Pag- aaral sa Wika Malowski – Ipinapalagay niya na ang wika ay repleksiyon ng panlipunang pangangailangan at konteksto ( sa Haslett 2008). Ang silbi at tungkulin ng wika ay nalilikha alinsunod sa papel na ginagampanan nito sa isang partikular na kultura . Firth – Makikita naman sa prinsipyo ng sitwasyonal na konteksto ni Firth (1957) ang paglalarawan sa kahulugan na nakabatay sa paggamit ng wika sa tiyak na konteksto .
Pag- aaral sa Wika Ayon sa Australyanong lingguwista na si Michael Halliday (1925) sa kanyang aklat na Explorations in the Functions of Language, mayroong 7 ( pitong ) pangkalahatang gamit o tungkulin ng wika sa lipunan . Ito ang mga dahilan kung paano ba napapakilos o napagagalaw ng wika ang lahat ng bagay sa mundo ayon sa gamit at tungkulin nito .
Pag- aaral sa Wika Dahil tinitingnan nito na ang magiging kahulugan ng pahayag ay naaayon sa “ gamit ” o “ tungkulin ” ng pahayag na ito . Ibig sabihin , nakadepende ang kahulugan ng wika sa intensiyon ng taong gumagamit nito . Ipinapaliwanag ng mga sumusunod na sitwasyon ang konseptong na banggit :
Halimbawa
7 Gamit o Tungkulin ng Wika
Ang interaksyunal na gamit ng wika ay bumubuo at nagpapanatili ng ugnayan ng tao sa kaniyang kapuwa . Mayroong dalawang pangunahing daluyan ng interaksyunal na gamit ng wika . Mayroon ding mga kasanayang kailangan upang mapanatili ang ugnayan . INTERAKSYUNAL
1. Small talk o Kumustahan Naglalaman ng maiikling pagbati , palitan ng kuro-kuro tungkol sa mga paksang hindi ginagamit sa mahahabang usapan at kadalasang nagtatapos sa mga pahayag ng pamamaalam . Formulaic o pangkaraniwan ang nilalamang paksa tulad ng mga ginawa , kalagayan sa trabaho o eskuwelahan . Mahalaga para sa pakikipag-ugnayan at pagpapakalagayang loob ng mga hindi magkakilala Dalawang Daluyan ng Interkasyunal
2. Kuwentuhan • Sa kumustahan , dinadaanan lamang ng usap ang mga paksa • Sa kuwentuhan , mayroong napagkakasunduang mga paksang pag-uusapan na maaaring pasukan ng iba pang mga bagong usapin . Dalawang Daluyan ng Interkasyunal
Ang wika ay ginagamit bilang instrumental kung ang pakay ng tagapagsalita ay maimpluwensiyahan ang kaniyang tagapakinig o mambabasa . May tatlong anyo ang paggamit ng wika bilang instrumental: • makapagbigay ng impormasyon , • makapukaw ng damdamin , at • makapagpakilos . INSTRUMENTAL
Makapagbigay ng impormasyon Sa pakikipag-usap , palaging mayroong pag-iimpluwensiya sa tagapakinig . Bukod sa paglalahad ng mensahe , nagagamit din ito mapaniwala ang kausap o tagapakinig sa bawat pangungusap na babanggitin . Halimbawa : • " Maniwala ka. Inosente ako ." • "Siya ang nagkasala ." • "Mahal kita ." May tatlong anyo ang paggamit ng wika bilang instrumental:
2. Mapukaw ang damdamin Ginagawa ito sa pamamagitan ng pagbigay ng apirmasyon , pagtanggi , at pagsabi na nagustuhan o pag-ayaw sa mensahe ng tagapagsalita . Mula sa pagkabata ay nakondisyo na ang tao na may emosyong dapat ikinakabit para sa partikular na mga salita . Halimbawa : • " Magagalit si Nanay kung ginawa mo iyan ." • " Magsisisi ka na sa iyong kasalanan dahil paparating na ang araw ng paghuhusga ." • "Ang husay naman ng anak ko!" • "Ang ganda mo ngayong araw !" May tatlong anyo ang paggamit ng wika bilang instrumental:
