birtud tulad ng katapatan at integridad ?

Takdang-Aralin : Kasama ang inyong nakaraang pangkat , mag- usap - usap at magdala ng 1 manila paper, ruler at pentel pen bukas .

Values IKAAPAT NA LINGGO | IKATLONG ARAW EDUCATION 7

Diyos ama, maraming salamat po sa inyong biyaya na panibagong pagkakataon upang kamiay matuto . Gabayan niyo po kaming mga mag- aaral upang malinang ang aming isipan at maunawaan ng lubos ang anuman ituturo sa amin. Gawaran niyo po ang aming mga guro ng bukas na isip upang magkaroon sila ng sapat na kalakasan at karunungan upang maihatid sa aming mga estudyante ang mga aral na dapat naming matutunan . Amen. PANALANGIN

Balik -Aral Ibigay at ipaliwanag ang mga birtud at pagpapahalaga na ipinamalas ng tauahan sa kwentong binasa kahapon .

Unang “Ano ang Dapat Kong Gawin ”

“Ano ang Dapat Kong Gawin Hahatiin ang klase sa apat na (4) pangkat . Bawat grupo ay bubunot ng isang situwasyon na tatalakayin upang mapunan ang mga hinihinging impormasyon sa grapikong pantulong . Tutukuyin ng mga miyembro kung ano ang mga pagpapahalaga at birtud ang isasaalang-alang upang matugunan ng tama ang situwasyon .

“Ano ang Dapat Kong Gawin Pag- uusapan din nila kung ano ang magiging epekto kung nailapat ang mga pagpapahalaga at birtud at ano naman ang kahihinatnan kung hindi . Isulat ang pangkatang kasagutan sa Manila Paper at maghanda ng paglalahad sa klase .

Sitwasyon : Nalulong sa online games si Jeff kaya napabayaan ang pag-aaral .

Sitwasyon : Pagkuha ni Michael ng litrato ng mga kaklase na walang pahintulot

Sitwasyon : Paghatak ni JR ng upuan ni Belle kaya natumba ito.

Sitwasyon : Pag- angkin ni Francis ng proyektong pinapasa sa kaniya ni Roniel

Sitwasyon : Umiinon ng softdrinks si Gwen araw araw bago kumain .

Ano ang Dapat Kong Gawin ? “ Paglalahad ng Pangkatang Kasagutan ”

“ Pagsasabuhay ng Pagpapahalaga at Virtue sa mga Gawaing Pagpapasiya , Pagkilos at Pakikipagkapuwa ”

Ang pagpapahalaga at birtud ay pinagsusumikapang makamit ng tao dahil ito ang layunin o tunguhin na nagdudulot ng kabutihan sa kaniyang buhay na ninanais niyang maisakatuparan.Ang pagsasakatuparan nito ay nagbibigay ng kabuluhan at kalidad sa buhay ng tao .

Samakatuwid, ang pagpapahalaga at birtud ay nagsisilbing batayan , layunin , at dahilan ng pangangailangang kumilos sa gitna ng mga pagpipilian . Ito ay maituturing na kapangyarihang nag- uudyok sa tao na kailangan niya upang mabuhay.

Mahuhubog ang iyong pagkilos ayon sa kabutihan na siyang magpapakita ng magandang ugali o asal . Makatutulong ang pagsasanay na ito sa pagpapaunlad ng iyong sariling pagpapasya,pag-iisip,at pakikipagkapuwa .

Ang pagsasabuhay ng pagpapahalaga at birtud sa mga gawaing pagpapasya , pagkilos , at pakikipagkapuwa ay: 1. nagpapataas ng kamalayan sa mga pangangailangan ng iba . 2. nagpapakita ng higit na pagiging sensitibo sa damdamin ng iba . 3. nagpapataas ng pagpapahalaga at kamalayan sa sarili .

4. mabuting pag-uugali batay sa disiplina sa sarili . 5. nagpapaunlad ng espirituwal na katalinuhan . 6. nakatutulong sa pag-abot ng tagumpay sa buhay . 7. nakapag-aambag sa pagbuo ng personal na awtonomiya at kasiyahan sa buhay .

