504494234-Mga-Akdang-Pampanitikan-Sa-Panahon-Ng-Amerikano-Ge-116.pptx

ShainaMarieGarcia 0 views 16 slides Oct 12, 2025
Slide 1
Slide 1 of 16
Slide 1
1
Slide 2
2
Slide 3
3
Slide 4
4
Slide 5
5
Slide 6
6
Slide 7
7
Slide 8
8
Slide 9
9
Slide 10
10
Slide 11
11
Slide 12
12
Slide 13
13
Slide 14
14
Slide 15
15
Slide 16
16

About This Presentation

mmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmm


Slide Content

MGA AKDANG PAMPANITIKAN SA PANAHON NG AMERIKANO

MGA MAIKLING KWENTO SA PANAHON NG AMERIKANO Sa Pagdaan ng panahon , unti-unting pinalitan ng maikling kwento ang dati’y popular na babasahin sa mga lingguhang magasin , ang nobela . Sa pamamagitan ng mga pampublikong paaralan , nagkaroon ng oportunidad na mabasa ang mga akda ng mga sikat na kaunlaring manunulat kagaya nina Edgar Allan Poe, O. Henry at iba pa na pinaghanguan nila ng mga bagong estilo at paksa sa pagsulat . Nariyan ang maikling kwento ni Juan Crisostomo Soto ( Ama ng Panitikang Kapampangan) na nagsulat ng “ Binipining Pathupats ”. Ito ay kwento ukol sa babaeng Kapampangan na dahil lamang nakapag-aral ng Wikang Ingles ay kinalimutan na ang katutubong wika .

Ang Maikling Kwentong “Anabella” ni Magdalena Jalandoni (Ina ng Panitikang Hiligaynon). Ang kwentong ito ay umiikot naman sa dalawang magsing-irog na sa una’y pinaghihiwalay ng matapobreng si Julia, ina ng lalaking kasintahan . Nariyan din ang mga kuwento ni Deogracias A. Rosario ( Ama ng Maikling Kwento sa Tagalog) ang “Greta Garbo”, “Aloha” at “ Walang Panginoon ” na gumamit ng di- nakagawiang paraan ng pagsasalaysay noong panahong iyon . Hindi rin naman nagpahuli ang mga Pilipinong nagsusulat sa wikang Ingles, tulad nina Arturo Rotor At Manuel Arguilla , na Bgama’t nasa wikang Ingles ay sumasalamin din sa lipunang Pilipino, sa pamamagitan ng paggamit ng ilang mga katutubong wika .

Sa Kabuuan , ipinapalagay na ang panahon ng Amerikano ang Gintong Panahon ng Maikling Kwento at Nobela dahil sa kasiglahan ng mga manunulat sa pagsulat ng mga nobela at maiikling katha . Ang kasiglahang ito ay bunsod ng mga sumusunod na kadahilanan : Ang Pagkakaroon ng kalayaan sa paraan ng pagsulatat pagpili ng paksa Ang pagdami ng mga samahang panitikan na nakatulong nang malaki sa paglinang ng panitikan Paglabas ng mga pahayagan at magasing naglathala ng mga kwento at nobela gaya ng pahayagang “ Muling Pagsilang ” at magasing “ Liwayway ” Pagtaguyod ng mga patimpalak sa pagsulat gaya ng Carlos Palanca Memorial Awards for Literature

