Pakikipag-ugnayan sa bawat kasapi ng pamilya ( Paglinang )
GAWAIN: Sitwasyong kailangan isadula kung paano ninyo ito isinasagawa sa loob ng inyong tahanan . Mga halimbawa ng sitwasyon : • Humihingi ng pagkain mula sa isang miyembro ng pamilya
• Napagalitan ng mga magulang sapagkat nakipag -away sa mga kapatid o sa kaklase Mga halimbawa ng sitwasyon :
• Hindi napagbigyan sa hiling na pagbili ng laruan o pagkain Mga halimbawa ng sitwasyon :
• Tinatanong ng mga magulang o nakakatanda ng kung anong ginawa ng mag- aaral /bata sa loob ng klasrum Mga halimbawa ng sitwasyon :
• Inutusan ang batang maghugas ng pinggan (o iba pang gawain ) Mga halimbawa ng sitwasyon :
• Pakikipag-ugnayan • Paglinang
1. Ano ang kahulugan ng mga salitang nakapaskil sa pisara ? 2. Ano sa tingin ninyo ang kaugnayan ng mga salita sa isa’t isa?
Mga halimbawa ng wastong pakikipagugnayan sa bawat kasapi ng pamilya . • Paggamit ng po at opo sa mga nakatatandang kausap . • Pagsasabi ng “ pakiusap ”, “ pasuyo ”, at “please” kapag humihingi ng tulong . • Pagsasalita nang mahinahon . • Hindi pagsagot nang pabalang . • Hindi nagdadabog o sumisigaw .
Paghingi ng Tulong sa Pag- aaral Umuwi si Nathan mula sa paaralan . “ Narito na po ako !” sabi niya habang papasok sa pintuan . “ Maligayang pagbabalik !” tugon ng mga tao sa loob ng tahanan . Dali- daling lumapit si Nathan sa kaniyang Nanay, Tatay, Lolo, Lola, at Tito upang magmano . “Mano po,” sambit ni Nathan habang nagmamano sa bawat isa. “Salamat po sa pagsundo sa akin sa eskuwela ngayong araw , Tita” wika ni Nathan sa kaniyang tita na kapapasok pa lamang ng bahay . “Walang anuman , Nathan” sagot ng kaniyang tita .
Paghingi ng Tulong sa Pag- aaral Matapos magbihis ng damit pambahay , nilapitan ni Nathan ang kaniyang ate. “Ate, pakiusap , puwede ba akong magpatulong sa takdang-aralin namin ? Medyo nahihirapan kasi akong intindihin kung ano ang gagawin ” ani Nathan. “Naku Nathan, pasensya ka na dahil hindi pa kita matutulungan ngayon . Hindi pa rin ako tapos sa pinag-aaralan ko,” sagot ng kanyang ate. “Walang anuman , Ate. Naiintindihan ko,” tugon ni Nathan.
Paghingi ng Tulong sa Pag- aaral Sunod na nilapitan ni Nathan ang kanyang kuya . “ Kuya , pakiusap , puwede ba akong magpatulong sa takdang-aralin namin ? Medyo nahihirapan kasi akong intindihin kung ano ang gagawin ” ani Nathan. “Sige, Nathan. Pero puwede ba na maghintay ka ng mga sampung minuto ? Tatapusin ko lang itong sanaysay na isinusulat ko para sa aming klase , wika ng kuya ni Nathan.
Paghingi ng Tulong sa Pag- aaral “ Ayos lang kuya ,” tugon ni Nathan “ babasahin ko na lang muna ang mga inaral naming ngayong araw habang naghihintay .” Nagpunta si Nathan sa kuwarto upang magbasa ng kaniyang mga pinag-aralan sa araw na iyon .
Sariling paraan ng wastong pakikipag-ugnayan sa kanilang : • Magulang (Tatay / Nanay) • Kapatid • Lolo at/o Lola • Tito at/o Tita • Pinsan
Ano ang mga dapat na gawin ni Nathan upang makipag-ugnayan sa kaniyang pamilya ? Paano kayo nakikipag-ugnayan sa mga kasapi ng inyong pamilya ?
Gawain 1 Is ulat ang tsek (✔) kapag ginagawa mo ang nakasaad na paraan ng wastong pakikipag - ugnayan sa pamilya . Isulat ang ekis (X) kapag hindi mo ginagawa ang nakasaad na paraan ng wastong pakikipag - ugnayan sa pamilya . Nakikialam ng gamit na hindi sa iyo . Kusang tumutulong sa gawaing bahay . Nagmamano bago umalis at pagdating sa bahay .
Gawain 1 Isulat ang tsek (✔) kapag ginagawa mo ang nakasaad na paraan ng wastong pakikipag - ugnayan sa pamilya . Isulat ang ekis (X) kapag hindi mo ginagawa ang nakasaad na paraan ng wastong pakikipag - ugnayan sa pamilya . 4. nakikipag-usap ng mahinahon at magalang 5. hindi nandaraya sa pakikipaglaro
Mga wastong paraan ng pakipag-ugnayan sa pamilya : • hindi pakikialam ng gamit na hindi sa iyo • kusang tumutulong sa gawaing bahay • nagmamano bago umalis at pagdating sa bahay • hindi nagsisinungaling • sumusunod sa utos
Mga wastong paraan ng pakipag-ugnayan sa pamilya : • nakikipag-usap ng mahinahon at magalang • hindi nandaraya sa pakikipaglaro • nakikinig sa payo ng magulang • hindi nagtatago ng sikreto sa magulang • hindi sumisigaw sa kausap
Gawain 2. Punan ang patlang ng paraan ng wastong pakikipag-ugnayan sa pamilya na iyong nais na gawin . Halimbawa : Nais kong ___________ sa aking nanay . Maaaring sagot : Nais kong magsabi ng totoo sa aking nanay . 1. Nais kong ___________ sa aking mga magulang . 2. Nais kong ___________ sa aking kapatid .
Gawain 2. 3. Nais kong ___________ sa aking lolo o lola . 4. Nais kong ___________ sa aking tito o tita . 5. Nais kong ___________ sa aking pinsan .