4. Gabay NG GURO SA MATEMATIKA_ Clap at Snap.pptx

triumphshemapdua 0 views 9 slides Oct 09, 2025
Slide 1
Slide 1 of 9
Slide 1
1
Slide 2
2
Slide 3
3
Slide 4
4
Slide 5
5
Slide 6
6
Slide 7
7
Slide 8
8
Slide 9
9

About This Presentation

GUIDE


Slide Content

Pangalan: Baitang: Gabay tungo sa mga Gawain sa Math

Mga Paalala at Kailangang Ihanda Mga Gawain sa Pagbilang Kumustahan Clap at Snap

Talaan ng mga Nilalaman Gabay tungo sa mga Gawain sa Math Mga Gawain TaRL Approach Mga Paalala Lebel ng Pagkatuto: Nagsisimula o May kaalaman sa mga numero Number Diary Kumpol at istik Number Chart Reading Clap & Snap Number Jump or Twist Number Wheel Expansion Chart Reading Number with Play Money Number expansion with expansion cards

Mga Paalala: Siguraduhin g ang bata ay nasa lugar na maaliwalas o lugar na walang sagabal katulad ng mga laruan, bukas na telebisyon, radyo, atbp. Bigyang kalayaan ang bata sa pagsagot ng mga gawain. Gabayan lamang ang bata sa pag-unawa ng aralin. Tandaan na ang mga panuto sa dilaw na kahon ay gabay para sa guro / facilitator ng gawain na ito. Angkop sa Mga Nagsisimula / May kaalaman sa mga numero Mga Layunin Maging pamilyar sa mga numero Malaman ang place value ng mga numerong may 2-3 digits Larangan ng araling pang Matematika Pagkilala sa mga Numero Materyales na kailangang ihanda wala Oras na maaaring Ilaan 15 - 20 minuto Karagdagang Tala Aralin 4: Clap at Snap

Maaaring Gawin Hindi Maaaring Gawin Sa simula, dahan dahan munang mag-clap at snap upang mabigyan ng sapat na oras ang mga estudyante na maintindihan ang aralin. Maaaring gawin ito sa mga numerong may 3 digits sa pamamagitan nang pagdagdag ng iba pang aksyon tulad ng ‘ pagpadyak’ para sa hundreds. Ngunit, gawin lamang ito kapag sanay na ang mga estudyante sa ones and tens. Magsimula sa mga malalaking numero (hal. 99) Mag-clap at snap sa mga numerong mas maliit sa 10. Tandaan na ang layunin ng araling ito ang maunawaan ang iba’t ibang place values. Aralin 4: Clap at Snap

Pangalan: Baitang : Petsa: Pangalan ng Guro: Kumustahan Kumusta ka ngayon? Kulayan ang emoji ng iyong sagot! Alalahanin na walang mali sa iyong kukulayan; dahil ang lahat ng emosyon na nadarama mo ay wasto. Masaya Malungkot Galit Pagod Aralin 4: Clap at Snap

Pag s asanay ng buong klase Oraas na kailangang ilaan: 15 minuto Layunin: Gumamit ng kilos upang maunawaan ang mga numero at place values. “May gagawin akong kilos. Sabihin niyo sa akin kung anong kilos ito.” Ipitik ang iyong daliri at hintayin ang mga estudyante na sabihing ang kilos na ginawa ay ‘pitik’. “Magbibilang tayo gamit ang pagpitik. Ang 1 pitik ay katumbas ng numerong “1.” 2 pitik ay numerong “2” at iba pa. Magtawag ng estudyante. “Pipitik ako. Sabihin mo sa akin kung anong numero ito.” Gawin ito ng 2-3 beses. “Ngayon, may gagawin tayong ibang kilos. Sabihin niyo sa akin kung anong kilos ito.” Pumalakpak ng isang beses at hintayin ang mga estudyante na sabihing ang kilos na ginawa ay ‘palakpak.’ 10 daliri ang ginagamit sa pagpalakpak, kaya ang 1 palakpak ay katumbas ng 10. 2 palakpak ay 20 at iba pa. “May gagawin akong kilos. Sabihin niyo sa akin kung anong numero ito.” Paghaluin ang mga palakpak at pitik (hal. 23 = 2 palakpak, tapos 3 pitik). Magtawag ng mga estudyante upang tukuyin ang numero. “Ngayon, sasabihin ko ang numero at gagawin niyo naman ang kilos para dito.” Magtawag ng estudyante at sabihan na pumalapak at pumitik upang maabot ang isang numero. Magbigay ng 2-3 halimbawa. Aralin 4: Clap at Snap

Pagsasanay sa maliit na pangkat Oraas na kailangang ilaan: 10 minuto Layunin: Sanayin ang pagtukoy ng numero Hatiin ang klase sa mga pangkat na may 5-6 estudyante. Magtakda ng lider sa kada grupo upang masiguro na ang lahat ay makikisali sa gawain. “May ipapakita akong numero sa pamamagitan ng palakpak at pitik. Makinig nang mabuti at alamin kung anong numero ang tinutukoy ko.” Pumalakpak at pumitik upang magbigay ng numero. Maaring ulitin ang mga palakpak at pitik upang masigurong naintindihan ng mga estudyante. Bigyan ang mga grupo ng 20 segundo upang pag-isipan at tukuyin ang numerong binigay. Pasagutin ang lahat ng mga grupo bago sabihin ang tamang sagot. Ulitin ito sa 1-2 pang numero. Aralin 4: Clap at Snap Pagsasanay sa pares Oraas na kailangang ilaan: 10 minuto Layunin: Sanayin ang pagpalakpak at pagpitik upang tukuyin ang numero. Hatiin ang klase sa mga pares . Magbigay ng numero. Bigyan ang mga pares ng 1 minuto upang pag-isipan ang palakpak at pitik na gagawin para sa binigay na numero. Habang ginagawa ito ng mga estudyante, maglibot sa klase at tingnan kung tama ba ang mga sagot nila at itama kung meron mang mali. Ulitin ito sa 1-2 pang numero.

Kumustahan Kumusta ka ngayon? Kulayan ang emoji ng iyong sagot! Gaano kadali o kahirap ang ginawa mo ngayong araw? Bilugan ang emoji ng iyong sagot. 1 Sobrang Dali! 2 Medyo Madali 3 Medyo Mahirap 4 Sobrang Hirap! Aralin 4: Clap at Snap