Ang Paggawa Edukasyon sa pagpapakatao.pptx

NaizeJann 5 views 55 slides Oct 21, 2025
Slide 1
Slide 1 of 55
Slide 1
1
Slide 2
2
Slide 3
3
Slide 4
4
Slide 5
5
Slide 6
6
Slide 7
7
Slide 8
8
Slide 9
9
Slide 10
10
Slide 11
11
Slide 12
12
Slide 13
13
Slide 14
14
Slide 15
15
Slide 16
16
Slide 17
17
Slide 18
18
Slide 19
19
Slide 20
20
Slide 21
21
Slide 22
22
Slide 23
23
Slide 24
24
Slide 25
25
Slide 26
26
Slide 27
27
Slide 28
28
Slide 29
29
Slide 30
30
Slide 31
31
Slide 32
32
Slide 33
33
Slide 34
34
Slide 35
35
Slide 36
36
Slide 37
37
Slide 38
38
Slide 39
39
Slide 40
40
Slide 41
41
Slide 42
42
Slide 43
43
Slide 44
44
Slide 45
45
Slide 46
46
Slide 47
47
Slide 48
48
Slide 49
49
Slide 50
50
Slide 51
51
Slide 52
52
Slide 53
53
Slide 54
54
Slide 55
55

About This Presentation

Ang Paggawa


Slide Content

Edukasyon sa Pagpapakatao Ikalawang Markahan 2025-2026 9

Ang Paggawa Bilang Paglilingkod at Pagtataguyod ng Dignidad ng Tao

Naipaliliwanag ang kahalagahan ng paggawa bilang tagapagtaguyod ng dignidad ng tao at paglilingkod.(EsP9TTIIe-7.1) Nakapagsusuri kung ang paggawang nasasaksihan sa pamilya, paaralan o barangay/pamayanan ay nagtataguyod ng dignidad ng tao at at paglilingkod. (EsP9TTIIe-7.2) MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO:

Ang modyul na ito ay ginawa upang maibahagi sa iyo ang mga kaalaman na nararapat ninyong matutuhan sa nasabing baitang. Pagkatapos pag-aralan ang modyul na ito, magagawa mo ang sumusunod: 1. Nakikilala ang kahalagahan ng paggawa bilang tagapagtaguyod ng dignidad ng tao; 2. Nakabubuo ng sintesis tungkol sa kabutihang naidudulot ng paggawa gamit ang panayam sa mga manggagawang kumakatawan sa taong nangangailangan (marginalized) na nasa iba’t-ibang karera o trabahong teknikal bokasyonal; 3. Natatamo ang kasiyahan sa pagsagot sa mga gawain. Mga Layunin

subukin Panuto:Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag. Isulat ang tamang sagot sa iyong kwaderno. 1. Ang mga sumusunod ay paglalarawan tungkol sa paggawa maliban sa: A. Anumang gawaing makatao ay nararapat sa tao bilang anak ng Diyos . B. Isang gawain ng tao na palagiang isinasagawa nang may pakikipagtulungan sa kaniyang kapwa . C. Resulta ng pagkilos ng tao na may layuning makatugon sa pangangailangan ng kapwa . D. Isang gawain ng tao na nangangailangan og orihinalidad , pagkukusa , at pagkamalikhain .

2. Ang mga sumusunod ay layunin ng paggawa maliban sa isa: A. maipagmalaki ang kakayahan at karunungan B. kumita ng salapi na kailangan upang matugunan ang pangunahing pangangailangan C. makapag-ambag sa patuloy na pag-angat at pagbabago ng agham at teknolohiya D. maiangat ang kultura at moralidad ng lipunang kinabibilangan .

3. Ang tao ay gumagawa upang kitain ang salapi na kaniyang kailangan upang matugunan ang kaniyang pangunahing pangangailangan. Alin sa mga pahayag ang tama? A. Likas sa tao na unahing tugunan ang kaniyang pangunahing pangangailangan . B. Hindi mabibili ng tao ang kaniyang pangangailangan kungwala siyang pera . C. Hindi nararapat na pera ang maging layunin sa paggawa . D. Mas mahalagang isipin na matugunan ang pangangailangan ng kapwa bago ang sarili .

