910220428-FIL-PPT-W2Q2-day-3.pptxzdvsvsdvsdvsd

JamesAlexanderDeza 1 views 62 slides Oct 24, 2025
Slide 1
Slide 1 of 62
Slide 1
1
Slide 2
2
Slide 3
3
Slide 4
4
Slide 5
5
Slide 6
6
Slide 7
7
Slide 8
8
Slide 9
9
Slide 10
10
Slide 11
11
Slide 12
12
Slide 13
13
Slide 14
14
Slide 15
15
Slide 16
16
Slide 17
17
Slide 18
18
Slide 19
19
Slide 20
20
Slide 21
21
Slide 22
22
Slide 23
23
Slide 24
24
Slide 25
25
Slide 26
26
Slide 27
27
Slide 28
28
Slide 29
29
Slide 30
30
Slide 31
31
Slide 32
32
Slide 33
33
Slide 34
34
Slide 35
35
Slide 36
36
Slide 37
37
Slide 38
38
Slide 39
39
Slide 40
40
Slide 41
41
Slide 42
42
Slide 43
43
Slide 44
44
Slide 45
45
Slide 46
46
Slide 47
47
Slide 48
48
Slide 49
49
Slide 50
50
Slide 51
51
Slide 52
52
Slide 53
53
Slide 54
54
Slide 55
55
Slide 56
56
Slide 57
57
Slide 58
58
Slide 59
59
Slide 60
60
Slide 61
61
Slide 62
62

About This Presentation

xfbxfbfbfbd


Slide Content

Pagbibigay ng Suliranin at Solusyon sa Kuwentong-bayan 2 3

Pagkatapos ng aralin , ang mga mag- aaral ay inaasahang : Natutukoy nang wasto ang mga salitang madalas gamitin o high frequency words Nagagamit ang mga salita na high frequency tungkol sa a. sarili at bansa Nauunawaan ang pinakinggan o binasang tekstong naratibo ( kuwentong pambata ) a. Naibibigay ang elemento ng teksto

Tukuyin ang pangatnig sa bawat pangungusap .

1. Mahilig maglaro si Toto ng taguan at tumbang preso . 2. Si Dr. Santor ay pagod na ngunit masaya parin siyang nagsisilbi sa bayan. 3. Ano ang nais mong maging sa iyong paglaki , pulis o bumbero ?

4. Ang prutas at gulay ay masustansiyang pagkain . 5. Inaantok na si Ella ngunit kailangan niyang mag- aral para sa kanilang pagsusulit bukas .

Tingnan ang larawan .

Alam ba ninyo kung anong hayop ang nasa larawan ? Sa iyong palagay , magkaibigan ba ang dalawang hayop ? Bakit?

Ngayong araw ay malalamman natin kung ano ang kaugnayan o relasyon ng matsing at ng pagong . Handa na ba kayo?

Alamin ang kahulugan ng mga sumusunod na salita upang higit nating maunawaan ang kuwentong inyong babasahin Mga salita : maituturing nabigo masagana tuso patpat

maituturing - masasabi nabigo - hindi nagtagumpay masagana - mayaman / marami tuso - mapanglamang patpat – manipis at mahabang piraso ng kahoy

Basahin ang teksto . Si Pagong at si Matsing

Si Pagong at si Matsing Sina Pagong at Matsing ay matalik na magkaibigan . Mabait at matulungin si Pagong , subalit si Matsing ay tuso at palabiro . Isang araw sila ay binigyan ni Aling Muning ng isang supot ng pansit . “ Halika Matsing , kainin natin ang pansit ”,

nag- aayang sabi ni Pagong . “Naku baka panis na yan ” sabi ni Matsing . “Kahit na , ako muna ang kakain ,” pagmamatigas ni Matsing . Walang nagawa ang kawawang Pagong kundi pagbigyan ang makulit na kaibigan . Naubos ni

Matsing ang pansit at walang natira para kay Pagong . “ Pasensya ka na kaibigan , napasarap ang kain ko ng pansit kaya wala ng natira . Sa susunod ka na lang kumain ,” paliwanag ng tusong matsing .

Dahil sa likas na mabait at pasensyoso si Pagong , hindi na siya nakipagtalo sa kaibigan . Sa kanilang paglilibot sa kagubatan , nakakita si Pagong ng isang puno ng saging . “ Matsing ! Matsing ! tignan mo ang puno ng saging na ito . Maganda

ang pagkakatubo . Gusto ko itong itanim sa aking bakuran para pag nagkabunga ay makakain natin ito ,” masayang sabi ni Pagong . “Gusto ko rin ng saging na ‘ yan Pagong , ibigay mo na lang sa akin,” sabi ni Matsing .

“ Pasensya ka na , gusto ko rin kasi nito . Kung gusto mo hatiin na lang natin.” “ Hahatiin ? O sige pero sa akin ang itaas na bahagi . Ung parte na may mga dahon ha?” nakangising sabi ni Matsing . “Ha? sa akin ang ibabang bahagi ?” tanong ni Pagong .

