Layunin Ng Talakayan Munawaan ang kahulugan at l ayunin ng tekstong argumentatibo Maisa-isa ang mga e lemento ng pangangatuwiran Maisa-isa ang k atangian at n ilalaman ng tekstong argumentatibo
Daloy ng Talakayan Kahulugan at Layunin ng Tekstong Argumentatibo Mga Elemento ng Pangangatuwiran Katangian at Nilalaman ng Tekstong Argumentatibo
Kahulugan at Layunin ng Tekstong Argumentatibo Ang tekstong argumentatibo ay isang uri ng teksto na nangangailangang ipagtanggol ng manunulat ang posisyon sa isang tiyak na paksa o usapin gamit ang mga ebidensiya mula sa personal na karanasan , kaugnay na mga literatura at pag-aaral , ebidensiyang kasaysayan , at resulta ng empirikal na pananaliksik .
Kahulugan at Layunin ng Tekstong Argumentatibo Nangangailangan ang pagsulat ng tekstong argumentatibo ng masusing imbestigasyon kabilang na ang pangongolekta at ebalwasyon ng mga ebidensiya . Mula rito ay paninindigan ang isang posisyon na isusulat sa maikli ngunit malaman na paraan . Sa pamamagitan ng detalyadong pag-aaral sa paksa o isyu , mas nauunawaan ang iba’t ibang pananaw o punto de bista at nakapipili ang mananaliksik ng posisyong may matibay na ebidensiya .
Mga Elemento ng Pangangatuwiran Proposisyon Ang proposisyon ay ang pahayag na inilalahad upang pagtalunan o pag-usapan . Ito ang isang bagay na pinagkakasunduan bago ilahad ang katuwiran ng dalawang panig . Magiging mahirap ang pangangatuwiran kung hindi muna ito itatakda sapagkat hindi magkakaisa sa mga batayan ng isyu ang dalawang panig . Argumento Ito ang paglalatag ng mga dahilan at ebidensiya upang maging makatuwiran ang isang panig . Kinakailangan ang malalim na pananaliksik at talas ng pagsusuri sa proposisyon upang makapagbigay ng mahusay na argumento .
Katangian at Nilalaman ng Tekstong Argumentatibo Upang makapili ng angkop na paksa , pag-isipan ang iba’t ibang napapanahon at mahahalagang isyu na may bigat at kabuluhan . Makatutulong din kung may interes ka sa paksa , ngunit hindi ito sapat . Kailangan mo ring pag-isipan kung ano ang makatuwirang posisyon na masusuportahan ng argumentasyon at ebidensya
Katangian at Nilalaman ng Tekstong Argumentatibo Sa unang talata , ipinaliliwanag ng manunulat ang konteksto ng paksa sa pamamagitan ng pagtalakay nito sa pangkalahatan . Tinatalakay rin sa bahaging ito kung bakit mahalaga ang paksa at kung bakit kailangang makialam sa isyu ang mga mambabasa .
Katangian at Nilalaman ng Tekstong Argumentatibo Transisyon ang magpapatatag ng pundasyon ng teksto . Kung walang lohikal na pagkakaayos ng kaisipan , hindi makasusunod ang mambabasa sa argumento ng manunulat at hindi magiging epektibo ang kabuuang teksto sa layunin nito . Nakatutulong ang transisyon upang ibuod ang ideya sa nakaraang bahagi ng teksto at magbigay ng introduksiyon sa susunod na bahagi .
Katangian at Nilalaman ng Tekstong Argumentatibo Ang bawat talata ay kailangang tumalakay sa iisang pangkalahatang ideya lamang . Ito ang magbibigay-linaw at direksiyon sa buong teksto . Tiyakin ding maikli ngunit malaman ng bawat talata upang maging mas madaling maunawaan ng mambabasa . Kailangan ding isaalang-alang ang lohikal na koneksiyon ng bawat talata sa kabuuang tesis ng teksto at maipaliwanag kung paano at bakit nito sinusuportahan ang tesis .
Katangian at Nilalaman ng Tekstong Argumentatibo Ang tekstong argumentatibo ay nangangailangan ng detalyado , tumpak , at napapanahong mga impormasyon mula sa pananaliksik na susuporta sa kabuuang tesis