4. Ano ang nagiging epekto sa pagiging produktibo ng tao sa paggawa niya sa pag- unlad ng agham at teknolohiya? A. Hindi nagkakaroon ng pagkakataon ang tao na magamit ang kaniyang pagkamalikhain. B. Mas nababawasan ang halaga ng isang produkto dahil hindiito nahawakan ng tao. C. Nagkakaroon ng katuwang ang tao sa mabilis na paglikha ng maraming produkto. D. Nagbabago na ang kahulugan ng tunay na paggawa.

5. Sino sa mga sumusunod ang hindi nakatutulong sa pag-angat ng antas kultural ng bansa sa pamamagitan ng kanilang paggawa? A. Si Antonio na gumagawa ng mga muwebles na yari sa rattan at buli at nilalapatan ng modernong disenyo. B. Si Renee na gumagawa ng mga damit na yari sa material na tanging sa bansa nakikita at inilalapat sa yari ng mga damit ng mga banyaga. C. Si Romeo na nag-iexport ng mga produktong gawa sa mga kalapit na bansa. D. Si Shiela na gumagawa ng mga pelikulang tungkol sa mga isyung panlipunan ng bansa na inilalahok sa mga timpalak sa buong mundo.

6. Ano ang obheto ng paggawa? A. Kalipunan ng mga gawain, resources, instrument at teknolohiya na ginagamit ng tao upang makalikha ng mga produkto. B. Mga taong gagamit ng produktong nilikha. C. Tunay na layunin ng tao sa kaniyang paglikha ng mga produkto. D. Kakayahang kakailanganin ng tao upang makalikha ng isang produkto.

7. Paano nakikita ang tunay na halaga ng paggawa? A. Sa proseso na pinagdaanan bago malikha ang isang produkto. B. Sa kalidad ng produkto na nilikha ng tao. C. Sa haba ng panahon na ginugol upang malikha ang isang produkto D. Sa katotohanan na ang gumawa o lumikha ng produkto ay tao

8. Ang paggawa ay para sa tao at hindi ang tao para sa paggawa. Ito ay nangangahulugang: A. Hindi kasangkapan ang tao na kinakailangan para mapagyaman ang paggawa bagkus kailangan ang paggawa upang makamit ang kaniyang kaganapan. B. Hindi kailangan ang tao para mapagyaman ang paggawa bagkus kailangan siya upang mapagyaman ang mga kasangkapan na kinakailangan sa pagpapayaman ng paggawa. C. Ang tao ang gagamit ng lahat ng mga nilikha na bunga ng paggawa ngunit hindi dapat na iasa lamang niya ang kaniyang pag-iral sa mga produktong nilikha para sa kaniya ng kaniyang kapwa. D. Kapwa tao rin niya ang gagamit ng lahat ng mga bunga ng paggawa kung kaya ibinubuhos niya ang lahat na kaniyang pagod at pagkamalikhain upang makagawa ng isang makabuluhang produkto.

9. Ang paggawa ay para sa tao at hindi ang tao para sa paggawa. A. Subheto ng Paggawa B. Obheto ng Paggawa C. Paggawa D. Moralidad

10. Alin sa mga sumusunod ang hindi nangangahulugan ng salitang paggawa? A. Isang bagay na hindi matatakasan at kailangang harapin sa araw-araw B. Isang gawain ng tao na nangangailangan ng orihinalidad, pagkukusa at pagkamalikhain C. Isang pagkilos na hindi nababatay sa kaalaman D. Malaking bahagi ng pagkatao na kailangang isagawa nang may pananagutan

