DEMO_AralingPanlipunan10_2ND QUARTER.pptx

rojasmaremar1998 1 views 71 slides Nov 02, 2025
Slide 1
Slide 1 of 71
Slide 1
1
Slide 2
2
Slide 3
3
Slide 4
4
Slide 5
5
Slide 6
6
Slide 7
7
Slide 8
8
Slide 9
9
Slide 10
10
Slide 11
11
Slide 12
12
Slide 13
13
Slide 14
14
Slide 15
15
Slide 16
16
Slide 17
17
Slide 18
18
Slide 19
19
Slide 20
20
Slide 21
21
Slide 22
22
Slide 23
23
Slide 24
24
Slide 25
25
Slide 26
26
Slide 27
27
Slide 28
28
Slide 29
29
Slide 30
30
Slide 31
31
Slide 32
32
Slide 33
33
Slide 34
34
Slide 35
35
Slide 36
36
Slide 37
37
Slide 38
38
Slide 39
39
Slide 40
40
Slide 41
41
Slide 42
42
Slide 43
43
Slide 44
44
Slide 45
45
Slide 46
46
Slide 47
47
Slide 48
48
Slide 49
49
Slide 50
50
Slide 51
51
Slide 52
52
Slide 53
53
Slide 54
54
Slide 55
55
Slide 56
56
Slide 57
57
Slide 58
58
Slide 59
59
Slide 60
60
Slide 61
61
Slide 62
62
Slide 63
63
Slide 64
64
Slide 65
65
Slide 66
66
Slide 67
67
Slide 68
68
Slide 69
69
Slide 70
70
Slide 71
71

About This Presentation

Demo ppt for AP10


Slide Content

ARAL NG NAKARAAN, ATING BALIKAN!

JUMBLED WORD : Ayusin ang mga letra upang mabuo ang tamang salita na may kaugnayan sa Globalisasyon .

JUMBLED WORD : Ayusin ang mga letra upang mabuo ang tamang salita na may kaugnayan sa Globalisasyon .

IGUHIT MO, KAPALARAN MO!

Iguhit ang iyong gustong trabaho pagkatapos ng sampung taon .

Iguhit ang iyong gustong trabaho pagkatapos ng sampung taon .

MGA SULIRANIN AT PAGTUGON SA MGA ISYU SA PAGGAWA

LEARNING OBJECTIVES : Inaasahan na sa pagkatapos ng aralin , ang mga mag- aaral ay : A . Natutukoy ang mga pangunahing suliranin sa paggawa sa Pilipinas . B . Nakabubuo ng isang graphic organizer na nagpapakita ng mga suliranin at pagtugon sa paggawa . C . Nabibigyang halaga ang mga karapatan ng mga manggagawa at tamang pagtugon sa mga isyu ng paggawa .

Inihanda ni: EDMOND R. LOZANO TITLE CARD AP10 SAN ISIDRO NHS IKALAWANG MARKAHAN ISYU NG PAGGAWA Aralin 2: MURA A T FLEXIBLE LABOR

Sa Modyul na ito inaasahang matutunan ang mga ss: ARALIN 2: MURA AT FLEXIBLE LABOR Layunin: - Matalakay ang mura at flexible labor sa bansa; - Natataya ang batas sa paggawa na may kaugnayan sa mura at flexible labor. ISYU NG PAGGAWA

Isang matinding hamon ang kinakaharap ng mga manggagawa mula nang ipatupad ang patuloy na paglala ng “mura at flexible labor” sa bansa.

- Ito ay isang paraan ng mga kapitalista o mamumuhunan upang palakihin ang kanilang kinikita at tinutubo sa pamamagitan ng pagpapatupad ng mababang pagpapasahod at paglimita sa panahon ng paggawa ng mga manggagawa.

Sa iyong palagay, anong sektor ng paggawa ang naaapektuhan ng mura at flexible labor sa bansa?

1. Presidential Decree (PD) 442 o Labor Code Mga Batas na May Kaugnayan sa Mura at Flexible Labor 2. Republic Act No. 5490 3. RA 6715 Article 106- 109 4. Department Order 10 ng DOLE

FERDINAND MARCOS Ito ang patakarang pinaghanguan ng flexible labor . Subalit nahirapan ang dating Pangulong Marcos na maipatupad ang flexible labor dahil sinalubong at binigo ito ng mga demonstrasyon at kilusang anti-diktadura hanggang sa pagsiklab ng pag- aalsa sa EDSA noong 1986. 1. Presidential Decree (PD) 442 o Labor Code 2. Republic Act No. 5490 3. RA 6715 Article 106- 109 4. Department Order 10 ng DOLE

