ANG KOMIKS SA LIPUNANG FILIPINO_073203.pptx

JohnChristerBadal 4 views 21 slides Sep 23, 2025
Slide 1
Slide 1 of 21
Slide 1
1
Slide 2
2
Slide 3
3
Slide 4
4
Slide 5
5
Slide 6
6
Slide 7
7
Slide 8
8
Slide 9
9
Slide 10
10
Slide 11
11
Slide 12
12
Slide 13
13
Slide 14
14
Slide 15
15
Slide 16
16
Slide 17
17
Slide 18
18
Slide 19
19
Slide 20
20
Slide 21
21

About This Presentation

Helpful para sa mga reporter sa KOMPANWIK Grade 11


Slide Content

ANG KOMIKS SA LIPUNANG FILIPINO Kwarter ii : aralin 3

KOMIKS Ay isang grapikong midyum na kung saan ang mga salita at larawan ay ginagamit upang ihatid ang isang salaysay o kuwento . Maaaring maglaman ng komiks ng kaunting diyalogo sapagkat binubuo ito ng isa o higit pang mga larawan , na maaring maglarawan o maghambing ng pagkakaiba ng teksto upang mapahalagahan nang may lalim . Bagaman karaniwang paksang katatawanan lahat ng mga uri (genre) , hinahayaan ang mga manunulat nito na tuklasin ang kanilang sariling ekspresyon .

Ang Komiks parin sa lipunang Pilipino ay inihahanay bilang isang kulturang popular. Buhay na buhay ng pinapagalaw ng komiks ang buhay -Pilipino sa pamamagitan ng iba’t ibang kuwentong isinasalaysay nito , na Malaki ang kaugnayan sa buhay - Pinoy.

Ang Komiks sa Lipunang Pilipino : Komiks – inilarawan bilang isang makulay at popular na babasahin na nagbibigay aliw sa mambabasa , nagturo ng iba’t ibang kaalaman at nagsulong ng kulturang Pilipino. Manunulat at Dibuhista - sila ay may napakalawak na imahinasyon na binubuo sa kultura ng komiks . - lumikha sila ng mga bagay mula sa wala at gumawa ng mga mahika . - Maraming bata ang lumaki kasabay ng komiks at baon nila ang tapang ng mga super karakter na lumalaban sa mga hamon ng buhay . - Maraming pinaligaya ang komiks , maraming binigyan ng pag-asa , maraming pinaibig .

Jose Rizal – kauna-unahang Pilipino na gumawa ng komiks . 1884 - inilathala sa magasing “ Trubner’s Record sa Europa ang komiks istrip ni Jose Rizal “ Pagong at Matsing ”. Ito ay halaw ng bayani mula sa isang popular ng pabula sa Asya . 1920 - komiks , lumabas sa mga magasin bilang page filler sa entertainment section.

1949 - nagsulputan na ang mga regular na serye ng Halakhak komiks , Tagalog klasiks . 1950 - Silangan komiks . Sinasabing sa pagpasok ng dekada 80 unti-unting humina ang benta ng komiks dahil sa ipinatanngal ang ilan sa nilalaman at ipinag-utos ang paggamit ng murang papel . Naapektuhan nito ang kalidad at itsura ng komiks . Nagresulta nito ang pag - alis ng mga dibuhista ng komiks sa Pilipinas para magtrabaho sa America sa parehong industriya , ang komiks . Kabilang dito sina Alfredo Alcala, Mar Amongo , Alex Nino , at iba pa .

Pagkatapos ng Martial Law muling namuhunan ang industriya ng komiks . Sa panahong ito sumikat ang manunulat na sina Pablo S. Gomez , Elena Patron , at Nerissa Cabral . Ang pagbabalik ng interes ng mga mambabasa sa komiks ay tumagal lamang hanggang simula ng 1990 dahil nahumaling na ang mga tao sa iba’t ibang anyo ng paglilibang . Sa kasalukuyan , marami parin ang nagnanais na buhayin ang industriya sa bansa . Isa na rito ay ang kanilang direktor na si Carlo J. Caparas . 2007 - tinangka niyang buhayin at pasiglahin ang tradisyunal na komiks sa sirkulasyon sa pamamagitan ng mga ginawa nilang komiks caravan sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas .

Hindi lamang sa Pilipinas kinilala ang husay ng mga manlilikha ng komiks kundi maging sa ibang bansa . Ayon sa blog ni Fermin Salvador , ‘world class’ ang kakayahan ng mga Pilipino sa paglikha ng komiks.Kinilala ang galling at husay ng mga Pinoy sa larangan ng sining at malikhaing pagsulat sa lokal man at internasyonal na komunidad . Kabilang sa mga komikerong Pilipino na kilala sa labas ng Pilipinas sina Gerry Alanguilan , Whilce Portacio , Philip Tan , Alfredo Alcantara , at marami pang iba .

Prof. Romulo Baquiran - ayon sa kanya sa kaniyang komiks na “PASKO SA KOMIKS”. “Hindi namamatay ang komiks dahil may kakanyahan ito , ang katangiang Biswal at teksto . Isang kakanyahang hinding-hindi mamamatay sa kulturang Pilipino hangga’t ang mga Pilipino ay may mga mata para makakita at bibig para makabasa-magpatuloy ang eksistensiya ng komiks .”

