Araling Panlipunan 6( Quarter 1, Week 3, Day 2 Ikatlong Linggo (AP6PMK-Ic-5) Pamantayang Nilalaman (Content Standard ) Naipapamalas ng mapanuring pag-unawa at kaalaman sa bahagi ng Pilipinas sa globalisasyon batay sa lokasyon nito sa mundo gamit ang mga kasanayang pangheograpiya at ang ambag ng malayang kaisipan sa pag-usbong ng nasyonalismong Pilipino . Pamantayan sa Pagganap (Performance Standard ) Naipapamalas ang pagpapahalaga sa kontribusyon ng Pilipinas sa isyung pandaigdig batay sa lokasyon nito sa mundo Pamantayan sa Pagkatuto (Learning Competencies) 5.2 Naipapaliwanag ang ambag ng Kilusang Propaganda sa pagpukaw ng damdaming makabayan ng mga Pilipino ( hal . L Liga Filipina, Asociacion Hispano Filipino)
Sanggunian Kultura , Kasaysayan at kabuhayan 6, Vival Pub. House, Inc. K to 12 Edisyon Philippine History for Elementary Schools Wikepedia Google images
Layunin (Lesson Objectives ) Cognitive- Natutukoy ang mga ambag ng Kilusang Propaganda sa pagpukaw ng damdaming makabayan ng mga Pilipino. Affective- Napahahalagahan ang mga ambag ng Kilusang Propaganda sa pagpukaw ng damdaming Makabayan ng mga Pilipino. Psychomotor- Nakasusulat ng talaarawan ukol sa mga ambag ng Kilusang Propaganda. Paksang Aralin (Subject Matter ) Kilusang Propaganda
Tayo nang magbalik-aral : Sagutin ng buong husay ang mga katanungan kaugnay sa nakaraang talakayan . Ano ang Sekularisasyon ? Ano-ano ang dalawang uri ng mga pari sa panahon ng kolonyalisasyon ? Bakit naging isyu ang sekularisasyon ? Ano ang naging bunga ng sekularisayon sa mga parokya nang ang mga paring regular ang pumalit sa mga paring sekular sa pamamahala sa parokya ? Bakit naganap ang Cavite Mutiny? Saan humantong ang pakikipaglalaban ng mga sundalong Pilipino sa Cavite laban sa mga Espanyol ?
Tayo’y maglaro : Pinoy Henyo Pahulaan sa mga bata ang ilang mga bayaning Pilipino na nakilala sa paghihimagsik laban sa mga Kastila . Ilawaran ang kanilang mga katangian o kontribusyon upang mahulaan ng mga bata kung sino ang tinutukoy . Jose P. Rizal Marcelo H. del Pilar Graciano Lopez Jaena Juan Luna Pedro A. Paterno Dominador Gomez Iba pang mga Propagandista
Pag-uugnay ng Paggarote sa Pagkakatatag ng Kilusang Propaganda Ang pagkakabitay sa tatlong paring martir na sina Mariano Gomez, Jose Burgos at Jacinto Zamora noong Pebrero 17, 1872 ay itinuturing na dahilan upang umigting ang paghihimagsik ng mga Pilipino laban sa mga Kastila . Ang sinapit ng mga alagad ng simbahan ay di malayong sapitin ng mga pangkaraniwang Pilipino. Ito ang dahilan kung nagpursige o nagsumikap ang mga Pilipinong lumaban kahit sa anomang paraang kanilang naisin . Ang pangyayari ay nakaabot sa kaalaman ng mga Pilipinong iskolar na sa mga panahong iyon ay nasa Espanya upang magpakadalubhasa sa napili nilang propesyon .
