AP10 Q1 Pagkasira ng Likas na Yaman.pptx

SaralenCatarinen 16 views 26 slides Sep 15, 2025
Slide 1
Slide 1 of 26
Slide 1
1
Slide 2
2
Slide 3
3
Slide 4
4
Slide 5
5
Slide 6
6
Slide 7
7
Slide 8
8
Slide 9
9
Slide 10
10
Slide 11
11
Slide 12
12
Slide 13
13
Slide 14
14
Slide 15
15
Slide 16
16
Slide 17
17
Slide 18
18
Slide 19
19
Slide 20
20
Slide 21
21
Slide 22
22
Slide 23
23
Slide 24
24
Slide 25
25
Slide 26
26

About This Presentation

ap 10 q1 pagkasira ng likas na yaman ppt


Slide Content

Pagkasira ng Likas na Yaman Araling Panlipunan 10 Q1 – Week 4

Habang gumagawa ang ating pamahalaan ng mga hakbangin upang mabigyang solusyon ang suliranin sa solid waste Dapat natin itong samahan ng disiplina at pakikiisa upang suliraning ito ay mabawasan at tuluyang mawala.

S A L I K A N M A N Y A

anumang bagay na nagmumula sa kalikasan katulad ng kagubatan , kabundukan , lupa at mga anyong tubig nagsisilbing batayan ng lahat ng ating pangangailangan sapagkat ito ang pinagkukunan natin ng pagkain, hilaw na materyales na pinoproseso

M A N Y A S A L I K A N

anumang bagay na nagmumula sa kalikasan katulad ng kagubatan , kabundukan , lupa at mga anyong tubig nagsisilbing batayan ng lahat ng ating pangangailangan sapagkat ito ang pinagkukunan natin ng pagkain, hilaw na materyales na pinoproseso

Ngunit sa kabila ng biyayang ipinagkakaloob sa atin ng mga likas na yaman, may mga tao pa rin na inaabuso ang paggamit nito.

Yamang Gubat Kapakinabangan : Nagsisilbing tahanan ng iba’t ibang uri ng hayop Nagbibigay ng kabuhayan sa mga tao Nakatutulong upang maiwasan ang pagguho ng lupa Nagsisilbing proteksyon sa mga watershed Nakatutulong sa mitigasyon ng climate change

DEFORESTATION Ang deforestation sa Pilipinas ay nagsimula pa noong 1500s kung saan ang dating 27 milyong ektarya ng kagubatan ay naging 7.2 milyong ektarya na lamang (Philippine Climate Change Commission, 2010).

DEFORESTATION Ang paghahawan ng kagubatan o deforestation ay tumutukoy sa matagalan o permanenteng pagkasira ng kagubatan dulot ng iba’t ibang gawain ng tao o ng mga natural na kalamidad (FAO,2010).

Dahilan Illegal logging - ilegal na pagputol sa mga puno sa kagubatan . Nakapagdudulot ng pagbaha , pagguho ng lupa at pagkasira ng tahanan ng mga ibon at hayop . Migration - tumutukoy sa paglipat ng mga tao sa ibang lugar upang doon manirahan K aingin (slash-and-burn farming) na nagiging dahilan ng pagkakalbo ng kagubatan at pagkawala ng sustansya ng lupain Mabilis na pagtaas ng populasyon L and conversion Fuel wood harvesting - ang paggamit ng puno bilang panggatong. N agiging dahilan ng pagputol ng mga puno sa kagubatan Ilegal na Pagmimina Pagputol sa mga puno upang maging maayos ang operasyon ng pagmimina Epekto

Ang paglala ng mga suliraning dulot ng climate change ay iniuugnay rin sa deporestasyon dahil sa epekto nito sa carbon cycle. Tumitindi ang init na nararanasan dahil wala ng punong nagbabalanse sa lamig at init. Ang mga mahihirap na umaasa sa kagubatan ang higit na apektado ng deforestation. Ang patuloy na pagliit ng forest cover ay nagpapaliit din sa pinagkukunan nila ng kabuhayan .