Takdang-Aralin : Dalhin ang mga sumusunod : 1 pirasong makulay na papel Gunting Glue/double sided tape Ballpen Popsicle Stick / Chop Stick( magsisilbing tangkay ) Scotch Tape

Values IKAAPAT NA LINGGO | IKAAPAT NA ARAW EDUCATION 7

Diyos ama, maraming salamat po sa inyong biyaya na panibagong pagkakataon upang kamiay matuto . Gabayan niyo po kaming mga mag- aaral upang malinang ang aming isipan at maunawaan ng lubos ang anuman ituturo sa amin. Gawaran niyo po ang aming mga guro ng bukas na isip upang magkaroon sila ng sapat na kalakasan at karunungan upang maihatid sa aming mga estudyante ang mga aral na dapat naming matutunan . Amen. PANALANGIN

Balik -Aral Magbigay ng mga halimbawa ng pagpapahalaga at birtud

Bulaklak Ng Pagpapahalaga GAWAING PAGGANAP 1

“ Inaasahang Output” GAWAING PAGGANAP 1

Mga Kagamitan na gagamitin : 1 pirasong makulay na papel Gunting Glue/double sided tape Ballpen Popsicle Stick / Chop Stick( magsisilbing tangkay ) Scotch Tape

Instruksyon : 1. Gamit ang makulay na papel at gunting , gumupit ng apat na magkakasing-laking puso. 2. Gumupit ng bilog na ilalagay sa gitna ng mga pagdidikiting dulo ng puso upang magmukhang bulaklak . Isulat dito ang pangungusap na : “Ang Aking mga Pagpapahalaga ”

Instruksyon : 3. Sulatan ng apat na pagpapahalaga o birtud na nais mong mapaunlad ang apat na papel na korteng puso. 4. Buuin ang bulaklak gamit ang glue at ikabit sa likod ang popsicle stick/ chopstick na magsisilbing tangkay .

Bahagian: Ibahagi sa harap ng klase ang inyong mga “ Bulaklak ng Pagpapahalaga ”

PAGLALAHAT Sa iyong Reflection Journal, sagutin ang mga katanungan : 1. Bakit mahalagang malinang ang pagpapahalaga at virtue? 2. Paaano nagkakaugnay ang pagpapahalaga at virtue?

Values IKAAPAT NA LINGGO | IKALIMANG ARAW EDUCATION 7

Diyos ama, maraming salamat po sa inyong biyaya na panibagong pagkakataon upang kamiay matuto . Gabayan niyo po kaming mga mag- aaral upang malinang ang aming isipan at maunawaan ng lubos ang anuman ituturo sa amin. Gawaran niyo po ang aming mga guro ng bukas na isip upang magkaroon sila ng sapat na kalakasan at karunungan upang maihatid sa aming mga estudyante ang mga aral na dapat naming matutunan . Amen. PANALANGIN

Balik -Aral Magbahagi ng mga konseptong iyong natutunan sa ating mga nakaraang aralin .

Maikling

Panuto : I. Basahin at unawaing mabuti ang sumusunod na mga situwasyon . Iguhit sa ikalawang kolum ang puso ( ) kung ang pahayag ay nagpapakita ng pagpapahalaga at virtue at ekis ( ) naman kung hindi . Isulat naman sa ikatlong kolum ang pagpapahalaga o birtud na kailangan upang maisagawa ng tauhan ang tamang pagpapasya o pagkilos . Pumili sa mga pagpipilian . o

Sitwasyon Puso o Ekis Pagpapahalaga o Birtud na Kailangan sa Pagsasagawa ng Tamang Pagpapasya o Pagkilos 1. Tinatanggihan ni Jessica ang mga pagkaing matatamis sapagkat alam niyang makakasama ito sa kaniyang katawan .

PAGPIPILIANG PAGPAPAHALAGA - Pagiging Matiyaga - Pangangalaga sa Kalusugan - Pagbibigay-halaga sa Edukasyon - Kasipagan

Sitwasyon Puso o Ekis Pagpapahalaga o Birtud na Kailangan sa Pagsasagawa ng Tamang Pagpapasya o Pagkilos 2. Madalas sumasama si Marian na makipaginuman sa kaniyang mga kaibigan .

PAGPIPILIANG PAGPAPAHALAGA- - Pagiging Matiyaga - Pangangalaga sa Kalusugan -Tama at Tunay na Pagkakaibigan - Kasipagan

Sitwasyon Puso o Ekis Pagpapahalaga o Birtud na Kailangan sa Pagsasagawa ng Tamang Pagpapasya o Pagkilos 3. Nakita ni Mang Ope ang totoong pangyayari sa krimeng naganap sa kanilang lugar ngunit pinili niyang manahimik para hindi madamay

PAGPIPILIANG PAGPAPAHALAGA- - Katarungan - Kasipagan -Tama at Tunay na Pagkakaibigan - Kasipagan

Sitwasyon Puso o Ekis Pagpapahalaga o Birtud na Kailangan sa Pagsasagawa ng Tamang Pagpapasya o Pagkilos 4. Pumapasok si Pamela sa paaralan nang regular kahit mahirap ang kanilang pamumuhay at wala siyang baon .

