Sining ang mga malikhaing mga gawa ng tao bunga ng kaniyang husay at imahinasyon malikhaing paraan ng pagpapahayag ng iniisip at nadarama
Mga Uri ng Sining sa Aking Komunidad
Uri ng Sining panitikan awit sayaw isports pagguhit pagpinta
1. Panitikan mga akdang isinulat sa malikhain at masining na paraan upang ipahayag ang iniisip at damdamin maaaring tungkol sa buhay at karanasan ng tao maaaring tungkol ito sa mga hayop at iba’t ibang bagay na nakikita sa paligid may hango sa tunay na karanasan bunga lamang ng imahinasyon
Katutubong Panitikan nagpasalin-salin ito sa bibig ng mga tao at nananatili hanggang sa ngayon Halimbawa : kuwentong bayan salawikain kasabihan bugtong at iba pa
Kuwentong bayan salaysay na gawa-gawa lamang at nagpasalin-salin sa bibig ng tao Halimbawa : mito alamat pabula
Mito tawag sa kuwento tungkol sa Maykapal at sa paglikha ng sanlibutan at sa tao Halimbawa Si Malakas at si Maganda
Alamat kuwento ng pinagmulan ng mga hayop , halaman , bagay o lugar
Halimbawa Alamat ng Pinya Alamat ng Pilipinas Alamat ng Saging Alamat ng Ampalaya Alamat ng Mangga Alamat ng Sampaguita Alamat ng Lansones Alamat ng Rosas Alamat ng Bayabas Alamat ng Butiki
Pabula kuwento na ang mga tauhan ay hayop o bagay na nag- iiwan ng aral
Halimbawa 1. Si Langgam at si Tipaklong 2. Si Kuneho at si Pagong 3. Si Pagong at si Matsing 4. Ang Daga at ang Leon 5. Si Paruparo at si Langgam 6. Ang Kabayo at ang Kalabaw 7. Ang Aso at ang Uwak 8. Ang Lobo at ang Kambing 9. Sino ang Magtatali ng Kuliling ? 10. Ang Gorilya at ang Alitaptap
Salawikain maikling pahayag na patula na ginagamit bilang gabay sa pakikipag-usap mga kasabihan na mapupulotan ng aral
Halimbawa 1. Huwag gawin sa iba ang ayaw mong gawin sa iyo . 2. Kung ano ang puno , siya ang bunga . 3. Kung walang tiyaga , walang nilaga . 4. Pagkahaba-haba mang ng prosisyon sa simbahan din ang tuloy . 5. Nasa Diyos ang awa , nasa tao ang gawa .
Bugtong tawag sa pahulaan o palaisipaan na patula
Halimbawa 1. Langit sa itaas , langit sa ibaba , tubig sa gitna Sagot : Niyog 2. Ate mo , ate ko , ate ng lahat ng tao Sagot : Atis 3. Kung tawagin nila ay “Santo” pero hindi naman ito milagroso Sagot : Santol 4. Ang anak ay nakaupo na , ang ina’y gumagapang pa Sagot : Kalabasa 5. Maliit na bahay , puno ng mga patay Sagot : Posporo
2. Awit musika na may salita upang upang kantahin isang paraan ng pagpapahayag ng damdamin at iniisip maaari itong gamitin sa harana , kasayahan , pagtatanghal at iba pang pagdiriwang
Makalumang Uri ng Awit kundiman diona oyayi dalit
Kundiman awit ng pagmamahal
Diona awit sa kasal
Oyayi awit sa pagpapatulog ng bata
Dalit awit ng papuri at pagsamba
Sa kasalukuyan , nananatili pa rin ang mga awit ngunit nagbago na ang mga uri nito . Madalas naririnig ngayon ang rock at pop music .
3. Sayaw isang uri ng sining na sangkot ang maindayog na galaw ng katawan ayon sa tugtog ng musika
Katutubong Sayaw nagpapahayag ng damdamin tulad ng pag-ibig , pagkakaisa at kasiyahan makikita sa katutubong sayaw ang mga mayamang kultura ang komunidad
Halimbawa ng Katutubong Sayaw Banga Carinosa Maglalatik Pandanggo sa Ilaw Itik-Itik Subli Tinikling
Banga katutubong sayaw na may palayok sa ulo na sinasayaw ng mga taga - Mountain Province
Carinosa katutubong sayaw na ginagamitan ng pamaypay at panyo sayaw na ginagamit sa panliligaw
Maglalatik katutubong sayaw na may mabilis na galaw habang pinatutunog ng mga mananayaw ang mga bao ng buko
Pandanggo sa Ilaw katutubong sayaw na may binabalansing tatlong tinggoy
Itik-itik katutubong sayaw na inihalintulad sa itik
Subli katutubong sayaw na panata ng pasasalamat para sa Mahal na Poong Santa Krus
Tinikling pambansang sayaw ng Pilipinas katutubong sayaw na ipinangalan sa ibong Tikling
Sa ngayon , sinasayaw pa rin ang mga ito sa mga programa sa paaralan o sa mga okasyon gaya ng pista .
Sa kasalukuyan , may mga bagong umusbong na sayaw tulad ng ballroom dance, jazz, hip-hop, breakdance at Latin .
Ballroom Dance isang uri ng pagsasayaw sa loob ng isang bulwagan na may katambal , karaniwang lalaki at babae
Jazz isang uri ng sayaw naimbento sa Estados Unidos
Hip-hop refers to street dance styles primarily performed to hip-hop music or that have evolved as part of hip-hop culture
Breakdance a type of dance that is done by people who are part of the hip hop culture
Latin a term in partner dance competition jargon
4. Isports at Laro sining na binubuo ng pisikal na mga gawa maaaring pang- isahan o pangkoponan ginagawa ito upang maging malusog , maglibang o magpaligsahan
Atletiks binubuo ng mga laro at gawain sa track and field na may pagtakbo , pagtalon , paghagis , paglangoy , bilyar , basketball, boksing volleyball, badminton at karate
Noon, ang mga tradisyonal na larong pampaligsahan sa komunidad ay sipa , tiyakad ar arnis .
Sipa laro na ginagamitan ng bolang ratan ( tulad ng sa sepak takraw ) o isang bilog at pinisang piraso ng bakal na may buntot na mga hibla ng plastik
Tiyakad a racing game that uses bamboo hewn or tree branches that intersect floors prominent in the legs and rest intervals on the ground
Arnis pambansang laro ng Pilipinas isang sining ng pakikipaglaban na pandepensa at pang- opensa
5. Pagpipinta likhang-sining na gawa ng kamay maaaring larawan ng tao , hayop , tagpo , bagay o tanawin ginagamitan ng pintura o iba pang kulay
Fernando Amorsolo kilalang Pambansang Alagad ng Sining karaniwang ipinipinta niya ay buhay sa bukid , pagtatanim o paggapas ng palay at pamimitas ng mga prutas
Paraan upang Mapanatili ang Sining sa Aating Komunidad
Piliin ang katutubong sayaw sa halip na mga modernong sayaw Tangkilikin ang mga awitin mula sa ating komunidad Sumali sa mga paligsahan sa komunidad Magbasa ng mga kuwentong bayan , alamat at iba pang katutubong panitikan Dumalaw sa mga museo sa komunidad
Ang sining ay malikhaing pagpapahayag ng damdamin at ideya . Ito ay bahagi ng pagkakakilanlan ng isang komunidad .