“Oo, wala akong panahon para magpatubo pa ng dahon ng saging kaya sa akin na lang ang itaas na parte ,” sabi ni Matsing . Umuwing malungkot si Pagong dala ang kalahating bahagi ng saging na may ugat . Samantalang si Matsing ay masayang umuwi dala ang madahon na bahagi ng puno .

Inalagaan ni Pagong ang kanyang halaman . Araw- araw dinidiligan niya ito at nilalagyan ng pataba ang lupa . Ganoon din ang ginawa ni Matsing . Subalit makalipas ang isang linggo , nalanta ang tanim na saging ni Matsing .

Si Pagong naman ay natuwa nang makita ang umuusbong na dahon sa puno ng saging . Lalo nitong inalaagaan ang tanim hanggang sa mamunga ito nang hitik na hitik . Nainggit si Matsing nang makita ang bunga ng saging sa halaman ni Pagong .

“Aba, nagkabunga ang tanim mo. Paano nangyari iyon ? Ang aking tanim ay nalanta at natuyo ,” sabi ni Matsing . “ Inalagaan ko kasi ito ng mabuti . Sabi ni Mang Islaw Kalabaw , malaki ang pag-asang tutubo ang bahagi ng halaman na pinutol kung ito ay may ugat ,” paliwanag ni Pagong .

“ Hmp ! Kaya pala nalanta ang aking tanim ,” nanggigil na sambit ni Matsing . “ Mukhang hinog na ang mga bunga nito . Halika , kunin natin,” anyaya nito . “Gusto ko sana kaya lang masyadong mataas ang mga bunga. Hindi ko kayang akyatin ,” sabi ni Pagong .

“Kung gusto mo , ako na lang ang aakyat , ibibigay ko sa iyo ang lahat ng mga bunga. Basta’t bigyan mo lang ako ng konti para sa aking miryenda ,” sabi ni Matsing . Pumayag si Pagong sa alok ni Matsing . Subalit nang makarating na si Matsing sa taas ng puno . Kinain niya lahat ng bunga ng puno . Wala itong

itinira para kay Pagong . “Akin na lahat ito Pagong . Gutom na gutom na ako . Kulang pa ito para sa akin. Hahaha!” tuwang-tuwang sabi ni Matsing . Nanatili sa itaas ng puno si Matsing at nakatulog sa sobrang kabusugan .

Galit na galit si Pagong sa ginawa ni Matsing . Habang natutulog ito , naglagay siya ng mga tinik sa ilalim ng puno . Nang magising si Matsing ay nakita niya ang mga tinik kaya’t humingi ito ng tulong kay Pagong . “ Pagong , tulungan mo ako ! Alisin mo ang mga tinik na ito . Malapit ng dumilim at mukhang uulan ng

malakas ,” pagmamakaawa ni Matsing . “ Ayoko ! Napakasalbahe mo. Lagi mo na lang akong iniisahan ! Aalis muna ako . Mukhang malakas ang ulan . Sa bahay ni Aling Muning muna ako habang umuulan .” Sabi ni Pagong sabay alis papunta sa bahay ni Aling Muning .

Makalipas ang ilang sandali , nagsimulang bumuhos ang malakas na ulan . Walang nagawa si Matsing kundi bumaba sa puno ng saging . “ Arrrraayyy ! Aaaarayy ! natutusok ako sa mga tinik Arrrrrrrrruuyyyyyy !!!!” daing ng tusong matsing . “ Humanda ka bukas Pagong .

Gaganti ako sa ginawa mo sa akin,” bulong nito sa sarili . Kinabukasan , kahit mahapdi pa rin ang mga sugat ni Matsing ay hinanap niya si Pagong . Nakita niya itong naglalakad sa may kakahuyan . “Hoy Pagong humanda ka ngayon !” galit na sabi ni Matsing sabay huli sa pagong . “

“Anong gagawin mo sa akin?” takot na tanong ni Pagong “ Tatadtarin kita ng pinong pino ,” sabi ni Matsing . Nag- isip ng paraan si Pagong para maisahan ang tusong matsing . “Oo sige tadtarin mo ako ng pinong-pino at pagputul-putullin nang sa gayon ako ay dadami at susugurin

ka namin ng mga parte ng katawan kong pinutol mo hahaha ,” sabi ni Pagong . Nag- isip ng malalin si Matsing . “Haha, susunugin na lang kita hanggang sa maging abo ka,” sabi ni Matsing . “Hindi ka ba nag- iisip Matsing ? Hindi kami tinatablan ng apoy !

