2Q - AP 7 -Quiz - identification - Una ta Ikalawang yugto ng Imperyalismo.pptx

WilliamBulligan 0 views 16 slides Oct 13, 2025
Slide 1
Slide 1 of 16
Slide 1
1
Slide 2
2
Slide 3
3
Slide 4
4
Slide 5
5
Slide 6
6
Slide 7
7
Slide 8
8
Slide 9
9
Slide 10
10
Slide 11
11
Slide 12
12
Slide 13
13
Slide 14
14
Slide 15
15
Slide 16
16

About This Presentation

dead


Slide Content

UNA AT IKALAWANG YUGTO NG IMPERYALISMONG KANLURANIN ARALING PANLIPUNAN 7 QUARTER 2 - WEEK 2

Gumamit ng ¼ Pad Basahin at tukuyin ang isinasaad ng bawat pahayag .

1. Ito ay nangangahulugang dominasyon ng isang makapangyarihang nasyon-estado sa aspetong pulitika , pangkabuhayan at kultural na pamumuhay ng isang mahina at maliit na nasyon-estado upang maging pandaigdigang makapangyarihan .

2. Ito ay nagsimula sa salitang Latin na colonus na ang ibig sabihin ay magsasaka . Ito ay isang patakaran ng isang bansa na mamahala ng mga sinakop upang makagamit ng likas na yaman ng mga sinakop para sa sariling interes .

3. Si __________ ay Italyanong adbenturero mula sa Venice, Italy. Nanirahan siya sa China sa panahon ni Kublai Khan. Sa kanyang pagbabalik sa kanyang bansa, inilarawan niya ang kagandahan at karangyaan ng Asya .

4. Ito ay salitang Pranses na ang ibig sabihin ay “Muling Pagsilang” na nagpasimula sa Italya na naganap noong 1350. Sa panahong ito natuon ang pansin ng tao sa Humanismo.

5. Ito ay mga kilusan na inilunsad ng simbahan at ng mga Kristiyanong hari upang mabawi ang banal na lupain mula sa kamay ng mga Turkong Muslim.

6. Ito ay Asyanong teritoryo na pinakamalapit sa kontinente ng Europa na nagsilbing ruta ng kalakalan mula Europa patungong India, China at iba pang bahagi sa Asya.

7. Siya ang nagtakda ng line of demarcation na naging solusyon sa tunggalian ng Spain at Portugal kung saan ang España ay maggagalugad sa Kanluran at ang Portugal sa Silangan.

8. Siya ang tinaguriang ”The Discoverer of New World”.

9. Ito ay prinsipyong ginamit sa unang yugto ng Imperyalismong Kanluranin , na kung may maraming ginto at pilak may pagkakataong maging mayaman at makapanyarihan ang isang bansa.

10. Siya ang Portuges na nakarating sa Pilipinas sa ngalan ng Espanya.

11. Ang panahon ng pagtuklas at paggagalugad ay naganap sa Europa noong 1450 hanggang 1650 kung saan nagsimulang silang maglakbay upang tumuklas ng mga bagong lupain at mga rutang pangkalakalan . 12. Ang Survival of the Fittest ay paniniwala na ang lahi na ang pinaka naaayon sa pamumuno ay ang mga lahi mula sa mayaman na bansa at matagumpay na nakamit ang kanilang mga political na interes sa mga mahihinang bansa .

13. Tumutukoy ang Merkantilismo sa paniniwala na ang tunay na panukat ng kayamanan ng bansa ay ang kabuuang ginto at pilak na mayroon ito . 14. Dahil sa Industriyalisasyon ay lumakas ang pangangailangan ng Europe sa mga hilaw na materyales na nagpahirap naman sa mga bansa sa Asya. 15. Malaki ang ambag ng panahon ng Renaissance sa pagtuklas ng mga bagong lupain ng mga Europeo.

Imperyalismo Kolonyalismo Marco Polo Renaissance Krusada Constantinople Pope Alexander VI Christopher Columbus Merkantilismo Ferdinand Magellan 11. Tama 12. Mali 13. Tama 14. Tama 15. Tama
Tags