ARALIN 12- DOKUMENTARYO AT WASTONG BANTASpptx

LiezelLascieras1 0 views 19 slides Oct 19, 2025
Slide 1
Slide 1 of 19
Slide 1
1
Slide 2
2
Slide 3
3
Slide 4
4
Slide 5
5
Slide 6
6
Slide 7
7
Slide 8
8
Slide 9
9
Slide 10
10
Slide 11
11
Slide 12
12
Slide 13
13
Slide 14
14
Slide 15
15
Slide 16
16
Slide 17
17
Slide 18
18
Slide 19
19

About This Presentation

DOKUMENTARYO AT WASTONG BANTAS


Slide Content

Naihahayag ang sariling pananaw tungkol sa mahahalagang isyung nabatid sa napanood na pelikula Nagagamit ang kahusayang gramatikal: may tamang bantas, baybay, magkakaugnay na pangungusap/talata sa pagsulat ng isang suring-pelikula Layunin Natin

Ayon sa isang kasabihan, “Ang magandang tahanan ay hindi nakikita sa magandang gusali at mga palamuti. Nakikita ito sa kagandahan ng pagsasama ng pamilyang nasa loob nito.” Ngunit paano kung ang isang pamilya ay hindi nabigyan ng pagkakataong magkaroon ng matatawag nilang sariling tahanan? Hindi maikakaila na marami sa ating mga kababayan ang matatawag na “iskuwater” o mga illegal/informal settlers na kadalasang matatagpuan sa mga pamayanang urban. Iligal silang maituturing sapagkat hindi nila pag-aari ang lupang tinitirikan ng kanilang mga tahanan partikular na kung ang mga lupang ito ay hindi ginagamit o pinabayaan na ng may-ari o wala silang permiso o pahintulot mula sa legal na may-ari nito. Sila ang mga taong walang sariling tirahan dahil na rin sa hirap ng buhay. Simulan Natin

Ayon sa ABS-CBN News, may 30,000 pamilya lamang ang nabibigyan ng relokasyon kada taon batay sa inilabas na datos ng National Housing Authority o NHA. Ito’y dahil na rin umano sa maliit na pondong inilalaan sa kanila ng pamahalaan. Isang halimbawa na kakikitaan ng squatter area ay ang Tondo, Maynila na matatagpuan sa rehiyon ng NCR. Dito makikita ang mga tahanang halos wala nang pagitan, malaking bilang ng magkakaibang pamilya, at mga batang naglalaro sa paligid na tila ba hindi alintana ang dumi sa kanilang kapaligiran. Bilang mga batang musmos na naninirahan sa ganitong uri ng lipunan, wala silang ideya na anumang oras ay maaari silang paalisin sa lugar na kanilang nakagisnan. Sa iyong sariling palagay, “paano mabibigyan ng solusyon ang problemang ito sa mga pamilyang walang sariling tahanan?” Simulan Natin

BALIK-ARAL

1. Para kay Carol ang regalong ito. 2. Ayon sa balita, marami ang nasawi sa digmaan. 3. Alinsunod sa batas ang ginawa niyang hakbang. 4. Ang patalastas na ito ay hinggil sa mga dapat gawin upang maiwasan ang mga nakahahawang sakit. 5. Nais kang kausapin ni Juan ukol sa motorsiklong ipinagbebenta mo.   PANUTO: Tukuyin ang pang-ukol na ginamit sa bawat pangungusap.

Aktibidad: “Itapat Mo!”

PANUTO: Hanapin sa Hanay B ang tinutukoy sa Hanay A. 1. Kilala rin bilang sine at pinilakang tabing. Ito ay isang larangan na sinasakop ang mga gumagalaw na larawan bilang isang anyo ng sining o bilang bahagi ng industriya ng libangan. 2. Mga taong naninirahan sa lupa na pag-aari ng ibang tao partikular na kung ang lupa ay hindi ginagamit o pinabayaan na ng may-ari. 3. Tawag sa paglipat ng puwesto o lugar ng mga informal settlers . 4. Ito ay isang sikat na larong pambata na ang manlalaro ay nagtatago sa paligid upang hanapin ng taya na pipikit at bibilang hanggang tatlo o kahit anumang bilang. 5. Isang pangkat ng mga taong may hanapbuhay o trabahong nangangalaga ng katahimikan at kaayusan, pagpapatupad ng batas, mag-imbistiga ng mga krimen, at pagbibigay ng proteksiyon.   A. kapulisan B. Taguan o tagu-taguan  C. Pelikula D. Iskuwater E. Relokasyon

“TAYA!” isang maikling pelikula ng Cinemalaya. unang ipinalabas noong 2013 nina Adi Bontuyan at Francis Beltejar.

Tungkol saan ang napanood mong pelikula? 1

Anong problema o suliranin ang masasalamin sa napanood na pelikula? 2

Anong naramdaman mo pagkatapos mapanood ang pelikulang “TAYA? 3

Sa iyong palagay, bakit marami pa ring Pilipino ang nakatira sa mga squatters area? 4

Paano mabibigyan ng solusyon ang problemang anumang oras ay maaaring paalisin sa lugar na kanilang nakagisnan ang mga pamilyang walang sariling tahanan? 5

FILIPINO ARALIN 12 GRADE 8 TP 2021 - 2022

IBAHAGI MO!

Wastong Gamit ng Bantas Ano-ano ang iba’t ibang uri ng bantas? Bakit mahalagang isaalang-alang ang wastong paggamit ng bantas sa pagsusulat?

WASTONG GAMIT NG MGA BANTAS . , ? ! ; - : “ ” ( ) ‘ Panuto: Ibigay ang mga sumusunod na tuntunin sa bawat bantas.

MARAMING SALAMAT!