Panitikang Popular Sa kasaluluyan mas pinipili ng mga tao na magkaroon ng libangan na mabilis lamang na naisasagawa . Sa kadahilanang ito , biglang umusbong ang telebisyon , pelikula , musika , at komiks bilang midyum ng kasiyahan gayundin ng pagkatuto . Mulas sa iba’t ibang palabas sa telebisyon at pelikula , mabilis na naiuugnay sa karanasan ng isang tao ano man ang pinanonood , pinakikinggan , at binabasa . Mula naman sa musika , nagging instrument ito ng nagpapahayag ng damdamin . Mula sa komiks nagsilbi itong libangan dahil sa makukulay na nilalaman ng bawat kuwadro na may makabuluhang pangyayari ng pinag-uugnay-ugnay upang makabuo ng isang kuwento .

Naging mabilis ang pagtangkilik sa telebisyon , pelikula , musika , maging ang komiks kaya’t tinwag itong panitikang popular.

Hugot Lines - makabagong paraan ng pagpapahayag ng mga emosyon gamit ang social networking site . - mga katagang gumuguhit ng isang tao . - karaniwang salita na may potensiyal at personal na dinaramdam tungkol sa isang pangyayari . Kadalasang ginagamit ang hugot lines ng isang tao kapag may pinagdaraanang problema sa buhay at madalas sa pag-ibig . - ang hugot lines ay hindi lamang mababasa sa social networking site, maaaring maging bahagi na ito ng usapan maging sa komiks .

Halimbawa : Ang pagmo -move on para yang paggising sa mga estudyante tuwing umaga , mahirap pero kailangan . Ang second chance ibinibigay para magbago hindi para umabuso . Paano kayo magiging “Together” kung hindi ka naman gumagawa ng paraan To-Get-Her? Ang pag-ibig parang Mayweather, yayakapin ka tapos sasaktan ka, tapos tatakbuhan ka. Huwag mong hawakan kung alam mong bibitawan mo lang.

Paggamit ng Lobo sa Usapan (Speech Balloon) Para sa karaniwang Usapan Usapang Pasigaw Usapang Pabulong Diyalogo sa Sarili

May sunog tulong ! Nasan na kaya sila ? Alam mo ba,may multo akong Nakita,wag kang maingay ha…

5 Kategorya sa Gampaning Pangwika ni John Searle (1979): Representatib - sinasabi sa mga tao ang tungkol sa kalagayan ng isang bagay.Ang gamit na kasanayan ay: isaysay , sabihin , isulat , ipahayag , ilarawan , at iba pa. Direktib - tinatangkang pakilusin ang mga tao upang gawin ang isang bagay . Ang gamit na kasanayan : pagmungkahi , pag-uutos , pakikusap . Komisib - gagawin ang isang aksiyon para sa hinaharap . Ang gamit na kasanayan ay: pangangako , pananakot . Ekspresib - ipinahahayag ang damdamin at saloobin tungkol sa sitwasyon . Ang gamit na kasanayan ay: pasasalamat , pakikiramay , pagbati , at pagtanggap , at iba pa. Deklaratib - binabago ang kalagayan ng isan sitwasyon sa pamamagitan ng mga pahayag . Halimbawa : “Ikaw ay nagwagi sa Timpalak Talumpatian ”. Nangangahulugang dapat matuwa sapagkat nagkamit siya ng tagumapay .

Wastong Paggamit ng Salita / Pahayag na Pang-Social Networking Site: Sa pang social-networking site, may sarili itong gamit ng mga salita o pahayag . Karaniwang gamit ng salita o pahayag sa nasabing larangan ay kolokyal at teknikal . Kolokyal - antas ng wikang ang paraan ay nakikipag-usap lamang . Masasabing di pormal ang gamit ng wika . Teknikal - antas ng wika na tumutukoy sa isang disiplina , halimbawa ay ang pang- agham at panteknolohiya . Hindi na isinasalin ang salita sa halip ganap na hinihiram ito upang hindi mabago ang kahulugan .

Ang Social-Networking site ay isang lugar na naipapahayag ang personal na opinyon , mga Gawain , mga karanasan , at iba pa ng isang tao , ito ay halos ng kaniyang kausap . Sa pagbibigay-pansin sa wastong gamit ng salita o pahayag , dapat na nakabatay sa layunin ng paghahatid ng mensahe sa ibig kausapin sa pamamagitan ng Social-Networking site. Nakakatulong din upang madaling maunawaan ang gamit ng simbolo tulad ng emoticons , gamit ng bantas , at mga salitang pang social-networking site. Karaniwang hinihiram nang ganap ang mga salita mula sa ibang bansa . Maging ang diyalektal na mga salita mula sa iba-ibang lalawiganin ay ganap ding hiram . Ganap ding hinihiram upang hindi mabago ang kahulugan ng mga salita o pahayag .

THANK YOU HOPE YOU LEARN SOMETHING!