Ang isang tagapagsalin ay katulad lamang ng isang pintor na ngayo’t napakarami nang gumuhit ng larawan ng Belen ay hindi na ito kailangang iguhit pang muli . Taon-taon sasapit ang Pasko ay mapapatumayan natin na lumalabas ang Belen sa iba’t ibang paraan ng paglalarawan , bagamat ang paksa o mensahe ay iisa - ang pagsilang ni Hesus .
Ang pagsasaling wika bilang isang sining ay nangangahulugan lamang na ito’y walang pinipiling panahon . Sa iban g salita , masasabing ito ay isang gawaing walang katapusan ; na hindi ngayo’t naisalin ng isang tagapagsalin ang isang akda o artikulo ay hindi na ito kailangang isalin pang muli .
Ang pagsasaling - wika ay isang sining . At bilang sining , ito’y hindi nga madaling gawain . Subalit isang katotohanang kahit mahirap na gawain ang magsalin . Ang isang tagapagsalin ay lagging nakukubli sa anino ng awtor ; hindi napapansin .
Ipinaliwanag ni Savory na ang pagsasalin ay maihahalintulad sa pagpipinta kung saan ang maling kulay o laki ng isang guhit ay katumbas ng isang maling salita sa pagsasaling - wika ; na ang pagkakamali sa dimension, sukat o proporsyon ng alinmang bahagi ng larawan ay katumbas ng pagkakamali sa pagbibigay-kahulugan sa trunay na diwa ng isang parirala .
PAGSASALING – WIKA BILANG SINING – SAVORY (HALAW SA AKLAT NA ANG SINING NG PAGSASALING- WIKA NI ALFONSO O. SANTIAGO) “The contention that translation is an art will be admitted without hesitation by all who have had much experience of the work of translating; there may be others who will not so readily agree (but) a sound method is to compare the task of translating in all its forms with the universally acknowledged arts of painting and drawing.They will be found to be parallel, step by step.”
Wikang filipino sa agham ? Sa agham tayo namulat sa mga kaparaanan ng pisikal at buhay na mundo . Ito ang nagturo sa atin kung paano pahalagahan ang mga bagay-bagay na bumabalot sa ating kapaligiran . Ito rin ang ating gamit upang maghanap ng mga solusyon sa mga problemang hinaharap ng ating bayan sa mithiin na umunlad ang estado ng buhay ng bawat mamamayan . Ngunit hindi lahat sa atin ay naiintindihan ang mga konsepto nito .
Ang pagtuturo sa wikang ingles ay nagsimula noong nagging kolonya ng Estados Unidos ang pilipinas . Nagsimula itong magbago noong inilunsad ang “Bilingual education Policy” taong 1974. Hinihingkayat nito na gawing wika sa pagtuturo ang filipino sa mga klasrum at bigyan ng mainam na kakayahan ang mga estudyante sa parehong Ingles at Filipino. Ninanais rin nito na maging isang wika para sa matalisik na diskurso ang Filipino.
Ngunit nakasaad rin sa polisiyang ito na ang Ingles ay ang “non-exclusive language of science and technology”. Dala nito , ang wikang Filipinoay naisasantabi bilang isang lengguwahe para sa agham . Ito ay parte na rin ng layunin para sa internasyonalisasyon . Ang patuloy na paggamit nito ay bunga na rin ng pangunguna ng Estados Unidos sa siyentipikong pananaliksik . Sa unang tingin , nagmumukhang mainam ito upang makipagsabayan sa mga bagong development sa S&T, at nang hindi mahiwalay ang mga batang siyentista mula sa mhga journal at textbook.
Bagama’t may natutulungan , ang nahihirapan sa kasalukuyang Sistema ay ang mga batang estudyante . Ang siyensya at ang matematika ay itinuturo sa kanila gamit ang wikang hindi nila ginagamit sa pangkaraniwan na sitwasyon . Karamihan ng mga libro ay nasa wikang ingles, kasama na rin ang mga impormasyon na galling sa internet at telebisyon . Pinag-aaralan nila ang mga bagong konsepto sa wika na kanila’y kasabay na inaaral pa lamang . Napupuna lamang ito ng mga guro na nagbibigay ng paliwanag sa natural nilang wika .