Mga Programa at Pagkilos upang Mapangalagaan ang Yamang Likas RA 2706 Itinatag ang Reforestation Administration RA 7586 National Integrated Protected Areas System Act of 1992 RA 9072 National Caves and Cave Resources Management and Protection Act RA 9175 The Chainsaw Act RA 115 Muling sumigla ang mga gawain para sa reforestation PD 1153 Ipinag-utos sa lahat ng mamamayang 10 taon pataas na magtanim ng 12 seedling bawat taon sa loob ng 5 taon EO 277 Ipinagbawal ang illegal logging sa bisa nito

Pagmimina o Mining ang gawain kung saan ang iba’t ibang mineral tulad ng metal, di-metal, at enerhiyang mineral ay kinukuha at pinoproseso upang gawing tapos na produkto

Pagmimina o Mining

Masamang Dulot ng Pagmimina : Ang mga ilog , lawa at iba pang anyong tubig ay nakokontamina at nalalason . Ang mga minahan sa mga lugar na may mataas na banta ng pagguho ay nagdudulot ng trahedya .

Mga Batas Tungkol sa Pagmimina Philippine Mineral Resources Act of 2012 Tinitiyak nito ang pantay- pantay na benepisyong maibibigay ng pagmimina sa estado ng Pilipinas , sa mga katutubo , at sa mga lokal na komunidad . Philippine Mining Act Ang batas na ito ay nilikha upang masubaybayan ang operasyon ng pagmimina sa buong bansa kasabay ng pangangalaga sa kalikasan . EO 79 Ipinatupad ito upang mapagtibay ang proteksiyong pangkapaligiran , masuportahan ang responsableng pagmimina , at makapagbigay ng karampatang revenue-sharing scheme kasabay ng paglago ng industriya ng pagmimina .

pagku-quarry ang paraan ng pagkuha ng mga bato , buhangin , graba at iba pang mineral mula sa lupa sa pamamagitan ng pagtitibag , paghuhukay , o pagbabarena Quarrying 0 pagka - quarry

tabing dagat. Ginagamit sa paggawa ng mga gusali, kalsada, tulay, bahay, at marami pang iba ang mga bagay na nagmumula sa pagku-quarry. Ginagawa ang pagku -quarry sa mga bundok at sa mga tabing dagat . Ginagamit sa paggawa ng mga gusali , kalsada , tulay , bahay , at marami pang iba ang mga bagay na nagmumula sa pagku -quarry. Quarrying 0 pagka - quarry

Dito nanggagaling ang mga kagamitang panangkap na kinakailangan sa pagpapagawa ng mga pasilidad at serbisyo sa mga komunidad Kabutihang Dulot ng Quarrying Nagbibigay ng trabaho , partikular sa mga inhinyero , mekaniko at iba pa at sa negosyo partikular sa konstruksyon .

Polusyon sa hangin na dulot ng alikabok at usok na nagmumula sa quarry site. Di - Kabutihang Dulot ng Quarrying Maaaring pagmulan ng mga sakit sa baga . Pagkasira ng katubigan dahil sa mga basura o quarry waste na naitatapon dito. Pagkasira ng biodiversity at ecological balance.

Ang Pilipinas ay sagana sa likas na yaman . Marami tayong kapakinabangan na makukuha mula rito . Ngunit tayo rin ang nagiging dahilan ng pagkasira at pagkaubos nito . Sa mga isyu ng deforestation, mining at quarrying, tandaan na hindi dapat natin ipagsawalang-bahala ang epektong dulot nito sa ating bansa. MANILA

Isulat sa graphic organizer ang mga dahilan ng pagkasira ng likas na yaman na iyong natutuhan mula sa tekstong binasa kabilang ang mga dahilan at epekto nito at kung ano ang ginagawa ng pamahalaan para lutasin ito .

Pamprosesong Tanong :

PowerPoint Link https://bit.ly/Mam_Eve_AP10_Q1_LY

SALAMAT! ~ Ma’am Eve