PAGPIPILIANG PAGPAPAHALAGA- - Pagtataguyod sa Katotohanan - Pangangalaga sa Kalusugan -Tama at Tunay na Pagkakaibigan - Pagiging Matiyaga at Masipag

Sitwasyon Puso o Ekis Pagpapahalaga o Birtud na Kailangan sa Pagsasagawa ng Tamang Pagpapasya o Pagkilos 5. Niyaya si Aljen ng kaniyang mga kaibigan na lumiban sa klase para mapanood ang kanilang iniidolong bida sa pelikula pero tinanggihan niya ito .

PAGPIPILIANG PAGPAPAHALAGA - Pagiging Matiyaga - Pangangalaga sa Kalusugan - Disipilina sa Sarili - Katapangan

Panuto : II. Basahin ang mga situwasyon at pag-isipang mabuti kung paano maisasabuhay ng tauhan ang pagpapahaga at birtud sa kanyang pagpapasya , pagkilos , o pakikipagkapuwa .

Sitwasyon 1 Tambak ang mga gawain sa paaralan na dapat ipasa ni Athena at pursigido talaga siyang tapusin ang mga ito bago ang takdang araw . Ngunit palagi siyang nakatatanggap ng mensahe sa kaniyang cellphone mula sa mga kaibigan na gumala sa mall dahil maraming bagsak presyong bilihin ngayon . Ano ang dapat na isaalang-alang ni Athena bago siya gumawa ng pagpapasya o kilos?

Sitwasyon 2 Pinabaunan ng masarap na sandwich at prutas si Ateng ng kaniyang ina . Paboritong-paborito niya kaya nagmamadaling kainin ito . Sa oras ng kainan ay nakita niya ang kaklaseng wala baon . Ano ang dapat na isaalang-alang ni Ateng sa pagpapakita ng pakikipagkapuwa ?

Maikling Pagwawasto at Pagpoproseso

Sitwasyon Puso o Ekis Pagpapahalaga o Birtud na Kailangan sa Pagsasagawa ng Tamang Pagpapasya o Pagkilos 1. Tinatanggihan ni Jessica ang mga pagkaing matatamis sapagkat alam niyang makakasama ito sa kaniyang katawan . Pangangalaga sa Kalusugan

Sitwasyon Puso o Ekis Pagpapahalaga o Birtud na Kailangan sa Pagsasagawa ng Tamang Pagpapasya o Pagkilos 2. Madalas sumasama si Marian na makipaginuman sa kaniyang mga kaibigan . Tama at Tunay na Pagkakaibigan

Sitwasyon Puso o Ekis Pagpapahalaga o Birtud na Kailangan sa Pagsasagawa ng Tamang Pagpapasya o Pagkilos 3. Nakita ni Mang Ope ang totoong pangyayari sa krimeng naganap sa kanilang lugar ngunit pinili niyang manahimik para hindi madamay Katarungan

Sitwasyon Puso o Ekis Pagpapahalaga o Birtud na Kailangan sa Pagsasagawa ng Tamang Pagpapasya o Pagkilos 4. Pumapasok si Pamela sa paaralan nang regular kahit mahirap ang kanilang pamumuhay at wala siyang baon . Pagiging Matiyaga at Masipag

Sitwasyon Puso o Ekis Pagpapahalaga o Birtud na Kailangan sa Pagsasagawa ng Tamang Pagpapasya o Pagkilos 5. Niyaya si Aljen ng kaniyang mga kaibigan na lumiban sa klase para mapanood ang kanilang iniidolong bida sa pelikula pero tinanggihan niya ito . Disiplina sa Sarili

Sitwasyon 1 Tambak ang mga gawain sa paaralan na dapat ipasa ni Athena at pursigido talaga siyang tapusin ang mga ito bago ang takdang araw . Ngunit palagi siyang nakatatanggap ng mensahe sa kaniyang cellphone mula sa mga kaibigan na gumala sa mall dahil maraming bagsak presyong bilihin ngayon . Ano ang dapat na isaalang-alang ni Athena bago siya gumawa ng pagpapasya o kilos?

Sitwasyon 2 Pinabaunan ng masarap na sandwich at prutas si Ateng ng kaniyang ina . Paboritong-paborito niya kaya nagmamadaling kainin ito . Sa oras ng kainan ay nakita niya ang kaklaseng wala baon . Ano ang dapat na isaalang-alang ni Ateng sa pagpapakita ng pakikipagkapuwa ?

Takdang-Aralin : Magtala ng dalawang (2) pinagdasal mo sa Diyos na nakatulong sa pagkakaroon ng pag-asa , katatagan , at lakas ng loob (courage) sa pagharap mo sa mga hamon sa buhay .

Happy Weekend!
Tags