ARALIN 1-Tanka at Haiku- Gramatika at Retorika: Mga Ponemang Suprasegmental
Naunang nagawa ang Tanka. Ikawalong siglo ito ginawa. Ito ay binubuo ng 31 na pantig na may 5 linya: 7-7-7-5-5 / 5-7-5-7-7 na pantig sa bawat taludtod. Paksa nito’y ukol sa pagbabago, pag-ibig at pag-iisa Tanka
Halimbawa ng Tanka Ako’y uhaw na = 5 Panahon ng pandemya = 7 Magtulungan na! = 5 Magandang programa = 7 Kaligtasan, mauna! = 7 Sinulat ni Dhutay A-ko’y u-haw na = 5 Pa-na-hon ng pan-dem-ya = 7 Magtulungan na! = 5 Magandang programa = 7 Kaligtasan, mauna! = 7 kabuuang pantig 31
Haiku Ika-15 siglo na ginawa. Ito ay tula ng mga Hapon. Mas maikli ang Haiku dahil may 17 bilang ng pantig na may tatlong linya lamang: 5-7-7 / 5-5-7 na pantig sa bawat linya. Paksa nito’y ukol sa kalikasan at pag-ibig.
Halimbawa ng Tanka Wala nang iba = 5 Para sa akin, sinta! = 7 Habang buhay pa. = 5 Sinulat ni Dhutay Wa-la nang i-ba = 5 Pa-ra sa a-kin, sin-ta! = 7 Ha-bang bu-hay pa. = 5 kabuuang pantig 17
Tandaan! Maaaring magkapalit-palit ang bilang ng pantig sa bawat linya o taludtod, ngunit kailangang tama ang kabuuan nito sa bawat saknong sa Haiku-17 na pantig. Halimbawa: Haiku - 17 na pantig 7-5-5 5-7-5 Tanka - 31 na pantig 7-7-7-5 5-7-5-7-7 5-5-7-7-7
Matalinghagang Salita Ito ay malalalim na mga salitang may simpleng kahulugan o di kaya’y halos walang tiyak o kasiguraduhang ibig ipaliwanag maliban sa literal na kahulugan nito. Ito ay ginagawang mga talinghaga na inuugnay sa kung ano ang ibig sabihin ng nagsasalita. Ginagamitan ng mga kasabihan, idyoma , at tayutay . May tatlong gamit ang mga salitang ito sa panitikan gaya ng tula, nobela at sanaysay .
Halimbawa Tanka Matatalinghagang Salita kahulugan Gabing nagging tahimik Bituin ang sumilip Bulaklak na sumagi Mamasdan Saglit Puso’y ngumiti ni Leah L. Lidon = Bituin ang sumilip = Puso’y ngumiti Nagbibigay liwanag masaya KAHULUGAN
Halimbawa HAIKU Matatalinghagang Salita kahulugan Dahong sumayaw Hangin ang nagpagalaw Araw dumungaw ni Leah L. Lidon = Araw dumungaw Maganda ang panahon KAHULUGAN
Uri ng Suprasegmental
Ang lakas, bigat o bahagyang pagtaas ng tinig sa pagbigkas ng isang pantig sa salita. Ang diin ay isang Ponema sapagkat sa mga salitang may iisang tunog o baybay, ang pagbabago ng diin ay nakapagpapabago ng kahulugan nito. Maaaring gamitin sa pagkilala ng pantig na may diin ang malaking titik. DIIN
a. Halimbawa ng Diin BU:hay = kapalaran ng tao bu:HAY = humihinga pa b. LA:mang = natatangi lla:MANG = nakahiigit, nangunguna
Bahagyang pagtigil sa ating pagsasalita upang higit na maging malinaw ang mensaheng ibig ipabatid sa kausap. Maaaring gumamit ng simbolong kuwing (,), dalawang guhit na pahilis (//) o gitling (-). 2. Antala/Hinto
Halimbawa ng Antala/Hinto a. Hindi/ ako si Julre. (Pagbigkas ito na ang hinto ay pagkatapos ng HINDI. Nagbibigay ito ng kahulugan na ang nagsasalita ay nagsasabing siya si Julre na maaaring siya'y napagkamalan lamang na ibang tao. b. Hindi ako, si Julre. (Pagbigkas ito na ang hinto ay nasa AKO. Pagpapahiwatig ito na ang kausap ay maaaring napagbintangan ng isang bagay na hindi ginawa. Kaya sinasabi niyang hindi siya ang gumawa kundi si Zein. C. Hindi ako si Julre. Pagbigkas ito na nasa hulihan ang hinto. Nagpapahayag ito na ang nagsasalita ay nagsasabing hindi siya si Julre.)
