Magandang Umaga! Welcome sa AP9 Virtual Class! Dito lang yan sa GAIN CHRISTIAN ACADEMY, kung saan ang pagkatuto ay dire-direcho.
Limitadong pinagkukunang-yaman Pangangailangan at Kagustuhan Kakapusan
Aralin 1 Ang Pangangailangan at Kagustuhan
Sa araling ito ay sasagutin natin ang sumusunod na tanong: Bakit mahalagang maunawan ang kahulugan ng pangangailangan at kagustuhan? Ano ang kaibahan ng pangangailangan sa kagustuhan?
Paano maituturing na pangangailangan ang isang bagay? Paano maituturing na kagustuhan ang isang bagay? Ano ang kaibahan ng pangangailangan at kagustuhan?
Ang pangangailangan ay tumutukoy sa mga bagay na kailangan ng mga tao upang mabuhay
Ang kagustuhan ay ang mga bagay na minimithi ng isang tao upang gumanda at sumaya ang kaniyang buhay. Mahalaga rin ang kagustuhan sa pamumuhay ng isang tao sapagkat ito ay maaaring magsilbing motibasyon para sa paggawa ng iba’t ibang gawaing panlipunan at pakikilahok sa mga gawaing pang-ekonomiko
Paglalarawan sa economic man Sa pagtingin sa pangangailangan at kagustuhan bilang bahagi ng ekonomiya, kailangangang maintindihan ang konsepto ng economic man, isang imahen ng tao na gumaganap ng mga gawaing nakapagpauunlad sa kaniyang pamumuhay. Ayon sa mga ekonomista, ang konsepto ng economic man ay nagpapaliwanag na ang pagtingin sa mga pangangailangan at kagustuhan ay dapat na nakabatay sa pagkamit ng pinakamalaking oportunidad, kasiyahan, at utility mula sa mga ito.
Dahil ang pangangailangan at kagustuhan ng tao ay hindi natatapos, kailangan ding magkaroon ng mga pang-ekonomiyang adaptasyon na tutugon sa mga ito nang hindi naisasantabi ang balanseng takbo ng ekonomiya.
Ang pangangailangan at kagustuhan ng mga tao ang siyang nagpapatakbo sa ekonomiya.
Mahalagang maunawan ang kahulugan ng pangangailangan at kagustuhan dahil pinapatakbo ng mga ito ang ekonomiya at pamilihan. Hindi kailangan ng tao ang kaniyang mga kagustuhan upang mabuhay.
Ang pangangailangan ay tumutukoy sa mga bagay na kailangan ng mga tao upang mabuhay. 1 2 Ang kagustuhan ay tumutukoy sa mga bagay na minimithi ng isang tao upang gumanda at sumaya ang kaniyang buhay.
Napansin ba ninyo na tumataas ang presyo ng gulay at bigas tuwing bumabagyo? Ipaliwanag kung bakit ito nangyayari gamit ang mga konsepto ng pangangailangan at kakapusan. Takdang Aralin