3. Magpakilos Iba ito sa regulatoryong gamit ng wika na tuwirang nag- uutos . Ito ay dahil ang pagpapakilos ay ginagawa sa pamamagitan ng paglalahad , sa paraang pailalim na naglalarawan na lamang ng kasalukuyang sitwasyon , o naipapabatid ang nais ipagawa . Halimbawa : • " Gutom na ako . Magaling ka magluto , ‘di ba ?” (Nais mag- utos na magluto ang tagapagsalita sa kausap .) • “ Mabilis ka masyado magmaneho .” (Nais ipabagalan ng tagapagsalita ang nagmamanehong kausap .) May tatlong anyo ang paggamit ng wika bilang instrumental:
Isa sa mga gamit ng wika ay ang pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan ng lipunan . Tinatawag itong gamit ng wika bilang regulatoryo . Tinitiyak nito na ang tao ay makapagpapahayag ng utos o gabay sa kung ano-ano ang dapat at hindi dapat gawin ng kaniyang kapwa . REGULATORI
1. Pagpayag o pagtanggi sa pagsasagawa ng isang gawain sa pamamagitan ng lantaran o mapanghikayat na pagpagawa o pagpigil ng kilos Halimbawa : Pagkakaroon ng mga taboo o mga ipinagbabawal na gawain sa isang kultura Layunin ng Wika Bilang Regulatori
2. Paghingi at negosasyon ng mga gamit Halimbawa : Walang tigil na pag-iyak ng sanggol para sa kaniyang gatas Layunin ng Wika Bilang Regulatori
3. Paglahad ng karapatang makapagkontrol ng mga gamit o aktibidad Halimbawa : Pagtakda ng pagmamay-ari sa pagkakaroon ng kasulatan tulad ng mga titulo ng kotse at lupa Layunin ng Wika Bilang Regulatori
1. Imperatibo (Imperative) mga utos o pakiusap kasama ang mga pagbabawal at pagbibigay-permiso Halimbawa : • “Kunin mo ang aking jacket.” • “ Pakiabot ang patis.” Anim na Anyo ng Gamit ng Wika Bilang Regulatoryo
2. Direktibang Patanong (Question Directive) pagtanong sa tagapakinig o mambabasa kung kaya niyang sundin ang utos Halimbawa : • “Kaya mo bang abutin ang aking jacket?” • “ Puwede mo bang abutin ang patis?” Anim na Anyo ng Gamit ng Wika Bilang Regulatoryo
3. Direktibang Hindi Hayagan (Indirect directive) nanghihikayat mapaniwala ang tagapakinig o mambabasa na kaya o hindi niya kayang gawin ang isang kilos Halimbawa : • “ Kayang -kaya mo ‘ yan !” • “Hindi mo yan kayang abutin .” Anim na Anyo ng Gamit ng Wika Bilang Regulatoryo
4. Pahayag na Nagpapatunay ng Awtoridad (Statement of Fact Justifying Authority) paglalahad kung sino ang dapat sundin Halimbawa : “Ako ang Nanay mo. Ako ang dapat sundin mo.” Anim na Anyo ng Gamit ng Wika Bilang Regulatoryo
5. Pagkontrol ng mga Gamit (Control of Resources) paglalahad kung sino ang nagmamay-ari ng lugar o gamit Halimbawa : “Akin ‘yang laruan !” Anim na Anyo ng Gamit ng Wika Bilang Regulatoryo
6. Pahayag ng Pagpapahintulot at Obligasyon (Statement of Permission and Obligation) paglalahad kung maaari o hindi maaaring gawin ang isang kilos Halimbawa : • “ Puwedeng-puwede mong kunin yan .” • “Bawal iyan inumin !” Anim na Anyo ng Gamit ng Wika Bilang Regulatoryo
Ang wika ay may dalawang personal na tungkulin : impormal at impromal . Personal na Tungkulin ng Wika: Impormal Ang personal na tungkulin ng wika , gaya ng nabanggit , ang nabibigyang katuparan kung ang intensiyon ng tagapagpadala ng mensahe ay magpahayag ng personal na damdamin , pananaw , o opinyon . PERSONAL
