Nasusuri ang pamahalaang kolonyal ng mga Amerikano. Natatalakay ang mga Komisyong ipinadala ng Amerika sa Pilipinas.
U ri ng Pamahalaan sa Panahon ng Amerikano
2. Ang pakikialam ng Estados Unidos sa himagsikan sa Cuba ang nagbigayhudyat sa pagdating ng Amerikano sa Pilipinas . 3. Tumindi ang alitang Amerikano -Pilipino nang sumabog ang Maine, isang barkong pandigma ng mga Amerikano .
4. Unang ipinahayag ang kasarinlan ng Pilipinas noong Hulyo 12, 1895 sa Kawit , Cavite. 5. Ang Saligang Batas ng Malolos ang pinakamahalagang nagawa ng Kongresong Panghimagsikan .
Mga Komisyon na Ipinadala ng Amerika sa Pilipinas
Panuto : Lagyan ng bilang 1 hanggang 5 ang sumusunod na pangyayari ayun sa tamang pagkasunod-sunod nito . __________ 1. Bumagsak sa mga kamay ng Amerikano ang Malolos. __________ 2. Nagsimula ang digmaan ng Estados Unidos laban sa España .
__________ 3. Itinatag ang Unang Republika sa Malolos. Hindi ito kinilala ng mga Amerikano . __________ 4. Naganap ang makasaysayang laban sa Look ng Maynila na nag- udyok sa Estados Unidos na sakupin ang Pilipinas . __________ 5. Pinatay ng sundalong si William Walter M. Grayson ang isang kawal na Pilipino na naging hudyat sa pagsisimula ng Digmaang Pilipino- Amerikano .
Nagkaroon na rin ba ng pagkakataong ipinagtanggol mo ang iyong bayan? Ano ang iuyong ginawa ?
Ito ay ang kasunduang nilagdaan ng mga pinuno ng Estados Unidos at ng España . Isa itong kasunduang pangkapayapaan na : nagtatadhana sa paglilipat ng Español ng pamahalaan sa Estados Unidos pagtanggap ng España ng dalawampung milyong dolyar mula sa Estados Unidos paggagarantiya ng Estados Unidos na makapapasok ang kalakal ng España sa Pilipinas sa loob ng sampung taon
4. pag-alis ng mga Español sa Cuba 5. paglilipat ng pamahalaan ng Guam at Puerto Rico sa Estados Unidos 6 . masusing pagpapasiya ng Kongresong Amerikano sa mga karapatang pampulitika at pansibiko ng mga mamamayan ng mga inilipat na teritoryo .
Bago pa man ipinagtibay sa Estados Unidos ang kasunduang ito , tumutol na ang mga Pilipino sa kasunduang pangkapayapaan . Iba’t iba ang pananaw ng mga Amerikano sa di pagsang-ayon sa kasunduan .
S agutin Natin Bakit kaya pinagtibay ng Senado ng Amerika ang Kasunduan sa Paris? Ano kaya ang plano ng Estados Unidos sa mga Pilipino? Paano kaya nagsimula ang labanan sa pagitan ng Pilipino- Amerikano ?
TANDAAN Ang Komisyon ng Estados Unidos sa Pilipinas Bumuo si Pangulong McKinley ng komisyong ipinadala sa Pilipinas upang makatulong sa pamamahala ng kapuluan . Unang ipinadala ang Komisyong Shurman. Kasunod nito ang Komisyong Taft, na binigyan ng kapangyarihang maging tagapagbatas at ng limitadong kapangyarihang tagapagpaganap .
Ang Komisyong Schurman Binuo noong Enero,1899 ang kauna-unahang komisyong ipinadala sa Pilipinas . Tinawag itong Komisyong Schurman, alinsunod sa ngalan ng tagapangulo nito na si Dr. Jacob Schurman, presidente ng Unibersidad ng Cornell sa Estados Unidos. Ang mga miyembro ng komisyon ay sina Almirante George Dewey; Heneral Elwell Otis, gobernador-militar sa
Pilipinas , Charles Denby, dating ministro ng Estados Unidos sa Tsina ; at Dean Worcester, isang propesor sa Unibersidad ng Michigan. Layunin ng komisyon na magsiyasat at alamin ang kalagayan ng Pilipinas na magagamit na batayan ng mga planong pagbabagong gagawin ng Amerika at magmungkahi ng mga patakarang paiiralin sa Pilipinas .