Pero dahil sa na -develop na “language barrier,” mahirap makahanap ng mga tamang salita o ehemplo para mapaliwanag ng maayos ang mga konsepto . Ang resulta , ang agham sa isip ng mga bata ay mistulang hiwalay mula sa araw-araw na katotohanan . Ang asignatura na nagmimistulang gabay natin sa mga pangyayari sa ating paligid ay naiiwan sa mga pahina ng textbook. May mga bagong hakbang na ginagawa upang mabago ito . May mga pagsasaliksik na nagpapakita ng bisa ng pagtuturo ng siyensya sa pang araw-araw na lengguwahe .
Isa na rito ay ang pagsasaliksik nina Brown at Ryoo ng Stanford University noong 2008. Ipinakita nila ito sa pamamagitan ng tinatawag nila na “content first” approach. Sa ganitong paraan , inuunang ituro ang mga konsepto gamit ang natural na wika bago ito dagdagan ng mga panibago at mas komplikado na termino . Ipinakita sa pag-aaral na mas mataas ang mga nakuhang grado ng mga estudyanteng tinuruan sa natural na wika sa parehong “multiple choice” at “open-ended” na mga tanong . Senyas ito ng mga bata sa bagong impormasyon nilang natatanggap (Sullivan,2008).
Isinusulong rin ngayon ang pagsalin at paggawa ng mga libro sa wikang Filipino. Naikwento sa akin ni G. Rommel Rodriguez, Direktor ng Sentro sa Wikang Filipino, ang paghahanap ng ilang siyentipiko ng mga salita at konseptong Filipino na maihahambing sa mga kanilang pinagdalubhasaan . “ Maraming mga local indigenous knowledge na maaaring ma-discover ng mga mag- aaral natin at kung paano ito maisasakonteksto sa siyensya at teknolohiya “. Isa na rito ang konsepto ng “ balatik ”- isang grupo ng mga bituin na ginagamit ng mga katutubo sa kanilang pagtatanim .
Ipinapakita ng mga ganitong ehemplo na may malawak na kaalaman ang mga katutubo tungkol sa mga bagay na inaaral natin sa agham . “ Marami pa tayong hindi natutuklasan sa kasaysayan , sa sa kultura natin , sa mga local indigineous knowledge natin , na kailangan tuklasin ng mga mag- aaral sa siyensya at teknolohiya .” Sa mga hakbangin na ito , may pag-aalala na hindi makasabay ang mga estudyante sa internasyonal na entABLADO . Isa Sa goal ng mga unibersidad ngayon ay maging tanyag sa iba’t ibang larangan at mapataas ang ranggo sa mga listahan ng mga “best universities”.
Ngunit nilinaw ni Dr. Rodriguez na ang pangunahing tungkulin ng isang unibersidad ay ang hindi Manalo sa kompetisyon kundi ay makagawa ng mga bagong kaalaman para sa ikabubuti ng mamamayan . Idinagdag ni Dr. Rodriguez na hindi naman kailangan na isalin lahat ng Salita sa wikang Pilipino. Ang ibang terminong teknikal ay maaaring iwanan sa pinanggalingang lenguwahe .
Hindi rin daw kailangan na maging “ purista ” sa pagsasalin ng mga termino;ang mahalaga ay nagkakaintindihan ang guro at estudyante sa pagpapaliwanag ng mga konsepto . Ang mga ganitong pagsasalin , tulad ng nakikita natin sa ibang post sa social media, ay nagpapakita ng pagkamalikhain ng mga tao ngunit dahil ang ibang salita ay hindi rin naman nagagamit , wala itong maitutulong .
Sa huli , idiniin ni Dr. Rodriguez ang tungkulin ng mga estudyante’t propesor ng mga unibersidad sa pagpapalawak ng wikang Filipino. Sa usapin ng pagsasalin , mahalaga na isakonteksto ang mga ideya sa karanasan ng mga Pilipino. Importante rin na alisin ang mga makitid na pagtingin sa ating wika at magsama-sama upang itaguyod ang Filipino Bilang pambansang wika .