Week 9 - Dula - Mga Katangian ng Dula - Filipino 7
ArraMinnaAbio2
6 views
20 slides
Sep 10, 2025
Slide 1 of 20
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
About This Presentation
Dula
Size: 285.74 KB
Language: none
Added: Sep 10, 2025
Slides: 20 pages
Slide Content
DULA FILIPINO 7
Basahin at suriin ang sumusunod na pangungusap . Tumayo at banggitin ang SYEMPRE NAMAN PO kung ito ay makatotohanan at sambitin ang WALEY kung ito ay di makatotohanan . 1. Matatagpuan lamang sa Mindanao ang mga kapatid nating katutubo . 2 . Ang COVID-19 virus ay nakahahawang sakit . 3 . Tuwing Agosto ay ipinagdiriwang natin ang Buwan ng Wikang Pambansa . 4 . Nabubuhay lamang sa tubig ang mga palaka . 5 . Ang pagsusuot ng face mask at face shield lamang ang makaiiwas sa atin sa pagkahawa sa sakit na COVID-19.
Basahin at mo suriin ang sumusunod na pangungusap . Tumayo at banggitin ang SYEMPRE NAMAN PO kung ito ay makatotohanan at sambitin ang WALEY kung ito ay di makatotohanan . 6. Maraming kabataan sa ngayon ang nagpapakita ng kanilang talento sa social media platform na tulad ng Tiktok. 7. Lahat ng uri ibon ay nakalilipad. 8. Ang pagkain ng prutas at gulay mabisang paraan upang magkaroon ng malusog na katawan. 9. Malayang namumuhay sa Pilipinas ang mga hayop tulad ng tigre, leon at elepante. 10. Dahil sa pandemya ay pansamantalang natigil ang face to face na klase sa Pilipinas.
DULA Ang dula ay akdang tuluyan na naglalahad ng isang kuwento ng dalawa o mahigit pang tao at ito’y itinatanghal sa mga dulaan o tanghalan . Simula Ipinapakilala ang mga tauhan , tagpuan , at ang sulyap sa suliranin . Ang gitna ay binubuo ng saglit na kasiglahan , tunggalian , at kasukdulan . Ang wakas ay binubuo ng kakalasan at katapusan ng kwento . Ang kakalasan unti-unting natutukoy ang kalutasan sa mga suliranin. . Nawawaksi at natatapos naman ang mga suliranin at tunggalian sa dula sa kalutasan Gitna Wakas
TAUHAN ang mga kumikilos at nagbibigay-buhay sa dula . Sa kanila umiikot ang mga pangyayari sa dula
TAGPUAN kung kailan at saan naganap ang mga pangyayari sa dula
SULIRANIN Bawat dula ay may suliranin , ito ay ang kinakaharap na problema o mga problema ng pangunahing tauhan .
SAGLIT NA KASIGLAHAN Naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang masasangkot sa suliranin ang saglit na kasiglahan .
TUNGGALIAN Ang tunggalian naman ay ang pakikitunggali o pakikipagsapalaran ng tauhan sa mga suliraning kahaharapin na maaaring sa sarili , kapwa o kalikasan .
KASUKDULAN Matatagpuan naman natin sa kasukdulan ang pinakamadulang bahagi kung saan magtatagumpay ba o mabibigo ang pangunahing tauhan .
KAKALASAN Sa kakalasan unti-unting natutukoy ang kalutasan sa mga suliranin.
KALUTASAN Nawawaksi at natatapos naman ang mga suliranin at tunggalian sa dula sa kalutasan .
MGA URI NG DULA
KOMEDYA Katawa-tawa , magaan sa loob dalhin ang tema , at ang mga tauhan ay laging nagtatagumpay sa wakas.
TRAHEDYA Kung ang tema nito’y mabigat o nakasasama ng loob kaya nakakaiyak , nakalulunos ang mga tauhan , karaniwang sila ay nasasadlak sa kamalasan , kabiguan , kawalan , at maging sa kamatayan , kaya nagwawakas na malungkot .
MELODRAMA o SOAP OPERA Kung ito’y sadyang namimiga ng luha sa manonood na parang wala ng masayang bahagi sa buhay ng tahanan kundi pawang problema na lamang ang nangyayari sa araw-araw . Ito’y karaniwang mapanonood sa mga de seryeng palabas .
TRAGIKOMEDYA Kung magkahalo ang katatawanan at kasawian gaya ng mga dula ni Shakespeare na laging may mga tauhang katawa-tawa tulad ng payaso para magsilbing tagapagpatawa , subalit sa huli’y nagiging malungkot na dahil nasasawi o namamatay ang bida o ang mga bida .
MAKATOTOHANAN at DI MAKATOTOHANANG PANGYAYARI
MAKATOTOHANAN Mga Ideya o pangyayaring napatunayan at tanggap ng lahat na totoo . Maaaring naranasan mo o ng ibang taong iyong kakilala at mapatutunayang totoo .
DI-MAKATOTOHANAN Mga ideya o pangyayaring walang katotohanan o hindi kailanman maaaring mangyari sa totoong buhay . Ito ay kathang-isip lamang .