Ang Komisyong Taft Noong Marso 16, 1900, bumuo si Pangulong McKinley ng panibagong komisyon upang maisakatuparan ang mga rekomendasyon ng Komisyong Schurman. Itinalaga niya bilang tagapangulo ng ikalawang komisyon ang Amerikanong hukom na si William Howard Taft, kasama sina Dean Worcester, Luke Wright, Henry Ide, at Bernard Moses bilang
mga kasapi . Tinawag na Komisyong Taft, ang komisyon ay ipinadala ng Estados Unidos upang mangasiwa sa itatatag na pamahalaang sibil at ihanda ang mga Pilipino sa pamamalakad ng pamahalaan . Binigyan din ito ng kapangyarihang magsagawa ng mga batas na nakatutok sa pagpapaunlad ng ekonomiya , edukasyon , agrikultura , pagbubuwis ;
Gabay na Tanong : 1. Bakit itinuturing na madilim na bahagi sa kasaysayan ng bansa ang 1907 hanggang 1919? 2. Bakit nagpadala ng mga Misyong Pangkalayaan ang mga Pilipino sa Estados Unidos? 3. Anu- ano ang epekto ng ipinatupad na mga batas at patakaran ng mga Amerikano sa mga Pilipino? 4. Paano naapektuhan ng malayang pangangalakal ang ekonomiya ng Pilipinas ?
Nakabuti ba sa atin bilang isang bansa ang impluwensiya ng mga Amerikano? Paano?
Hanapin sa kahon ang tamang sagot sa bawat tanong. Pamahalaang Militar Komisyong Taft Komisyong Schurman William Howard Taft Jacob Shurman
1. Anong uri ng pamahalaan ang unang itinatag ng mga Amerikano ? 2. Sino ang namuno sa kauna-unahang komisyong ipinadala ng mga Amerikano sa Pilipinas ? 3. Sino ang tagapangulo ng komisyon na naging unang gobernador - heneral ng Amerika sa Pilipinas ?
4. Anong komisyon ang ipinadala sa Pilipinas upang magsiyasat sa kalagayan nito at magmungkahi kung ano ang angkop na paraan sa pamamahala rito ? 5. Anong komisyon ang nangasiwa sa pagtatatag ng Pamahalaang Sibil at naghanda sa mga Pilipino sa pamamahala sa bansa ?
Natatalakay ang patakarang pasipikasyon at kooptasyon ng pamahalaang Amerikano.
BALIKAN NATIN Alin sa mga pangungusap ang nagsasaad ng mga dahilan g pananakop ng mga Amerikano sa Pilipinas ? 1. Nais ng mga Amerikano makapag-asawa ng mga Pilipina . 2. Interesado sila sa mga hilaw na sangkap at ibang produkto ng Pilipinas upang lalong umunlad ang kanilang ekonomiya .
3. Nais nilang ipalaganap ang Kristyanismo kaysa Protestanismo . 4. Nais nilang sakupin ang Pilipinas dahil sa mga malawak na lupain upang gawing Base Militar. 5. Upang mapabilis ang labas pasok ng malalaking barko ng Amerikano sa ating dalampasigan .
Patakarang Pasipikasyon
Ang Patakarang Pasipikasyon ay naglalayon na mapanatili ang kapayapaan at kaayusan ng bansa . Ang mga gawain na nag- uugnay upang umigting ang nasyonalismo sa Pilipinas ay iniiwasan nito upang masupil ang paghihimagsik at paglaban ng mga Pilipino sa pamahalaan ng Estados Unidos.
Patakarang Kooptasyon
Ito naman ay ipinatupad para sa mga Pilipinong agad pumayag na maging tapat na maglingkod at sumang-ayon sa mga Amerikano . Sa mga Pilipinong nakiisa sa mga Amerikano , ito ay isang mabuting paraan para sa mga nagtitiwala sa pamahalaan ng Estados Unidos.
Patakaran ng Malayang Kalakalan
Ayon sa Batas Payne- Aldrich, hindi magbabayad ng buwis ang mga produkto na nanggagaling sa Pilipinas subalit ito ay may itinakdang dami o quota sa pagluluwas o pag-aangkat nito sa Estados Unidos. A ng mga produktong mula sa Pilipinas na inaangkat ng Estados Unidos ay walang buwis at walang itinatakdang dami o quota.
Epekto ng Malayang Kalakalan
Dahil sa malayang kalakalan , nahumaling ang mga Pilipino sa mga produktong galing sa Estados Unidos . Nagkaroon ng pag-iisip na dayuhan o Colonial Mentality ang mga Pilipino. Nakalimutan na ng mga Pilipino ang pagmamahal sa sariling atin at ang pagiging Pilipino
Gabay na Tanong : 1. Ano ang mga patakarang pinatupad noong panahon ng mga Amerikano ? 2. Paano ito nakaapekto sa mga Pilipino? 3. May epekto ba ang malayang kalakalan sa ating bansa ? Sa paanong paraan ?