FERDINAND MARCOS Isinunod dito ang pagsasabatas ng RA 5490 – para itayo ang Bataan Export Processing Zone (BEPZ), at iba pang Economic Processing Zone (EPZ) bilang show case ng malayang kalakalan. 1. Presidential Decree (PD) 442 o Labor Code 2. Republic Act No. 5490 3. RA 6715 Article 106- 109 4. Department Order 10 ng DOLE

Isa itong patakaran ng panlilinlang , na maling naglalarawan sa monopolyong kapitalismo bilang “malayang pamilihang” kapitalismo. Niyakap ang neo- liberal na globalisasyon at kasunod nito, ginawang bukas para sa mga dayuhang mamumuhunan ang kalagayan ng paggawa. CORAZON AQUINO 1. Presidential Decree (PD) 442 o Labor Code 2. Republic Act No. 5490 3. RA 6715 Article 106- 109 4. Department Order 10 ng DOLE

Ang kontraktwalisasyon ay isa sa mga iskema upang higit na pababain ang sahod , tanggalan ng benepisyo , at tanggalan ng seguridad sa trabaho ang mga manggagawa. Batas kung saan nagkakaroon ng pagpapakontrata ng mga trabaho (CONTRACTUALIZATION) CORAZON AQUINO 1. Presidential Decree (PD) 442 o Labor Code 2. Republic Act No. 5490 3. RA 6715 Article 106- 109 4. Department Order 10 ng DOLE

Nilalaman ng Department Order 10 ng DOLE ang probisyong maaaring ipakontrata ang mga trabahong hindi kayang gampanan ng mga regular na manggagawa ; pamalit sa mga absent sa trabaho, mga gawaing nangangailangan ng espesyal na kasanayan o makinarya Isusunod na ng gobyerno ang mga patakarang magpapalakas ng flexible labor gaya ng Department Order No. 10. FIDEL V. RAMOS 1. Presidential Decree (PD) 442 o Labor Code 2. Republic Act No. 5490 3. RA 6715 Article 106- 109 4. Department Order 10 ng DOLE

1. Alin sa mga isyu sa paggawa ang nabasa mo at may pakialam ka? 2. Ano- ano ang maaring magawa mo upang matugunan ito? 1. Presidential Decree (PD) 442 o Labor Code 2. Republic Act No. 5490 3. RA 6715 Article 106- 109 4. Department Order 10 ng DOLE 3. Bakit umiiral ang mura at flexible labor sa bansa?

- Basahin ang mga kalagayan sa ibaba. Panuto : Isulat ang S kung sa palagay mo’y ipinapakitang sinuportahan ang karapatan ng manggagawa at isulat ang N kung ito ay nilalabag .

Nagtatrabaho si Aling Meding bilang isang mananahi sa pabrika ng damit. Madalas, sinasabihan siya ng kanyang employer na magtrabaho nang lampas sa karaniwang walong oras na trabaho. Dahil madalas na kailangan nilang tugunan ang itinakdang araw ng kanilang mga kostumer. Tumatanggap si Aling Meding ng bayad sa sobrang oras na pinagtatrabahuan niya.

Nang magsimulang magtrabaho sa isang kompanya ng sigarilyo ang magkapatid na sina Lourdes at Mila, pinapirma sila ng employer ng isang kasunduan na hindi sila sasapi sa alinmang organisasyon sa paggawa.

Isa si Marilyn sa opisyales ng marketing sa isang kumpanyang nagbebenta ng beer. Dati-rati, ibinibigay lamang sa mga empleyadong lalaki ang posisyong ito, dahil kinakailangan na lumibot ang empleyado sa kanyang itinalagang lugar ng trabaho. Ngayong pinatunayan na ng mga babaeng manggagawa, tulad ni Marilyn, na maaari silang makipagkumpitensiya, maging mahusay, at makaya ang trabaho sa posisyong ito. Sumasahod sila at may mga benepisyong kapareho ng sa mga lalaking manggagawa. Tumatanggap din sila ng mga pagkakataong umunlad sa pamamagitan ng seminar.

1. Ano- ano ang mga karapatan ng mangagawa na nabanggit sa bawat sitwasyon? 2.Bakit mahalagang malaman ang mga karapatang ng mga manggagawa? 1. Presidential Decree (PD) 442 o Labor Code 2. Republic Act No. 5490 3. RA 6715 Article 106- 109 4. Department Order 10 ng DOLE

Ang Department Order 18-A ng DOLE 2011 ay naghayag ng patakaran ng pamahalaan laban sa pagpapakontrata .