Nakikita mo ba ang makapal at matibay kong bahay ? Kahit ang pinakamatinding apoy ay walang panama dito ,” pagyayabang ni Pagong . Nag- isip na naman ng malalim si Matsing . Hanggang sa maisipan niyang pumunta sa dalampasigan . “ Tignan natin kung saan ang

tapang mo. Itatapon kita dito sa dalampasigan hanggang sa malunod ka! Hahaha!” sabi ni Matsing Lihim na natuwa si Pagong . Nagpanggap itong takot sa dalampasigan . “Naku huwag mo akong itatapon sa dalampasigan . Takot ako sa tubig at hindi ako marunong lumangoy .

Parang awa mo na …” pagmamakaawa ni Pagong . Tuwang-tuwa si Matsing sa pag-aakalang magagantihan na niya si Pagong . Todo lakas niya itong itinapon sa dalampasigan . Nagulat ito nang makitang marunong lumangoy si Pagong . Ang bilis-bilis ng pagkilos ni Pagong sa tubig . Kung mabagal ito sa

lupa ay parang ang gaan ng katawan nito sa tubig . “Hahaha. Naisahan din kita Matsing . Hindi mo ba alam na gustong -gusto ko ang lumagoy sa dalampasigan at magbabad sa tubig ? Salamat kaibigan !!!” natutuwang sabi ni Pagong .

Malungkot na umuwi si Matsing . Naisip niya na napakasakit pala na maisahan ng isang kaibigan . Naramdaman niya kung paano masaktan kapag naloloko ng isang kaibigan . Mula noon nagbago na si Matsing . Hindi na sila muling nagkita ni Pagong .

Malungkot na umuwi si Matsing . Naisip niya na napakasakit pala na maisahan ng isang kaibigan . Naramdaman niya kung paano masaktan kapag naloloko ng isang kaibigan . Mula noon nagbago na si Matsing . Hindi na sila muling nagkita ni Pagong .

T anong : 1. Ano ang nakita ni Matsing at Pagong na lumulutang sa tubig ? 2. Ang bahagi ng puno ang kinuha ni Matsing ? 3. Ano ang naging suliranin ni Pagong sa bahagi ng puno na kanyang nakuha ?

4. Ano ang naging solusyon niya sa kanyang suliranin ? 5. Tama ba ang kanyang solusyon?

Paano matutukoy ang suliranin at solusyon sa kwentong binasa?

Tukuyin ang nararapat na solusyon sa bawat suliranin na itinakda sa inyong pangkat . Isadula ang gawaing ito .

Pangkat 1: Pagkatapos ni Pipoy maglaro ay tumakbo siya sa bahay dahil gutom na gutom na siya . Wala ang kanyang nanay at tatay sa bahay ngunit nakita niya ang isang tinapay sa mesa. Ano ang nararapat niyang gawin ?

Pangkat 2: Sinabi ni Gng . Maria na magbibigay siya ng pagsusulit sa Filipino bukas . Pagdating ni Rodel sa bahay ay inaya siya ng kanyang mga kaibigan na maglaro . Ano ang nararapat niyang gawin ?

Pangkat 3: Napansin ni Nilda na natutuyo na ang rosas sa bakuran . Nakita niya ang timba na may lamang tubig . Ano ang nararapat niyang gawin ?

Basahin ang maikling kuwento .

Si Jose Si Jose ay isang batang mabait . Isang araw napansin niya na mukhang uulan ng malakas . Nakita niya ang sinampay ng kanyang nanay sa labas ng bahay . Kung ikaw si Jose ang ang iyong gagawin ? Bakit?

Paano matutukoy ang suliranin at solusyon sa kwentong binasa?

Tukuyin ang nararapat na solusyon sa bawat suliranin sa ibaba. Isulat ang a, b, c, d o e.

Solusyon: a. lalabhan ito b. uminom ng tubig c. huhugasan ito d. lilinisin ang mesa gamit ang basahan e. matutulog at magpapahinga 1. Pagkatapos maglaro sa labas ay naramdaman ni Mira na siya ay nauuhaw.

Solusyon: a. lalabhan ito b. uminom ng tubig c. huhugasan ito d. lilinisin ang mesa gamit ang basahan e. matutulog at magpapahinga 2. Nahulog ang bola ni Niko sa kanal.

Solusyon: a. lalabhan ito b. uminom ng tubig c. huhugasan ito d. lilinisin ang mesa gamit ang basahan e. matutulog at magpapahinga 3. Nakita ni Rosa na madumi ang mesa na kanilang pinagkakainan.

Solusyon: a. lalabhan ito b. uminom ng tubig c. huhugasan ito d. lilinisin ang mesa gamit ang basahan e. matutulog at magpapahinga 4. Inaantok na si Gina ngunit nais pa niyang maglaro.

Solusyon: a. lalabhan ito b. uminom ng tubig c. huhugasan ito d. lilinisin ang mesa gamit ang basahan e. matutulog at magpapahinga 5. Madumi na ang panyo ni Mimi.
Tags