Panuto: Sumulat ng mga mahahalagang konsepto na iyong natutuhan mula sa mga gawain at sa babasahin. Isulat sa concept web ang isang malaking konsepto mula sa mga maliliit na konsepto. balikan

balikan

Panuto: Suriing mabuti ang mga sumusunod na larawan sa ibaba Tuklasin

Layunin ng langgam sa ginagawa nito Layunin ng kalabaw sa ginagawa nito Tuklasin

Layunin ng ibon sa ginagawa nito Layunin ng tao sa ginagawa nito Tuklasin

How to Write it? 01 Ano ang pagkakaiba ng langgam, ibon, kalabaw, at tao sakanilang layunin sa ginagawa? Ipaliwanag. 02 Bakit nagkakaiba-iba ng layuninsa knailang ginagawa ang mga may buhay na nilikha ng Diyos? 04 Sa iyong palagay, sapat na ba ang mga layunin ng tao sa paggawa nainyong naitala? Bakit o bakit hindi? 03 Sa lahat ng mga nasa larawan, sino ang may pinakamalalim na dahilan ng paggawa? 05 May kabuluhan ba ang paggawa sa lipunan? Pangatwiranan.

Ang Paggawa Bilang Paglilingkod at Pagtataguyod ng Dignidad ng Tao suriin

Ano ba ang kahulugan ng paggawa? Bakit ito mahalaga para sa isang tao? Karapat-dapat bang maunawaan ng lahat ang tunay na esensiya ng paggawa? Ang araling ito ay makatutulong sa iyo upang lubos mong maunawaan ang malalim na kahulugan ng paggawa.

Bilang kabataan, nagsisimula na marahil mabuo sa iyo ang pananaw sa paggawa bilang reyalidad ng buhay: isang bagay na hindi na matatakasan at kailangang harapin sa bawat araw. Sa pagdaan ng panahon, matututunahan mo kung bakit mahalagang kilalalnin ang paggawa bilang malaking bahagi ng iyong pag-iral bilang tao. Ito ay itinuturing na isang tungkuling kailangang isagawa nang may pananagutan (Esteban, S. J. 2009).

Ayon sa aklat na “Work: The Channel of Values Education,” ang paggawa ay isang aktibidad o gawain ng tao. Maaari itong mano-mano, aktulad ng paggawa ng bahay. Maaari rin itong nasa larangan ng ideya, katulad ng mga nag-iisip ng patalastas o anunsiyo para sa mga produkto at komersiyal o pagsulat ng aklat. Ito ay resulta ng pagkilos ng tao na may layuning makatugon sa pangangailangan g kapuwa. Kung tayo ay gumagawa, hindi tayo gumagalaw o kumikilos lamang tulad ng hayop o makina. Tao lamang ang may kakayahan sa paggawa. Ang paggawa ay para sa tao at nilikha ang tao para sa paggawa (Institute for Development Education, 1991).

Ang paggawa ay isang gawain ng tao na nangangailangan ng orihinalidad, pagkukusa, at pagkamalikhain; at ang produkto nito, material man o hindi, ay magbubunga ng pagbabago sa anumang bagay. Halimbawa, ang isang karpintero ay gumagawa ng isang mesa ay nakapagbigay ng ibang saysay sa kahoy na kaniyang gibamit upang maging kapaki-pakinabang para sa tao. Kung wala ang mga ito, ang kilos ay hindi matatawag na paggawa.

Ang paggawa ay anumang gawain – pangkaisipan man o manwal, anuman ang kalikasan o kalagayan nito, na makatao, nararapat para sa tao bilang anak ng Diyos. May mga bagay na inilaan na gawin ng tao dahil siya ay bukod-tanging nilikha.

Sa simula pa lamang ng paglikha ng tao, inilaan na siya upang gumawa ng mga katangi-tanging gawain. Ipinagkatiwala sa kaniya ang pangangalaga at pamamahala sa lahat ng Kaniyang mga nilikha. Inilaan siya upang gumawa ng mga katangi-tanging gawain. Sa lahat ng mga nilikhang may buhay, tanging ang tao lamang ang inatasan ng mga gawaing ginagamitan ng talino.