Pag-uugnay ng Paggarote sa Pagkakatatag ng Kilusang Propaganda Dahil sa karumal-dumal na pggarote sa tatlong paring martir , patuloy na umusbong ang nasyonalismong Pilipino. Nagkaroon ng mga bagong pananaw ang mga ilustrado ( mga Pilipinong naka-aangat sa buhay ) sa mga pangyayari sa bansa . Ang mga epekto nito ay naging dahilan upang itatag ang Kilusang Propaganda. Ang mga Pilipinong iskolar at mga Pilipinong ipinatapon sa Hongkong , London, Madrid, at Barcelona ay nagtipon-tipon upang itatag ang Kilusan . Ang Kilusang Propaganda ay isang kilusang naghimagsik sa tahimik na pamamaraan . Ang talas ng isipan , kahusayan sa panulat , pagbigkas o pananalumpati , galing sa sining at pamamahayag ay ginamit na kasangkapan upang gisingin ang natutulog na kamalayan ng mga Pilipino sa kung ano ang tunay na kalalagayan ng bansa sa panahon ng kolonyalismo .
Mga layunin ng pagkakatatag ng kilusang propaganda Asimilayon o gawing lalawigan ng Espanya ang Pilipinas sa Asya Magkaroon ng kinatawang Pilipino sa Spanish Cortes, ang sangay tagapagbatas ng pamahalaang Spain ( Si Ventura delos Reyes ang unang kinatawan ng mga Pilipino sa Cortes noong 1812.) Pagkakapantay-pantay ng mga pilipino at Espanyol Sekularisasyon o pagbibigay ng karapatan sa mga paring Pilipino na mamuno sa mga parokya Pagkakaroon ng kalayaan sa pagsasalita , pamamahayag at pagtitipon-tipon upang maipahayag ang mga hinaing
Sino- sino ang mga naging kasapi ng Kilusang Propaganda? Nabibilang sa Kilusang propaganda ang mga ilustrado at mga Pilipino na kasapi ng gitnang uri o middle class na nag- aaral noon sa Europa. Sila ay nagkaisa sa pagsisiwalat ng mga pang- aabuso ng mga Espanyol sa mga Pilipino. Dr. Jose P. Rizal Si Dr. José Protacio Rizal Mercado y Alonzo Realonda ( 19 Hunyo 1861– 30 Disyembre 1896 ) ay isang Pilipinong bayani at isa sa pinakatanyag na tagapagtaguyod ng pagbabago sa Pilipinas noong panahon ng pananakop ng mga Kastila . Siya ang kinikilala bilang pinakamagaling na bayani at tinala bilang isa sa mga pambansang bayani ng Pilipinas ng Lupon ng mga Pambansang Bayani . Isang polimata si Rizal; maliban sa medisina , mahusay siya sa pagpinta , pagguhit , paglilok at pag-ukit . Isa siyang makata , manunulat , at nobelista na ang pinakatanyag sa kanyang mga gawa ay ang nobela ng Noli Me Tángere , at ang kasunod nitong El filibusterismo . [note 1] [3] Isa ring poliglota si Rizal, na nakakaunawa ng dalawampu't dalawang mga wika .
Sino- sino ang mga naging kasapi ng Kilusang Propaganda? Marcelo H. del Pilar Si del Pilar ang nagtatag ng Diaryong Tagalog, ang unang pahayagan sa wikang Tagalog. Ito ang pahayagang nagsiwalat ng mga pang- aabuso at katiwalian ng mga pinunong kolonyal . Naging patnugot siya ng pahayagang a Solidaridad - ang opisyal na pahayagan ng Propaganda. Nabili niya ang patnugutan ng La Solidaridad nang ang unang patnugot nito na si Graciano Lopez Jaena ay nagdesisiyong ipagbili ang patnugutan dahilan sa kakapusan ng pondo . Graciano Lopez Jaina Si Graciano ay nakilala bilang bantog na orador o mananalumpati . Dahil sa galing niya sa pagsasalita , siya ay hinangaan at nakilala sa Espanya . Ginamit niya ang La Solidaridad upang mailathala ang pang- aabuso ng mga Espanyol sa mga Pilipino.
Sino- sino ang mga naging kasapi ng Kilusang Propaganda? Juan Luna Si Juan Luna y Novicio ang nagpinta ng pamosong larawan na “ Spolarium ”. Siya ay nakilala sa buong mundo sa pamamagitan ng kanyang pinsel gaya ng pagkakilala sa kanyang mga kaibigan sa pamamagitan ng pluma at espada . Tumanyag ang pangalan ni Luna nang ginawaran ng gintong medalya ang kanyang Spolarium sa Exposición Nacional de Bellas Artes sa Madrid noong 1884. Ito binili rin ng Diputación Provincial de Barcelona sa halagang 20,000 pesetas noong 1886. Ang iba pa niyang nilikha ay ang Pacto de Sangre , Idilio , España y Filipinas , Lavandera , Escena Mariquina , Batalla de Lepanto , at iba pa.
