CANUMAY WEST ELEMENTARY SCHOOL AP 6 Dagohoy Mga Suliranin at Hamon Pagkatapos ng Digmaan
Mga Suliranin at Hamon Pagkatapos ng Digmaan Panuto: Isulat sa bawat kahon ang mga naging impluwensya ng Espanyol, Amerikano at Hapon sa ating bansa sa panahon ng kanilang pananakop sa Pilipinas. Mga Suliranin at Hamon Pagkatapos ng Digmaan
Basahin at unawain ang tula sa ibaba. (MARY LOUISE R. PONCE GRADE 6 – ST. MARTHA) Mga Suliranin at Hamon Pagkatapos ng Digmaan Mga Suliranin at Hamon Pagkatapos ng Digmaan
MGA SULIRANIN PAGKATAPOS NG DIGMAAN SULIRANIN KAISIPANG KABUHAYAN SA KAPAYAPAAN KOLONYAL Mga Suliranin at Hamon Pagkatapos ng Digmaan Mga Suliranin at Hamon Pagkatapos ng Digmaan
KABUHAYAN – Ang suliraning pangkabuhayan pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay ang pagtaas ng presyo ng mga pagkain at iba pang bilihin. Dahil sa mga pangyayari noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ang mga presyo ng pagkain ay tumaas dahil pagkatapos ng digmaan, nasira ang mga taniman kaya walang maaning palay at tanim ang mga Pilipino. Bukod dito, isa ring sanhi kung bakit tumaas ang mga presyo ng bilihin ay ang pagkasira ng mga daan at tulay noong digmaan. Dahil dito, nahirapan ang mga Pilipino sa transportasyon ng mga pagkain at produkto mula sa iba't ibang mga probinsya. Mga Suliranin at Hamon Pagkatapos ng Digmaan Mga Suliranin at Hamon Pagkatapos ng Digmaan
SULIRANIN SA KAPAYAPAAN – Naging malaking hamon kina Pangulong Manuel A. Roxas at Elpidio Quirino ang Samahang HUKBALAHAP na bagama’t napaalis na ang mga Hapon nagpatuloy padin sila sa pakikipaglaban sa pamahalaan. Ang Hukbong Bayan Laban sa Hapon o HUKBALAHAP ay itinatag ni Luis Taruc kasama sina Castro Alejandrino, Bernardo Poblete, at Felepa Culala sa Central Luzon. Naging suliranin sa bansa ang HUKBALAHAP sapagkat nag-alsa o nag-rebelde ito sa pamahalaan matapos mabigo ang negosasyon nila sa pamahalaan. Kinontrol ng HUKBALAHAP ang malaking parte ng Central Luzon noon. Ilan sa ginawa ng HUKBALAHAP noon ay ang panghoholdap, pagpatay, pangingikil ng mga ari-arian at iba pa. Pinatay din ng HUKBALAHAP si Aurora Quezon, ang asawa ni Presidente Manuel Quezon chairman ng Philippine Red Cross noon. Mga Suliranin at Hamon Pagkatapos ng Digmaan Mga Suliranin at Hamon Pagkatapos ng Digmaan
KAISIPANG KOLONYAL – Ang colonial mentality ay ang pagtangkilik sa kultura at pamumuhay ng ibang bansa (itinuturing na mas malakas na bansa) kumpara sa sariling kultura at pamumuhay. Maraming mga aspeto ng Pilipinas ang nagbago pagkatapos sakupin ang bansa natin. Isang halimbawa rito ay ang kultura natin matapos ang pagsakop ng mga Amerikano. Bago dumating ang mga Amerikano, wala pa tayong alam sa Ingles na salita. Nang dumating sila, ginawa nilang opisyal na salita ang Ingles. Kahit ngayon, marami pang tao ang nagsasalita ng Ingles. Mga Suliranin at Hamon Pagkatapos ng Digmaan Mga Suliranin at Hamon Pagkatapos ng Digmaan
Ang Pilipinas ay ang bansa sa Asia na may pinakamaraming nagsasalita ngIngles. Maliban sa Ingles, ang Filipino rin ay isa pa sa dalawang opisyal na salita ng Pilipinas. Ang isa pang halimbawa sa pag iiba ng ating kultura ay ang distribusyon ng mga Amerikano na pelikula, palabas, magazines at iba pa. Ang musika rin ay puro mga ingles na kanta na lamang. Kung ikinumpara mo sa OPM walang laban ang kategorya na yun. Ang kung paano tayo mag damit ay iba rin sa araw ng Kastilla. Sumikat ang pag suot ng sombrero, amerikano, long sleeves,at iba pa, nakikita pa rin ang epekto nito. Mga Suliranin at Hamon Pagkatapos ng Digmaan Mga Suliranin at Hamon Pagkatapos ng Digmaan
Kung pumunta ka sa mga pamilihan ng damit makikita mo ang iba’t ibang mga tatak galing sa Amerika. Isa sa naging epekto ng pagkakaroon ng colonialmentality ay ang higit na pagtangkilik ng mga Pilipino sa mga produktong banyaga na naging dahilan upang bumagsak ang mga produktong Pilipino sa pamilihan ng Pilipinas. Higit na mas pinahalagahan ng mga Pilipino ang mga bagay na nagmumula sa ibang bansa. Mga Suliranin at Hamon Pagkatapos ng Digmaan Mga Suliranin at Hamon Pagkatapos ng Digmaan
Tukuyin ang inilalarawan ng bawat pahayag. Isulat sa guhit bago ang bilang kung ang pangungusap ay tumutukoy sa suliraning PANGKABUHAYAN, PANGKAPAYAPAAN O KAISIPANG KOLONYAL. _______1. Nasira ang mga daan at tulay na naging sanhi ng paghirap ng komunikasyon at pagluluwas ng mga produkto. _______2. Bumagsak ang benta ng mga produktong lokal sa pamilihan ng bansa. _______3. Patuloy na tinangkilik ng mga Pilipino ang mga produktong mula sa ibang bansa lalo na ang produkto ng Amerika. _______4. Patuloy na naging suliranin ng pamahalaan ang mga rebeldeng nabuo na lumaban sa mga Hapones. _______5. Nasira ang mga taniman ng palay at gulay na naging sanhi ng pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin Mga Suliranin at Hamon Pagkatapos ng Digmaan Mga Suliranin at Hamon Pagkatapos ng Digmaan