Tekstong ekspositori batay sa estruktura nito ( sanhi at bunga, pagkakaiba at pagkakatulad , deskripsiyon , suliranin at solusyon , pagkakasunod-sunod at proseso ) Ebolusyon ng panulat ( Panitikang pasalita at pasulat patunggong sulating teknikal sa kasalukuyan )
Gabay na tanong : 1. Tungkol saan ang bidyu na pinanood ? 2. Anong suliranin sa lipunan ang tinalakay ? 3. Ano ang inyong naramdaman matapos mapanood ang bidyu ? 4. Magbigay ng problema at solusyon na nakuha sa bidyu .
Ipaliwanag ang denotasyon at konotasyong kahulugan ng sumusunod na salita at gamitin ito sa sariling pangungusap pagkatapos . 1. hugis-mahirap Denotasyon : Konotasyon : Pangungusap : _____________________________________________ Denotasyon : Tumutukoy ito sa isang bagay o sitwasyon na may anyo o hitsura na nagpapakita ng kahirapan , o isang bagay na mahirap at hindi magaan . Konotasyon : Sa konotasyon , maaari itong magpahiwatig ng pagiging malupit o mahirap sa buhay , at maaaring magbigay ng negatibong imahe ng pakikibaka o pagsubok . Maaari itong magpakita ng mga sitwasyong puno ng pagsubok at paghihirap .
2. misteryo Denotasyon : Konotasyon : Pangungusap : _____________________________________________ Misteryo Denotasyon : Isang bagay o pangyayari na hindi agad nauunawaan o ipinaliliwanag ; isang lihim o palaisipan . Halimbawa : "Ang pagkawala ng sinaunang lungsod ay nananatiling isang misteryo ." Konotasyon : Maaaring tumukoy sa isang bagay na nakakabighani , mahiwaga , o may kinalaman sa espiritwal na paniniwala . Halimbawa : "Ang kanyang mata ay puno ng misteryo , tila may mga lihim siyang tinatago ."
3. kamalayan Denotasyon : Konotasyon : Pangungusap : 1. Denotasyon - Ito ay ang literal na kahulugan ng salita pagiging mulat o may alam sa paligid . Halimbawa : May kamalayan ang tao sa ingay ng kalye habang naglalakad . 2. Konotasyon - Ito ay mas malalim na kahulugan , kadalasang tumutukoy sa pagiging mulat sa mga isyung panlipunan . Halimbawa : Ang mga kabataan ngayon ay may mataas na kamalayan sa epekto ng climate change.
4. mangahas Denotasyon : Konotasyon : Pangungusap : Mangahas Denotasyon : (literal na kahulugan ) Matapang , may katapangan , o may lakas ng loob . Konotasyon : ( dulot na kahulugan ) Maaaring magdulot ng impresyon ng pagiging mapangahas , magalang , o hindi takot sa mga hamon .
5. ilaw Denotasyon : Konotasyon : Pangungusap : Denotasyon : liwanag , sindi , tanglaw , sinag o ilaw na nasa kisame ( bumbilya ) Pangungusap : Wala kaming ilaw dahil naputulan kami ng kuryente . Ang sikat ng araw ay napaka-init . Konotasyon : ina / nanay Pangungusap : Ang ilaw ng tahanan ay dapat ginagalang . Ang ilaw ng tahanan ay dapat pinakikinggan . Ang mga ilaw ng tahanan ay mapagmahal at mapag-aruga sa kanilang mga anak .
Sagutin ang mga sumusunod na tanong . 1. Sino ang Babaylan sa kasaysayan at sa kasalukuyan ang tinutukoy sa awitin ? 2. Batay sa nabasang dula at napakinggang awitin ano ang pangunahing gampanin ng mga babaylan noon at ngayon ? 3. Ano ang kahalagahan ng mga babaylan sa sinaunang panahon ? 4. Paano binago ng panahon ang katangiang mayroon ang mga babaylan noon? 5. Ano ang pangunahing mensahe ng awitin sa mga tagapakinig ?
Tekstong Ekspositori . Ang tekstong ekspositori ay isang tekstong nagbibigay ng kaalaman at nagbibigay - linaw sa mga katanungan tungkol sa isang paksa . Karaniwang makikita ito sa mga artikulo sa pahayagan , edukasyonal na aklat , instruction manuals, at iba pa. Ang estruktura ng tekstong ekspositori ay ang mga pagbibigay depinisyon , pagsusunod - sunod , paghahambing at pagkokontras , problema at solusyon , at sanhi at bunga.
Estruktura ng Tekstong Ekspositori • Sanhi – Ito ay ang tawag sa dahilan kung bakit nangyari ang isang pangyayari . • Bunga – Ito ay ang tawag sa resulta o epekto ng isang pangyayari .
Sanhi at Bunga Ang sanhi ay isang ideya o pangyayari na humahantong sa isang epekto . Ang manunulat ay nagtatala ng isa o mahigpit pang sanhi at epekto ng pangyayari . Ayon kay Cabales (2017), ang mga pahayag na nagbibigay ng sanhi at bunga ay isang halimbawa ng diskursong naglalahad . Ipinapakita dito kung ano-ano ang mga dahilan ng isang pangyayari at kung ano-ano rin ang nagiging resulta nito .