Pangkatang Gawain Pangkat 1: Dula- Dulaan Magpakita ng maiksing konbersasyon na nagbabatikos sa pamahalaang Amerikano . Hal: Nag uusap tungkol sa kalupitan ng Amerikano . Nagpplano kung paano labanan ang mga ito .
Pangkatang Gawain Pangkat 2 Iguhit ang pambansang watawat ng Pilipinas sabay ipakita ang pagwagayway nito .
Pangkatang Gawain Pangkat 3 Suriin ang mga larawan 1,2,3. Paano nakamit ang mga parusang ito ? Itala ang kanais nais na mga ginawa ng mga tao upang maparusahan katulad ng mga nasa larawan .
Pangkatang Gawain Pangkat 4 Isalin sa ingles ang mga sumusunod na salita. Gamitin ito sa pangungusap.
Nakabuti ba sa atin bilang isang bansa ang impluwensiya ng mga Amerikano? Paano?
Piliin ang titik ng tamang sagot . 1. Ito ay patakarang nagbabawal sa mga Pilipno sa pagsasalita , pagsusulat at pagtangkiliksa paghihiwalayng mg aPilipinosa mga Amerikano a. Patakarang Kooptasyon b. Patakarang Pasipikasyon c. Patakarang Kolonyal d. Pakatarang Amerikano
2. Ang mga Amerikano ay pumayag kaagad na manumpa ng katapatan sa mga Amerikano . a. Patakarang Kooptasyon b. Patakarang Pasipikasyon c. Patakarang Kolonyal d. Pakatarang Amerikano
3. Dahan dahang pagpalit ng mga Pilipino sa mga Amerikanong nasa pamahalaan . a. Patakarang Kooptasyon b. Patakarang Pasipikasyon c. Patakarang Kolonyal d. Pakatarang Amerikano
4. Sa panahon ng Amerikano , isa sa ipinagbabawal na iwagayway ang bandila ng Pilipinas . Anong batas ito ? a. Reconcentration Act 1903 b. Flag Law 1907 c. Sedition Law 1901 d. RA 9155
5. Bawal ang pagpapahayag ng pagsulong ng Kalayaan ng Pilipinas . Tumutukoy ito sa ________. a. Sensura ng pamamahayag b. Kaparusahan c. Pagkakulong d. Katapatan
Nasusuri ang sistema at balangkas ng pamahalaang itinatag ng mga Amerikano sa bansa.
BALIKAN NATIN Ano ang iba’t ibang uri ng patakaran noong panahon ng mga Amerikano ? Ibigay ang mga pagkakaiba nito .
Suriin ang larawan . Ano ang iyong nakikita sa larawan ? Ano ang papel na ginagampanan nito sa ating bansa ?
Pamahalaang Militar
Nang mailipat ng mga Espanyol sa mga Amerikano ang Pilipinas , pinairal kaagad nila ang isang Pamahalaang Militar. Inatasan ng pangulo ng Estados Unidos si Heneral Wesley Merritt na manungkulan sa Pilipinas bilang unang gobernador-militar . Binigyan si Merritt ng kapangyarihang tagapaghukom , tagpagbatas , at tagapagpaganap .
Tinutulan ito ni Heneral Emilio Aguinaldo ngunit hindi siya pinakinggan . Ipinagpatuloy ng mga Pilipino ang pagtatatag ng Unang Republika ng Pilipinas ngunit hindi naman ito kinilala ng Amerika kaya nagkaroon ng digmaan .
Pamahalaang Sibil
Noong taong 1901, naitatag ng mga Amerikano ang Pamahalaang Sibil sa Pilipinas . Ito ay batay sa batas na tinatawag na Susog -Spooner. Ito ay pinagtibay ng kongreso ng Amerika. Ayon dito , ang pangulo ng Amerika ay binigyan ng kapangyarihang magtayo ng Pamahalaang Sibil sa Pilipinas . William Howard Taft Gobernador-Heneral ng Pamahalaang Sibil John C. Spooner Senador na nagpanukala ng Susog Spoon
Layunin ng Pamahalaang Rebolusyonaryo ang ipagpatuloy ang pakikipaglaban ng Pilipinas para sa kalayaan at ihanda ang bansa upang maitayo ang isang Pamahalaang Republika . Matapos mapagtibay ang Saligang Batas ng Kongreso , ipinalabas sa Malolos ang proklamasyon ng Republika noong Enero 23, 1899.
Inihalal si Emilio Aguinaldo bilang pangulo ng Republika ng Pilipinas ayon sa tadhanang ipinagtibay sa Saligang Batas. Si Pedro A. Paterno ang naging Pangulo ng Kongreso . Kaagad na nanumpa si Aguinaldo bilang Pangulo ng Unang Republika ng Pilipinas . Hangad ni Aguinaldo na maipabatid sa ibang bansa ang kalayaang pagsasarili ng Pilipinas . Kasabay nito , lumikha siya ng mga lupon pangdiplomasiya sa labas ng bansa .