Maraming mahahalagang karapatang manggagawa , subalit ang pinakamahalagang karapatang manggagawa na itinataguyod ng   International Labour Organization  (ILO) ay ang sumusunod . Mga Mahalagang Karapatan

Ang mga manggagawa ay may karapatang sumali sa mga unyon na malaya mula sa paghihimasok ng pamahalaan at tagapangasiwa Ayon sa International Labor Organization (ILO)

Ang mga manggagawa ay Karapatang makipagkasundo bilang bahagi ng grupo sa halip na mag- isa ; Ayon sa International Labor Organization (ILO) 2

Bawal ang mabibigat na anyo ng trabahong pangkabataan. Samakatwi’d mayroong minimong edad at mga kalagayang pangtatrabaho para sa mga kabataan. Ayon sa International Labor Organization (ILO)

Bawal ang lahat ng mga anyo ng diskrimasyon sa trabaho : pantay na suweldo para sa parehong na trabaho. Ayon sa International Labor Organization (ILO)

Ang mga kalagayan ng pagtatrabaho ay dapat walang panganib at ligtas sa mga manggagawa. Pati kapaligiran at oras ng pagtatrabaho ay dapat walang panganib at ligtas. Ayon sa International Labor Organization (ILO)

Ang suweldo ng manggagawa ay sapat at karapat- dapat para sa makataong pamumuhay Ayon sa International Labor Organization (ILO)

Ang mga manggagawa ay Bawal ang lahat ng mga anyo ng sapilitang trabaho , mapang-aliping trabaho at trabahong pangkulungan Ayon sa International Labor Organization (ILO) 7

KONTRAKTWALISASYON

Ano nga ba ang kontraktwalisasyon ? Sa kagyat na pakahulugan , ang “ kontraktwal ” ay isang katayuan sa trabaho kung saan ipinagkakait ang ugnayang employer-employee sa pagitan ng isang manggagawa at ng kapitalista o kumpanyang tunay na nakikinabang sa kanyang lakas-paggawa . Ipinagkakait sa kanya ang katayuang “ regular employee ” ng naturang kumpanya o kapitalista . Tinutukoy naman ng “ kontraktwalisasyon ” ang kalagayan kung saan umiiral ang mga kontraktwal at katunaya’y pinaparami pa nga .

Ano nga ba ang kontraktwalisasyon ? Ang kontraktwalisasyon ay isa sa mga iskema upang higit na pababain ang sahod , tanggalan ng benepisyo , at tanggalan ng seguridad sa trabaho ang mga manggagawa . Atake rin ang kontraktwalisasyon sa karapatang mag- organisa at mag- unyon .

Ano nga ba ang kontraktwalisasyon ? Ang kontraktwalisasyon ay ginamit na instrumento ng mga kapitalista upang magkamal ng yaman . Sa paraang ito napagsasamantalhan ang uring manggagawa dahil nakaiiwas ang mga namumuhunan na bigyan sila ng tamang sahod at benepisyo . Sa kakulangan ng trabaho , maraming Pilipino ang kumakapit sa patalim at pumapayag sa ganitong sistema ng pagsasamantala .

Ano nga ba ang kontraktwalisasyon ? Mula noong rehimen ni Noynoy Aquino hanggang ngayon sa rehimen ni Rodrigo Duterte , pinapalabas ng gobyerno na ang mga manggagawa ay nareregular sa mga agency pagkatapos ng anim na buwan . Pangontra umano ito sa modus operandi na “ endo ” o “ 5-5-5 .”

Iilan lamang ito sa mga kumpanya na talamak ang kontraktwalisasyon . Kaya ang mga kumpanyang ito ay madaling lumago .

Makikita rito na ang San Miguel Corp. ay may itinatayang 2405 contractual workers.

Ano ang ang implikasyon nito ? Kadalasan , ang mga kontraktwal ay tumatanggap ng napakababang sahod . Kadalasang mas mababa sa minimum ang pasahod sa kanila kahit bawal ito sa batas . Kadalasan silang pinagkakaitan ng mga benepisyong itinatakda ng batas . Ang mga empresang matindi ang paglabag sa mga istandard sa kaligtasan at kalusugan ng mga manggagawa , puno ng mga kontraktwal .

Ano ang implikasyon nito ? Madilim ang kinabukasan ng kabataang Pilipino sa ilalim ng patakarang kontraktwalisasyon . Karamihan sa kanila ay dumaranas ng lumulubhang kalagayan sa paggawa , murang sahuran , at walang katapusang siklo ng pagiging endo .

Kung patuloy ang kontraktwalisasyon , maraming kabataan ang hindi mabibigyan ng permanenteng trabaho .

Ano ang dahilan nito ? Iligal ang isang masahol na modus operandi kung paano ito ipinapatupad : kukuha ang kapitalista o kumpanya ng manpower agency o cooperative para magsuplay ng mga manggagawa . Tatanggalin sa trabaho , o papalabasing tinatanggal sa trabaho , kada limang buwan ang manggagawa . Kadalasan , muling ire-rehire o papalabasing muling ni -rehire ang manggagawa sa parehong trabaho , paulit-ulit .

