_______29. “Ang aking katunggali ay isang flip-flop man sapagkat di niya kayang magdesisyon. Pabago-bago ang isip.”
Ang pahayag na ito ay anung uri ang ginamit na propaganda devices?
a.Testimonialb. bandwagonc. glittering generalities d. name-calling
_______30. Sa larawang ito, anung propaganda ang ginamit ng eksperto sa
patalastas?
a.Name-calling c. Transfer
b.Glittering generalities d. card stacking
_______31. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa mga pahayag na
naglalarawan sa tekstong persuweysib?
a.Layunin ng teksto ang mahikayat o makumbinsi ang babasa.
b.Nais nitong mabago ang takbo ng isip ng mambabasa at tanggapin ang posisyon ng may-akda.
c.Karaniwang obhetibo ang tono ng tekstong persuweysib.
d.Naglalarawan ito ng katangian at kalikasan ng paksa.
Para sa bilang na 32-36 : Ayusin ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kuwentong “Mabangis na Lungsod”.
Isulat lamang ang titik ng tamang pagkasunod-sunod mula A hanggang E.
________32. Kung ilang hanay ang mga pulubing naroroon at mga nagtitinda ng tiket sa suwipstek, ng kandila, ng kung
anu-anong ugat ng punongkahoy at halaman. At sa mga hanay na iyon ay nakatunghay ang simbahan, naaawa,
nahahabag. At nakatingala naman ang mga nasa hanay na iyon, kabilang si Adong.
________33. Ang gabi ay hindi napapansin ng labindalawang taong gulang na si Adong. Ang gabi ay tulad lamang ng
pagiging Quiapo ng pook na iyon.
________34. “Adong!” Sinundan iyon ng papalapit na mga yabag.
Napahindik si Adong. Ang basag na tinig ay naghatid sa kanya ng lagim. Ibig niyang tumakbo. Ibig niyang
ipagpatuloy ang kanyang paglaya. Ngunit ang mga kamay ni Bruno ay parang bakal na nakahawak na sa kanyang
bisig, niluluray ang munting lakas na nagkaroon ng kapangyarihang maghimagsik laban sa gutom, sa pangamba, at
sa kabangisan.
________35. Ilang singkong bagol ang nalaglag sa kanyang palad, hindi inilagay kundi inilaglag, sapagkat ang mga palad
na nagbigay ay nagdidiring mapadikit sa marurusing na palad na wari bang mga kamay lamang na maninipis ang
malinis.
________36. Kung may pumapansin man sa panawagan ni Adong, ang makikita naman niya ay irap, pandidiri,
pagkasuklam. “Pinaghahanapbuhay ‘yan ng mga magulang para maisugal,” madalas naririnig ni Adong.
Para sa bilang na 37-41
_
_______37. Anong katangian ang tekstong binasa?
a.Deskriptibo b. impormatibo c. Naratibo d. persuweysib
________38. Sa pagkukuwento, anong pananaw o punto de vista ang ginamit sa teksto?
a.Unang panauhan b. ikalawang panauhanc. ikatlong panauhand. kombinasyong pananw
________39. “Gising na anak, may pasok ka ngayon”
“Nay, nanaginip ako na may makikilala akong bagong kaibigan!”
“Oo, meron nga, doon sa inyong paaralan kaya gumising ka na at kumilos baka maiwan ka ng school bus.“
Anong paraan ng pagpapahayag ng diyalogo, saloobin at damdamin ang ginamit ng mga tauhan sa kuwento?
a.Tuwirang Pagpapahayag b. di tuwirang Pagpapahayag
_______40. Saang lugar naganap ang mga pangyayari sa kuwento?
a.Sa kanilang bahay c. sa kanyang panaginip c. Sa kanilang hardin d. sa isang silid
“Bagong Kaibigan”
ni G. Bernard Umali
May napulot akong papel. Nakasulat doon na may matatagpuan daw akong isang kaibigan. Kinakailangan
ko raw sumakay para matagpuan ito. Umuwi ako agad sa amin dahil baka naroon na ang kaibigang tinutukoy sa
papel.
Sumakay ako sa likod ng kabayo pero wala doon ang bagong kaibigan. Binuksan ko ang binatana at nakita ko ang
aming hardin. Maraming halaman at insekto doon. Masaya silang naglalaro pero hindi ko sila maintindihan.
Lumabas ako sa likod-bahay at nagpunta sa dagat. Sumakay ako ng bangka upang hanapin ang aking kaibigan
pero walang ibang tao sa dagat. Ah alam ko na. Sumisid ako sa ilalim ng dagat, sumakay ako sa likod ng dolphin at
doon nakita ko ang iba’t-ibang hayop at halaman, pero hindi ako mabubuhay doon. Kaya bumalik na lamang ako sa
amin.
Gabi na ng makauwi ako. Mula sa aking silid ay may natanaw ako na maliwanag sa langit. Mayroong isang
bituin na ubod ng laki. Ahah! Pupuntahan ko ang bituin. Kumapit ako sa lobo at pinuntahan ko ito. Pero walang tao
roon. Mula sa itaas ay tanaw na tanaw ko ang daigdig na bilog at nagliliwanag. Ang ganda ng kulay. Para itong
bolang umiilaw. May kulay bughaw, luntian at kulay lupa. Naisip kong bumalik na, mula sa itaas ay nagpalundag-
lundag ako sa mga ulap, ang sarap! Parang mga bulak! Nagpadulas ako sa bahaghari! Subalit wala pa rin akong
kalaro kaya gumamit ako ng isang malaking payong at ginawa kong parachute. Napunta ako sa kagubatan. Doon
ay nagpupulong ang mga hayop. Hindi ko sila maintindihan kaya bumalik na ako sa amin sakay-sakay ng isang
elepante. Maya-maya ay kinalabit na ako ni inay.
“Gising na anak, may pasok ka ngayon”
“Nay, nanaginip ako na may makikilala akong bagong kaibigan!”
“Oo, meron nga Ben, doon sa inyong paaralan kaya bumangon ka na at kumilos baka maiwanan ka ng
school bus.“