Sa impormal na antas , ito ay ang bulalas ng damdamin tulad ng: PERSONAL
Maaari din itong personal na ekspresiyon at manerismo gaya ng mga sumusunod: PERSONAL
Personal na Tungkulin ng Wika: Pormal Sa pormal na antas naman, ito ay ang organisadong pagpapahayag ng opinyon o damdamin sa pasulat o pasalita mang pamamaraan. PERSONAL
Masasabing mataas na nga ang antas ng pamumuhay ng mga tao ngayon . Iba’t ibang klaseng gadgets o makabagong kagamitan ang patuloy na naiimbento dahil sa pag-unlad ng teknolohiya . Lalong lumiit ang daigdig at naging mabilis ang pagtuklas ng mga kaalaman dahil sa Internet at social media. Masasabing ang mundo’y nasa panahong digital kung saan ang mahahalagang impormasyon ay matatamo sa isang click lamang . HEURISTIKO
• Gamit ng wika bilang daan sa pagkatuto ng mga kaalaman at pag-unawa ayon kayMichael Halliday • Maaaring gamitin ang wika upang maunawaan ang iba’t ibang bagay sa daigdig at matutuhan ang mga kaalaman sa iba’t ibang disiplina • Ayon kay Roman Jakobson noong 2003, ito ang tinatawag na referential o sanggunian , kung saan ang gamit ng wika ay maging batayan ng mga kaalaman lalo na sa mga aklat at babasahin HEURISTIKO
PASALITA: Pagtatanong , pananaliksik at pakikipanayam PASULAT: - Survey HALIMBAWA
Ang gamit ng wika bilang impormatibo ay pagpapahayag ng mga kaalaman o impormasyon . Maraming paraan para makapagpahayag ng kaalaman o impormasyon ang sinuman . Mayroon ding mga pamantayang sinusunod sa paggamit ng wika bilang impormatibo . IMPORMATIBO
1. Pagbibigay ng Apirmasyon o Pagtatanggi sa Datos Apirmasyon sa Datos • paggamit ng salitang tulad ng "may," " mayroon ," at " totoo " Halimbawa : Totoong mayroong buhay sa labas ng planetang Earth. Paggamit ng Wika Bilang Impormatibo
2. Pagtatanggi sa Datos • paggamit ng mga salitang " hindi " at " wala " Halimbawa : Walang maaaring mabuhay sa labas ng mundo lalo na kung hindi sapat ang kanilang oxygen at tubig . Paggamit ng Wika Bilang Impormatibo
3. Paglalarawan sa Katunayan • paggamit ng mga salitang naglalarawan tulad ng pang- uri upang makapagbigay ng paglalahad ng mga katangian ng isang bagay, tao , lugar , pangyayari , o penomenon Halimbawa : Maraming magagandang tanawin dito sa Pilipinas . Paggamit ng Wika Bilang Impormatibo
4. Pangangatuwiran sa katunayan • pagbibigay ng mga ebidensiyang tumutulong sa pagpapatunay sa babanggiting bagay, tao , lugar , pangyayari , o penomenon Halimbawa : Dahil sa mayabong na industriya ng turismo, na binubuhay ng mga small-medium scale entrepreneurs, sa malalagong kakahuyang nagpapabuti sa kalikasan , at naggagandahang anyong tubig ; maraming nagagandahan at napapaibig sa mga tanawin dito sa Pilipinas . Paggamit ng Wika Bilang Impormatibo
1. Iwasan ang pag-uulit-ulit ng mga salita • Maaaring hindi magpapaulit-ulit ng mga salita sa pagpapahayag ng mga impormasyon kung gagamitin ang mga panghalip bilang mga cohesive devices. 2. Siguraduhing naglalaman lamang ng katotohanan ang mga impormasyong ipinapahayag • Maaaring masigurado ang katotohanan ng mga impormasyong ipinapahayag kung nakapagsaliksik nang malalim tungkol sa paksa . Mga Pamantayan sa Paggamit ng Wika Bilang Impormatibo
