1. Ano-ano ang kabuhayan ng mga Pilipino? 2. Paano nakiangkop ang mga Pilipino sa larangan ng paghahanapbuhay sa heograpiya ng Pilipinas? 3. Bakit nakabatay sa lokasyon ang pagkakaiba o pagkakatulad ng mga hanapbuhay sa Pilipinas?
Mga Produkto at Kalakal
Tulad ng hanapbuhay, magkakaiba rin ang mga pro- dukto at kalakal na nakukuha ng mga Pilipino sa kalikasan batay sa lokasyon. Bawat rehiyon ay may mga pangu- nahing produktong kanilang ipinagmamalaki.
Pinagpala ang Pilipinas sa pagkakaroon ng malalawak na lupaing angkop sa agrikultura. Dahil dito, napakaraming uri ng pananim ang tumutubo sa kalupaan ng bansa. Makikita sa talahanayan ang mga pananim at ang mga lugar na may pinakamalaking pro- duksiyon ng mga ito. Ang mga datos ay hango sa pagbibilang na isinagawa ng PSA.
Mga Produkto Page: 118
Bawat lalawigan ay mayroon ding ipinagmamalaking mga produkto. Kali- mitan ay iniuuwi ang mga ito bilang pasalubong ng mga turista. Mgay mga halimbawa ang mga lalawigan at ang kanilang mga sikat na produkto ( 119)
1. Ano-anong lalawigan ang nakapag-aambag ng pinakamalaki sa produksiyon ng palay, saging, at mais? 2. Ano ang kahulugan ng pasalubong? 3. Bakit pagsasaka ang pangunahing ikinabubuhay ng mga Pilipino?
1. Blue-collar job - ay serbisyong nangangaila ng pisikal na lakas. Mga halimbawa: magsasaka, minero, karpintero, manggagawa sa mga pabrika, at kasambahay
2. White-collar job - ay serbisyong nangangailangan ng mental na abilidad. halimbawa: doktor, guro, inhinyero, nars, abogado, at accountant
Ito ang tumutugon sa ilang pangunahing pangangaila ng mga Pilipino tulad ng pagkain, edukasyon, at kalusugan. Kailangang palawakin pa ang industriya ng serbisyo sa bansa upang lumiit ang bilang ng mga manggagawang Pilipino na nandarayuhan sa ibang bansa.
Pagawaan - ay isang industriya na lumilikha ng mga produkto na nakatutugon sa pangangailangan ng mamamayan. • Gumagamit ng mga makina ang industriya ng pagawaan upang maproseso ang mga nililikhang produkto. PAGAWAAN
1. Gatas mula sa baka ay hilaw na materyales upang makalikha ng keso 2. Katad o balat ng hayop, tela, goma at iba pa sa paggawa ng sapatos Mga halimbawa:
1. Marikina tanyag sa paggawa ng sapatos. 2. Pangasinan kilala naman sa produksiyon ng asin. 3. Pinatuyong manga sa Cebu Halimbawa ng pagawaan sa Pilipinas:
Konstruksiyon - ay tumutukoy sa pagtatayo ng mga impraestruktura. • Ilan sa mga impraestruktura ay mga bahay, gusali, pabrika, planta, ospital, at tulay. Konstruksiyon
1. Nakatutulong ito sa pagpaparami ng mga pagawaan na bubuo ng mga produkto. 2. Mahalagang instrument ito upang matugunan ang pangunahing pangangailangan ng tao. Halimbawa: ang pagpapatayo ng dam na magsisilbing imbakan ng tubig na magagamit sa panahon ng tagtuyot. Benepisyo sa industriya ng impraestruktura:
Ang industriya ng utilities ay binubuo ng mga kompaniyang tumutugon sa pangangailangan ng mga mamamayan para sa koryente, tubig, at gas. Ito ay pribadong pag-aari. Utilities
• Mahalaga ang industriya ng utilities sapa nakasalalay sa mga ito ang iba pang industriya, gaya ng pagawaan at konstruksiyon. •Hindi mapatatakbo ang mga makinang ginagamit sa paggawa ng mga produkto kung walang koryente at tubig.
1. Ano-ano ang apat na pangunahing sektor ng industriya sa Pilipinas? 2. Bakit mahalaga ang sektor ng paggawa? 3. Paano nakakatulong sa ekonomiya ang industriya ng serbisyo?
Pakikiangkop sa Kapaligiran
Ang bawat lugar sa bansa ay may iba't ibang katangian. Kaya naman, kailangang makiangkop ng mga Pilipino sa kapaligirang kinabibilangan
Mainam na taniman at pook para sa iba't ibang impraestruktura ang patag na lupain. Karaniwang mayroon itong matabang lupa at madali ang irigasyon o patubig. Maraming plantasyon o malawak na taniman ang matatagpuan sa kapatagan. Marami ring lugar ang naging lungsod at tinayuan ng mga Lungsod ng Makati, bahay, mga gusali, at mga kalsada. Karamihan sa mga impraestruktura ay ligtas na itinatayo sa patag, kompara sa lupaing matatarik. SA KAPATAGAN
Ifugaw Taglay ang natatanging paraan ng pagtatanim. May mga pananim na mas mainam ang pagtubo sa mga lugar na matataas at malalamig. Ilan sa halimbawa nito ang strawberry at carrots. Iniangkop din sa kapaligiran ang hagdan-hagdang palayan. Nilagyan ng riprap o mga bato sa estratehikong bahagi at ang estilo ng patubig ay galing sa kabundukan, pababa sa mala-hagdan na taniman.
Maraming Pilipino ang namumuhay sa pamamagitan ng pangingisda. Ginagawa ring produkto ang ilang yamang tubig, tulad ng seaweed . Sa maraming lalawigan sa gawing timog ng Pilipinas, isinasabit ang mga seaweed sa isang tali at hahayaang tumubo, bago anihin at ipagbili. Tinatayang 800 na uri ng seaweed ang pinayayabong sa mga rehiyon ng MIMAROPA , Zamboanga Peninsula, at ARMM . Ikalawa ang Pilipinas sa mundo na may pinakamaraming napoprodyus na seaweed. SA KATUBIGAN
Mahusay rin ang disenyo ng bahay para sa mga Pilipinong nani- nirahan malapit sa tabing-dagat at mismong sa anyong tubig. Nakatira ang mga Badjao sa isang bangka na nagpapalipat-lipat ng lugar upang makakuha ng makakain. Mayroon ding mga bahay na gawa sa pawid at nilalagyan ng stilt o posteng nakatindig sa ibabaw ng tubig. Makikita ang ganitong disenyo sa komunidad sa Lungsod ng Surigao.