Hindi katulad ng mga hayop na gumagawa lamang kapag ginagabayan o inatasan ng tao o maaaring gumagawa lamang sila sa dikta ng kanilang instinct upang matugunan ang kanilang pangangailangan. Taliwas sa mga hayop, may malalim na layunin ang paggawa ng tao. Patunay ito na ang kakayahan sa paggawa ang isa sa nagiging dahulan upang magamit ng tao ang aniyang kalikasan.

Hindi maaaring ihatlintulad sa iba pang mga ulikha ng Diyos ang tao. Hindi matatawag na paggawa ang ginagawa ng mga hayop upang matugunan ang kanilang Suriin n 6 mga pangangailangan. Samakatwid, tao lamang ang may kakayahan sa paggawa; sa kaniyang pag-iral, siya ay gumagawa. At sa pamaamgitan ng paggawa, napatutunayan ang isa pang dahilan sa pag-iral ng tao – ang pagiging bahagi ng isang komunidad, ang gumawa hindi lamang para sa kaniyang sarili kundi para sa kaniyang kapuwa at pag-unlad nito.

Ang Mga Layunin sa Paggawa 01 Upang kitain ng tao ang salapi na kaniyang kailangan upang matugunan ang kaniyang mga pangunahing panganhgailangan.

Ang Mga Layunin sa Paggawa 02 Upang makibahagi sa patuloy nan a pag-angat at pagbabago ng agham at teknolohiya. Mahalagang taglayin ng tao ang malalim na pagnanais na maibahagi ang kanyang kakayahan para sa ikauunlad ng lipunan. Mahalagang pagyamanin ang agham at teknolohiya ngunit kailangang masiguro na hindi gagamitin ang mga ito upang mawalan ng silbi ang tao. Ginawa sila bilang katuwang at hindi kapalit ng tao.

Ang Mga Layunin sa Paggawa 03 . Upang maiangat ang kultura at moralidad ng lipunang kinabibilangan Mahalagang maunawaan na ang paggawa ay mayroong panlipunang aspekto at hindi kailangang ihiwalay ang pananagutan natin para sa pagangat ng kultura at moralidad ng lipunang ating kinabibilangan. Kailangang isaisip at isapuso na hindi tayo dapat magpaalipin sa paggawa. Ang Diyos at hindi paggawa ang pinagmulan at ang patutunguhan ng buhay

Ang Mga Layunin sa Paggawa 04 Upang tulungan ang mga nangangailangan. Ang paggawa ay isang moral na obligasyon . Kailangan ng tao na gumawa upang tumugon sa ninanais ng Diyos at sa pangangailangan na panatilihin at pagyamanin o paunlarin ang sangkatauhan .

Ang Mga Layunin sa Paggawa 05 Upang higit na magkaroon ng kabuluhan (meaning) ang pag-iral ng tao. Ang buhay na walang patutunguhan ay walang katuturan at ang paggawa ang nagbibigay ng katuturan dito. Ang pagbibigay ng iyong lahat ng panahon at pagod sa paggawa ay hinid dapat nawawaglit sa pag-aalay nito para sa kapurihan ng Diyos.

Ang Subheto at Obheto ng Paggawa Ang obheto ng paggawa ay ang kalipunan ng mga gawain, resources, instrument, at teknolohiya na ginagamit ng tao upang makalikha ng mga produkto. Ang nakagisnan ng tao na uri ng paggawang ginagamitan ng kamay, pagod, at pawis ay unti-unti ng nagbabago dahil sa pagtulong ng mga makabagong makinarya, na tao rin ang nagdisenyo at gumawa. Hindi maipagkaakit na ito ang nagdulot ng malaking pagbabago sa sibilisasyon. Napakalaki ng tulong na naibibigay ng teknolohiya: napadadali ito ang trabaho ng tao at naitataas ang kaniyang produksiyon.