Tumutukoy sa pagbaba at pagtaas ng tinig na maaaring nakapagpasigla, makapagpahayag ng iba't ibang damdamin, makapagbigay kahulugan, at makapagpahina ng usapan upang higit na maging mabisa ang ating pakikipag-usap sa kapwa. Nagpapalinaw ito ng mensahe o intensiyong nais ipabatid sa kausap tulad ng pag-awit. Sa pagsasalita ay may mababa, katamtaman at mataas na tono. 3. Tono/Intonasyon
Halimbawa ng Tono/Intonasyon a. Pagsasalaysay/paglalarawan Dumating sila kanina. Maganda talaga si Julrecca. b. Masasagot ng OO o HINDI Totoo? Sila iyon, 'di ba? c. matinding damdamin Naku, may sunog! Hoy! Alis dyan! d. Pagbati- Kumusta ka? Magandang umaga po. Salamat sa iyo
Karagdagang Kaalaman..... () = nangangahulugang hilaw pa ang tono o hindi pa alam kung ano ang kahulugan ng salita. // = (pahilis na guhit) = nangangahulugang luto na ang tunog, may taglay na itong kahulugan. ? = tinatawag itong glottal stop o nangangahulugang sa pagbigkas ng salita ay waring may pumipigil sa hanging galing sa bunganga sa paglabas. Halimbawa: /SU: ka? /= vinegar
Karagdagang Kaalaman..... h = glottal fricative ay nangangahulugang sa pagbigkas ay malayang lalabas ang hangin mula sa bunganga. Halimbawa: /SU: kah/ vomit Bigyan mo ng pansin ang mga tunog na ginamit sa Tanka. Mapapansing ang tunog ng /h/ ay paulit-ulit na ginamit tulad ng Hi-sa-ka-ta-ho Hi-ka-ri-no-b-ke-ki Ha-ru-no-hi-ri Shi-zu-ko-ko-ro-na-ku Ha-na-n-chi-ru-ra-mu Tono Layunin Ang tono at damdaming nangingibaw sa tanka ay kapayapaan at katahimikon Nagpapahayag ng emosyon
Sa mga Japanese ang tunog ng /h/ ay lumilikha ng damdamin ng kapayapaan at katahimikan. Ang paghinto sa pagbigkas ng mga salitang Japanese ay hindi laging nakabatay sa kanilang mga patinig. Binibilang nilang isang pantig ang /n/ Samantalang sa pagbigkas ng Haiku, ang saglit na paghinto ay matatagpuan sa pagitan ng dalawang larawang diwa o kaisipang ipinahihiwatig sa tula tulad ng: Ha-tsu-shigu-ri Sa-ru-mo-ko-mi-no-wo Ho-shi-ge-na ri Tono Layunin Naglalahad ng unang ulan sa pagsisimula ng taglamig Pagbabago
Gawain Pumili ng isa sa sumusunod na sitwasyon: Pagbabago sa lipunan (hal. pandemya, online class, teknolohiya) Pag-ibig at pamilya Pag-iisa o pagninilay sa kalikasan Ipagpapalagay mong ikaw ay isang makata sa panahon ng Hapon. Gumawa ng maikling tula (Tanka o Haiku) na may kaugnayan sa napili mong sitwasyon.
Takdang Aralin! Panuto: Sagutin ang mga sumusunod sa inyong kuwaderno. Gumawa ng isang Tanka (5-7-5-7-7 pantig) na tumatalakay sa iyong sariling karanasan bilang mag-aaral ngayong taon. Gumawa ng isang Haiku (17 pantig, 5-7-5) na nagpapakita ng pagmamahal sa kalikasan. Magbigay ng tig-iisang halimbawa ng Diin, Antala, at Tono/Intonasyon at ipaliwanag kung paano nagbago ang kahulugan batay sa bigkas. Pagkatapos, basahin sa harap ng klase.