Ang layunin nito ay para makipag-ugnayan sa ibang bansa upang maglarawan ng magandang kalagayan ng Pilipinas . Itinatag ang Hong Kong Junta na ang mga kasapi ay kumakatawan sa iba’t-ibang bansa . Kabilang sa mga nahirang ay sina : • Felipe Agoncillo - kinatawan para sa America; • Antonio Regidor- kinatawan para sa England; • Edilberto Zarcal - kinatawan para sa Australia; at • Mariano Ponce, Faustino Lichauco , Juan Luna, • Pedro Roxas - mga kinatawan para sa Japan
Panuto: Tama o Mali. Isulat ang TAMA kung ang pahayag ay tama at MALI naman kung ito ay mali . Salungguhitan ang pahayag na mali at isulat ang tamang sagot sa kahon . 1. Republika Filipina ang pormal na tawag sa Unang Republika ng Pilipinas . 2. Ang Pamahalaang diktatoryal ang dahilan kung bakit tinawag na Pangulo si Aguinaldo. 3. Binubuo ng 90 na mga kinatawan ng Kongreso ng Malolos. 4. Ehekutibo , Lehislatura at Hudikatura ang mga sangay ng pamahalaan ng Unang Republika . 5. Si Pedro Paterno ang tagapayo ni Emilio Aguinaldo.
Nakikita pa rin ba ang mga ugaling ipinakita nina Aguinaldo at Mabini sa kasalukuyang lider sa bansa ? Pangatwiranan .
Paano nakaapekto ang pagsasagawa ng Unang Republika ng Pilipinas sa relasyon nito sa mga banyagang kolonyal na kapangyarihan , lalo na sa Estados Unidos?
GAWIN NATIN Panuto: Alamin kung ano ang tinutukoy sa bawat bilang . Piliin ang sagot sa loob ng kahon . A. Enero 25, 1898 F. Pedro Paterno B. Hunyo 12, 1898 G. Hunyo 23,1898 C. Mayo 24, 1898 H. Apolinario Mabini D. Felipe Agoncillo I. Antonio Regidor E. Setyembre 15,1898 J. Abril 21,1898
1. Unang ipanahayag ang kasarinlan ng bansang Pilipinas 2. Itinatag ni Aguinaldo ang isang Pamahalaang Diktatoryal 3. Pinasinayaan sa simbahan ng Barasoain sa Malolos, Bulacan ang Kongreso ng Malolos 4. Namuno sa Kongreso sa Malolos 5. Dumating ang barkong pandigmang Maine ng Estados Unidos sa Havana, Cuba
6. Nagsilbing tagapayo ng pangulo sa mga bagay na may kaugnayan sa kapakanan ng mga mamamayan 7. Pinalitan ni Emilio Aguinaldo ang Pamahalaang Diktatoryal ng Pamahalaang Rebolusyonaryo ayon sa payo ni Apolinario Mabini. 8. Pagsabog ng barkong Maine 9. Kinatawan ng America sa samahang Hong Kong Junta. 10.Kinatawan ng England sa samahang Hong Kong Junta.
Nasusuri ang pakikibaka ng mga Pilipino sa panahon ng Digmaang Pilipino-Amerikano • Unang Putok sa Panulukan ng Silencio at Sociego, Sta. Mesa • Labanan sa Tirad Pass • Balangiga Massacre
Balikan Natin : Ano pagkakaiba ng mga kababaihan noon at ngayon ?
Ipahayag ang iyong damdamin at opinyon sa ginawang partisipasyon ng mga kababaihan na nagbuwis ng buhay sa pakikipaglaban sa rebolusyong Pilipino. 1. Ang aking naramdaman ng nakipaglaban ang mga kababaihan sa rebolusyon ay _______________. 2. Para sa akin, ang ginawang pakikipaglaban nina Teresa Magbanua at Trindad Tecson sa mga Espanyol ay __________________. 3. Sa aking palagay , marapat na pahalagahan ang mga kababaihang naglaan ng buhay sa rebolusyon sapagkat ___________________.
Paggawa ng Tula Panuto: Sumulat ng isang maikling tula tungkol sa naging partisipasyon ng mga kababaihan sa rebolusyong Pilipino.
Nakasusulat ng sanaysay kung paano maipakikita ang maalab na pagmamahal sa bayan tulad ng ginawa ng mga kababaihan sa panahon ng rebolusyong Pilipino.
PERFORMANCE TASK #3 Sumulat ng sanaysay kung paano maipakikita ang maalab na pagmamahal sa bayan tulad ng ginawa ng mga kababaihan sa panahon ng rebolusyong Pilipino.