Nilikha ang teknolohiya upang maapunlad ang gawain ng tao. Ito ang dahilan kung bakit patuloy ang tao sa paglikha ng mga makinarya na makatutulong upang mas maging madali ang paggawa para sa tao. Ang teknolohiya ay katulong ng tao. Ngunit dahil din sa mga pangyayaring ito, unti-unti ng nagiging “kaaway” ng tao ang teknolohiya, nawawalan na ng malawak na kontribusyon ang tao sa paggawa, hindi na niya nararamdaman ang kasiyahan at hindi na nahahasa ang kaniyang pagiging malikhain.

Dahil inaako ng ng makina ang bahaging dapat gampanan ng tao, hindi na nakikilala ang kaniyang pagkamalikhain at malalim na pananagutan. Mahalaga ito upang patuloy namaramdaman ng tao ang kaniyang halaga sa proseso ng paggawa. Ang pagdami ng mga teknolohiya sa paggawa ang siyang umaagaw sa tao sa kaniyang trabaho. Lumalabas na ang tao na ang nagiging alipin ng teknolohiya.

Tunay na ang pag-unlad ng teknolohiya ang isa sa palatandaan ng pag-unlad ng ekonomiya ng isang bansa, ngunit unti-unti nailalayo sa tao ang kaniyang tunay na esensya sa mundo – ang paggawa na daan tungi sa (1) pagbuo ng tao ng kaniyang pagkakakilanlan sa kakayahan, (2) pagkamit ng kaganapang pansarili, at (3) pagtulong sa kapuwa upang makamit ang kaniyang kaganapan.

Dahil sa taglay na kakayahan ng tao, siya ay binigyan ng Diyos ng karapatan at tungkulin na mamahala sa mundo at sa iba pang nilikha. Ang tao lamang ang may kakayahan na kumilos bunga ng proseso ng kaniyang pag-iisip, magpasiya ng para sa kaniyan g sarili, at kilalalanin ng lubusan ang kaniyang sarili. Nasa kaniya ang kakayahan na gumawa at gumanap ng iba’t-ibang kilos na kailangan sa proseso ng paggawa. Samakatwid, maituturing na ang subheto ng paggawa ang tao.

Ang halaga ng paggawa ay hindi nakikita sa proseso ng paggawa o sa produktong bunga ito kundi sa katotohanang ang gumagawa nito ay tao. Ang produkto ng paggawa ay indikasyon ng dedikasyon at pagmamahal ng taong gumawa nito. Ang dignidad na dumadaloy sa paggawa ay nakikita sa taong gumagawa nito. Mas kailangang manaig ang subheto kasya obheto ng paggawa.

Panuto: Basahin ang kuwento sa ibaba na hango sa internet at sagutin ang mga sumusunod na tanong. http://gk1world.com/NewOurFounder pagyamanin

Antonio Meloto or “Tito Tony” to the countless Gawad Kalinga volunteers and community partners was born on January 17, 1950 to a low middle class family in Bacolod City, Negros Occidental. At a young age, he was already exposed to the squalid living conditions of the poor, his home being near a shoreline squatter community where poverty was already very pronounced.

Tito Tony’s natural acumen provided him the opportunity to be an American Field Service scholar, where he took his senior high school year in De Anza High School in Richmond, California. But his big break came when he qualified as a Full Academic Scholar of the Ateneo de Manila University. His college years were dedicated to preparing for a career that would take him and his family out of the poverty of his past. After he graduated in 1971 with a Bachelor of Arts degree in Economics, he was offered a position as the Purchasing Manager of Procter and Gamble. Eventually, he built his own name as an entrepreneur.

It was in 1985 that Tito Tony’s life took a different path that eventually led him to the inspiring work of Gawad Kalinga. He became an active member of Couples for Christ (CFC) and quickly rose in leadership, becoming instrumental in the setting up of the CFC Family Ministries in 1993. This expanded the reach of the mission beyond couples, to include children, youth and young professionals. It was in 1985 that Tito Tony’s life took a different path that eventually led him to the inspiring work ofGawadKalinga. He became an active member of Couples for Christ (CFC) and quickly rose in leadership, becoming instrumental in the setting u of the CFC Family Ministries in 1993. This expanded the reach of the mission beyond couples, to include children, youth and young professionals.