Ano ang dahilan nito ? Nakasaad kasi sa batas na kailangang gawing regular ang manggagawa kapag umabot siya ng anim na buwan sa trabaho . Pakitang-taong tinutuligsa ng malalaking kapitalista , ng gobyerno at mga tagapagsalita nila , ang naturang modus operandi; sinasabi nilang “ pag-abuso ” ito sa kontraktwalisasyon . Pinapalabas nila na ito lang ang kasingkahulugan ng “ endo ” o “end of contract” at “5-5-5” na siyang popular nang tawag , at karanasan , sa kontraktwalisasyon .

Ang maimumungkahi namin upang malutas ang kontraktwalisasyon ay dapat hangga’t maaari ay alisin na ng pangulo ang batas na ito sapagkat ang mga kapitalista sa bansa ay nakakakuha ng higit higit na yaman mula dito . Kaya dapat magtulungan tayo at suportahan natin ang pangako ng ating Pangulo , pagkat siya mismo ay tutol sa problemang ito !

Magkaisa at lumaban ! Mag- unyon at makibaka ! Ipaglaban ang sahod , trabaho at karapatan ! Ipaglaban ang pambansang demokrasya at kalayaan !

Mga larawan na nagpapakita ng mga suliranin na ating kinakaharap tungkol sa kontraktwalisasyon : Mga manggagawa , nagkaisa laban sa kontraktwalisasyon

Hinamon ng Anakbayan si Pangulong Rodrigo Duterte na tupdin ang pangako nitong ipagbawal ang kontraktwalisasyon sa pamamagitan ng pagkikriminalisa sa pagsasapraktika ng “ endo ” at pagbabasura ng mga neoliberal na batas at polisiya na nagsasaligal sa mga kontra-manggagawa , kontra-kabataang iskema ng empleyo .

PANGKATANG GAWAIN

Gamit ang graphic organizer, ilista sa bilog ang dahilan at sa patlang naman ay isusulat mo ang naging epekto o suliranin ng dahilan na ito . Samantala isulat sa box organizer ang mga ginawang hakbang upang tugunan ang mga suliraning ito . Bawat Pangkat , ay pipili ng isa o dalawang myembro para ipaliwanag ang kanilang ginawang aktibadad .

Rubrik sa Pangkatang Gawain

PAGSUSULIT

1. Ito ang patakarang pinaghanguan ng flexible labor. a. Presedential Decree PD442 Labor Code b. Neo – Liberal c. RA 6715 d. Article 106-109

Isa itong patakaran ng panlilinlang,na maling naglalarawan sa monopolyong kapitalismo bilang “ malayang pamilihang ” kapitalismo . a. Presedential Decree PD442 Labor Code b. Neo – Liberal c. RA 6715 d. Article 106-109

3. Ito ay isa sa mga iskema upang higit na pababain ang sahod , tanggalan ng benepisyo , at tanggalan ng seguridad sa trabaho ang mga manggagawa . a. Presedential Decree PD442 Labor Code b. Neo – Liberal c. RA 6715 d. Article 106-109

4. ito ay isa sa mga probisyong maaaring ipakontrata ang mga trabahong hindi kayang gampanan ng mga regular na manggagawa a . Presedential Decree PD442 Labor Code b. Neo – Liberal c. RA 6715 d. Department Order 10

5. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa ika-21 na siglong kakayahan na dapat taglayin ng ating mga maggagawa ? a. Learning and Innovation Skills b. Media at Technology Skills c. Core Career and Lifestyle Skills d. Communication Skills

TAMANG SAGOT!

1. Ito ang patakarang pinaghanguan ng flexible labor. a. Presedential Decree PD442 Labor Code b. Neo – Liberal c. RA 6715 d. Article 106-109

Isa itong patakaran ng panlilinlang,na maling naglalarawan sa monopolyong kapitalismo bilang “ malayang pamilihang ” kapitalismo . a. Presedential Decree PD442 Labor Code b. Neo – Liberal c. RA 6715 d. Article 106-109

3. Ito ay isa sa mga iskema upang higit na pababain ang sahod , tanggalan ng benepisyo , at tanggalan ng seguridad sa trabaho ang mga manggagawa . a. Presedential Decree PD442 Labor Code b. Neo – Liberal c. RA 6715 d. Article 106-109

4. ito ay isa sa mga probisyong maaaring ipakontrata ang mga trabahong hindi kayang gampanan ng mga regular na manggagawa a . Presedential Decree PD442 Labor Code b. Neo – Liberal c. RA 6715 d. Department Order 10

5. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa ika-21 na siglong kakayahan na dapat taglayin ng ating mga maggagawa ? a. Learning and Innovation Skills b. Media at Technology Skills c. Core Career and Lifestyle Skills d. Communication Skills