From: https://genius.com/Curse-one-and-flict-g-aking-hiling-lyrics
Aking Hiling
[Chorus: Curse One with Bei]
Hindi ko sinasadya na mahulog ako sa tulad mo
Kapag nand'yan ka, 'di ko mapigilan ang nadarama ko
Nag-aantay ng talang dadaan, habang nakatingala sa
mga bituin
Kung ako'y tatanungin sasambitin, "Ikaw lang ang aking
hiling"
[Verse 1: Flict G]
'Di ko akalain na makikilala ko
Ang dalagang nagpatibok ng puso ng isang binata
At bigla na lang napalunok, napatameme, nabulaga
Para bang hinele, natulala, nang papalapit ka sa akin
Jusko para kang anghel na ibinaba
Ng langit para mahalin ng taga-lupang tulad ko na 'di mo
ka-level
Ang pagitan nating dalawa ay mas malayo pa
Sa magkabilang dulo ng "Torre de Babel"
'Pagkat ikaw ay isang diwatang mas makislap pa sa mga
tala
Pagpasensyahan mo na lang ang mga salita, ito'y labis
na paghanga
'Di ko maipaliwanag ang nadarama
Sa t'wing magkasama tayong dalawa
Walang bagay na makakasukat sa mundong ito
Kung ga'no ka ba kahalaga
'Pagkat buong araw ko ay kumpleto na
Sa ngiti mo pa lang kuntento na
Kung pag-ibig mo ay naging rebolusyon
Handang punitin ang sedula
Handang dumalaw sa bawat araw
Ikaw na nga raw hanggang pumanaw
Walang kaagaw sa puso ko
Daig pa ang kayamanang hindi mananakaw
Akalain mo, 'kala 'ko ay panaginip lang ang mga 'to
Kung sino pa talaga 'yung 'di mo inasahang makilala
'Yun pa 'yung babago ng buhay mo
[Chorus: Curse One with Bei]
Hindi ko sinasadya na mahulog ako sa tulad mo
Kapag nand'yan ka, 'di ko mapigilan ang nadarama ko
Nag-aantay ng talang dadaan, habang nakatingala sa
mga bituin
Kung ako'y tatanungin sasambitin, "Ikaw lang ang aking
hiling"
[Verse 2: Curse One]
Sa milyong-milyong tala, kahit hindi na mapansin ang
hiling ko
Hinding-hindi ako magsasawa na, abangan ang
pagdating mo
Sa buhay ko na ikaw na lang ang kulang
Sa puso na pag-ibig lamang ang lulan
Ang katulad mo lang ang may kakayanang
Makapagtanggol sa'kin hangad kong makatuluyan
Nanatili na sa isip, damdamin ko na 'di matahimik
Nakatingala sa mga bituin, sana'y magising ako sa
magandang panaginip
Magkatotoo na mabago ang mundo, dahil
'Di ko na alam kung sa papa'nong paraan pa
Dikit sana ng kalawakan ang sigaw nito nadarama na
makamtan ka
At sana sa'kin ikaw ay itadhana, 'di sasayangin ang
pagpapala
Hanggang sa pagtunog ng kampana, makasama sa
dambana
Hanggang sa harap ng altar, oh-ohh
At sa hardin may umaawit na mga sagradong anghel
Ikaw ang kalma sa bawat bagyo
Ako'y nahimlay sa mala-dyosa mong ganda
Napakagaan sa pakiramdam tuwing napapamiss ako
Akin na bukas sa maamo mong mata
Tamis sa ngiti may liwanag dahilan na babangon
Para tuparin ang mga pangarap, inspirasyon at
destinasyon
Ikaw ang aking masaya at masaganang tahanan
Mm-mm, mm-mm, oh-ohh, mm-mm, mm-mm, oh-ohh
[Chorus: Curse One with Bei]
Hindi ko sinasadya na mahulog ako sa tulad mo
Kapag nand'yan ka, 'di ko mapigilan ang nadarama ko
Nag-aantay ng talang dadaan, habang nakatingala sa
mga bituin
Kung ako'y tatanungin sasambitin, "Ikaw lang ang aking
hiling"
[Bridge: Curse One, Flict G, Both]
Gusto ko lang malaman mo, kahit mundo natin ay
magkaiba
Palaging hangad sana puso natin ay magkaisa
Malayo ma'y malapit lang, langit at lupa'y kayang tawirin,
sinta
Walang kahapon ang makapagdidikta
Sa magandang kinabukasan nating dalawa
Ikaw at ako, wala nang iba, iniibig kita
Sana palagi mong tatandaan
Ngayon, bukas hanggang sa dulo ng walang
hanggan