ANG DULA SA PANAHON NG AMERIKANO Ang dula ay sadyang kinasangkapan ng mga manunulat na Pilipino upang ipahayag ang hangad na paglaya ng bayan at makabayang pananaw . Ang kalayaang tinamasa sa kamay ng mga Amerikano ay alangang ihambing sa ipinalasap ng mga Kastila . Gayunpaman , hindi rin nasiyahan ang mga manunulat . Dahil sa impluwensyang panteknolohiyang dala ng mga Amerikano , naimpluwensiyahan din ang panitikan sa bansa . Dula ang naging pangunahing panitikan sa panahong ito . Dala nila ang mga bodabil na isang uri ng dula kung saan umaawit at sumasayaw ang mga artista na nagbunga sa zarzuela ng Plipinas . Isa sa mga unang itinanghal sa panahon ng mga Amerikano na umuusig sa mga Amerikano at sedisyoso ay ang kay Juan K. Abad na itinanghal noong Mayo ng 1903- ang tanikalang Ginto . Inakyat ng mga alagad ng batas ang Batangas habang itinanghal ang dulang ito ditto at dinakip ang may- akda . Ngunit napawalang-sala rn sa tulong ng isang mahusay na manananggol na Pilipino. Ang dulang kahapon , Ngayon at Bukas ni Aurelio Tolentino ay tumutuligsa rin sa Amerikano . Ngunit pinakamatindi ang paghihimagsik ng dulang “ H indi Ako Patay ” na hindi na nakilala ang may- akda dahil sa ginamit nito ang pangalan ng kanyang may- bahay .

A. ZARSUELA Habang nagpatuloy ang armadong paglaban , naglunsad ang iba ng sariling paraan ng pagtataguyod sa kalayaan . Kabilang ditto ang pagpapalabas ng mga zarzuela. Naging tuntungan nila ang mga ito sa paglahok sa paulitika ng kolonyal na pamahalaang binuksan ng mga Amerikano sa mga elite. Ang zarsuela / sarsuwela ay isang banyagang genre para sa nasyonalistikong layunin . Ang zarsuela ay isang uri ng dulang hinango ng mga Kastila sa Opera ng Italya sapagkat magkahalo ang diyalogong ginagamit ditto- patula at pasalita . Ang patulang bahagi ay diyalogo ng mga pangunahng tauhan samantala ang tuluyang diyalogo ay yaong gamit naman ng mga katulong na tuhan .

Ang zarzuela ay binubuo ng 3 yugto . Ang mga tagpo ay magkahalong seryoso at katawa-tawa . Melodrama ang tawag ditto o kaya’y tragikomedya . Hango sa tunay na buhay ang oaksa nito at kung minsan ay nasosobrahan naman sa damdamin , lalo na sa pag-ibig , kaya nagiging soap operatic, namimiga ng luha . Nang lumaon lalong pumasok ang propaganda at pulitika . Sinasabing ang zarsuela ang pumatay sa Moro- moro at ito’y ipinapahiwatig ng dulang R.I.P ( Sumalangit nawa o Rest in Peace) Nasulasok na kasi ang mga Pilipinong manonood ng moro-moro dahil wala na itong ibang pinaksa kundi relihiyon .

Ilan sa mga di- matatwarang obra ay ang sumusunod : “ Walang Sugat ” (1902) ni Severino Reyes “ Tanikalang Ginto ” (1902) ni Juan Abad “Hindi Ako Patay ” (1903) ni Juan Matapang Cruz

B. BODABIL Unti-unting nanghina ang zarzuela nang napansin ng manonood ang tinatawag na Bodabil o “stage show” Taong 1916 naman ipinakilala sa Pilipinas ang isang uri ng dula , ang bodabil . Ang dulang ito ay pinaghalu-halong awitan , sayawan , drama, may katatawanan at iba pa. Ang Bodabil , na kilala rin sa vodabil , vaudeville o stage show, ay tumutukoy sa mga teatrong pagtatanghal na nagtataglay ng samu’t saring musical at katatawanan ng palabras, skit at monolog, mga akrobatik na bilang , solos at chorus lines.