It was during his assignment as the Country Coordinator for Australia that he felt the powerful call to start the work with the poor through a youth development program for gang members and juvenile delinquents in Bagong Silang, Caloocan City. Since it began in 1995, the program has now evolved to become Gawad Kalinga, a global movement that builds integrated, holistic and sustainable communities in slum areas

Gawad Kalinga is now being implemented in almost 2,000 communities in the Philippines and in other developing countries such as Indonesia, Cambodia and Papua New Guinea. It has become a concrete manifestation of the healing of relationships in the Philippines, bridging the gap between the rich and the poor, government and the private sector by simply bringing back what is uniquely Filipino – the spirit of ”bayanihan,” the willing sharing of any heavy load for the good of his fellowmen. Driven by a strong commitment to faith, GK is able to bring out the hero in every person by giving him concrete opportunities to serve.

Gawad Kalinga sparks hope in the dream for a poverty free world – one family, one community and one country at a time. This is Tito Tony’s passion. A true manfor others, he has inspired notjust his family but hundreds and thousands of volunteers throughout the country and the world to work towards building model communities where the poor can thrive and attain to their fullest potential so that together, we can all look forward to a better future for our children and the generations to come.

Matapos basahin ang kuwento, sagutin ang sumusunod na tanong: 1. Ano ang nagtulak sa kaniya upang simulan ang Gawad Kalinga at iwan ang kaniyang trabaho? 2. Paano niya sinimulan ang Gawad Kalinga? 3. Ano ang nagpapatatag sa kaniya upang ipagpatuloy ang kaniyang gawain? 4. Bakit niya isinagawa ang ganitong mga proyekto? 5. Ano ang maituturing mong pinakamagandang impluwensiya sa iyo ng iyong nabasang kuwento?

Napag-alaman ko na Napagtanto ko na Ang aking gagawin ay isaisip

Panuto: Sumulat ng isang malaking konsepto mula sa mga maliliit na konsepto na naisulat. Makatutulong sa iyo na masagot ang Mahalagang Tanong na: 1. Bakit mahalaga ang paggawa? 2. Ano ang maitutulong nito tungo sa pagkamit ng iyong kaganapan bilang tao? isagawa

isagawa

Panuto : Tukuyin kung ang mga sumusunod na pangungusap ay nagsasaad ng wastong diwa o hindi . Isulat ang TAMA o MALI sa patlang . tayahin

_______ 1. Ang paggawa ay isang bagay na matatakasan sa bawat araw . _______ 2. Ang paggawa ay resulta ng pagkilos ng tao na may layuning makatugon sa sariling pangangailangan . _______ 3. Ang tao ay para sa paggawa at HINDI ang paggawa ay para sa tao . _______ 4. Ang panlipunang kalikasan ng paggawa ay hindi tataya sa paggawa . _______ 5. Ang pangunahing layuni ng paggawa ay pagkita ng salapi . _______ 6. Tao lamang ang may kakayahan sa paggawa . _______ 7. Ang paggawa ay isang gawain ng tao na nangangailangan ng orihinalidad , pagkukusa at pagkamalikhain . _______ 8. Ang likas na batas moral ay itinuturing na isang tungkuling kailangang isagawa nang may pananagutan . _______ 9. Ang paggawa ay isang tungkuling kailangang isagawa ng may pananagutan . _______ 10. Obligasyon at tungkulin ng tao ang paggawa .

karagdagang gawain Panuto: Sagutin ang tanong na may puso. 1. Bakit mas kailangang manaig ang subheto na aspeto ng paggawa sa obhetong aspeto ng paggawa?

Thank you for listening!
Tags