3. Maging malinaw sa pagpapahayag ng mga impormasyon • Iwasan ang paligoy-ligoy na paglalarawan ng mga detalye . Tumuon lamang sa kung ano ang mahahalagang punto ng impormasyong ipinapahayag . • Ang gamit ng wika bilang representatibo ay pagpapahayag ng mga kaalaman o impormasyon . • Mahalaga ang papel na ginagampanan ng eika sa pagpapalitan ng impormasyon . Sa tulong nito , nagkakaroon ng pagpapayabong at pag-inog ng kaalaman sa haba ng panahon . • Ang gamit ng wika bilang representatibo ay naipahahayag sa pamamagitan ng apirmasyon o pagtanggi sa datos , at sa paglalarawan , o pangangatuwiran . Mga Pamantayan sa Paggamit ng Wika Bilang Impormatibo
Nakapagpapahayag ng imahinasyon sa malikhaing paraan . Pagsasalaysay at paglalarawan IMAHINATIBO
PASALITA: Pasalita , pasalaysay at paglalarawan PASULAT: - Mga akdang pampanitikan HALIMBAWA
Sine- tuklas Panoorin ang video clips at kilatising mabuti ang paraan o kung anong gamit ng wika ang nasaksihan mo sa video . Panuto
Jumbled Letters
1. Tumutugon sa mga pangangailangan . Nagpapa-hayag ng pakiusap , pagtatanong , at pag-uutos . T R U T M E N I A L N S
2. Komokontrol o gumagabay sa kilos at asal ng iba . T O R A L U I R E G T O
3. Nagpapanatili , nakapagta-tatag ng relasyong sosyal . R A K S Y O I N T E L N A I
4. Nakapagpapahayag ng sariling damdamin o opinyon . S A N O L P E R
5. Naghahanap ng mga impormasyon o datos . E U H R I K O T I S
6. Nagpapahayag o nagbibigay ng impormasyon o datos. I B O T A R P I M O M
7. Pagpapahayag ng imahiasyon sa malikhaing paraan . H I N A T I B O M A I
Pagtataya
Panuto : Basahin at analisahin nang mabuti ang mga pangungusap . Piliin kung anong gamit ng wika ang ipinapahayag sa bawat pahayag . Isulat ang tamang titik sa inyong ¼ na papel .” Pagtataya
1. Saan matatagpuan ang istasyon ng pulis ? a. regulatori c. heuristiko b. personal d. representasyonal 2. Uminomng gamut nang makatlong beses sa isang araw . a. regulatori c. heuristiko b. personal d. representasyonal 3. Nakikiramay ako sa pagyao ng iyong maybahay . a. regulatori c. interaksiyonal b. personal d. representasyonal
4. Inday , ipaghain mo na ‘ko ng hapunan . a. personal c. representasyonal b. instrumental d. imahinatibo 5. Nais kong magpresinta bilang empleyado sa inyong tanggapan . a. personal c. representasyonal b. instrumental d. imahinatibo 6. May parating n amalakas na bagyo . a. personal c. representasyonal b. instrumental d. imahinatibo
7. Ikaw ang pastol na umakay sa akin nang ako’y maligaw sa masukal na gubat . a. personal c. representasyonal b. instrumental d. imahinatibo 8. Tutol akong isabatas ang Sogie Bill a. personal c. representasyonal b. instrumental d. imahinatibo 9. Magsitahimik kayong lahat! a. personal c. representasyonal b. instrumental d. imahinatibo
10. Pagsusunog ng kilay ang sanhi ng aking pagdating sa tugatog ng tagumpay . a. imahinatibo c. instrumental b. heuristiko d. interaskyonal
Takdang-aralin Tingnan ang mga post ng iyong mga kaibigan sa Facebook. Pansinin kung anong gamit ng wika ang iyong nakikita sa iba’t ibang post. Base sa iyong obserbasyon , paano ginagamit ng iyong kaibigan ang social media? Magbigay tatlong (3) halimbawa ng post ng iyong kaibigan bilang pansuporta sa iyong sagot . I-screenshot ito at i -print sa short bond paper.