Ang bodabil ay hinago sa Pranses na vaudeville na inilipat sa teatrong Amerikano , ito ay dumating sa bansa noon panahon ng pananakop ng mga Amerikano . Ito ang unang kapansin-pansing impluwensya ng Amerikano sa bansa . Ang palabras na ito , na binubuo ng mga kanta at sayaw , mahika at mga musical na pagtatanghal , skit, at satand -up comedy, chorus girls at mga komedyante , ay unang dinala sa Pilipinas upang makapagbigay-aliw o libangan sa mga sundalong Amerikano . Ang mga kanta at sayaw ng bodabil ay pampuno sa mga maikling zarsuela sa pagitan mg mga mahahabang pagtatanghal . Ang bodabil ay tinawag na stage show noong panahon ng mga Hapon at nang kinalaunan ay nagging variety show. Sa ilang mg probinsiya , ang mga intermisyon na bodabil ay tinatawag na jamboree na orihinal na ginagamit sa panimulang musical na pagtatanghal sa entablado .

C. PELIKULA Ang mga Amerikano ang nagpakilala ng mga fairy tale sa mga Pilipino na ginamit ng mga gurong Tomasites sa pagtuturo . Ipinakilala rin ng mga ito ang iba pang uri (genre) ng panitikan gaya ng oda at nagpakilala sa pinilakang-tabing – ang pelikula . Dahil sa dala rin ng mga Amerikano ang pelikula ng bansa , ngunit nag- uumisa ito sa mga artistang gumagalaw lamang at nagsasalitang walang tinig o walang talktales (silent films/movies). Ang mga ito rin ang itinuturing na unang pelikula sa bansa . Unti-unting naisantabi pansamantala ang dulang panteatro sa bansa dahil sa nakahiligan na ng mga Pilipino ang panonood ng pelikulang-tahinik .

Itinatag ni Jose Nepomuceno ( tinaguriang “ Ama ng Pelikulang Plipino ” ) ang kauna-unahang kompanya ng pelikula noong 1917 na tumatalakay sa kalagayang Pilipino at ayon sa panlasang Pilipino. Ang mga unang pormal na pelikula sa bansa ay ukol sa buhay ng bayaning si Rizal at ng kanyang dalawang nobela . Ang pinakaunang pelikulang Hollywood na ginawa sa bansa ay ang pelikulang Zamboanga. Ito ang kauna-unahang Hollywood film na may underwater scene. Ngunit ang pinakaunang pelikulang produksyon ng Pilipino ay sa pamumuno ni Jose Nepomuceno hango sa panteatrong Dalagang Bukid (1919) na malateatro rin ang kinalabasan . Ito ay dula ni Hermogenes Ilagan. Si Honorata “ Atang ” de la Rama ang bituin nito . Nagkaroon ng talkties ang pelikula noong 1929, at ang Punyal na Ginto ni Anronio Sempio ang kauna-unahang pelikula n Nepomuceno na may talkties noong 1932.

ANG NOBELA SA PANAHON NG AMERIKANO Ang nobela ay lumaganap sa Pilipinas pagsakop ng Amerikano sa ating bansa . Ang kalayaan sa [ pamamahayag , salita , relihiyon , mga samahan at ang katahimikan sa bansa ay Malaki naitulong sa pagpalaganap sa mga nobela . Karamihan sa mga nobelang binsa ng mga Pilipino ay yaong mga nalathala sa mga pahayagan at magasing lumabas nang putol-putol o di tuloy-tuloy Dalawang uri ng Nobela sa Panahon ng Amerikano : Nobelang Panlipunan at Nobela ng Pag-ibig .

NOBELANG PANLIPUNAN Ang mga kilos dito’y hindi personal, kundi kumakatawan sa lipunan o ekonomiya na nagpapaligsahan upang mapabuti ang bawat panig . Ang mga may- akda ay maaaring naakit ng mga babasahing nanghihingi ng panlipunang pagbabago sa Europa at mga pamukaw-siglang nakikita sa mga pangyayari sa loob ng bansa .

NOBELANG PAG-IBIG Ang uring ito ng nobela ay nagbibigay halaga sa utos ng puso , damdamin at pagkahumaling kaysa sa katalinuhan .

Maraming salamat !!!!
Tags