Sino- sino ang mga naging kasapi ng Kilusang Propaganda? Iba pang naging kasapi ng Kilusang Propaganda: Mariano Ponce Jose Maria Panganiban Antonio Luna Pedro A. Paterno T.H. Pardo de Tavera Dominador Gomez Jose Aleejandrino Felix Resurreccion Hidalgo Fernando Canon Mga dayuhang umanib sa Kilusang Propaganda Miguel Morayta – Kastila Emilio Junoy – Kastila Ferdinand Blumentritt – Austrian Scientist
Kilalanin ang mga larawan
Kilalanin ang mga larawan
Iba pang kilusang itinatag upang sumuporta sa kilusang propaganda Associacion Hispano-Filipina Itinatag ang kilusan noong 1888 upang tumulong sa mga Pilipino sa paghingi ng reporma o mga pagbabago sa lipunang Pilipino mula sa mga Kastila . Si Miguel Morayta na isang Kastila ang hinirang na pinuno ng kilusan . La Liga Filipina itinatag ni Dr. Jose Rizal sa Pilipinas nang siya ay magdesisyong umuwi upang ipagpatuloy ang sinimulang pakikipaglaban ng Kilusang Propaganda.
Pagkabigong kilusang propaganda Hindi nagtagumpay ang mga Propagandista o repormista sa kanilang layunin na mabago ang pamamahala ng Spain sa Pilipinas . Hindi sila dininig ng pamahalaan ng Spain. Nabigo sila dahil sa mga sumusunod na salik : Ang Spain ay may sariling suliranin na kailangan lutasin , Dahil dito ay hindi nabigyang-pansin ang mga suliranin ng kaniyang mga kolonya . Ang pagsisikap ng mga propagandista ay hinadlangan ng mga prayle sa Pilipinas dahil sa kanilang kapangyarihan at impluwensya sa mga pinunong Espanyol Ang mga propagandista ay walang sapat na salapi upang matustusan ang mga gawain ng kilusan ; at Ang mga propagandista , bagama’t iisa ang layunin at hangarin ay walang pagkakaisa ,
Pagkabigong kilusang propaganda Bagama’t hindi nakamit ng Kilusang Propaganda ang mga layunin nito ay hindi pa rin ito maituturing bilang isang lubos na kabiguan . Ito ay dahil nagtagumpay naman ang mga Propagandista na pukawin ang damdaming nasyonalismo ng mga Pilipino
Pangkatang-gawain Pangkatin ang klase sa lima. Ang bawat pangkat ay bubuo ng timeline ng mga kaganapan sa pagkakabuo ng Kilusang Propaganda, Ipaulat ang gawa ng bawat pangkat upang mabigyan ito ng puna o reaksyon .
Paglalapat Sagutin ang tanong nang buong husay . Kung ikaw ay bibigyan ng pagkakataong maging isang Propagandista sa panahon ng kolonyalisasyon , ano pa ang hihilingin mong pagbabago mula sa Espanya . Paano mo ipagpapatuloy ang sinimulang pakikipaglaban ng mga propagandista upang hindi ito huminto sa pakikipaglaban ?
Palalahat Ano ang naibunga nga Kilusang Propaganda sa pagkamit ng mga pagbabago o reporma sa lipunang Pilipino?
Pagtataya Sagutin ang mga tanong . Ano ang Kilusang Propaganda> Ano-ano ang mga nobelang akda ni Jose p. Rizal? Ano ang opisyal na pahayagan ng Propaganda? Sino- sino ang mga dayuhang umanib sa Propaganda Anong kilusan ang itinatag ni Rizal nang magbalik siya sa Pilipinas ?
Takdang-aralin 1. Ano ang Kilusang Katipunan ? Sino- sino ang nagtatag nito ? Ano-ano ang mga layunin sa pagtatatag nito ?